Chaper 5
ENRICO
Habang nakaupo ako sa aking bar counter ay dumating ang Impakta kong kasambahay na inirekomenda ni Yaya Greta sa akin. Itong Impaktang babae lang na ito ang nakagawa sa akin na sipain ako, batuhin, at hampasin ng walis tambo. Kung lalaki lang siguro ito baka nasuntok ko na ito sa mukha.
Aba at tingnan mo nga naman kung makatingin sa akin ay parang ako pa itong may kasalanan. Nakasimangot siyang pumasok mula sa labas at masama ang tingin sa akin.
“Nabalian ka ba ng buto? Magkano ang bill mo sa hospital? Bakit pinalabas ka agad ng doctor?’’ sunod-sunod kong mga katanungan sa kaniya habang paika-ika siyang naglalakad.
“Wala akong pambayad sa hospital, Sir Herodes! Kaya, sa manghihilot na lang ako pumunta! Nalisa lang naman ang buto ko sa balakang dahil sa lakas ng pagkatulak mo sa akin.”
Impakta nga talaga ang babaeng ito dahil kung makasagot-sagot sa akin ay para niya lang akong tauhan. Herodes pa ang tawag ng Impakta sa akin. Kung hindi ko lang talaga kailangan ang kasambahay ay pinalayas ko na ang Impaktang ito.
“’Di ba, sinabi ko kay Mang Canor, na sa hospital ka dadlhin? Ako naman ang magbabayad ng bill dahil alam ko na wala kang pambayad. ‘Yon nga lang at ikakaltas ko sa sahod mo,” masungit kong sabi sa kaniya at uminom ng alak na nasa aking kopita.
“Ayaw kong bawasan mo ang sahod ko dahil kailangan ko ng buo iyon. Saka okay, naman na ako at medyo naigagalaw ko na ang balakang ko. Saka hindi po uso sa amin ang hospital,’’ mataray niyang sagot at inirapan pa ako.
Akala niya siguro mabubuo niyang makuha ang sahod niya. Mukhang pera rin siguro ang babaeng ito. Hindi rin siguro iba sa kabit ni Daddy na kinakasama niya ngayon na mukhang pera.
“Ikakaltas ko sa’yo ang ipapagamot ko sa mga sugat na ginawa mo sa akin. Ayan at may bukol pa ako sa ulo dahil sa pagbato mo, kaya ibabawas ko sa sahod mo ang nagastos ko sa pagpapagamot. Saka ‘yong paghampas mo sa akin ng walis ikakaltas ko rin iyon dahil bukas magpapatingin ako sa kaibigan kong doctor.”
Hindi maipinta ang mukha niya sa sinabi ko. Ngunit seryoso ako sa sinabi ko dahil kailangan mabigyan ko siya ng disiplina. Kumibot ang labi niya at hilaw na ngumiti sa akin.
“Kasalanan niyo po iyon, Sir Herodes. Binasa niyo rin ako noong pumunta ka kina Tita, kaya ko kayo sinipa. Saka mukha po kayong manyakis sa begote niyong makapal na kasing kapal din sa mukha ninyo. Malay ko ba at baka ano ang gagawin niyo sa akin, kaya pinoprotektahan ko lang ang sarili ko. Saka muntik niyo na akong mabangga, ‘di ba? Tapos mukhang hinabol niyo pa ako para sagasaan, kaya ko kayo binato. Saka kanina hindi ko naman alam na ikaw ang may-ari ng bahay na ito, kaya malay ko ba at inakala kong magnanakaw ka. Pero, oo, na! Kasalanan ko na ang lahat inaamin ko iyon pero, Sir! Hindi ko naman lahat sinasadya, kaya huwag mo na kaltasan ang sahod ko. Ako na lang ang gagamot sa mga sugat mo.” Biglang sumampa ito sa bar counter at nagsusumamo ang mukha na nagmamakaawa sa akin.
“Well, lumuhod ka at makiusap sa akin baka sakaling magbago ang isip ko,’’ walang awa kong utos sa kaniya. Hindi ko nga alam at kung bakit nakikipag-usap ako sa babaeng ito. Pero parang ang sarap niya paglaruan.
“Grabe naman kayo, Sir. Luluhod po ba talaga ako? Hindi naman kayo santos para luhuran,’’ nakasimangot niyang sagot sa akin. Akala niya siguro mako-konsensya ako, pwes nagkakamali siya!
“Madali lang naman ako kausap, kung ayaw mo lumuhod hindi kita pipilitin pero five thousands na lang ang matatanggap mo sa akin sa katapusan,’’ turan ko sa kaniya at hindi ako nagbibiro kung ayaw niyang sundin ang gusto ko.
“Sige, luluhod na po ako. Basta huwag niyo lang po bawasan ang sahod ko, Sir. Parang awa mo na, kailangan ko kasi ang pera,’’ sang-ayon niya sa akin.
“Okay, lumuhod ka na bago magbago ang isip ko,’’ tugon ko at sumalin ulit ng alak sa kopita.
Unti-unti siyang lumuhod sa tiles habang na nakangiwi ang labi, marahil ay masakit pa ang kaniyang balakang dahil sa lakas ng pagkatulak ko sa kaniya kanina. Hinayaan ko lang siya na lumuhod dahil sa pera ay kaya niyang ibaba ang dignidad niya. Nainis ako sa ganiyang mga tao na mabababa ang pagkatao at kayang ipagpalit sa pera ang dignidad. Nababagay lang sa mga katulad nila ang paglaruan.
“Tumayo ka na riyan at kunin ang first aid kit ko sa cabinet sa ibaba ng hagdan. Pagkatapos ay gamutin mo itong mga sugat ko na ginawa mo,” malamig kong utos sa kaniya.
Tahimik siyang tumayo ng dahan-dahan na nahihirapan. Wala siyang imik na lumabas at kinuha ang first aid kit sa cabinet. Nakayuko siyang bumalik sa kinaroroonan ko at tahimik na inilagay sa counter ang first aid kit ko.
“Maupo ka para magamot mo ako ng maayos. Gusto mo ba uminom ng alak?’’ tipid kong tanong sa kaniya.
Binuksan niya muna ang lalagyan ng mga gamot saka umiling-iling. “Hindi po ako umiinom ng alak dahil wala naman akong mapala riyan,” nakasimangot niyang sagod sa akin.
“Mabuti naman alam mo! Gamutin mo na ako,’’ utos ko sa kaniya at uminom ulit.
Kinuha niya ang alcohol at nilagay sa bulak saka idinampi sa noo ko na may kaunting galos.
“Ilang taon ka na?’’ tanong ko dahil mukhang disie-sais anyos pa lang siya. Maganda na ‘yong makasigurado ako upang iwas sakit sa ulo.
“Magbente-kuwatro na po ako,’’ seryoso niyang sagot sa akin.
“Ano ang tinapos mo?’’
“First semester lang po ang natapos ko sa college. Huminto na ako dahil wala kaming pera para pangtustos sa pag-aaral ko,’’ sagot niya sa akin habang ginagamot ang mga sugat ko.
“Bukas aalis ako at ayaw ko na may ibang tao kayong pinapapasok ni Mang Canor sa loob ng compound ko lalo na rito sa loob ng bahay ko. Kahit sino pa huwag niyong papasukin. Maliwanag ba?’’ bilin ko sa kaniya. Hindi ko alam kung ano ang pinunta ng magaling kong ama dito sa mansion ko.
Tumango lang siya at hindi na umimik. Nakikita kong makulimlim ang kaniyang mga mata at parang may nakatagong lungkot. “Sige na, kumain ka na at matulog,’’ utos ko na lamang sa kaniya.
Sinunod niya naman ang utos ko. Iniligpit niya ang first aid kit at ibinalik ito sa cabinet. Malalim akong nagbuntonghininga at ininom ang last na laman ng kopita. Pagkatapos ay nagtungo ako sa aking silid at nagbabad sa sarili kong jacuzzi na naroon sa loob ng aking silid.
Kinabukasan ay maaga akong nagising at suot ang jacket ko na bumaba ng bahay at lumabas. Hindi ko nakita ang aking kasambahay na impakta at marahil ay tulog pa ito dahil alas-kuwatro pa lang ng madaling araw.
Sakay ng aking Bugatti Chiron ay nagtungo ako sa San Agustin para bisitahin ang aking Zober Casino. Magkikita kami ni Gardo; ang tauhan ko na inutusan na hanapin ang hinayupak na Jaime na iyon. Ang galing niyang magsabi na magsosyo kami sa pawnshop, ‘yon pala ay ipapatalo niya lang sa bisyo niya. At ang kapal pa ng kaniyang mukha dahil sa casino ko pa niya isinugal ang pera na nakuha niya sa akin.
Pagdating ko sa Zober ay nagtungo ako sa aking pent house upang magpahinga ng kaunti. Nakaupo ako sa balcony habang nakatingin sa matataas na kabundukan ng iba’t ibang lugar na malapit dito sa San Agustin.
Habang nag-iinom ako ng tea ay tumawag ako kay Gardo. Agad niya naman sinagot ang tawag ko sa kaniya.
“Gardo, narito ako sa pent house ko. Kumusta ang iniutos ko sa’yo?’’ tanong ko sa kaniya. Tumayo ako at sumandal sa railing ng balcony.
“Wala pong balita kay Jaime, Boss. Ang galing niya po magtago. Bumalik kami sa bahay nila na pinasunog mo pero wala na kaming nakuha na impormasyon doon.”
Nahampas ko ang railing nang marinig ko ang sagot ng tauhan ko sa akin. “Dakpin mo ng buhay ang taong iyon at pakainin ko ng pera ang gagong iyon hanggang sa mamatay! Huwag kang magpakita sa akin hanggat hindi mo nakikita ang hayop na ‘yon!”
Pagkatapos kong pagsabihan si Gardo at pinatayan ko na ito ng cellphone. Nagngingit-ngit ako sa galit sa hayop na Jaime na iyon. Sa lahat ng ayaw ko ay ang niloloko ako at tinatraidor ng patalikod.
Pumasok ako sa loob at naupo sa sofa at nanood ng paborito kong palabas na laro sa tv. Tumawag ako sa bar na nasa itaas lang ng casino ko at nagpadala ng babae at alak sa aking pent house. Ilang saglit ang lumipas ay isang katok ang aking narinig. Binuksan ko ang pinto sa pamamagitan ng isang remote control. Kusang bumukas ang pinto at pumasok ang isang sexy na babae at may dala itong alak.
“Hi, Sir, Let’s make the morning warm. Let me heat your body like a blazing fire,’’ malandi nitong sabi at inilapag ang alak sa lamesa. Dahan-dahan siyang naglakad patungo sa akin na parang model at unti-unting hinubad ang damit nitong pantaas. Nakasuot ito ng mini-skirt na sobrang ikli.
Sumandal ako sa sofa at tinitigan siya. Habang papalapit siya sa akin ay unti-unti niyang hinubad ang kaniyang mga samplot. Pinagmasdan ko lang siya sa nakakaakit niyang ginagawa. Umagang-umaga ay mukhang papawisan ako ng husto.