ESRAEL “Akala ko baa yaw mong gamitin si Charry para makalimutan mo ang nararamdaman mo para sa kapatid mo? Eh bakit pinapunta mo siya dito?” Binaba ko ang bote ng wine at bumaling kay Mark. “Hindi ko siya pinapunta dito. Si daddy ang nagpapunta sa kanya dito.” Sagot ko sa kanya. Isang buwan na rin ang nakalipas nang alukin ako ni daddy na magpunta dito sa Spain para mas matuto pa sa pagpapatakbo ng Grape Vine Yard namin. Isang buwan pa lang pero marami na akong natutunan. Dalawang linggong nanatili si Charry dito. Magkahiwalay kami ng tinutuluyan dahil may kamag-anak siyang nakatira malapit dito sa House of Blend kung saan ako nagti-training. Two years ang binigay sa akin ni daddy na panahon at tinangap ko naman ito. Para makaiwas na nang tuluyan kay Isabella. I’m doing this to protec