ESRAEL “Bro! What’s up?” salubong sa akin ni Mark nang lumabas ako sa departure area ng airport. Tinapik ko siya sa braso. “Mabuti naman at hindi ka late.” Tinulungan niya akong kunin ang mga bagahe ko at ilagay ito sa likuran ng sasakyan. “Ako pa ba? Alam ko naman na excited ka nang makauwi. Kaya lang baka abutin tayo ng hapon.” Binuksan ko ang pinto sa unahan at umikot naman siya sa kabila. “Okay lang abutin ng hapon basta ilang oras na lamang ang bibilangin ko.” “Miss na miss mo na talaga siya ano?” Sinandal ko ang likod ko at pumikit muna ako para makaipon ng tulog. “Ayusin mo na lang pagmamaneho. Ibibigay ko sa’yo yung pasalubong ko mamaya sa bahay.” Narinig ko siyang natawa. “Yess Boss!” Kaagad niyang pina-andar ang kotse. Hangang sa nakatulog na rin ako sa byahe.