Episode 3

2340 Words
Chapter 3 Ruby Rose ‘’Dala mo ba ang mga mahalagang gamit mo, Ruby Rose?’’ tanong sa akin ni Tita. Ngayon ay papunta kami sa bahay ng magiging amo ko. ‘’Opo, Tita. Kung ano po ang dala ko nang pumunta ako rito noong nakaraang araw ay iyon din po ang dala ko ngayon papunta sa bahay ng magiging boss ko,’’ wika ko kay Tita Greta. ‘’O, siya tara na at ituturo ko pa sa’yo ang dapat at hindi mo dapat gawin sa trabaho sa bahay ng amo mo. Mabuti na ‘yong dala mo ang gamit mo para kung sakaling stay in ka roon ay dala mo na ang gamit mo. Saka bihira lang umuwi ang magiging amo mo dahil maraming properties iyon,’’ sabi pa ni Tita Greta sa akin. Dala ang aking bag ay lumabas kami sa bahay ni Tita Greta at nagpara ng sasakyan. ‘’Manong, sa Sparkle exclusive subdivision nga po,’’ sabi ni Tita sa Mamang Driver at agad kaming sumakay. Agad naman pinaandar ng driver ang sasakyan. Habang nasa biyahe kami ay panay tingin ko sa labas dahil natutuwa ako sa mga tanawin na bago lang sa aking paningin. ‘’Paano kaya kung mag-aral ka, Iha? Sayang naman kung hindi ka makatapos sa pag-aaral mo,’’ untag sa akin ni Tita. ‘’Mag-iipon lang po muna ako, Tita. Makakapag-aral din ako at matupad ang pangarap ko bilang isang buseness woman,’’ nakangiti kong sagot sa kaniya. Kibit-balikat si Tita sa sagot ko sa kaniya. ‘’Ikaw ang bahala. Basta kung ako sa’yo ay tapusin mo ang pag-aaral mo. Bata ka pa naman.’’ Tumango-tango lang ako sa sinabi ni Tita. Alam ko na nag-aalala rin siya para sa akin. Lalo na at isa lang ako na pamangking niya sa side ni Mama. Tumingin muli ako sa labas ng sasakyan. Ilang oras ang nakalipas ay nakarating kami sa isang napakagandang subdivision at ang gagara ng mga bahay; ang lalaki. Sobrang namangha ako sa aking mga nakikitang bahay na naroon. Huminto kami sa isang malaking gate at malaking bahay. ‘’Bumaba ka na Ruby,’’ untag sa akin ni Tita nang nakatulala akong nakatingin sa mga naglalakihang bahay. ‘’Opo, Tita.’’ Dali-dali akong bumaba at bitbit ang aking bag. Binayaran ni Tita ang driver at umalis na ito. ‘’Wow, Tita ang laki ng bahay,’’ mangha kong sabi kay Tita. Kumatok siya sa isang maliit na gate at maya pa ay may sumilip sa maliit na butas. ‘’Canor, ako ‘to si Greta. Nariyan ba si Rico?’’ tanong ni Tita sa security guard na naroon. Maya pa ay binuksan ng security guard ang maliit na gate. ‘’Hali ka, Ruby Rose pumasok ka,’’ yaya ni Tita sa akin at pumasok na siya sa loob ng gate sumunod na rin ako sa kaniya habang ang mga mata ko ay naktingin sa kapaligiran at sa malaking bahay. ‘’Ito ba ang ini-rekomenda mo kay Sir, Manang Greta?’’ tanong ng security guard kay Tita sabay turo nito sa akin. ‘’Oo, ito ‘ang pamangkin ko si Ruby Rose. Siya ang ini-rekomenda ko kay Rico,’’ sagot ni Tita sa security guard. ‘’Nagbilin si Sir na kapag dumating raw kayo ituro mo na raw sa kaniya ang dapat gawin. Baka sa susunod pa na lingo uuwi iyon. ‘Yong magiging silid niya ay iyong nasa maids room daw para malapit sa kusina. Alam mo na rin ang ayaw ni Sir,’’ sabi ng security guard sa aking Tita Greta. Ibig sabihin lalake pala ang magiging amo ko, pero ayos lang basta ang mahalaga ay malaki ang pasahod niya sa akin at siguro matanda na rin iyon. ‘’Oh, sige at kami ay papasok na,’’ paalam ni Tita Greta sa Mamang Guard. Napapaawang talaga ang labi ko sa sobrang ganda ng paligid na may swimming pool sa gilid na malaki at may mga bulaklak sa hardin na may paro-paro na lumilipad. Tapos ang inaapakan namin ni Tita Greta ay malambot na parang artificial na damo papunta sa entrance ng bahay. Namangha ako sa sobrang ganda. Kahit dito na ako tumira habang buhay! May ilang sasakyan na nakaparada sa malaking parking lot sa loob ng bakod. ‘’Tita, sino ang kasama ko rito sa bahay na ito?’’ tanong ko kay Tita habang naglalakad kami papunta sa entrance ng mansio. ‘’Wala kang kasama rito dahil ayaw ni Sir Rico na maraming kasama sa bahay. Gusto no’n mag-isa palagi kapag sa bahay siya. Kaya, nga malaki ang offer niyang sahod dahil mag-isa ka lang sa gawain rito.’’ Napakamot na lamang ako ng aking ulo dahil akala ko ay may kasama ako na isa rin katulong na kagaya ko. ‘’Madali lang naman ang gagawin mo rito dahil maglilinis ka lang naman ng bahay at magluto ng kainin mo. Si Manong mo kasi Canor ay may lutuan naman ‘yan sa labas, kaya ang sarili mo lang ang alalahanin mo. Kapag dito si Sir Rico, mag-iiwan lang ‘yan ng note kung alin ang lulutuin mo kapag nandito siya. Saka sa silid niya lang iyon nagkukulong o hindi kaya sa library niya siya madalas magtambay. Kapag nandito siya siguraduhin mo na tapos na ang ligpitin mo bago siya bumaba. Ayaw niya na may taong palakad-lakad kapag narito siya sa mansion,’’ mahabang pahayag ni Tita Greta sa akin. Iniisip ko na baka mailap lang sa tao ang amo ko dahil matanda na, kaya ayaw na may kasama sa bahay dahil sabi nila kapag matatanda na ay gusto nila tahimik lang. Tumango lang ako kay Tita, bilang sang-ayon. Nang makapasok na kami sa loob ng bahay lalong lumaki ang aking mga mata dahil ang laki ng sala at sobrang ganda sa loob. Siguro ‘yong bahay namin sa San Luis ay banyo lang ng bahay na ito. Umiikot ang mata ko sa buong bahay nakita ko na may dalawa itong palapag. ‘’Tita, grabe naman ang laki ng bahay na ito. Tapos mag-isa lang ako rito? Wala kayang multo rito, Tita?’’ ‘’Hay nako sarili mong multo lang ang nandito. Ano, kaya mo ba magtrabaho rito? Sabihin mo kaagad habang hindi ka pa nagsisimula,’’ tanong ni Tita sa akin at tumuloy kami sa kusina. Grabe sa kusina may malaking mesa na sampuan ang upuan. Tapos may bar pa bago tumuloy doon sa dining area. Sa kabila naman ay may pantry at mayroong coffe nook. ‘’Kailangan ang area rito sa kusina lagi mong linisan kasi dito tumatambay minsan si Rico kapag gusto niya uminom ng alak. Tapos siguraduhin mo na bago mo ilagay ang mga baso at plato sa lalagyanan siguraduhin mong tuyo. Saka itong baso kailangan silipin mo iyan kung may finger print na nakabakat dahil ayaw na ayaw ni Rico ang ganiyan. Gusto niya clear at malinis palagi ang mga baso na iniinuman niya,’’ mahabang sabi ni Tita sa akin. ‘’Kaya ko po Tita ang trabaho rito. Madali lang naman gawin ang gawain dito. Saka sisiw lang ang mga ‘yan sa akin,’’ pagmamayabang kong sabi kay Tita habang nakangiti. Sanay naman ako sa gawaing bahay, kaya alam ko na ang dapat gagawi hindi naman ako mahihirapan dito. ‘’Mabuti naman kung ganoon. Sa umaga paggising mo diligan mo na ang mga halaman. May nag-aalaga naman niyan kaso ngayong nandito ka na ay ikaw na ang magdidilig sa mga halaman. Pagkatapos mo magdilig saka ka maglinis. Habang naglilinis ka puwede ka naman magsaing sa rice cooker para puwede mo iwanan. May stock naman diyan sa ref na mga lulutuin at may mga menu riyan na puwede mo gayahin sa pagluluto.” ‘’Opo, Tita,’’ pagtango ko kay Tita. Kahit medyo nangangapa pa ako sa bagong trabaho kong ito ay alam kung makakaya ko ito. Sayang ang 20 thousands kung hindi ko makakaya. Malaking tulong na rin iyon para mabawas-bawasan ang utang ni Papa sa hayop na lalaking nagpasunog ng aming bahay. Itinuro sa akin lahat ni Tita ang mga dapat kung gawin sa bahay bago niya ako iniwan. Nagpunas na nga ako ng mga alikabok. Tapos nagluto na rin ako ng kakainin ko ng tanghalian at hanggang hapunan ko na iyon. Makalipas pa ang isang lingo ay nasanay na ako sa mga gawain ko rito sa mansion na ito. Ngunit sa pamamalagi ko rito ay hindi ko pa nakita ang amo ko. Paano kasi ay hindi pa siya umuuwi rito sa bahay niya. Alas kuwatro pa lang ay gising na ako upang magdilig ng mga halaman. Subalit alas siete na ng umaga ay hindi pa rin ako tapos. Pahinto-hinto kasi ako sa pagdidilig dahil nagwawalis pa ako ng mga tuyong dahoon. Habang nagdidilig ako ng halaman ay narinig ko si Manong Canor na may kausap sa gate. Maya pa ay pumasok ang isang matandang lalake na siguro ay kasing edad lang din ni Papa. Nakita niya ako at ngumiti lang ako sa kaniya. Marahil ito ang amo ko na sinasabi ni Tita Greta. Pinatay ko ang gripo at sinalubong ito. ‘’Good morning po, Sir,’’ nakangiti kong bati sa kaniya. ‘’Good morning din. Ikaw ba ang bagong katulong rito?’’ tanong nito sa akin. ‘’Opo, Sir. Gusto niyo po ba na ipagtimpla ko kayo ng kape o tea?’’ tanong ko sa kaniya. Mukhang mabait naman ang matandang ito. ‘’Coffee na lang, Iha. Dalhin mo na lang dito sa hardin,’’ utos niya sa akin na nakangiti. ‘’Okay po, Sir.’’ Tumalikod na ako para timplahan siya ng kape. Pagkatapos ko magtimpla ay dinala ko na ito kaagad sa kaniya. ‘’Ito na ang coffee mo, Sir,’’ wika ko sabay lapag ng coffee sa round table na naroon. Nakaupo ito sa upuan na bilog. ‘’Thank you, ano ang pangalan mo, Iha?’’ tanong nito sa akin. ‘’Ruby Rose, po,’’ sagot ko sa kaniya. Tumango-tango lang ito at hinigop na ang kape na dinala ko sa kaniya. ‘’May iutos pa po ba kayo, Sir?’’ tanong ko sa kaniya. ‘’Wala na, Iha. Ipagpatuloy mo lang ang ginagawa mo,’’ mabait nitong sabi sa akin habang kampante na nakaupo sa bilog na upuan. Ngumiti ako sa kaniya at ipinagpatuloy ang ginagawa ko. Pagkatapos kong diligan ang mga halaman ay pumasok na ako sa loob para magpunas at mag-vacuum sa sala pati na rin sa kusina. Pagkatapos ay nagsaing na ako. Habang sinasalang ko ang kanin sa rice cooker ay lumabas ako para puntahan ang amo ko sa hardin. Ang ipinagtataka ko ay bakit hindi ito pumapasok sa loob ng bahay. Paglabas ko sa bahay ay nakita ko na naroon pa rin ito sa hardin at nagbabasa ng magazine. Nilapitan ko ito at tinanong. ‘’Sir, ano po ang gusto niyong uulamin ngayong tanghali?’’ tanong ko sa kaniya. ‘’Huwag ka na mag-abala, Iha. Aalis din ako mamaya-maya,’’ sagot nito sa akin. ‘’Gano’n po ba, Sir?’’ nakangiti kong wika sa kaniya. Tumayo ito at tinapik ako sa balikat. ‘’Sige, Iha, aalis na muna ako ako.’’ Tumalikod na ito, kaya pumasok na lamang ako sa loob at nagprito ng manok. Naisip ko na marahil ay busy talaga si Sir, kaya hindi na nagawang pumasok dito sa loob ng kaniyang bahay. Hanggang sa lumipas pa ang dalawang araw ay nasanayan ko na talaga ang routine ko rito sa mansion. Sumapit ang gabi at abala ako sa paglilinis ng kusina at pinagkainan ko nang tumawag ang kaibigan ko na si Joseph. Agad kong sinagot ang tawag niyang iyon. ‘’Hello, My Love. Kumusta na?’’ masaya kong sagot sa kaniya sa kabilang linya. ‘’Ayos lang ako, My Love. Narito ako sa Holand,’’ balita nito sa akin. ‘’Talaga? Anong ginagawa mo rito?’’ tanong ko sa kaniya. ‘’May trabaho na ako, My Love. Natanggap ako sa isang kompanya at dito sa Holand ako naka-assign,’’ masaya niyang balita sa akin. “Tara kita tayo,’’ yaya niya sa akin. ‘’Nako, kapapasok ko lang sa trabaho bilang kasambahay. Kaya, pasensya na dahil hindi ako puwede umalis. Hindi rin ako nakapagpaalam sa amo ko noong nakaraang araw,’’ tanggi ko dahil ayaw ko masira ako sa aking trabaho. ‘’Ay, gano’n ba? Sayang naman! Pero ayos lang sa susunod na lang kapag day off mo.’’ ‘’Sige, tatawagan na lang kita kapag magkaroon ako ng day off. Isang lingo pa lang kasi ako rito at dalawang araw,’’ sabi ko sa kaniya. ‘’Sige, My love. Good night,’’ paalam nito sa akin. ‘’Good night, My Love. Teka, My Love! Itanong ko lang kung kumusta si Papa?’’ pigil ko sa kaniya nang maalala ko si Papa. Doon kasi ito sa kanila nakatira ngayon. ‘’Hindi ko alam kung saan ang Papa mo ngayon, My Love. Dalawang araw lang kasi siya sa bahay tapos sabi niya aalis siya dahil maghahanap siya ng mapapasukang trabaho.” Bigla na lang ako napasimangot sa sinabi ni Joseph sa akin. Saan na naman kaya nagpunta ang ama ko? ‘’Gano’n ba? Oh, sige My Love. Baka bigla lang iyon tatawag sa akin, good night!’’ paalam ko kay Joseph at pinatay ko na ang aking cellphone. Napabuntong hininga na lamang ako ng malalim at nag-isip kung saan si Papa pumunta. Baka mamaya ay mahuli siya ng taong nagpapahanap sa kaniya. Sa ganoon akong pag-iisip nang bigla akong nakarinig ng kalabog sa sala. Kumuha ako ng walis tambo dahil baka mamaya pinasok na ang bahay na ito ng magnanakaw. Saka baka mamaya pinukpok nila si Mang Canor sa ulo at nawalan ng malay. Kung ano-ano ang mga pumapasok sa isipan ko pero maigi na iyong nakahanda ako. Dahan-dahan akong nagtungo sa hamba ng pintuan at nagkubli. Narinig ko ang yapak na papunta sa kusina, pero naisip ko rin na baka si Sir iyon, kaya dahan-dahan kong inililabas ang ulo ko sa pintuan at sinilip kung sino ang tao. Nakita ko ang kaniyang malapad na likuran at parang hindi naman si Sir iyon. Kaya, kinabahan ako ng husto at ang bilis ng kabog ng dibdib ko. Nakatalikod kasi ito at parang may kinukuha siyang bagay sa may cabinet na malapit sa pintuan na papasok sa kusina. Inihanda ko ang walis tambo at kapag pumasok siya rito ay hahampasin ko siya ng tudong-tudo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD