"You really did it?"
"Yes." Sagot ng prinsipe sa lalaki.
"Okay, out of curiousity. Of all humans why her?" Tanong ng lalaki sa prinsipe.
"Because hybrid has something in her blood that is different from other humans."
"Different?"
"Yes. I felt it. I smell it."
"Okay." Pagtango ng lalaki atsaka sumipsip sakaniyang iniinom.
"Why are you calling her "hybrid" if you two are as one?" Tumatawang tanong ng lalaki sa prinsipe.
"What's the matter with that?"
"I don't know. I just found it hilarious. Because it's like calling yourself "hybrid"." Aniya atsaka ulit natawa.
"You know, you're right."
"Dio, brother. What do you think of yourself?" Pagbalik na ng lalaki sa dati.
"Sacred. Powerful. Intelligent. Wise. Smart. Undoubtedly handsome. Charismatic.-"
"Okay, okay. You think yourself as those. Then you should also think of her, call her, as like those. Because she's you, Dio."
"No!" Sabi niya agad.
"If not, then think of her as an asset. She's your asset, brother. You can use her."
"And.... she might be the source of your strength or power in the future." Dagdag ng lalaki. Tinignan naman ako ng prinsipe ng masama.
"Wait. I have an idea."
"My asset. Come here." Tawag niya saakin na hindi ko pa sinunod agad.
"You're wasting my time. Faster."
"Kalma lang. She's still young... and fresh." Pagkalma sakaniya ng lalaki.
"I want you to disguised as a boy to spy on Welker's place." Sabi niya saakin.
"Disguised?" Tanong ko.
Dati ay sinusubukan kong magkunwaring lalaki ngunit walang naniniwala. Siguro hindi talaga ako mukhang lalaki.
"We'll gonna need some resources here." Pagtingin niya sa lalaki.
"You're still not done to them?"
"Of course. How will I be done when they're the one who caused why father kicked me out and they're the one who killed me. I won't tolerate that, and you know that."
"Okay, okay. Calm down, please. I don't want to cause fire here."
Humarap naman saakin ang prinsipe atsaka iniabot ang kamay saakin.
"Seal the deal, my asset."
"But-"
"Seal. The. Deal." Madiin niyang sambit kaya napilitan akong makipag kamay. Parang dati ay umilaw ulit ang aming kamay.
"Sealed."
Kinuha ng lalaki ang maliit na bell sa kaniyang gilid atsaka ito pinatunog. Ilang segundo ay dumating ang mga mukhang halimaw na may dalang gunting at kung ano-ano pa.
"Wait. Can I ask a favor? Please don't cut my hair."
"No." Nakangiting sagot ng prinsipe.
He's really a pure evil.
Dahil sa bilis ng galaw ng mga halimaw ay napapikit na lamang ako at pinabayaan silang gawin ang kanilang dapat gawin. Tumulo na lamang ang aking luha dahil sa kaalamang ang buhok ko ay ginugupitan ng sobrang iksi.
Kung hindi lang dahil sa deal namin ay hindi ko ito gagawin.
Nang maramdaman kong tapos na sila ay iminulat ko ang aking mga mata.
"Care to see yourself?" Tanong ng isang halimaw ngunit umiling na lamang ako.
I can't, because I know I look horrible.
"Good. Now, I will be going." Pagtayo ng prinsipe.
Pagmulat ko ay nandito na kami sa kaniyang kastilyo. Pinunas ko naman ang mga luhang umaagos saaking pisngi.
"Your tears won't bring back your hair."
"It won't. But it reduces my pain." Sagot ko habang umiiyak
Gwapo nga siya, pero sobrang sama ng ugali niya. Ang sama-sama niya.
"Anyway. Your task is to spy them. I want you to find their weakness. Because everybody has weakness."
"How about you? Do you even have any?"
"None."
"Everybody has weakness except me."
"As I was saying, find their weakness. Each and one of them."
"And?" Tanong ko.
"Of course, you'll tell me."
"What if they caught me?"
"Then it's your fault. Bakit ba kasi hindi ka magiingat?"
"Hindi mo ako tutulungan? Akala ko ba ay asset mo ako?"
"You forgot about some small-teeny-tiny detail." Paglapit niya saakin.
"You are just one of my assets!" Galit niyang sabi saakin kaya ako napapikit.
"And if you are thinking for betraying me, better think again, my asset. I own you."
"You don't own me." Balik ko naman.
"I will... own you. And you will, beg me to own you."
"Bakit? Bakit ko naman gagawin iyon?" Tanong ko. Naningkit naman ang mga mata niya habang siya'y naka upo na sakaniyang upuan.
Pagkurap ko'y narinig ko na lamang ang sigaw nila mama at papa sa may tubig. Nakita ko kung paano maglakad si ate papalapit sa dulo ng building.
"Anak. Wag mong gawin iyan!" Ani ni mama kay ate
"Bumaba ka dito. Isa! Ano ba?!" Sabi naman ni daddy.
Napatingin naman ako sa prinsipe na nginitian lamang ako.
"Tigilan mo na. Please. Tama na."
"I told you. Everybody has weakness. And yours?.... ang bilis lang malaman. Hmmm, typical humans."
"Anak!" Tawag ulit ni mama kay ate ngunit parang wala siyang naririnig.
"Please. I won't betray you. I promise."
"Hmmm... not believing." Aniya atsaka bigla na lamang nagkaroon ng peach sakaniyang kamay.
"Please." Pagmamakaawa ko ngunit patuloy siyang umiiling habang pinapanood ang nangyayari sa pamilya ko.
Isang paraan na lang ang naiisip ko kaya ko ipinikit ng madiin ang aking mga mata.
"Please. Own me." Halos bulong kong sabi. Narinig ko pa ang pagngisi niya.
Napamulat ako agad at nakitang buhat buhat na siya ni daddy papunta sa ibaba ng building.
"What did you do to her?"
"I just knock her unconscious." Wika niya atsaka naupo ulit sakaniyang trono.
"I told you. I will own you." Sabi niya.
"But, can I ask something?"
"No." Sagot niya agad atsaka ibinaling na sa iba ang kaniyang atensyon.
"What do you mean when you own me? You own me? H-h-how?" Tanong ko pa rin kahit humindi siya.
"Tapos... dapat tinanong ko na sa'yo ito pero wala akong mahanap na oras. Ilang araw ba akong walang malay?" Tanong ko ulit. Tinignan niya naman ako ng masakit at halatang naiirita na siya saakin.
"Okay. I will answer your question if you find James Welker."
"H-h-how would I know if he's he?"
"Then I won't." Pagbalik niya sa ginagawa niya kanina.
"Okay, okay. I will."
"Okay." Bigkas niya at bigla na lamang kaming nasa labas. Hindi ko alam kung nasaan kami. Ang alam ko lang ay nandito kami sa lugar kung saan may matataas na puno't maraming halaman na may mga rosas.
"Ikaw na ang bahala kung paano ka magpapakilala sakanila. You have your own brain, use it." Aniya.
"Saglit. Yung sagot mo sa tanong ko?"
"Kung may mababalita ka na saakin, sasagutin ko ang tanong mo." Sabi niya atsaka naglaho bigla.
"Pure evil." Galit at irita kong sabi.
Napaupo ako sa gulat nang lumitaw ulit siya saaking harapan ngunit kasama na niya yung binatang lalaki.
Ipinitik niya ang daliri niya at bigla na lamang may lumabas na kulay puti na nanggaling saakin at ganon din sa lalaki. Ipinagpalitan niya ito at hindi ko alam kung ano ba ang nagbago saamin.
"Bakit niyo-" napatakip ang lalaki sakaniyang bibig ng boses ko ang lumabas sakaniya.
"Anong-" umawang ang aking bibig nang mapagtantong pinagpalitan niya ang aming boses.
"Dio-sama. Why me?" Reklamo ng lalaki.
Tumayo naman na ako atsaka nagpagpag.
"Your task." Sabi saakin ng prinsipe atsaka ulit naglaho.
I hate him.
"Nakakair-" napatigil ako dahil kinikilabutan pa rin ako dahil saaking boses.
Napatigil ako sa paglalakad nang may maisip ako. Agad kong hinawakan ang aking dibdib at napahinga ng maluwag nang hindi naman ito nagbago. Dahan-dahan ko rin kinapa ang nasa ibaba at mabilis ding inalis ang aking kamay nang ayos lang naman lahat.
"Mabuti na lang at hindi niya sila pinalitan ng iba." Sambit ko sa hangin atsaka na naglakad papunta sa kung saan.
Pagtapak ko ay nakarinig ako ng kakaiba at bigla na lamang may pumulupot saaking paa. Napasigaw ako nang bumaliktad ako.
"Tulong!" Tawag ko't nagbabakasakaling may nangangaso dito at matulungan ako.
Paano kung imbes na hayop ang kuhanin nila ay tao? Paano kung mga cannibals sila? Paano kung karne ng tao ang kinakain nila hindi karne ng hayop?
"Ahhhh!!" Sigaw ko dahil sa halo-halo kong emosyon.
"Pakawalan niyo ako!" Sigaw ko ulit.
Ilang minuto akong nakasabit sa may puno nang may makita akong lalaking nakasakay sa kabayo papunta saakin.
"Sandali. Ang gwapo niya." Bulong ko saaking sarili.
Kinuha niya ang kaniyang pana atsaka itinutok saakin. Pagbitaw niya nito ay mabilis akong nalaglag na nagpasigaw saakin.
Napahawak ako saaking ulo dahil sa sakit nito. Nabalian yata ako ng buto?
Narinig ko ang paglapit saakin ng lalaki kaya ng magkasalubong ang aming mga mata ay napasigaw ako na nagpasigaw din sakaniya.
"Ahhhh!! Wag mo akong kainin!" Sigaw ko atsaka tumayo at tumakbo palayo.
"Hoy! Saan ka pupunta? Bumalik ka dito." Aniya ngunit hindi ko siya pinansin. Tumakbo ako ng tumakbo at hindi ko namalayang nasa may bangin na ako kaya ako napahinto ng marahas na muntik pang magpalaglag saakin.
"Wag kang lalapit saakin." Pagbanta ko sakaniya nang lalapit na siya papunta saakin.
"Kalaban ka, ano?" Tanong niya saakin.
"Ipinadala ka siguro ng mga kalaban namin dito?"
"Anong kailangan mo? Bakit ka nandito?"
Paano niya nalama– hindi. Imposible. Hindi dapat ako mahuli dahil kung oo, katapusan ko na. Kung sabihin ko man na si Dio ang nagpadala saakin ay baka may kung ano pa siyang gawin sa pamilya ko.
"Sino ka? Anong kailangan mo saakin? Kakainin mo siguro ako?" Tanong ko naman sakaniya.
"Are you a cannibal?" Tanong ko ulit.
"Kung oo, hinding hindi mo ako mahahawakan dahil mas gugustuhin ko pang malaglag dito kaysa makain mo."
"Paano kung oo?" Pagtaas niya ng kaniyang kilay atsaka humakbang palapit saakin.
"Isa. Tatalon talaga ako." Pagbanta ko.
"Ka-lalaki mong nilalang matatakutin ka?" Hindi makapaniwalang tanong niya saakin.
"Kung lumapit ka talaga saakin tatalon talaga ako dito. Isa!" Wika ko ulit.
Ngumiti siya saakin atsaka lumapit kaya wala na akong nagawa kundi pumikit at tumalon.
"Wag!" Rinig kong sabi niya atsaka mabilis akong nahawakan sa kamay.
"Tanga ka ba? Sira na yata ang ulo mo."
"Bitiwan mo ako. Mas gugutuhin kong mamatay dahil dito kaysa sa makain mo."
"Ang gwapo mo para kumain ng isang tao." Bulong kong sambit.
"Ano?"
"Wala. Bitiwan mo ako sabi."
"Nasiraan ka na talaga ng bait. Kung gagawin ko man ay mapapagalitan pa ako ng hari. Naghahanap pa naman kami ng pwedeng isama sa hukbo laban sa lalaking sakit ng ulo naming lahat."
"Hindi ka naman mukhang kalaban kaya..." Wika niya.
Hinila niya ako hanggang sa makaupo ako sa ligtas na lugar.
"Sino ka ba? Saan ka ba galing?" Tanong niya saakin.
Ano nga bang pangalan ko? Bakit hindi ko matandaan?
"Ano?" Tanong niya ulit ngunit hindi ko alam kung ano.
Wala akong maisip na sasabihing pangalan ko bilang isang lalaki. Totoo ko ngang pangalan ay hindi ko alam.
Ang tanging alam ko lang ay "hybrid" at "asset" dahil yun ang tawag saakin ng prinsipe, pero hindi ko talaga matandaan ang tunay kong pangalan.
"Halika. Dadalihin kita sa kastilyo." Pagaya niya kaya na ako sumunod.
Naging tahimik ang biyahe namin hanggang sa narating na namin ang kastilyong tinutukoy niya. Ang daming gwardya ang nakapaligid sa kastilyo.
"Jasper. Bakit at saan ka nanggaling? Kanina ka pa hinahanap– sino ang lalaking ito?"
"Your majesty." Pagyuko ng tinawag nilang Jasper.
"Nakita ko siya sa labas, mahal na reyna. Hindi naman yata siya kalaban kaya ko siya dinala dito pang dagdag sa ating hukbo."
"Mabuti. Sige na at asikasuhin mo na siya. Magpunta ka sa itaas pagkatapos mo dahil hinahanap ka ni Hiro."
"Sige po, masusunod." Pagyuko niya. Umalis naman na ang reyna.
"Halika at dadalihin kita kay Rein."
Nagpunta kami sa may harapan ng kastilyo at nakita doon ang lalaking kinakausap ang isang grupo ng mga parang sundalo.
"Rein." Tawag sakaniya ng lalaking nagngangalang Jasper.
"I found another one. Train him as well."
"I will." Pagyuko sakaniya ng lalaki.
Pagkatapos ay umalis na siya at sa palagay ko'y pupunta na siya kung nasaan ang hari.
"Tutal baguhan ka pa lang, sumunod ka saakin at ituturo ko sayo ang mga dapat mong malaman." Sabi niiya kaya ako sumunod.
Nalibot namin ang paligid ng kastilyo at tinuro niya ang mga gawain ng bawat sundalo. May mga naatasan na magbantay sa likurang parte, sa kanang gilid, sa kaliwang gilid at sa harap. May mga nasa itaas din at nasa loob ng kastilyo.
Marami pa siyang sinabi hanggang sa nagdilim na.
"Bukas na bukas ay maguumpisa ka ng magaral para sa digmaan."
Digmaan? Wala sa usapan namin ang digmaan ahh.
Naglakad kami papunta sa gilid ng kastilyo. Sa tingin ko'y ito ang tulugan ng mga sundalong nandito.
Pagpasok namin ay hindi nga ako nagkamali. There are twelve double deck here.
"Ito ang magiging silid mo. Dito ka sa grupong ito." Aniya atsaka na kami nagpaalam sa isa't isa.