ISABELLA
Nalungkot ako nang makita ang nangyari sa villa. Marami din kaming memories doon noong bago pa lamang ako na nakakarating dito. Kung may natira man sa villa. Yun ay mga babasagin na gamit at mga bote ng wine na nakatambak sa paligid. Kausap ni kuya ang engineer kaya inabala ko muna ang sarili sa pagpunta sa vineyard kung nasaan ang mga grapes na hitik na ngayon sa bunga.
“Senyorita, mabuti naman at okay na kayo. Nag-alala po kami ng husto sa inyo.”
Nabaling ang tingin ko kay Paz, anak siya ni Aling Celia at pinasama siya sa akin ni kuya. Habang abala pa ito.
“Oo, salamat sa pag-alala.” nakangiting sabi ko. Halos magkasing edad lang din kaming dalawa. Pumitas ako ng ubas at inilagay ko sa basket na dala niya.
“Nakakalungkot ang nangyari sa villa. Sabi ni Inay mga bata pa daw sila nang ipagawa yun ni Don Paeng.”
Ang tinutukoy niya ay si lolo. Ama siya ni papa at matagal na itong namayapa.
“Nalulungkot din ako Paz, pero wala na tayong magagawa. Saka magpapatayo naman ulit ng panibagong villa si papa.”
Tinulungan niya akong mamitas ng ubos. Noong hindi pa governador si papa ito ang pinagkaka-abalahan niyang negosyo. Bukod sa grapes wine meron din silang fruits wine. Hindi ko alam kung ilang ektarya ng lupa meron dito pero bukod sa vineyard meron pa silang ibang tanim na prutas, puno at mga alagang hayop. Kaya kapag lilibutin ang buong farm ay nasakay kami ng kabayo o hindi kaya ay electric tractor.
“Mukhang nang-enjoy sa pamimitas ang kapatid ko ah?”
Napalingon kaming dalawa dahil sa nagsalita.
“Kuya! Tapos ka na?” bulalas ko sabay bitin sa braso niya.
“Oo, puwede na tayong mamasyal.” nakangiting sabin niya sa akin. Inabot ko kay Paz ang dala kong basket at pinabalik ko na din siya upang malinisan ito.
“Teka? Ano yang dala mo?” usisa ko dahil may bitbit siyang malaking basket na nakatakip ng tela.
“Magpipicnic tayo sa ilog. Pagkatapos nating mag-ikot. Masarap maligo doon ngayon dahil umulan nitong mga nakaraang araw paniguradong malakas ang tubig.” wika niya. Na-excite ako dahil sa sinabi niya akala ko mag-iikot lang kami tapos uuwi na. Yun pala maliligo din kami.
“Tara na!” hila ko sa kanya. Nagpunta kami sa kuwadra ng mga kabayo at kinuha namin si Chopper yung favorite niyang kabayo na galing pa sa Europe. Hindi kasi ako marunong sumakay sa kabayo kaya iisa lang ang gagamitin namin ni kuya. Tinulungan kami ng tauhan niya sa farm para malagyan ng sapin ang likod ng kabayo.
“Dahil niyo ito sa kubo. Pagkatapos naming mag-ikot pupunta kami doon.” Utos ni kuya na agad namang sinunod ng mga ito. Pagkatapos ay nauna na siyang sumakay. Naglagay sila ng tungtungan sa ibaba at pagkatapos ay inalalayan naman ako ni kuya para maka-akyat.
“K-kuya…sure ka ba dito? Natatakot ako baka mahulog tayo.” nag-alalang sabi ko sa kanya.
“Hindi tayo mahuhulog, nangako ako sa’yo hindi ba? Hanga’t nandito ako sa tabi mo hindi ka masasaktan.” sagot niya na ikinangiti ko. Hinawakan niya ang kamay ko at inihawak sa renda ng kabayo.
“Hawakan mo ng mahigpit ang tali okay?” utos niya sa akin. Tumango ako sa kanya at pagkatapos ay tinapik na niya ito para lumakad.
“Dahan-dahan lang kuya baka tumakbo ang kabayo.” paalala ko sa kanya. Naramdaman ko ang mainit niyang hininga sa batok ko at naghatid ito ng ibang pakiramdam. Hawak din nya ang kamay kong nakahawak sa renda ng kabayo.
Mabagal lang ang paglakad ni chopper at masarap sa pakiramdam ang sumakay sa kabayo hindi kasi masakit sa balat ang araw dahil maaga pa at medyo diklim ang langit.
“Ang ganda kuya.” Namamangha kong sabi sa kanya. Madami kasi akong nakitang wild flowers sa mga damuhan. At may mga baka at kambing din na nangangain ng damo.
“Maganda nga dito, kaya nga kahit gusto kong maging piloto. Tinangap ko na rin ang maging business man para matulungan si dad sa hacienda at sa winery. Kapag naka-graduate ka na matutulungan mo na rin ako.” Sambit niya. Parang ang saya lang isipin na magkakatotoo ang mga sinabi niya.
Pagkatapos naming ikutin ang farm ay nagtungo na kami sa kubo. Itinali namin si Chopper sa puno ng tamarind tree at excited akong bumaba sa ilog. Malayo palang kasi rinig ko na ang lagaslas ng tubig. Kaya nang makababa kami ay nauna na ako sa kanyang magbasa ng mga paa.
“Mag-ingat ka matatalas ang mga bato.” Paalala niya sa akin. Hindi ko maiwasan ang mapa-wow sa ganda at linaw ng tubig. Malamig din sa paa at tamang-tama dahil mainit na rin sa pakiramdam.
“Kuya! Maligo na tayo!” tawag ko sa kanya. Naghubad siya ng boots at awang ang labi ko nang maghubad din siya ng puting t-shirt. Nag-iwas ako ng tingin at pinagtuunan ang may kalakasan na daloy ng tubig. Kaya lang wala akong dala na damit. Wala akong pamalit mamaya.
“Kuya anong bibihis natin? Wala tayong dalang damit.” Tanong ko sa kanya nang lapitan niya ako.
“Hubarin mo na lamang yang damit ko. Para hindi ka ginawin mamaya. May towel naman ako sa kotse.” Sagot niya. Umakyat ako at naghubad ng damit. Wala namang ibang nagpupunta dito kaya okay lang.
Hinubad ko ang damit niya na suot ko at tanging bra na lamang ang natira. Naghubad din ako ng pantalon dahil may cycling shorts naman akong suot. Pagkatapos ay bumalik na ako sa ilog.
Napatingin siya sa akin at sinuyod niya ako ng tingin. Medyo nailang ako sa pagtitig niya kaya lumusong na agad ako sa tubig.
“Ang lamig!!!” nginig na bulalas ko. Natawa siya at sinabuyan ako ng tubig. Kaya sinabuyan ko din siya hangang sa basa na ang mga ulo namin pareho. Ang lamig at sarap sa pakiramdam ang fresh water. Lalo na at may kalaliman din ang part na ito ng ilog pero hindi ako nagpupunta sa mas malalim dahil hindi ako marunong lumangoy. Samantalang si kuya enjoy na enjoy sa pagsisid. Pinapanuod ko lang siya at ingit na ingit ako sa kanya dahil magaling siyang lumangoy.
“Halika rito!” tawag niya sa akin. Umiling ako sa kanya.
“Ikaw na lang! Baka malunod ako!”
Lumangoy siya patungo sa akin at hinila niya ang kamay ko kaya napalundag ako sa bato. Napunta ako sa hangang beywang na tubig.
“Tuturuan kita.”
Hinila niya ako patungo sa malalim na ilog.
“Kuya natatakot ako!”
Napahawak ako sa kanyang balikat dahil medyo malalim na kami at hindi ko na naabot ang mga bato sa paa ko.
“Huwag kang matakot, andito ako.” nakangiting sabi niya sa akin. Dinala niya ako sa pinakamalalim na part ng ilog at para akong tuko na nakakapit sa leeg niya.
“Bibitawan kita dito.”
“Ayoko!”
Nagkunyapit ako sa kanya lalo nang sabihin niya yun. Baka malunod ako at makainom ng maraming tubig.
“Kaya mo yan…sa ganitong paraan din ako tinuruan ni dad.” Pamimilit pa niya. Hangang sa tangalin na niya ang kamay ko at lumayo siya sa akin.
“Kuya!” Lumubog ako sa ilalim at iginalaw ko ang kamay at paa ko. Ngunit lalo lamang akong hindi maka-ahon. Sinubukan ko ulit ngunit hindi ko kaya. Hangang sa naramdaman ko ang paghapit niya sa beywang ko kaya napakapit ako sa kanya at habol ko ang aking paghinga nang umahon kami sa tubig.
“Ang bad mo!” naiiyak na hampas ko sa kanya. Akala ko talaga malulunod na ako. Ang sakit pa ng ilong ko dahil sa tubig.
“Sorry…natakot ka ba?”
Marahan akong tumango sa kanya. Napatingin siya sa akin at napatitig. Kagaya nang pagtitig niya sa akin sa kuwarto niya kanina. Parang may naghahabulan na naman sa aking dibdib. Hindi ko mawari kung ano ang gagawin ko. At kung ano ang sasabihin ko sa kanya.
“Isabella, I think I’m crazy.”
“H-ha? Mukha nga…bitawan mo ba naman ako at itulak sa malalim eh—”
“Hindi yun…” putol niya sa sinasabi ko.
“I want to kiss you.”
Awang ang labi ko nang marinig ko yun sa kanya. Pero bago pa ako makasagot ay bihag na niya ang labi ko.
Para akong naging bato at hindi makakilos sa ginawa niya. Hindi ko alam kung bakit sinasabi ng utak kong mali ang ginawa niya ngunit may parte sa akin na ayaw kong tumigil siya. Gumalaw ang kanyang labi at naramdaman ko ang dila niyang pumasok sa bibig ko.
“Please…kiss me back…” sambit niya sa pagitan ng kanyang paghalik. Napakapit na ako sa kanyang leeg at sumabay ang aking labi sa gusto niyang gawin. Nawala ako sa katinuan hangang sa naramdaman ko ang kamay niyang gumagapang sa aking katawan. Napadilat ako at nahawakan ko ang kamay niya.
“K-kuya…” hingal na pigil ko sa kanya natakot kasi ako sa posibleng mangyari.
“Sh*t!” mura niya at dinala niya ako sa mababaw na part ng ilog.
“Sorry…hindi ko sinasadya…sorry Isabella.” Nag-sisi niyang sabi sa akin. Alam kong mali pero hindi ko gustong marinig sa kanya ang salitang yun.
“Huwag kang mag-alala kuya hindi ko sasabihin kay mama at papa.” Wika ko sa kanya. Hindi na kami kumain dahil niyaya na niya akong umuwi. Wala siyang imik na bumaba sa kotse at pumasok sa loob ng bahay namin.