Chapter 3 - NO MAN IS AN ISLAND

2391 Words
Kinaumagahan ay nagumpisa na kaming mag-aral. Kasama ko ang ilan sa mga kahahanap lang sabi ni Rein. "Ngayon. Titignan natin kung saan ba kayo marunong." "Sa pamamagitan nito, malalaman natin ang abilidad niyong nasainyo na." Wika ni Rein. Sa aming harapan ng mga kasama ko ay may lamesa na may iba't ibang armas. Nakahilera kaming lahat at isa-isa raw kaming susubukan ang mga armas na nasa lamesa. Pinanood ko ang mga nauna saakin hanggang sa ako na ang susunod. Napalunok ako dahil sa mga nandito saaking harapan. Parang titignan pa lamang sila'y masusugat na ako dahil sa talim nila. Nagumpisa ako sa pagpana dahil ito ang nasa dulo. Pagtira ko'y hindi man lang umabot sa kahoy na dapat kong tamaan kaya natawa ang mga lalaking nasa likuran ko. Umirap naman ako dahil sakanila. Sinunod ko ay ang parang star. Ibinato ko ito sa kahoy na dapat kong tirahin ngunit hindi ito umabot. Tumango si Rein at tinignan ang susunod na armas na nagsasabing umpisahan ko na. Sinunod ko ang punyal atsaka ulit ito ibinato. Hindi ulit ito tumama kaya nanaman natawa ang mga lalaki. Ang sinunod ko ay ang espada kahit ang latigong gawa sa kadena ang nauna. Nagpunta ako sa kahoy na parang tao atsaka doon naghanda. Ipinindot niya ang pulang bagay atsaka na nagumpisang gumalaw ang parang taong nasa harapan ko. Napaatras ako at nawala sa linya kaya niya ito itinigil. "Dapat mo itong iwasan gamit ang espadang hawak mo. Ano na lamang ang kwenta nito kung hindi mo gagamitin?" "Pasensya na po." Aniko at nagumpisa na ulit. Iniwasan ko ang mga tira nito gamit ang espadang hawak ko. Kahit medyo naiilang at nahihiya ako ay inilagay ko pa rin ang atensyon ko saaking kalaban dahil baka masugat ako nito. "Para kang babae kung gumalaw." Madiing sabi saakin ni Rein kaya natawa lalo ang mga lalaki. "Tahimik!" Utos niya kaya sila agad tumigil. Bumalik na ako sa lamesa at nanginginig kong hinawakan ang latigo at hindi ko man lang kayang itira sa dapat kong tirahin. Natatakot kasi ako na baka bago ko pa lang ito maitama sa dapat kong tamaan ay matamaan ko na ang aking sarili o makatama ako ng iba. Nagpakawala ng malalim na paghinga si Rein atsaka ako pinaalis. "Nasasayang ang oras– ano nga ba ang pangalan mo?" "Ano?!" Hindi ako makasagot. Bigla na lamang tumulo ang aking mga luha sa hindi ko malamang dahilan. Sumikip din bigla ang aking dibdib na para akong hindi makahinga. "Ano ka? Lalaki ka ba talaga?" Galit niyang tanong saakin. "Umalis ka dito sa harapan ko!" Malakas nilang sabi kaya na ako umalis. Ano bang nangyayari sa buhay ko? Bakit ba ako naipit sa ganitong sitwasyon? Saan na ako pupunta nito? Naisipan kong magpunta muna sa kwarto na tinulugan ko kagabi at aalis na lang ako kung dumating na ang mga kasama ko. Ilang oras akong nakahiga saaking kama habang iniisip kung gaano ko na kagustong bumalik saaking pamilya. Gusto ko na lang mabuhay ng tahimik, ayoko na dito. Dumating na ang mga kasama ko kaya na ako tumayo upang lumabas. Narinig ko pa ang pangaasar nila saakin ngunit hindi ko na lamang sila pinansin. May nakita akong bukal sa harapan ng mismong kastilyo sa gitna. Napakaganda nito. Naisip kong titigan ito dito saaking kinaroroonan dahil napakaganda nito. Nasa may madilim akong parte para na rin hindi ako agad makita ng kung sino, at para na rin matitigan ko ng matagal ang bukal. Habang nakatitig ako dito ay naalala kong hindi ko pala alam ang tunay kong pangalan. Isa nanaman ito sa itatanong ko sa prinsipe. Kailangan ko nga talagang alamin kung sino yung James Welker para masagot na niya ang mga tanong ko. Alam ko kasing hinding-hindi niya ito sasagutin hangga't hindi ko nasasabi kung nasaan si James Welker. Pahamak talaga yung James Welker na iyon. Sino ba iyon? Nasaan na ba siya? Nagtagal pa ako ng ilang oras nang maramdaman ko na ang aking antok. Hindi ko namalayan na gabing-gabi na pala. ... "Hindi ko po talaga kaya." Aniko kay Rein. "Nakikita ko nga. Ang mga katulad mo'y hindi nararapat ilagay sa digmaan. Dito ka na lamang sa kastilyo at magbantay." "Ilalagay kita sa grupo ng mga sundalong naatasan sa loob ng kastilyo upang magbantay." "Sandali. Ano ba ang gusto mo? Tumayo ng diretso sa iisang pwesto o maging taga-balita sa hari o reyna?" "Taga-balita na lang po." Tugon ko. "Mabuti. Sige at sumakay ka na sa iyong kabayo't pupunta tayo sa kaharian ng pinuno ng mundong ito." Aniya. "Kabayo?" Pinuno ng mundong ito? Ang prinsipe? "Oo. Bakit, hindi ka ba marunong magpatakbo?" "O-o-opo." "Anong alam mo?" Irita nilang tanong saakin. "Wala na akong magawa kundi magtiis sayo dahil walang may kaya ng trabahong ito. Tara na at ipapakilala ko sayo ang magiging kabayo mo." "Bakit wala pong makatiis? Mahirap po ba?" Tanong ko. "Malalaman mo din. Halika na." Tawag nila kaya na ako sumunod. Pagkarating namin ay ibinigay niya saakin ang magiging kabayo ko at aking pamalit. Pagkatapos kong magbihis ay naabutan ko siyang inaayos ang mga tali ng kabayo. "Sumakay ka." Utos nila kaya ako sumakay. Mabuti na lamang ay "matangkad" ako kaya ko ito naabot. "Strength. Grip. Control. Mind. Balance. Confidence." Bigkas niya. "Yan ang tatandaan mo sa pagpapatakbo ng kabayo." "You must have the strength since this is a physical activity. Grip, hold the reins tight to control them. Mind, you must know where you want to go. Balance, it is important because all those things you know will not matter if you don't have the balance. And confidence, it will push you. It'll be your mentor inside your head." "Do you understand?" "Opo." Tugon ko. Hindi pa nila sinasabing humawak ako ng maigi ay kanina ko pa ginagawa dahil sa kaba ko. Sumakay na sila sakanilang kabayo atsaka na kami umalis. Nagumpisa kami sa mabagal at ilang oras kaming ganon hanggang sa medyo bumibilis na. Kahit grabe ang takot ko ay nagagawa ko namang magpatakbo ng kabayo dahil una, kailangan ko, at pangalawa, gustong gusto ko din namang matutong magpatakbo ng kabayo. Napapangiti na lang ako at namamangha dahil sa ginagawa ko. Napansin ko naman si Rein na nakatingin saakin atsaka rin napangiti. Ilang oras pa kaming nagpatakbo hanggang sa nakarating kami sa parang panibagong lugar. Lumalamig na din ang simoy ng hangin. Pagkarating namin ay bumaba kami upang ibigay ang aming kabayo sa mga sundalong nagbabantay sa harapan ng napakalaking kastilyo. Ibang iba ito sa kastilyo ng kastilyong nakita ko. Ang akala ko ay pupunta kami sa prinsipe pero hindi pala. "Pansin kong gustong gusto mong magpatakbo ng kabayo. Kung iba ang kasama ko'y nagreklamo na sila dahil sa layo nito at gugustuhin na lang nilang mag-aral sa kaharian para sa digmaan." Sabi saakin ni Rein kaya ako napangiti. Pagpasok namin ay nagpunta kami sa-sa tingin kong trono ng hari. Naabutan namin ang lalaking may kulay abong buhok na nakatayo habang umiinom ng kung ano. Parang ang lalim din ng kaniyang iniisip. "Your majesty." Pag yuko ng Rein. Nasalubong ko naman ang tingin ng lalaki ngunit agad akong tinapik ni Rein upang yumuko. Pagkatapos naming yumuko ay nagumpisa na silang magusap. Bakit parang pamilyar ang lalaking ito? Nakita ko na ba siya dati? Halos magkatangkad lang sila ng prinsipe, medyo mataas lang ang prinsipe kumpara sakaniya. Ang pinagkaiba lang nila ay mas nagsisigawan ang kapangyarihang taglay ng prinsipe kumpara dito sa lalaking kaharap namin. Pero ang hindi ko mapigilan saaking sarili ay ang pagkamangha sa angking kagwapuhan niya. Pareho sila ng prinsipe na gwapo, ngunit magkaiba sila sa uri. He's also charismatic, but the prince is a little more than him. Hindi sa pinipili ko ang prinsipe dahil pagmamay-ari na niya ako, ngunit kung titignan talaga at ipagkukumpara sila ay mas nakikita kong hari ang prinsipe kaysa sa lalaking ito. Magaan ang awra niya samantalang ang pinsipe ay hindi. They have the same level of confidence... I think, based on their posture. In my observations on the prince, he's self-centered, manipulative, ruthless, evil, skeptical, wise, charming, charismatic, bold, shrewd bargainer and definitely has an anger management issue. Overall, he's evil. "I see evil, but I felt angel." Rinig kong sabi ng boses ko saaking isip. Dito, naalala ko yung mga iniisip ko noon nang dalihin ako ng dalawang lalaki sa malaking kwarto kung saan ako nagising dati. "Your majesty, a lot of our armies have died when we attacked him." Sabi ni Rein. "I know." "I will make him wish he'd never awaken in his death sleep." "But, your majesty. How will we kill him? He don't have any weaknesses, and he's too powerful. We've used all our asset trying to stop him but it's no use." Ani ni Rein. Hindi naman sumagot ang hari. "Tell him to not do anything yet. We need to find the right timing." "If he's attention shifted to something, we're ready to move." "Your majesty, King Hiro has something to tell you." "What is it?" "He said you should go see him." "I don't have time for that." "But King said it is important." "Alright. Tomorrow." Sabi niya. Yumuko naman na kami atsaka nagpaalam. "Katulad ng ganito, kailangan mong protektahan ang balita at mga sinabi sayo ng hari. Kung sakaling may gustong makaalaman nito at buhay mo ang kapalit, huwag na huwag mo itong sasabihin kahit na sa tingin mo'y hindi ito importante." Mahaba niyang sabi saakin atsaka na kami sumakay saaming kabayo. "Do you understand?" Tanong nila kaya ako um-oo. Pagkatapos ng mahabang biyahe ay nakabalik din kami sa wakas. Habang naglalakad kami papasok ng kastilyo ay nakikita ko pang pinagtitinginan ako ng mga lalaking pinagtatawanan lamang ako kahapon. Kitang kita ko ang mga nanliliit nilang tingin at mapanghusga nilang titig. Pagpasok namin ay dumiretso kami sa itaas kung saan sa tingin ko'y trono ng hari ng kastilyong ito. Pagkakita ko sa hari ay para akong namamalikmata. Pumikit ako ng ilang beses ngunit kamukhang kamukha talaga nila yung haring pinuntahan namin kanina. Ang pinagkaiba nila ay ang kulay ng buhok. Kulay abo ang buhok ng haring nakita ko kanina samantalang ang haring nakikita ko ngayon ay kulay itim. Sandali. Parang nakita ko na talaga... sino ba ang nakita ko sakanilang dalawa? Basta. Isa sakanila ay sa tingin ko'y nakita ko na dati. Ang gwapo niya rin. Hindi ko tuloy alam kung sinong crush ko sakanilang tatlo ng prinsipe at yung isang hari. At dahil medyo sakim ako, sige, silang tatlo na. Pero yung prinsipe, medyo lang siya, kasi sobrang sama ng ugali niya. Paglapit namin sa hari ay yumuko kami pareho ni Rein. Tinignan ko siya pataas-pababa at inaalala kung nakita ko na ba talaga siya dati. "Where's your respect?" Madiing bulong saakin ni Rein kaya ako humingi ng tawad. Ibinalita niya ang sinabi ng haring nakausap niya kanina samantalang ako ay inaalala kung nakita ko na ba talaga sila at kung sino ang nakita ko sakanilang dalawa at kung saan ko ba sila nakita. Pagkatapos nilang mag usap ay may pinagawa saakin si Rein–magpakain ng mga kabayo. Magdidilim na ng natapos ako dahil sa dami ng kabayong pinakain ko. Anong oras naman na ako nag umpisa kaya ayos lang. Pagkatapos ko ay naligo na ako at nagbihis nang makitang wala ng tao sa banyo. Pagkatapos ko'y naisipan kong bumalik sa pwesto ko kagabi at titigan ulit ang bukal. Hindi ako makapag isip ng maayos kaya ang tinitigan ko na lamang ay ang mga bituin saaking itaas. Habang nakaupo ay hindi ko mapigilang malungkot. Sumagi naman bigla sa isipan ko ang mga balitang sasabihin ko sa prinsipe. Ayoko mang sabihin ay hindi ko magawa dahil pamilya ko ang iniisip ko. Alam kong hindi siya magdadalawang isip na saktan ang pamilya ko kung sakaling pagtaksilan ko siya. Bigla akong humikab at hindi napansing may butas malapit saakin kaya ako napahiga. "Ayy!" "Tangina naman, oh. Katatapos ko lang maligo." Galit kong sabi sa hangin. Habang naiinis na nagpapagpag ng sarili ko ay napatingin ako sa gawing kaliwa at napansin doon ang isang lalaking pinapanood ako. Dahil sa gulat ko ay napatayo ako agad. Tinitigan ko siyang maigi at nang makilala siya ay agad akong yumuko. "Magandang gabi po." Aniko kahit alam kong hindi naman niya ako maririnig dahil sa layo ng pagitan namin. Pagtayo ko ng maayos ay nakita ko siyang naglalakad papunta saakin. "Magandang gabi rin." Aniya kaya ako nabigla. Narinig niya yun? "Ano pong ginagawa niyo dito, mahal na hari? Hindi ba dapat nagpapahinga na kayo sa kwarto niyo?" Tanong ko. Ang tangkad-tangkad niya. Baka mabali ang leeg ko dahil sa taas niya. Mabuti na lang ay medyo malayo ang pagitan namin kaya hindi ako masyadong nakatingin sa itaas. "Bawal ko bang pagmasdan ang pagmamay-ari ko?" Tanong niya naman saakin. Oo nga naman. Sakaniya itong lugar na ito, bakit ko siya pagbabawalan. Medyo arogante din siya, parang yung prinsipe. Sige, ang nasa una ngayon ay yung isang hari, tapos siya, tapos huli yung prinsipe. "Pasensya na po. Hindi po ganon ang ibig kong sabihin." "Ikaw? Bakit ka pa nandito?" "Tinitignan ko po kasi yung bukal tapos bituin. Ang gaganda kasi nila." Wika ko atsaka tinignan ang mga bituin. "Pansin kong hindi ka nakikisama sa mga kagrupo mo." "Ahh.. eh... hindi po kasi nila ako maiintindihan." "Bakit naman?" Tanong nila ngunit ngiti lamang ang ibinigay kong tugon. "Kayo po? Bakit po kayo mahilig mapag-isa?" Tanong ko naman. "Paano mo nasabing mahilig akong mapag-isa? Bago ka pa lang dito." "Ahh.. hula ko lang po. Bakit, hindi po ba?" Tanong ko ngunit hindi siya sumagot. "A great philosopher once said 'No Man Is An Island', and it means no man is alone." Aniko habang nakatingin sa bituin. "Should you be saying that to yourself?" Sabi niya kaya ako napaisip. Alone but not lonely, and, lonely but not alone. Same words used but different meanings. Tumingin ulit ako sa itaas dahil sa nagbabadyang mga luha ko. I can't remember what happened in my life before but all I know is that I'm lonely but not alone. "I may be classified as lonely but not alone, I know love will take me home where there are or is people who'll love me." "Can I ask you, your majesty?" Tanong ko bigla na hindi yata ito inasahan. "How about you, your majesty? Nasaan kayo sa dalawa? Alone but not lonely or lonely but not alone?" Pagtingin ko sakaniya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD