Episode 4

2019 Words
Chapter 4 Ruby Rose Malakas na hampas ng walis tambo sa ulo, likod, paa, ang ginawa ko sa lalaking pumasok sa mansion. Nagsisigaw ito sa sakit dahil sa paghahamapas ko sa kaniya. “Ouch! s**t! f**k! Stop!” sigaw nito sa akin subalit patuloy pa rin ako sa paghahampas sa kaniya. Pinanaggalang niya ang kaniyang mga kamay kapag natatamaan ko siya sa ulo. “Magnanakaw ka! Ano, pinatay mo si Mang Canor? Pinukpok mo siya sa ulo, ha? Akala mo makakalabas ka ritong buhay?” sabi ko at walang tigil siyang inuulanan ng hampas ng walis tambo. Wala akong pakialam kong saan siya matatamaan. Ang mahalaga sa akin ay maunahan ko siya na manghina bago pa siya may gawin sa akin na hindi maganda. Kahit ang mga kamay niya na ginawang panangga sa katawan niya na pinaghahampas ko ay walang magawa. “Your bulshit! I said stop!” Nahawakan niya ang aking kamay at agad niya ako itinulak ng malakas kung kaya ay natumba ako sa tiles. Ang sakit ng puwit ko sa biglang pag-upo sa tiles. Pakiramdam ko isang higanting elepante ang nagtulak sa akin. “Aray!” daing ko dahil hindi ako makakilos parang nabalian ako ng buto sa puwitan. Hindi ako makatingin sa kaniya dahil ininda ko ang pagkatulak niya sa akin. Maya-maya pa ay narinig ko ang boses ni Mang Canor. “Boss, anong nangyari?’’ tanong nito sa lalaki na nakatayo sa harapan ko. “’Yang baliw na babaeng iyan pinagpapalo ako ng walis tambo sa katawan. Sino ba ang hayop na iyan?’’ galit na tanong nito kay Mang Canor. Biglang pumagting ang tainga ko sa pagtawag niya sa akin na hayop, kaya agad akong tumingin sa kaniya ng masakit ngunit nang magtama ang aming mga mata ay pareho kaming nagulat. “Ikaw?’’ sabay naming bigkas. Halos nanlaki ang mga mata ko nang mapagsino siya. Siya ang lalaking napaliguan ko ng tubig kina Tita at binato ko ng bato noong nakaraan. “What the- sinong nagpapasok sa babaeng iyan?’’ galit niyang tanong kay Mang Canor sabay turo sa akin. Ngayon ko lang siya natitigan ng husto. Ang kaniyang mahabang pilik mata at makakapal na kilay ay halos magsalubong. Manipis ang kaniyang mga labi at matangos ang kaniyang ilong. Ngunit para siyang nakakatakot kapag nagalit at parang maiksi lang ang pasensya. “Siya ang inirekomenda ni Greta sa inyo na pamangkin niya, Sir,’’ sagot ni Mang Canor sa lalaki. Napaisip ako kung siya ang amo ko baka anak ng amo ko. ‘’At sino ka naman na herodes ka? Aray, ang sakit ng balakang ko. Kasalanan mo ito!’’ paninisi ko sa kaniya. Hindi man lang ako natablan ng takot sa masakit niyang tingin na ipinupukol sa akin. Sinalubong ko rin ng masakit na tingin ang mga mata niya. “Ako Herodes? Hindi mo ba alam na ako ang may-ari ng bahay na ito? May bakat pa na bato ang noo ko dahil binato mo ako ng bato sa noo na impaktang babae ka!’’ galit niyang singhal at tawag sa akin. Tatayo sana ako ngunit sobrang sakit ng aking balakang. Parang napilayan yata talaga ako. Nakita ko na namumula ang kaniyang mga braso sanhi ng pagpalo ko sa kaniya. At tiyak na pati katawan niya ay mapula rin. Hindi ko lang makita dahil nakadamit siya at nakapantalon na kulay itim. Hindi ko alam kong ano ang sasabihin ko nang sabihin niya na siya ang may-ari ng bahay na ito. Paano kung paalisin niya ako dahil sa dinami-rami ng ginawa ko sa kaniya noong nakaraan. At ngayon heto at napalo ko pa siya ng walis tambo. “Eh, sino ‘yong matandang pumunta rito? Saka akala ko magnanakaw ka, kaya pinalo kita,’’ nakangiwi kong sabi sa kaniya na nahihiya sa ginawa ko. Tumingin siya kay Mang Canor at nagtanong. “Sino ang sinasabi ng impaktang iyan na pumunta rito?’’ “Si Don Frederico, Sir; ang ama po ninyo,” nakayukong sagot ng guard na parang kinakabahan. “Bullshit! Sino ang nagpahintulot sa’yo na papasukin sa pagmamay-ari ko ang taong ‘yon, ha?’’ sigaw nito kay Mang Canor. Ang sama naman pala ng ugali ng lalaking ito. Tatay niya ayaw niyang papasukin sa bahay niya? “Pasensya na po, Sir. Hindi ko naman po kasi mahindian si Don Frederico dahil ama niyo po siya. Hindi na po mauulit Sir,’’ paghingi ng paumanhin ni Mang Canor sa Herodes na lalaking ito. Kahit na masakit ang aking balakang ay pilit kong itinayo ang aking mga paa. Nang makatayo ako ay tumingin ako sa Herodes na nasa aking harapan at masakit siyang tinitigan. “Siguro ang lungkot ng buhay mo dahil kahit sarili mong ama ayaw mong papasukin sa pamamahay mo. Ang laki ng bahay mo wala ka naman pamilya na nagmamahal sa’yo. Paano kasi ang sama ng ugali mo!” wala sa sarili kong wika sa Herodes na nasa aking harapan. erodes 8Hindi ko alam kung bakit nasabi ko iyon sa kaniya kahit alam ko na siya pala ang pagsisilbihan ko. Hindi ko kasi matiis ang pananalita niya. Mukhang mabait naman ang matanda na pumunta rito kaninang umaga. Masakit niya akong tiningnan na kulang na lang ay pilipitin niya ang leeg ko. “’Wag kang sumabat diyan kung hindi ka kausap! Kung gusto mo pa na tumagal sa trabaho mo manahimik ka! Pero kung gusto mo na umalis rito magbalot-balot ka na ng gamit mo at ibibigay ko ang ilang araw mong paninilbihan dito!” Hindi siya nagbibiro at determinado siya sa sinasabi niyang iyon. Salubong ang mga kilay ko na yumuko at napahaba ang nguso. Inisip ko na kapag umalis ako ay mahihirapan naman ako makahanap ng trabaho at sayang ang sahod ko. Alang-alang sa aking ama ay ibababa ko ang aking pride basta manatili lang ako rito para may trabaho ako. “Sorry, po. Hindi na po mauulit. Saka sorry din po sa nagawa ko noong nakaraan at kanina,’’ paghingi ko ng paumanhin sa kaniya sa nagawa ko. Subalit sa halip na tanggapin niya ang sorry ko ay masungit siyang tumingin kay Mang Canor. “Dalhin mo sa hospital ang Impaktang babaeng iyan at patingnan mo kung may nabaling buto niya, saka ipagamot mo!’’ maawturidad na utos ng Herodes kay Mang Canor at umakyat ito sa second floor ng bahay at sa elevator ito dumaan. “Nako, pasalamat ka at hindi ka nabaril ni Sir. Mabuti ‘yan lang ang napala mo sa susunod mag-iingat ka!’’ paala ni Mang Canor sa akin at inalalayan niya ako. “Napagkamalan ko po kasi siyang magnanakaw. Sino naman kasi ang hindi, dahil hindi ko naman siya kilala at ang akala ko ang pumunta rito na matanda iyon ang amo natin,’’ rason ko kay Mang canor habang inaalalayan niya ako palabas sa mansion. “Kaya, pasalamat ka na lang dahil hindi ka napaano. Huwag kang paharang-harang sa harapan ni Sir kapag narito siya sa mansion. Maliban na lang kapag tinawag ka niya at may iutos siya sa’yo. Teka at tatawag lang ako ng ambulance.” Pinaupo muna ako ni Mang Canor sa upuan na plastic sa puwesto niya nang makarating kami sa gate. “Manghihilot lang po sana ang tumingin sa akin, Mang Canor. Kung may kilala po kayong manghihilot doon niyo na lang po ako dalhin dahil ang sakit talaga ng balakang ko,” sabi ko kay Mang Canor habang nakangiwi. Hindi ko maituwid ng husto ang aking katawan. “Hindi puwede, Iha. Maigi na sa hospital kita dalhin para masuri ka.” “Eh, wala akong pera, Mang Canor. At kung puwede sana huwag niyo ng sabihin kay Tita ang nangyari. Ayaw ko kasi na mag-alala siya,’’ tanggi ko kay Mang Canor dahil nahihiya ako kay Tita kapag nalaman niya ang ginawa ko sa Herodes na lalaking iyon, este sa boss natin,’’ pakiusap ko kay Mang Canor. “Eh, ikakaltas din iyon ni Sir sa sahod mo. Kaya, huwag mo alalahanin ang gastos,” pagpupumilit sa akin ni Mang Canor. Mas gusto ko na lang tiisin ang sakit kaysa maospital ako. Ayaw ko mabawasan ang sasahurin ko dahil iniipon ko iyon para mabayaran ang pera na naitalo ni Papa sa sugal. “Mang Canor, baka naman may kakilala ka na manghihilot, doon mo na lang ako dalhin.” Kunting kumbinsi na lang ay mapapa-oo ko na si Mang Canor. At least sa manghihilot ay kaunti lang ang bayaran ko. Napakamot ng ulo si Mang Canor at pumayag na rin sa gusto ko. “Oh, sige! Dalhin kita kay Amalia at magaling manghilot ‘yon!” Inalalayan ako ni Mang Canor at lumabas kami sa bakod. Kahit gabi na ay maliwanag naman ang street light sa loob ng subdivision. Ilang kalye ang dinaanan namin ni Mang Canor bago kami nakarating sa isang bahay na kasing laki rin ng bahay ng Herodes kong amo. Pagtapat namin sa dilaw na bakod ay nag-door bell si Mang Canor. Ilang sandali pa ay may narinig ako na kaluskos mula sa loob. Batid kong nakikita na kami sa loob kung sino man ang naroon. “Ikaw pala, Canor! Ano ang maipaglilingkod ko sa’yo?’’ tanong ng boses ng matanda sa loob ng malaking gate. “Eh, patingnan ko sana itong kasama ko at parang napilayan. Hindi ba nakakaistorbo sa’yo?’’ nahihiyang sabi ni Mang Canor. Bumukas ang gate at iniluwa ang isang matandang babae na siguro ay nasa edad singkwenta y singko. “Napaano iyang kasama mo?’’ tanong niya kay Mang Canor sabay turo sa akin sa pamamagitan ng kaniyang labi. “Napaupo bigla sa tiles. Eh, masakit ang kaniyang balakang hindi niya maituwid ng maayos ang kaniyang katawan,’’ sagot ni Mang Canor sa matanda. Pinapasok kami ng Matanda sa loob. “Hali kayo, rito sa kubo ko,’’ yaya ng matanda sa amin ni Mang Canor. Akay-akay ako ni Mang Canor papunta sa kubo ng matanda. Malaki ang bahay at may kubo ito sa gilid na parang pahingahan. Pagdating namin sa kubo ay pinaupo ako ng matanda at tiningnan ang balakang ko. “Mukhang may nalisang buto dito sa balakang mo, Iha. Dumapa ka para maiayos ko,’’ utos ng matanda sa akin. Sinunod ko ang utos niya at humiga ako sa sahig na may sapin na banig. Hinilot ako ng matanda at kahit masakit ay tiniis ko na lang. Ilang sandali ang lumipas ay natapos na ang matanda sa paghilot sa akin. Medyo gumaan ang pakiramdam ko at nawala ang sakit ng kaunti. Naitutuwid ko na ang likod ko. “Salamat, Po. Magkano po ang babayaran ko?’’ tanong ko sa matanda habang ginagalaw ko ang aking balakang. “Huwag mo na alalahanin, Iha. Kapag sumakit pa bumalik ka rito,’’ tugon nito sa akin. Nahihiya ako na hindi siya tumatanggap ng bayad. Dumukot ako sa bulsa ng aking short at may one hundred pa ako na naisuksok sa aking bulsa. “Tanggapin niyo po itong bayad ko. Nakakahiya naman po sa inyo dahil wala na pong libre ngayon,” sabi ko sabay ipinasok ko sa kaniyang bulsa ang isang daan. “Nako, huwag na, Iha. Ibili mo na lang iyan ng softdrink.” Kinuha nito ang pera na nilagay ko sa kaniyang bulsa at ibinalik sa akin. Wala akong nagawa kundi ang magpasalamat na lang sa kaniya. “Maraming salamat, po. Ako nga pala si Ruby Rose. Kasambahay doon sa pangatlong kalye,’’ pakilala ko na lang sa kaniya. “Ay ganoon ba? Tawagin mo na lang akong Lola Rosa. Matagal na rin akong kasambahay rito. Dito na nga ako tumanda.” Nakagaanan ko agad ng Loob si Lola Rosa. At least may kakilala na ako rito. “Salamat, Lola Rosa. Sa uulitin po,’’ nakangiti kong wika sa kaniya at nagpaalam ng umuwi. “Aalis na kami, Aling Rosa. Salamat, ha?’’ pasalamat ni Mang Canor sa matanda. Bumalik kami ni Mang Canor sa bahay ng Herodes kong amo. Naiwan na si Mang Canor sa puwesto niya at ako naman ay pumasok na sa loob ng mansion. Sa kusina ako dumaan dahil baka nasa sala ang Herodes kong amo, ngunit sa kasamaang palad ay naroon din pala siya sa mini bar niya. Hindi ko tuloy alam kung aatras ako o tutuloy sa kusina. Subalit huli na ako dahil nakita niya na ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD