Episode 2

2267 Words
Chapter 2 RUBY ROSE Maaga akong nagising at pinaghandaan ko si Tita ng almusalin niya. Papasok na siya sa trabaho sa mansion na pinapasukan niya. Pagkatapos kong ihanda ang pagkain ay inilapag ko na ito sa mesa saka lumabas ako para magdilig ng mga halaman ni Tita. Nagagandahan ako sa hose na pandilig ng halaman dahil isang pindot ko lang ay sumisirit na ang tubig. Samantalang sa San Luis ay balde lang at tabo ang pandilig ko sa aking mga halaman roon. Patay, bukas ko ang pindutan ng hose. Sa hindi sinadyang pagkakataon ay napadako ang hose na hawak ko sa gate at tamang-tama naman na pagpasok ng guwapong nilalang ay napindot ko ang bukasan ng hose, kaya nabasa ko ito. Parang napako ang buong katawan nito sa kinatatayuan niya at nagtatagisan ang mga panga niya habang nakatitig sa akin ng masakit. "S-sorry, sorry," nataranta kong pinatay ang tubig. Pero sa kataranta ko ay hindi ko na alam kung paano patayin ang hose habang nakasintro pa rin ito sa kaniya na bumubuga ng tubig. Nakahulma tuloy ang 6 pack abs niya sa kulay puti niyang damit. Kaya, kita rin ang malalapad nitong dibdib. s**t! Ngayon lang ako nakakita ng ganito kaguwapong tao, pero nakakatakot ang tingin niya sa akin. "Tanga ka ba!?" bigla niyang sigaw sa akin, kaya nabitawan ko ang hose habang nakabukas pa rin ang tubig. Pumagting ang tainga ko sa pagkasabi niyang iyon sa akin. Sa buong buhay ko ay ngayon lang ako nasigawan at sinabihang tanga. "Hindi ako tanga! Kasalanan mo ito kung bakit bigla ka na lang sumulpot riyan! Kaya, ikaw ang tanga at hindi ako, ayan tuloy nabasa ka!" sabay pulot ko ng hose at nakatutok na naman ito sa kaniya, kaya agad kong iniwas ang hose sa kaniya. Pero bigla na lang siya humakbang sa harap ko at inagaw ang hose at itinutok sa akin. Napanganga ako sa ginawa niyang iyon, kaya nabasa ang buo kong katawan. Hindi ako makapaniwala na gawin niya iyon sa akin. "Oh, ano? Masarap ba maligo?" sarkastiko niyang tanong sa akin. "Gago ka ba?! Bakit mo ako binasang hayop ka!?" sigaw ko sa kaniya at agad ko siyang kinarati at sinipa sa tiyan. Agad akong tumakbo sa loob nang namilipit siya sa sakit. "Bullshit kang babae ka! Papatayin kita!" rinig ko pang sigaw niya. Tumakbo ako sa itaas at nagkulong sa aking silid. Sino kaya ang lalaking iyon? Kumuha ako ng damit at nagbihis. Narinig ko naman ang boses ni Tita Greta na kausap ang lalaki, kaya sumilip ako sa may bintana. "Anong nangyari sa'yo? Bakit namilipit ka riyan at basang-basa ka?" sabay alalay sa kaniya ni Tita Greta. "May impaktong sumipa ng tiyan ko. Doon na tayo mag-usap sa bahay," sabay tayo ng tuwid ng lalaki. Tumingala ito sa kinaroroonan ko, kaya nakita niya ako. Masakit ang tingin niya sa akin sa inis ko ay dinilaan ko siya. "bleeee..." Nagsalubong ang kaniyang mga kilay sa ginawa ko. Maya pa ay sumakay na sila ni Tita sa kotse. Humiga ako sa kama at nag-isip kung ano ang gagawin ko. Isang linggo na hindi nagpaparamdam si Papa sa akin. Natatakot na ako at baka kung ano na ang nangyari sa pinakamamahal kong Ama. Sa halip na magmukmok ako sa loob ng silid ko ay nagpagdesisiyonan ko na maghanap ng trabaho. Baka sakali palarin na ako ngayon. Makalipas ang ilang oras ay ilang resume ang ipinasa ko sa mga kompanya, ngunit puro sila walang bakanti. Wala naman akong pili sa trabaho kahit maging tindira ako ay ayos lang, pero sadyang malas ko talaga. Naglalakad ako sa kalye nang hapong iyon at napapatingala ako sa mga malalaking building na madadaanan ko. Hindi katulad sa San Luis na puro puno ng kahoy ang nakikita ko. Habang naglalakad ako sa harap ng isang napakagarang building ay hindi ko napansin na may makasalubong akong sasakyan. Muntik na akong nabangga at ang malakas na preno nito ang nakapagpabalik sa katinuan ko. Bigla naman bumaba ang may ari ng sasakyan. ''Are you an idiot!?" sigaw niya sa baretonong boses na umuusok sa galit ang mga mata. "Oh, s**t! It's you again?'' Napaatras naman ako nang mapagsino siya. Siya 'yong lalaking kinarate ko sa bahay ni Tita Greta. "H-huwag kang lumapit sa akin! Kung hindi susuntukin kita!" banta ko sa kaniya habang paatras naman ako nang paatras at siya naman ay umaabanti sa akin. "Pagbabayaran mo ang ginawa mo sa aking babae ka. Pagpirapirasuhin ko 'yang mga buto mo!" aniya. Nanlilisik ang mga mata nitong nakatingin sa akin at putok ang labi nito sa bigla kong pagsuntok sa kaniya kanina. "Subukan mong lumapit kung hindi sisipain ko ang itlog mo!" banta ko sa kaniya. "Are you a gangster?" tanong pa nito habang dahan-dahan siyang lumalapit sa akin. Sa subrang takot ko na baka ano ang gawin niya sa akin ay pinulot ko ang maliit na bato na naapakan ko at agad na binato sa ulo niya at kumaripas na ako ng takbo. Natamaan ko siya sa noo kaya napasapo siya sa noo niya saka ako tumakbo palayo sa kaniya. Nang malayo na ako ay huminto ako at lumingon wala namang nakasunod sa akin. Tiyak nasugatan ko na naman ang noo niya. Guwapo sana siya, kaya lang antipatiko at mukhang barumbado. Hiningal ako sa pagtakbo. Bakit ba laging napakamalas ng buhay ko? Wala na ba akong alam gawin kundi tumakas na lang sa mga taong gusto manakit sa akin? Mabuti na lang at marunong ako magkarate dahil tinuruan ako ni Papa. Naglakad na lang ako pauwi dahil ang mahal naman ng pamasahi sa taxi, 500 na lang ang natira sa pera ko, kaya kailangan ko na talaga makahanap ng trabaho. Pagod na pagod ako nang dumating sa bahay. Napasalpak na lang ako ng upo sa sofa at umiyak. "Papa saan ka na ba? Sino ba 'yong pinagkakautangan mo at kailangan nating magkahiwalay? Miss na miss na kita Papa. Maghahanap ako ng trabaho at babayaran ko ang pinagkakautangan mo." Awang-awa ako sa sinapit namin ni Papa. Pero kahit habang buhay pa akong magta-trabaho ay alam kong hindi ko kayang bayaran iyon. Maliban na lang kung magsahod ako ng 100 thousand a day. Pagkatapos kong umiyak ay nagbihis na muna ako ng pambahay at nagluto ng panghapunan namin ni Tita. Uwian muna siya ngayon dahil narito ako sa bahay. Pagsapit ng ala syete ng gabi at dumating na si Tita. Agad ko naman siya sinalubong sa pinto at hinaikan at kinuha ang bag niya. "Tita, magandang gabi po. Naghanda na po ako ng panghapunan natin," sabay lapag ko ng mga gamit niya sa sofa. "Salamat, Iha. May sasabihin pala ako sa'yo mamaya," aniya sabay upo sa sofa. "Tungkol po saan ang sasabihin niyo, Tita?" " 'Di ba, sabi mo gusto mo magtrabaho? At hindi ka naman namimili ng trabaho. 'Yong alaga ko naghahanap ng katulong. Eh, sabi ko may kakilala ako at ikaw ang inerekomenda ko sa kaniya. Okay, lang ba sa'yo na mangatulong?" sabay haplos ni Tita sa balikat ko. "Ayos lang po, Tita. Hirap maghanap ng trabaho ngayon kahit anong trabaho papasukin ko. Marunong naman ako sa loob ng bahay at masarap naman ako magluto. Saka malinis naman ako sa bahay. Pero, magkano sahod ko Tita?" tanong ko kaagad kay Tita at ngumiti ng pilit. "20,000 ang magigiing sahod mo sa isang buwan. Kaya, ang suwerte mo at gano'n kaagad ang sahod mo. Dagdagan pa iyon kapag nakita ka niyang masipag." "Wow! Ang laki na 'yon, Tita. Yes! Daig ko pa ang nag-opisina sa sahod kong 'yon, Tita. Uwian rin ba ako?" Subrang natuwa ako sa sahod ko. " 'Yon ang hindi ko alam. Si Papa mo nga pala tumawag kinakamusta ka, huwag mo raw siya alalahanin." "Talaga, po? Saan daw siya, Tita? Kailan daw siya pupunta rito?" excited kong tanong. "May tatapusin lang daw siya. Sa sunod daw ay pupunta na siya rito. Kaya, huwag mong alalahanin ang Papa mo. Ang alalahanin mo ay ang trabaho mo bukas. Kailangan maaga pa tayo pumunta sa mansion ng alaga ko para maipaghanda mo siya ng breakfast. Bukas ituturo ko sa'yo kung ano ang kinakain niya sa umaga, sa tanghali, at sa gabi. At kung ano ang gamit niyang sabon pampaligo at pabango sa labahan," mahaba pang paliwanang ni Tita sa akin. "Sige po, Tita. Kailan po ba tatawag ulit si Papa?" tanong ko. "Sabi niya tatawagan ka raw niya mamaya. Sige na at kumain na tayo. Maghanda ka na rin ng damit mo para kung sakali na stay in ka may damit kang pamalit," sabay tayo ni Tita at nagtungo na ito sa kusina at sumunod naman ako. Parang nabunutan ako ng tinik nang malaman kong ayos lang ang Papa ko. Kumain kami ni Tita at pinag-usapan namin ang tungkol sa alaga niya. Nang matapos kaming kumain ni Tita ay hinugasan ko na ang mga plato at umakyat sa taas. Pumasok na rin si Tita sa silid niya. Habang nagliligpit ako ng mga damit ko para bukas ay may halong kaba akong naramdaman sa puso ko. Dahil ito ang unang beses na mangangamuhan ako sa malaking bahay. Sana mabait ang alaga ni Tita at magkasundo kami. Siguro sosyal no'n at maganda. Hindi naman ako nangusisa kung sino ang magiging amo ko. Basta ang mahalaga sa akin ay may trabaho ako at ang laki pa ng pasahod sa akin. Kaya, pagbubutihin ko talaga na magustuhan ako ng magiging amo ko para dagdagan pa niya ang sahod ko. At baka puwede pa ako mag-advance ng isang taon para mabayaran ko ng paunti-unti ang utang ng Papa ko sa kung sinong demonyong iyon. Alam ko na ang hayop na iyon na pinagkautangan ni Papa ang nag-utos para sunugin ang bahay namin. At kung sino man ang hayop na iyon sisiguraduhin kong pagsisihan niya na ipinanganak siya sa mundong ito. Habang sa gano'n akong pag-iisip ay tumunog naman ang cellphone ko at gad ko naman itong sinagot. "Hello?" "Anak, si Papa mo ito, kumusta ka na? Ayos ka lang ba riyan?" "Papa? Papa, saan ka? Hindi ka ba nakita ng mga humahabol sa'yo? Ayos lang ako rito, Papa," mangiyak-ngiyak kong sabi sa Papa ko. "Ayos lang ako, anak. Narito ako sa kina Joseph 'yong kaibigan mo. Dito muna ako sa San Pablo habang mainit pa ako sa San Luiz. Hindi rin ako puwedeng pumunta riyan at baka may makakita sa akin. Mahirap na at baka pati ikaw madamay.'' "Papa, may trabaho na ako. Baka puwede mo pakiusapan ang amo ng Attorney na iyon na mabayaran natin ng paunti-unti ang utang mo," sabi ko. "Hindi mo kilala ang amo ni Att. Zambalez. Lahat ng tao ay takot sa kaniya. Kinakatakutan siya dahil walang awa siyang kumitil ng buhay ng tao kapag hindi niya ito magustuhan. Kaya, paagpasensyahan mo na anak kung dinala kita sa problemang ito. Hahanap ako ng paraan para mabayaran ko siya. Kaya, huwag mo na akong alalahanin, Anak," wika ni Papa sa akin. "Hayaan niyong makatulong ako, Pa. May trabaho na ako, kaya magtulungan tayo para mabayaran natin ang utang mo," garalgal kong wika kay Papa. "Hindi, Anak. Ako ang gumawa nito, kaya labas ka rito. Ako ang gagawa ng paraan para malutasan ito. Hayaan mo at magsasama rin tayo. Gusto ka pala kausapin ni Joseph," aniya saka ibinigay ang cellphone kay Joseph. Matalik kong kabigan si Joseph. Simula noong nag-aaral pa lang kami ng elementary ay siya lagi ang tagapagtanggol ko noong tinutukso ako ng mga kaklase namin. Magkaibigang matalik ang mga magulang namin. Parang magkapatid na si Tito Albert at si Papa ang ama ni Joseph. Lumipat lang sila sa San Pablo noong nakabili na sila ng sarili nilang bahay. "Kumusta ka na riyan, hmm? Nakakain ka ba ng maayos riyan? Sa susunod pupunta ako riyan sa Holand para mag-take ng exam at nag-aply na rin ako ng trabaho rito kung sakaling hindi ako makapasa atleast magta-trabaho muna ako," wika ni Joseph sa akin. "Ayos lang ako Josh, good luck. Sana makapasa ka. Oo, nga pala may trabaho na ako sana magkita tayo rito namiss na kita," wika ko sa kaniya. "Hayaan mo at ipapasyal kita riyan. Huwag ka mag-alala kay Tito at ayos lang siya rito. O, sige na baka iiyak ka na naman," biro pa nito sa akin. "Hoy! Hindi ako iyakin, noh! Baka ikaw?" pang-aasar ko sa kaniya. "Hahaha.. Isang beses lang ako umiyak sa walang kuwentang babae. Kapag nakapasa ako sa bord exam ipapakita ko sa kaniya na nagkamali siyang ipinagpalit niya ako sa pangit na 'yon," sabi pa nito. May girlfreind kasi siya na si Janice. Pero, no'ng nakakita ito ng mayaman ay ipinagpalit niya si Joseph. Kaya, ang kawawa kong kaibigan ay walang ginawa sa araw na iyon kundi ang humagulhol sa balikat ko. Accountant ang kinuhang kurso ni Joseph at graduate na siya. Dalawang beses na itong nag-take ng exam pero hindi pa rin siya pumapasa at sana this time ay makapasa na siya para matuwa naman ang Mama at Papa niya. "Akala ko ba naka-move on ka na? Huwag mo ng isipin ang walang kuwentang babaeng 'yon. Sige na at maaga pa ako bukas," wika ko. "Good night, My love," wika nito sa akin. "Good night rin, My Love. Bye," pinatay ko na ang cellphone at nahiga. My love ang tawagan namin ni Joseph. Nakasanayan na namin iyong itawag sa isa't isa mula noong bata pa kami. Narinig kasi namin iyon sa kapit bahay namin na nagkaroon ng karelasyon sa kumapare ng asawa niya. My love ang tawagan nila, kaya ginaya rin namin ni Joseph. Kaya, dahil sa amin ay nabuking ni Tito Gilbert ang asawa niya na may relasyon sa kumpare niya. Kaya, ang mag-asawa ay naghiwalay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD