ISABELLA “Hindi mo ba talaga ako kakausapin?” pangungulit ni kuya nang makasakay na ako sa kotse dahil siya na naman ang maghahatid sa akin ngayong araw. Simula kaninang umaga ay ilang beses na niya akong tinangkang kausapin. Ngunit masama talaga ang loob ko sa kanya. Hindi ko siya pinansin at nilakasan ko ang volume ng headphone ko. Pagkadating namin sa gate ng university ay bumaba na ako kaagad. “Isabella!” tawag niya sa akin ngunit hindi ko na siya nilingon pa at nagmadali na akong naglakad papasok sa gate. Ayoko din na ganito kami ni kuya. Pero hindi ko kayang pilitin ang sarili kong maging okay. Nasasaktan ako at hindi ko alam kung paano ito sasabihin o ipapaliwanag ang nararamdaman kong ito. “May problema na naman ba? Bakit kasing haba na ng San Juanico bridge yang face mo?” b