bc

Mr. Thompson: The Cruel Billionaire and His Slave

book_age18+
21.2K
FOLLOW
157.4K
READ
billionaire
possessive
second chance
pregnant
arrogant
drama
comedy
bxg
enimies to lovers
punishment
like
intro-logo
Blurb

SPG

Patnubay ng bukas na kaisipan ay kailangan. Read at your own risk. Kung hindi kaya ang mga eksina ay manahimik at matulog na lang.

Plagiarism is a crime

Pagkakamali ang tingin ni Ruby Rose sa pagmamahal na nararamdaman niya para kay Enrico. Kailan man ay hindi nababagay ang isang alipin sa isang katulad ni Enrico na mayaman at kayang bilhin pati ang buhay niya.

Ang buhay niya na puno ng mga pangarap para sa kanilang mag-ama ay biglang naglaho. Ang pag-iibigan nila ni Enrico, biglang mapapalitan ng galit at sama ng loob dahil sa kalupitan ng binata. Paano mapatawad ni Ruby Rose si Enrico, kung matuklasan niya ang lalaking minahal ay siyang naging dahilan ng pagkawalay nilang mag-ama?

At ito rin ang dahilan na muntik na silang mapahamak mag-ama pati ng mga sanggol na nasa sinapupunan niya.

Paano harapin ni Enrico ang babaeng lubos na minahal kung anak pala ito ng tao na muntik niya na ipapatay? May pag-asa pa kaya na lumigaya sila o wawakasan na ang lahat sa kanilang dalawa?

chap-preview
Free preview
Episode 1
Chapter 1 RUBY ROSE "Anak gising! Gumising ka anak bilis!" Naramdaman ko ang pagyugyog ni Papa sa aking balikat. "Hummm.. Papa, bakit ba? Inaantok pa ako, eh!" reklamo ko at tinakpan ng unan ang aking ulo at tainga. "Ano ka ba? Bumangon ka na riyan at iligpit mo ang mga gamit mo kung ayaw mong maabutan tayo ng mga taong naghahanap sa akin at gusto tayong patayin. Gusto mo bang mamatay na wala sa oras?" Bigla akong bumalikwas ng bangon nang marinig ko ang sinabi ni Papa. Bumangon ako ng upo sa kama na para akong bruha sa aking buhok na nakatakip sa aking mukha "Papa, bakit po tayo papatayin? Sino? At saan tayo pupunta?" tanong ko sa aking ama habang kinukusot ko ang aking mata dahil inaantok pa ako. "Ah,basta! Bilisan mo na riyan! Ang importanteng gamit mo na lang ang dalhin mo, kilos na baka maabutan tayo!'' Agad akong tumayo at kumilos na parang wala sa aking sarili. Nilagay ko na lang sa traveling bag ang mahahalagang gamit ko. Pagkatapos ay pinalupot ko ang aking buhok sa tuktok ng aking ulo saka nagbihis ako ng pantalon at itim na t-shirt. "Papa, sino ba ang humahabol sa atin? Bakit tayo aalis sa bahay natin?" tanong ko sa aking ama habang sinusuot ko ang aking jacket. "Anak, patawarin mo ako. Nakadispalko ako ng malaking pera kay Attorney Zambales. Ang pera na dapat ay pangpatayo namin Pawnshop ay isinugal ko. Akala ko ay lalaki pa iyon, pero natalo ko ang perang inutang ko sa amo ni Attorney Zambales. Gusto ko rin sana na makapagtapos ka ng pag-aaral mo pero nagkamali ako ng pagpasiya, Anak,'' mangiyak-ngiyak na sabi sa akin ni Papa. ''Papa, naman! Hindi ka pa rin tumitigil sa sugal? Alam mo naman na sisirain lang niyan ang buhay mo! Isa pa sinabi ko na sa'yo, 'di ba? Na maghahanap ako ng trabaho at kapag may naipon na ako saka ako magpapatuloy sa pag-aaral,'' maktol ko sa kaniya. Hindi na siya nagsalita at nagligpit na rin ng mga mahalaga niyang gamit. Maliit lang ang bahay namin at dalawa lang ang silid. Si Papa ang gumastos sa akin mula elementary hanggang sa koliheyo. Kung ano-anong diskarte ang ginagawa ni Papa para lang makapag-aral ako hanggang sa tumuntong ako ng college. Ngunit nahinto ako sa second semester noong second year college ako dahil kapos nga kami ni Papa sa pera. Isa pa nagkasakit ang aking ama na si Jaime Mendez. Namatay ang aking ina noong nanganak ito sa akin. Dalawang taon na rin ako ngayon na pa extra-extra sa trabaho, kaya kahit maghugas ng plato sa canteen ay hindi ko na pinaglagpas pa dahil gusto ko makapag-ipon at maipagpatuloy ang aking pag-aaral sa sunod na taon Ako si Ruby Rose Mendez; ang nag-iisang anak ni Jaime Mendez. Mula pagkabata ay hindi ko nakitaan ang aking ama na nambabae. Kaya, mahal na mahal ko siya dahil hindi niya pinalitan ang namayapa kong ina. Pangarap ko talaga ang makapagtapos sa aking pag-aaral, para hindi na si Papa gumawa ng kung anong labag sa batas. Pagkatapos kong iligpit ang aking mga mahahalagang gamit ay dali-dali na kaming bumaba ni Papa sa sarili naming bahay. At heto kami ngayon tumakabo sa kagubatan para lang matakasan ang sino mang herodes na pinagdispalkohan ng pera na Papa. Nasa kakahuyan na kami at nagkubli kami sa isang malaking puno upang panoorin ang sarili naming bahay na unti-unting nilalamon na ng apoy. Sinunog ng apat na kalalakihan ang aming bahay at mga armado ang mga ito. Iyak ako nang iyak dahil mahalaga sa aming mag-ama ang bahay na iyon. "Papa, paano na tayo? Bakit kailangan nilang sunugin ang bahay natin? Walang puso ang mga taong iyon Papa," iyak kong sabi sa aking ama at niyakap ko siya. "Anak, patawarin mo ako. Malaki ang utang ko sa Amo ni Attorney Zambalez. Ayaw kong malaman nila na may anak ako at baka pati ikaw ay kunin nila sa akin. Kaya, heto kunin mo ang natirang pera. Pumunta ka sa Holand sa Tita Garet mo na kapatid ng Mama mo. Doon ka muna anak habang naghahanap ako ng paraan na malutas ang problemang ito," sabay abot niya ng pera sa akin. "Paano ka, Papa? Ayaw kong magkahiwalay tayo. Kaya, parang awa mo na sumama ka sa akin sa Holand," pangungumbinsi kong wika sa kaniya. Hinawakan niya ang aking kamay at inilagay sa palad ko ang pera at itiniklop niya ang aking kamao. "Makinig ka sa akin, Ruby. Huwag mo akong alalahanin dahil kaya ko ang sarili ko ikaw ang inaalala ko. Hindi ka dapat makita ng sino man sa mga gustong dumakip sa akin, kaya sige na. Baybayin mo ang lugar na ito at sumakay ka sa tren papuntang Holand. Susunod ako sa'yo. Sige na umalis ka na!" pagtataboy niya sa akin. "Pero Pa?" hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang itulak niya ako ng mahina para umalis. ''Umalis ka na, Ruby Rose. Huwag na matigas ang ulo!'' Wala na akong nagawa kundi luhaang naglakad sa gitna ng dilim. Alas kuwatro pa lang ng umaga. Naglakbay ako sa kagubatan hanggang nakarating ako sa kalsada. Pagdating ko sa highway ay sumakay na ako sa tricycle at nagpahatid sa terminal ng tren papuntang Holand. Kinakabahan ako para sa aking ama. Tudo panalangin ako na sana ay malusutan ng aking ama ang gusot na ginawa niya. Hindi ko kakayanin kapag may masamang nangyari kay Papa. Bago pa ako kanina nakarating sa highway ay nadaanan ko pa ang bahay ng Tita ni Zoey na si Tita Esmiralda. Ngunit wala si Zoey sa bahay na iyon dahil nakapag-asawa na ito ng isang mayaman. Makalipas ang ilang oras ay nakarating na ako sa Holand. Namamangha ako sa mga building na matataas. Sinundo ako ng aking Tita Greta sa station ng tren sa Holand City. Alam ni Tita na luluwas ako ng Holand dahil tinawagan na siya ni Papa. "Ikaw na ba si Ruby? Dalaga ka na, Iha. Parang kailan lang ay sanggol ka pa," sabay haplos ni Tita sa aking mukha. Ngumiti lamang ako sa kaniya at maya pa ay nagpara na kami ng taxi saka sumakay. "Salamat po, Tita. Ang ganda pala rito sa Holand," sabay tingala ko sa mga building na dinadaanan namin. "Oo, Iha. Kung gusto mo mag-aral dito, mag-aral ka. Maraming paaralan dito na magaganda,'" nankangiting wika ni Tita Greta sa akin. "Balak ko po maghanap muna ng trabaho, Tita. Hindi na muna ako mag-aaral sa susunod na lang kapag nakapag-ipon na ako,'' sabi ko sa kaniya. Dahil ang totoo ay gusto ko makapag-ipon para mabayaran ni Papa ang pera na kinuha niya sa walang pusong nagpasunog ng bahay namin. "Sayang naman! Ang ganda mo pa namang bata. Ilang taon ka na ba?" tanong ni Tita sa akin. "Mag 24 na po ako, Tita. Ayos lang po, basta gusto ko po muna magtrabaho," sabi ko. Alam ko na hindi basta-bastang tao ang nakuhanan ni Papa ng pera. Kaya nitong ipapatay si Papa. "Hindi ka naman siguro namimili ng trabaho? Hayaan mo at hanapan kita.'' Ilang minuto lang ang nakalipas ay nakarating na kami sa bahay ni Tita Greta. Bumaba kami sa taxi at pumasok sa gate. " Wow! Ang ganda ng bahay mo, Tita,'' mangha ko nang makita ang bahay ni Tita Greta rito sa Holand City. Pumasok kami sa loob at dalawang palapag ang bahay ni Tita at dalawa ang silid sa itaas. "Mag-isa lang ako rito. Iniregalo lang ito ng alaga ko. Eh, minsan lang ako rito umuuwi. Balak ko nga sana na paupahan na lang ito," aniya sabay bukas ng ref at binigyan ako nito ng tubig. "Maganda po ang bahay niyong ito Tita. Kaya, sayang naman kung paupahan ninyo," wika ko at ininom ang tubig na iniabot niya sa akin. "Kumusta na pala ang Papa mo? Kung gusto niyo lumipat na kayo rito sa Holand. Dito na kayo tumira sa bahay dahil bihira lang naman akong umuuwi rito.'' Natuwa ako sa alok ni Tita sa akin. Pabor sana iyon sa akin dahil wala na kaming bahay ni Papa na mauuwian sa San Luis. "Talaga Tita? Puwede kami rito ni Papa?" tuwa kong tanong at hinawakan ko ang kaniyang dalawang braso dahil sa subrang excited. "Oo naman! Ako na lang ang nag-iisa mong kamag-anak sa side ng Mama mo. Kahit na half sister ko lang ang Mama mo, pero mahal na mahal ko naman iyon." Niyakap ko si Tita Greta ng mahigpit. "Salamat po talaga, Tita. Pakiusap Tita, kumbinsihin mo naman si Papa na sumunod dito. Hindi po kasi ako sanay na wala si Papa." "Hayaan mo at kakausapin ko si Papa mo. Puwede siya magnegosyo rito ng bakery. 'Di ba, marunong siya gumawa ng pandesal?" tanong ni Tita Greta sa akin. Tumango-tango ako at kumalas ng yakap sa kaniya. Ngunit hindi alam ni Tita Greta ang totoo kung bakit napunta ako sa Holand ng wala sa oras. Ang pagkaalam lang ni Tita ay nasunugan kami kagabi, kaya ako pumunta rito. Hindi ko makakalimutan ang bahay namin kagabi na unti-unting kinakain ng apoy. Naiinis ako sa taong nagpasunog ng aming bahay. Matagal na ang bahay na iyon at minana pa ni Papa iyon sa Lolo ko na namayapa na rin. Mabuti na lang at nakaalis kami kagabi bago dumating ang apat na kalalakihan na kargado sa baril. Kung hindi ay baka na lechon na kaming dalawa ni Papa.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
81.1K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
140.2K
bc

My SEDUCTIVE Innocent LOVER 'James Monteverde' (JAMES & JENNIEL)

read
51.7K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
183.6K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
22.3K
bc

His Obsession

read
91.8K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook