Present time
____________________
"You might get off of me, Katharine... You're so heavy. I can't breathe." Sambit ni Sam at dito lang ako nabalik sa kasalukuyan.
Mabilis akong tumayo atsaka napatingin saaking palapulsuan.
I didn't felt his bite.
Maybe he did that on purpose for me to not feel the pain of his bite.
Napatingin naman ako sa paligid at nakitang nandito kami sa gitna ng kakahuyan.
Bakit kami nandito? Paano kami nakapunta dito? Nasaan sila Kyla?
"Si Kyla!"
"Don't worry. I know she's fine now. Nasakanila tito Hiro siya." Aniya habang pinapagpagan ang kaniyang sarili.
Bigla naman nandilim ang aking paningin at wala nanaman akong makita.
"Sam. I can't see again. I can't see, Sam." Naluluha kong sabi. Naramdaman ko naman ang paghawak niya saakin.
"Ano ba ang nangyayari?"
"I don't know either. I can't see."
"Ayokong mabulag."
"Hindi ka mabubulag. Halika. Magpunta tayo sakanila tita Sandra." Sabi niya. Nakarinig naman ako ng pagpunit ng tela.
"Ano iyan?" Nagaalala kong tanong at naramdama ko ang paglagay niya ng tela saaking mga mata. Kinuha niya rin ang aking kamay atsaka itinali ang isa pang tela na ramdam kong itinali niya rin sakaniyang kamay.
"Let's just do this. Isipin mo na lang na naglalaro tayo. I am your partner and I will be your eyes."
"Thank you, Sam." Aniko at nagumpisa na kaming maglakad.
Now, I made up my mind. Sasabihin ko na ang lahat ng alam ko sa magulang nila Lauren. I will hold on and believe to what they've said to me when they talked to me last time.
Kinausap kasi nila ako noon tungkol sa mga alam ko, ngunit sinabi ko rin ang dahilan ko kung bakit hindi ko masabi sakanila ang mga alam ko. But now, I will believe them that they will never let my family get hurt.
Kung nandito lang sana si Kyla ay sasabihin ko sakaniya ang desisyon ko. Alam kong magiging masaya siya dito.
"Ahhh!" Malakas kong sabi at napahinto't napahawak saaking mga mata nang magumpisa nanaman itong uminit.
Parang nagbabaga ang mga ito. Masakit at sobrang init.
"What's happening?" Nagaalalang tanong ni Sam ngunit hindi ako makasagot.
What's happening to me?
"Ow, s**t!" Sambit niya atsaka ako hinila.
Sumunod lang ako ng sumunod sakaniya habang ang isang kamay ko'y nakahawak saaking mga mata.
"Anong nangyayari, Sam?"
"They're here. s**t!"
"Who?"
"The guys with a red plum cloaks."
Akari.
Shit. What are they doing here?
Sa pagkakaalala ko'y katulad sila ng Hikari at ng Pariahs na planong patumbahin ang prinsipe... kasama kaming nasa paligid niya.
I remember Mrs. Estella said that the prince is a threat to them that's why he is always the target as well as we, who are on his side. But I didn't know that they will make their move now.
We're in the middle of a battle to the organizations and mister Nikko. And I know, prince Dio is still up there fighting angels to bring back Mrs. Estella.
Damn.
"Argh!" Rinig kong sabi ni Sam at naramdaman kong napatumba siya.
"Sam!" Tawag ko. Naramdaman kong hirap siyang tumayo atsaka sinabi saaking dito lamang ako at huwag akong gagalaw.
Narinig ko ang pagtatama ng dalawang matalim na blades at parang mga batong nalalaglag galing sa itaas.
"Sam!" Tawag ko ulit atsaka ko na inalis ang telang nasaaking mata gamit ang isa kong kamay.
"No!" Aniya pagkabukas na pagkabukas ng aking mga mata atsaka kami sabay napahiga sa lupa.
Shit. Nakakakita na ulit ako. Pero ang labo pa rin ng paningin ko.
Mabilis kaming tumayo nang maaninag ko ang isang hubog ng tao na aatake saamin.
"You can see?" Tanong niya sa tabi ko.
"Oo. Pero malabo ang mga nakikita ko."
"Better than none." He said.
Sinangga namin ang espadang hawak ng aming kaharap habang nakatali pa rin ang kamay namin sa isa't isa. Ngunit dahil sa hindi ko naaninag ang isang kamay niya'y nagawa niya akong masugat saaking leeg.
"Argh!"
"Katharine" tawag ni Sam saaking pangalan.
Hinawakan si Sam ng kalaban sakaniyang damit atsaka siya tinapon palayo. Matatamaan naman na sana ako ng kalaban nang masama ako palayo kay Sam dahil sa tali namin.
"Awww." Sabay naming sabi atsaka ulit pilit tumayo.
Naaninag ko naman ang kasuotan ng aming isang kalaban at alam kong hindi ito miyembro ng dalawang organisasyon na Hikari at Akari. Probably this is from the Cher.
Sabay naman kaming napadaing ni Sam nang kumirot ang nasugatan saakin ng kalaban. Para itong nasusunog na namamanhid. Hindi ko naiintindihan ang.... s**t. We've been poisoned.
Sa pagkakatanda ko'y may isang halaman ang pwedeng gamitin at ilagay sa mga armas upang malason ang sinomang tatamaan nito. Hindi ko na matandaan ang pangalan nito ngunit alam kong may nakakatusok na itsura itong mga dahon.
Ito ang madalas gamitin ng mga nakikipag digmaan dahil kung masugatan ka nito, mabilis na magsasarado ang iyong balat at hahalo na sa iyong dugo ang lason.
"I've got an idea." Wika ni Sam habang nahihirapan.
"I'm gonna use you as a bait, Katharine. And I'm sorry in advance." Aniya.
Sa pagsugod ng kalaban saakin ay mabilis akong naghanda at sinangga ang kaniyang pagtira gamit ang punyal na hawak ko. Naramdaman ko naman ang galaw ni Sam.
Yumuko siya at nagpunta sa pagitan namin ng kalaban at galing dito ay tinusok niya ang kaniyang punyal sa leeg ng kalaban.
Naaninag ko ang pagtulo ng likido galing sa kalaban at kung paano siya bumagsak sa lupa.
Napadaing ulit kami ni Sam at sabay na napaupo dahil sa sakit ng natamo namin.
"We've been poisoned." He said.
"Anong gagawin natin?" Tanong ko.
"The only way to remove the poison from our body is by cutting the area and sucking out the poison before it gets spread in our body."
"I can't. My mouth won't reach my neck." I said.
"Me neither."
Pinilit naming tumayo dahil sinabi niya'y kailangan naming magpunta sa may tubig upang mahugasan ang aming mga sugat.
"Saan ba ang saiyo? Ako na ang sisipsip dito." Aniko. Hindi naman siya agad sumagot kaya ko na siya tinawag.
"Sam? Saan?"
"T-thighs. Inner t-thighs." Utal niyang sagot.
Hindi ako nakasagot sa sinabi niya.
My wound is on my neck. His wound is on his inner thighs.
Oh my god!
"I-I-I think we should do this. I-I-it's for s-survival, right?" Utal kong tanong.
"Y-y-yeah. I-I-I think we sh-should do it." Sabi niya rin ngunit wala pa ring gumagalaw saamin.
It's awkward. The wounds we got is on the awkward part of our body.
"Let's do this." Sabi niya ulit ngunit hindi namin alam kung sino ang mauuna.
"M-m-maybe you should go first. Ikaw ang naunang nasugatan." Wika ko.
"S-s-siguro nga, ako ang mauuna." Utal niyang sambit.
"Saan ba? Hindi ko halos makita." Sabi ko habang nakataas lamang ang aking mga kamay.
Naaninag kong itinaas niya ang kaniyang suot at nailantad nito ang kaniyang binti. Hinawakan niya ang nanginginig kong kamay atsaka niya inilagay sa kaniyang hita. Ramdam na ramdam ko naman ang panginginig din ng kaniyang mga kamay.
Napalunok ako bago ko ito hugasan gamit ang tubig sa ilog atsaka ko kinuha ang punyal na nasa aking tabi atsaka ito ginamit upang sugatan siya ng maliit.
"Aww."
"Sorry." Wika ko.
Nagpakawala ako ng malalim na paghinga atsaka na inumpisahan ang pagsipsip ng mga lasong nasa kaniyang katawan. I suck and spit the blood with poison all over again until I'm almost out of breath.
Pumunit naman ako ng tela saaking damit atsaka ito ginamit pangtali sakaniya. Habang tinatali ko ito'y parang gusto kong magpatagal, pero dahil buhay ko ang nakasalalay ay hindi na lang.
"D-done."
"T-then, I should do y-y-yours." Aniya.
"L-l-look up." Utos niya kaya ako tumingin sa itaas. Pumikit naman ako ng madiin dahil parang hindi ko kinakaya ang nangyayari.
Naramdaman ko ang kaniyang kamay at tubig saaking leeg. Naramdaman ko rin ang pagagos ng tubig papunta saaking dibdib.
Mas napapapikit ako dahil sa pagdampi ng kaniyang nanginginig na kamay saaking leeg.
Sinugatan niya na ako at nagsimula na sakaniyang gagawin.
Inisip ko na lamang ang senaryo kung saan sinasabi ko na ang mga alam ko sa magulang nila Lauren upang hindi ko na mapansin ang ginagawa niya.
Nang natapos siya'y pumunit din siya ng tela sakaniyang damit atsaka sinabi saaking ako na ang magtali saaking leeg dahil baka mahigpitan niya't hindi ako makahinga.
"Bilisan na natin at baka mas maraming kalaban ang makasalubong natin." Sabi niya.
Nagumpisa na siyang maglakad habang ako'y nakasunod sakaniya. Ang tali saaming kamay ay nandito pa rin at ang paningin ko'y hindi pa rin bumabalik sa dati —malabo pa rin ito at tanging mga aninag lamang ang mga nakikita ko.
Habang tumatakbo naman kami ay may bigla akong naisip.
Kung miyembro ng Cher ang nakalaban namin kanina, nasaan na yung miyembro ng Akari na sinabi niya kanina noong nakatali pa ang tela saakin? Did he killed him?
Pero malakas ang kutob kong hindi ito napatay ni Sam.
Pagkarating namin ay nagpunta kami sa kusina upang hanapin ang sinoman sa magulang nila Ken ngunit ang nakita namin ay ang reyna ng Quindoma — ang tita nila Lauren, at si..... King Hiro, sabi ni Sam.
"What are you doing?"
"Why are you doing this?" Rinig naming tanong ng reyna sa hari.
"I saw a faint light in his eyes when he's looking on each and everyone of them."
"And I wanna save that light."
"You think you can save him?"
"We'll not gonna know unless we try." Rinig ko namang sagot nila.
What are they talking about?
"Right. I don't know what will happen but I'll support you, Hiro. You're still my best friend for life."
Mag kaibigan sila? Okay... that's new to me.
"It's okay if you don't want to, Agnes. Regardless of whether you support me or not, you're still my best friend for life."
"I will support you."
"Thank you."
"Alright. I just came here to see you personally. I'm so worried about you. But now that you're here safe, I should go. There's a war coming."
"It has begun." Maikling sabi ni haring Hiro.
Nagtago naman kami ni Sam nang paalis na sila. Hinila niya ako kung saan at tumigil.
"Mr. Welker." Tawag ni Sam atsaka kami lumapit. Nang maaninag ko sila'y alam ko na kung sino sila — ang papa nila Ken.
"Hi, there. Where's Jackson and Tracy?" Tanong nila.
"Oh, they're not with us. But, we-- she has something to tell you... along with you Mrs. Welker."
Huh? Nandito silang dalawa?
"You're ready to tell us what you know?" Tanong saakin ng papa nila Lauren.
"Y-yes." Tugon ko.
"Okay. Let's go to the room."
"Sam, can you go and accompany king Hiro while we're talking?"
"Y-yes... y-your majesty." Sagot niya at naramdaman ko ang pagalis niya ng tela saaming kamay.
Sumunod naman ako sa Hari tulad ng sabi nila. Ramdam na ramdam ko naman ang masakit at mapandudang titig ng asawa nila saakin habang kami ay naglalakad.
Pagpasok namin sa kwartong palagi naming pinupuntahan ni Rein noon kung may ipapagawa silang sekreto ay pinaupo rin nila ako agad.
"Okay. Tell us what you know." Pagumpisa ng hari.
"All... that you know." Singit naman ng kanilang asawa.
"B-but... promise me to protect my family." Kabado kong tanong.
"We promised." Anila kaya na ako nagsalita.
Sinabi ko ang lahat-lahat ng alam ko at nangyari sa pagitan namin ng prinsipe.
"So if we do the ritual again, you're affected as well? You feel what he feels as well, is that right?"
"Opo." Tugon ko.
"We doesn't have a choice. The only way to end this is to eliminate them." Sabi ng emperatris.
Nakaramdam naman ako ng halo-halong emosyon.
"No. We'll think of another plan."
"Okay? Do you have in your mind? Tell me what is the alternative to end this. To surrender your daughter to them?" Madiin at halos nagbabantang tanong nila sa hari.
"We gotta take this time to put an end to the three organizations and that Nikko before Takashi Dio get in." Sambit ng hari matapos ang ilang segundong katahimikan.
"I'm afraid we're powerless, James. Those assholes are unbeatable, especially that Nikko...."
"...and that Takashi Dio. We are only hurting him not killing him." Dagdag nila.
"Okay..."
"Thank you for your cooperation and for trusting us, Katharine. You are a big help." Sabi saakin ng hari at ako ay lumabas na.