ESRAEL “Bro, pang-ilang tagay mo na yan. Wala kang driver ngayon.” paalala ni Mark. Andito ako sa kanila para maka-iwas akong mag-dinner sa bahay. Kaya dito na lamang ako kumain at pagkatapos ay inaya niya akong uminom. “Malapit lang naman ang bahay namin, wala kang dapat ipag-alala.” wika ko sa kanya. Nagsalin siya ng brandy sa babasagin niyang baso at nilagyan ito ng ice cube. “Lately napapansin ko parang palagi kang absent minded. Si Isabella na naman ba?” Napabuntong hininga ako sa narinig kong sinabi niya. Sa totoo lang hindi ko alam kung paano haharapin si Isabella. Pagkatapos ng nagawa ko sa kanya sa ilog. Pakiramdam ko sinamantala ko ang kabataan niya. Dapat pinigilan ko ang aking sarili. Pero hindi ko na nakayanan ang titigan lang siya. Her lip’s is so sweet and soft like