Chapter 10 - THE MAN NAMED NIKKO

3125 Words
Hindi ko na alam kung ilang linggo o buwan na ba ang lumipas simula noong huli kaming nagkita ng prinsipe. Ngunit hindi pa rin mawala sa alaala ko yung ginawa niya saakin. He's really evil. Sa bawat pagdaan din ng panahon ay mas lumalala na ng lumalala ang paningin ko. Kung dati ay malayo pa lang nakikilala ko na kung sino ang mga nakikito ko, ngayon ay kailangan ko pang lumapit hanggang sa maka isang metro ang pagitan namin upang makita ko sila ng malinaw. "Katharine." Tawag saakin ni mama. "Ihatid mo nga ito sa tita mo doon sa bahay nila. Hindi ko na mahatid yan kasi susunduin ko pa yung kapatid mo. May meeting din kasi kaming mga magulang sa eskwelahan nila." "Sige. Ano ba ito?" Tanong ko. "Mga damit." Tugon nila. Napakamot muna ako ng ulo atsaka na kumilos. Pagkatapos kong mag-ayos ay tinignan ko ang bag na ihahatid ko. Lalabas ako para lang dito? Nakakainis naman. Imbes na tumunganga na lang ako dito sa bahay at kumain. Wala naman na akong nagawa kundi umalis. Nauna na kasi si mama at si ate naman ay nasa eskwelahan niya pa. Ang papa ko naman ay nasa trabaho. . Naging mabilis lang ang paghatid ko dahil hindi naman na ako nagtagal sakanila tita. Nagpapa-grocery kasi si mama saakin kaya kahit tinatamad ako'y gagawin ko rin dahil nagugutom na ako. Pagkakuha ko ng perang pinadala nila saakin ay nagpunta na ako ng grocery store. Pagkarating ko'y nagtataka ako dahil sarado ito. May nakita akong driver na nag aantay ng pasaheros kaya ko sila nilapitan at nagtanong. "Kuya. Bakit po sarado sila?" Tanong ko. "Ahh... hindi ko rin po alam, ate." "Saan po kayo?" Tanong nila. Ito naman si kuya. Ang tanong ko lang eh yung tungkol sa grocery store. At dahil tinatamad na akong magpunta sa paradahan namin, sakanila na ako sumakay. Tinext ko si mama na hindi ako natuloy dahil sarado sila. Pagkarating ko sa tapat ng bahay namin ay nakaramdam ako ng kakaiba. Hindi ko na lang ito pinansin at dumiretso na sa pinto. Biglang nawala ang aking paningin at kahit anong pagpikit at pagbukas ko ng aking mga mata ay wala akong makita. Pinakalma ko ang sarili ko, at ilang segundo ang lumipas ay bumalik rin ang aking paningin. Para akong nagkaroon ng mini-heart attack dahil doon. Pagpasok na pagpasok ko sa pinto namin ay biglang nagbago ang kapaligiran ko. Muntik pa akong masubsob dahil dito. Kusang nakita ng mata ko kung nasaan ang prinsipe kung kaya't binigyan ko siya ng masamang tingin. "Start." Aniya atsaka ipinag krus ang mga hita at uminom sakaniyang basong hawak. Sa ilang buwang lumipas, ang nalaman ko lang ay yung batong parang kulay dilaw na parang ginto na nakay Ken. Hindi ko alam kung para saan ito ngunit sabi ni Kyla ay napaka halaga nito dahil nakasalalay dito ang buhay ng mga tao. Sinabi ko naman sakaniya ito. "Get it." Sabi niya agad. "Ano ba iyon?" Tanong ko. Tinignan naman niya ako. Inaasahan kong babalewalain na niya ang katanungan ko ngunit sumagot din siya. "It's one of the stones I am collecting. There are fourteen stones I need to get, and I already have twelve. That stone and the red one is the only left I need to get." "But I don't know where the hell is the red one." "Para saan ba iyon?" Tanong ko ulit. "To enable me to use all the portals on different worlds and dimensions." "Bakit? Ano ba ang gagawin mo?" "Revenge." Tipid niyang sagot at hindi na nagsalita pa. Napairap naman ako dahil sa kadahilanang nandito nanaman ako. Sigurado akong mahihirapan nanaman akong bumalik sa mundo ng mga tao at mapapasubo nanaman akong magsinungaling sakanila mister Gerald para makagamit ng portal nila pabalik sa mundo ng mga tao. Baka magduda na sila saakin. Nang lalabas na sana ako ay may bigla akong naalala. "Wait." "I think I know where that red stone is." Aniko sakaniya. "Where?" Tanong niya. "It's inside the heart of James Welker's mother... I think." "But... isn't it you, who put it in her heart?" Tanong ko sakaniya ngunit hindi siya sumagot. Tumingin siya sa iba na parang nagiisip ng malalim hanggang sa parang naisip na niya ang dapat niyang isipin. "I know who did it." Sambit niya atsaka inilapag sa gilid niya ang kaniyang iniinom. "Let's go. We are going somewhere." Sabi niya. Hindi pa ako nakakaimik nang biglang nagbago ang lugar na kinalalagyan ko ngayon. Ang prinsipe naman ay naglalakad na at nasa ilang metro na ang layo saakin. Ngunit ang nakakapagtaka dito ay noong bago kami makarating dito, noong nasa kastilyo niya pa lang kami, parang nakita ko siya na lumapit saakin. O baka guni-guni ko lang ito? Bahala na nga. Tumakbo ako upang sumunod sakaniya. Nandito nanaman kami. Dito sa lugar kung saan naputol ang iniingatan kong buhok dati. Ngunit kung iisipin ko ngayon, simula noong pinagupitan niya ang buhok ko na sobrang iksi, napagtanto kong gusto ko pala ang maiksing buhok... ngunit hindi ganon kaiksi sa dati. Mga hanggang balikat ko o panga ko lang. Dati kasi ay mahabang buhok ang gusto ko. Ngayon ay nagbago dahil doon sa ginawa niya. "Michael." Tawag ng prinsipe. Ilang segundo pa ay dumating yung lalaking, kung natatandaan ko ng malinaw, ay kaniyang kuya. "What brings you here?" Nakangiting bati sakaniya ng lalaki. "Tell me everything you know about Takashi Nikko." Diretso niyang sabi. Para naman akong nabingi sa narinig ko. Takashi Nikko? Takashi? Hindi ba't Takashi din siya? Bakit pareho silang dalawa? "What happen?" Medyo nagaalalang tanong ng lalaki. Naging seryoso naman ang kaniyang awra. "He's messing with me again." "I told you. I only know that he's the one who decided to kicked you outside your realm. That's why you're here with us." "Then why does he messing with me?" "What did he do?" "He put the red stone I am finding in the heart of James Welker's mother." Medyo may kariinang wika ng prinsipe. "Or is it you?" Seryoso at parang nagbabantang tanong ng prinsipe sa lalaki. "No." Sagot agad ng lalaki. "There's a battle I am currently finishing. And what makes you think I have time to do that? I don't even know that James Welker's mother." "That's why I am asking you about that Nikko so that I can put an end with it." "I love to help you, but I know nothing." Nabalot kami ng maikling katahimikan hanggang sa nag alok ang lalaki ng maiinom. "No thanks. We should get going. This girl has some business to do." Ani ng prinsipe habang naglalakad na paalis. Sumunod naman na ako sakaniya. Pagkarating namin sakaniyang kastilyo ay ginawa niya ang kaniyang mannerism habang nasa kaniyang trono. "It seems like you're not convince." Aniko ngunit hindi niya ako sinagot agad. "Just focus on your task. Remain spying and get the stone on James' son." Sabi niya lang at hindi na nagsalita pa. Lumabas naman na ako. Naabutan ko naman sila Ray at Roy na kumakain ng mansanas samantalang sa kabilang kamay nila ay may peaches. Pagkalagpas nila saakin ay pansin kong para silang nagmamadali. Nakita kong dumaan sila sa dinaanan ko kaya malakas ang kutob kong sa prinsipe sila pupunta. Nakakailang hakbang pa lang ako'y may naramdaman akong prisensya na mabilis na dumaan saaking likuran. Bigla naman akong kinilabutan dito. Hindi ko na ito pinansin at naglakad na lang ulit. Ngunit pagkatapak ko ulit ng ilang hakbang ay narinig ko sila Ray at Roy na parang nagmamadaling maglakad palabas ng kastilyo. "Why do he teleport every single time?" "Indeed. It makes my legs hurt." "Boss! Chotto matte kudasai!" Pagtawag nila sa prinsipe na parang nasa unahan lamang nila ngunit hindi naman. Dahil nakokyuryos ako ay sinundan ko sila. Pagkarating namin sa may bintana ay nakita namin ang prinsipe kaharap ang isang lalaking madilim ang awra na nasa ibaba -sa tapat ng kastilyo. Nakakatakot siya. Nakakatakot na ang prinsipe ngunit mas nakakatakot siya. He is wearing a black cloak that's why I can't see his face. "I can't see his fa--" hindi ko na natuloy ang sinasabi ko nang alisin niya ang nagtatakip sa kaniyang ulo. Nakakatakot talaga siya. Ngunit sakabila ng takot ko'y napansin ko ang kulay ng kanilang buhok. Kahit magkaiba sila ng haba ng buhok ay hindi maipagkakaila na magkahawig na magkahawig na parang pareho na yata sila ng kulay ng buhok. "Who's that?" Tanong ko sakanila Ray at Roy. Bago pa sila makasagot ay bigla akong tinignan ng lalaking kaharap ng prinsipe diretso saaking mga mata. Tumaas ang aking mga balahibo. Paano niya nalamang nandito kami? Atsaka, bakit parang alam na alam niyang nandito ako dahil diretso ang tingin niya saakin? Bigla din nagbago ang kaniyang mga mata. It's pupil is slitted and is color magenta. Around it is color pale purple, and around it is color gold which is the highest percentage of the color of all his eye color, and the last one, brown, that is around the color gold. Para akong nakaramdam ng kung ano at nanlabo ang aking paningin at para rin akong nahihilo, ngunit nawala rin ito agad. Pagtingin ko sakanila ay nakita ko ang prinsipe na may parang gawa sa apoy na pakpak samantalang may mga apoy na nakapalibot sakaniya na animo'y gwardya na bumabantay sa prinsipe. Ang nakakatakot na lalaki naman ay may kulay puti na may halong lila at asul na pakpak. Ang nakadikit sakaniyang katawan ay kulay puti hanggang sa naging lila at ang dulo ng kaniyang pakpak ay kulay asul. Meron din siyang sungay. Kumurap ako ng ilang beses ngunit hindi ito mawala. Nakailang kurap pa ako saka ito naglaho at bumalik sa dati nilang itsura kanina. "Is--that... Nikko: The Ultimate Supreme user? Also known as Kagenokami and, the Lord of the Death?" Hindi makapaniwalang tanong ng dalawa sa tabi ko. Ibinalik naman ng nakakatakot na lalaki ang paningin sa prinsipe. Ang mga mata niya rin ay bumalik na sa dating kulay - kulay pula na parang may halong berde ngunit hindi na ito gaano napapansin. "Who are you? What is it that you really want?" Madiin at nakakatakot na tanong ng prinsipe. Hindi sumagot ang nakakatakot na lalaki kung kaya't gumawa ng malaking apoy ang prinsipe atsaka itinama sa lalaki ngunit nagawa niyang makaiwas agad. He dodge it smoothly. Gumawa rin ng apoy ang lalaki na dihamak na mas malaki sa ginawa ng prinsipe atsaka itinama sa prinsipe ngunit nagawa niyang makaiwas. Ngunit sa pag-iwas niya'y meron pa lang ibinato ang lalaki na punyal na pati kami ay hindi napansin kaya't nadaplisan ang prinsipe sakaniyang balikat. Napahawak dito ang prinsipe. Tinignan naman niya ng masama ang lalaki. Gumawa ulit ang prinsipe ng apoy atsaka ibinato sa lalaki ngunit ang apoy na tatama sana sakaniya ay napunta sa mga punong nasa likuran ng prinsipe. Napansin ko naman ang mga mata niyang naging ganon sa mga matang tumitig saakin kanina. Bumalik naman na ang kaniyang mata sa dati. "You need to know who you want to be. Otherwise you'll become others want you to be." Aniya sa prinsipe atsaka tumalon sa puno at binato ang prinsipe ng tatlong punyal hanggang sa naglaho na siya saaming paningin. Naging mabilis naman ang galaw ng dalawang binatang kasama ko at naglabas ng mga punyal upang itama sa punyal na paparating sa prinsipe. Tumama ito kaya't naligtas ang prinsipe. "Boss." Tawag nila at tumalon pababa na nagpabigla saakin. Ang taas-taas ng kinaroroonan namin ngunit para lamang kaming nasa isang palapag dahil sa ginawa nilang pagtalon. Pagkabalik namin sa loob ay naupo siya sakaniyang trono habang ang matandang babae ay inaasikaso ang kaniyang sugat. Ang dalawang lalaki naman ay nakatayo sakaniyang harapan at nakikinig sa binibigay niyang kanilang gagawin. "And you. You go back to the human world and get me the stone from James' son." Wala naman na akong magagawa kaya na ako tumango. ... "Anyway. I overheard my mom having a phone call. I heard that there was a guy who reported to them that his uncle was murdered." Wika ni Sam. "Murder again, Sam." Pag-irap ko. "I've had enough of this. I'm gonna go. May mga gagawin pa ako." Aniko. "Ako rin." Sabi rin nila Wil at John. "Teka." Sambit ni Sam nang paalis na kami. "I am leading four groups. Malapit nang ganapin ang okasyon na sinasabi ko sainyo at kailangan kong mag-focus sakanila." Ani ni Wil. "I have errands to do." Wika naman ni John. "I'm sorry, Sam. Maybe next time. We really have things to do in our list." Sabi ko naman. Nakita ko naman ang pagsimangot niya. "Sige. Next time ha." "Oo." Sabay-sabay naming sabing tatlo atsaka na umalis. Pagkalabas namin ng convenient store ay naghiwa-hiwalay na kami. Mamaya o bukas ko na lang kukuhanin yung bato kay Ken. Bahala na kung anong maisip kong paraan. Habang naglalakad ay may bigla akong nakabunggong lalaki. Sabay kaming napaupo dahil napalakas ang pagtama namin sa isa't isa. "Aww." Sabay naming sabi. Pagharap ko sakaniya'y para ko lamang siyang kaedad. He has a gold-like-hair. Ang mga mata niya naman ay sobrang makulay ang pagka lila nito. Para siyang may kahawig. It seems like he's familiar to me. Ilang segundo kaming nagkatitigan hanggang sa tumayo na ako. Pinagpag ko naman ang sarili ko atsaka napaharap sakaniya na hindi maalis ang tingin saakin. His weird. Binawian ko naman siya ng tingin at binigyan ng parang nagtatanong at naiiritang tingin. "Kailangan mo ng tulong?" Tanong ko upang maputol ang pagtitig niya saakin. "Oh." Aniya na parang nabalik sa kasalukuyan. Tinanggap niya naman ang kamay ko kaya ko siya hinila patayo. Nang magdikit ang kamay namin ay dito naman siya ulit nakatitig. "You're weird. Let go of my hand." Pagbawi ko saaking kamay. "Excuse me." Aniko atsaka siya nilampasan. Pagkarating ko ng aming tahanan ay naabutan ko si mama na umiiyak samantalang si ate ay nakaupo. Para silang naguusap na dalawa. "Bakit?" Tanong ko. "Bilisan mo. Maupo ka dito. Importante ito." Sabi niya. "Teka. Magbibihis lang ako." Sambit ko. "Bilisan mo." Utos niya. Binilisan kong magbihis at lumabas din agad atsaka naupo malapit sakanila. "Anong nangyayari?" Tanong ko. "Wala na si daddy." Diretsong sabi ni ate kaya hindi ako makaimik. "Nabalitaan lang kani-kanina. May nagpunta dito sa bahay, yung head na naghahandle kay daddy, tapos sinabi yung balita." "Namatay daw sila sa gitna ng laban." "Ito pa. May isa pang balita." Wika niya kaya ako napaharap sakaniya. "May kapatid pala tayo sa labas. Ngayon ko lang nalaman. Pati si mommy ay ngayon lang din nalaman noong nadulas sila tita." "Alam nila tita?" Hindi makapaniwalang tanong ko. "Oo." "Alam nila simula't sapul na may isang pamilya palang inuuwian si daddy. Kaya pala hindi sila madalas umuuwi dito kasi nandoon sila sa kabilang pamilya nila." Napaiyak ulit si mommy kaya pinainom sila ni ate ng tubig at sinabing magpahinga na muna doon sa kwarto nila. Pagkaalis nila ay kaming dalawa ang nag usap. "Ang unfair, putangina." Madiin niyang sabi. "Hindi man lang tayo nakabawi o makapag labas ng sama ng loob sakanila. Putangina, for how many f*****g years we live like a fool believing that this family is perfect. But in fact it's just a mere bullshit that our foolish ass assumed." "Tama nga ang sinabi mo. Pare-pareho lang ang mga lalaki." Aniya. "Pati yung mga pamilya niya ay pinagtakpan siya ng ilang taon." Sabi niya at tinukoy ang side nila daddy. "Naiinis ako!" Galit niyang sabi. "Hindi ako makabawi. Hindi niya man lang napag bayaran itong mga ginawa niyang pasakit saatin." "Bwisit din talaga yung mga pamilya niya. Kahit alam nilang mali ang ginagawa ng kapatid nila ay sinusuportahan pa rin nila. Mga konsintidor!" "Sabi ko sayo eh. May duda na ako noon pa na may babae sila." Wika ko. "Pero hindi lang pala babae. Pamilya na niya." Sambit niya. "Nanggigigil talaga ako!" "Ngayon, ang iniisip ko ay ang pagkukuhanan natin ng pangbuhay natin. Hindi magiging sapat yung matatanggap natin galing sa trabaho niya." "Why not mag part-time ako? Working student, ganon." Suhestiyon ko. "Mahirap pag magwoworking student ka. Matatagalan ang pag graduate mo niyan." "Yun lang. Eh, di mag part-time ako. Para maka less sa gastusin. If kaya, ako na ang sasagot sa tuition fee ko tapos kung may tira, pandagdag dito sa bills natin." "Pwede rin. Tapos si mommy, since marami naman silang kakilala, maghanap na lang din sila ng trabaho." "Tapos ako, mag start na lang ako ng online business kasi hindi ko pwedeng mapabayaan itong pagaaral ko." Oo nga naman. Mahirap pa naman ang kurso niya. At by next school year ay graduating na siya, kaya hindi niya nga talaga pwedeng pabayaan ang pag aaral niya. Ako naman ay maluwag-luwag pa naman ang schedules ko dahil freshman pa lang ako. Next school year ay mag second year na ako. Hindi naman masyadong big deal yung course ko, maluwag naman ang schedule ko kahit papaano kaya mas maganda ngang ako ang mag work as a part-timer kesa sakaniya. "Paano yung bruha nating kapatid?" Tanong ko. "Magha-high school na siya next school year. Gusto niya raw mag aral sa private school. Yung dati mong pinasukan." "Oo nga pala. Mapapa gastos tayo nito." "Nasaan na pala siya?" Tanong ko. "Nasa kwarto, natutulog." Tugon niya. Nabalot naman kami ng ilang segundong katahimikan nang basagin ko ito. "Hindi ko alam ha, pero wala na akong luhang mailabas. Maybe these eyes used up all its tears reserves." Siguro nga ubos na ubos na ang mga luha ko dahil noon pa lang ay sila na ang pinaka dahilan kung bakit ako lumuluha. Hindi man nila ako sinasaktan sa pisikal, pero grabe naman ang sakit na ibinibigay nila sa pananalita nila. Bata pa lang ako'y pinuno na nila ako ng pagkukumpara, pagdidikdik at pagsisiksik sa isip kong wala akong mapapala at wala akong mararating dahil mahina ang utak ko. Growing up, his acknowledgement is what I am living for. His acknowledgement as a daughter, or even just their relative is enough... but instead, all I heard is negativities. Kung ang ibang anak ay pinupuno sila ng pagmamahal ng kanilang ama, saakin ay pinupuno ako ng hinanakit, sama ng loob, at galit. No one can blame me because I tried many times, I tried my very best, I even exceeded my limit just trying to reach him. But everytime we almost make it up in the middle, he always push me far and he backed off as far as he were before that's why I really can't reach him. Ang natitira na lang saakin ay respeto bilang tao kaya kahit papaano ay ginagalang ko sila. Pero ngayong nalaman ko itong balita na may inuuwian silang isa nilang pamilya, nawala na talaga lahat ng natitirang respetong ibibigay ko. Masama na kung masama, pero mabuti na rin sigurong wala na sila. ____________________ End of flashback
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD