ISABELLA
Binalot ng dilim ang buong paligid nang magising ako. Tumayo ako sa kama at nangapa sa dilim upang hanapin ang bukasan ng ilaw. Ngunit kahit anong kapa ko ay hindi ito makita.
“K-kuya? Asan ka? Wala akong makita…”
May suminding liwanag mula sa nakasinding kandila na bigla na lamang lumitaw sa harapan ko. Lumaki ang ningas nito hangang sa mabilis ang pagka-ubos nito. Napa-atras ako nang bigla itong lumiyab at kumalat sa buong kuwarto ko.
“Kuya! Kuya! Tulungan mo ako!”
Nanginig sa takot ang aking kalamnan hangang sa may tatlong pigura akong nakita sa apoy.
“I-Itay? Inay? B-bunso?”
Nakatayo sila at nakatingin sa akin walang salitang lumabas sa kanilang bibig. Nilapitan ko sila ngunit unti-unti silang lumalayo. Lalong sumiklab ang apoy sa harapan ko hangang hindi ko na sila makita.
“H-Huwag! Huwag niyo akong iwan!!!” Sigaw ko at patuloy ang aking paghikbi.
“Isabella? Isabella! Wake up!”
Napabalikwas ako ng bangon dahil sa sunod-sunod na pagtapik ni kuya sa akin. Malamig na pawis ang dumaloy sa aking noo at katawan dahil sa masamang panaginip.
Napabaling ako kay kuya na nasa tabi ko at alalang-alala sa akin.
“K-kuya…”
Niyakap niya ako at ikinulong sa kanyang bisig. Napahikbi na lamang ako dahil sa labis na takot. Akala ko hindi ko na ulit mararanasan ang ilang gabi kong pananaginip ng masama pero naulit na naman ito dahil sa nangyari.
“Sssshhh…tahan na…” alo niya sa akin.
“N-Nakita ko sila…hinihintay nila ako kuya…” humihikbing sabi ko. Hinaplos niya ang buhok ko at hinalikan niya ako sa noo.
“It’s just a bad dream, Isabella. Malalagpasan mo din ito.”
Ilang minute din kaming nanatiling magkayakap hangang sa kumalma na ako. Inabutan niya ako ng tubig at pinunasan ang mukha ko.
“Matulog ka na ulit…babantayan kita.”
Akmang tatayo na sana siya ngunit hinila ko ang mangas ng suot niyang long sleeve na pantulog.
“Dito ka na sa tabi ko please…” paki-usap ko sa kanya. Inayos niya ang unan ko at kinuha din niya ang unan niya. Inilagay niya sa tabi ko. Binigyan ko siya ng space para makahiga siya.
“Let’s go back to sleep na.”
Hinila niya ako at nahiga ako sa tabi niya. Ginawa kong unan ang kanyang braso dahil gusto niyang doon ako humiga. Nakaharap ako sa kanya at kinabig niya ako palapit sa kanyang katawan. Isang dangkal na lamang ang layo ng mukha ko sa kanyang leeg. Kita ko pa ang pagalaw ng kanyang adams apple. Iniyakap ko din ang isa kong kamay sa kanyang katawan at pumikit na rin ako. Nakaramdam ako ng init sa yakap niya at kahit paano nawala ang takot ko. Hanggang sa tuluyan na akong nilamon ng antok.
Mabigat pa ang talukap ng mata ko nang magising ako. Bumungad sa akin ang seryosong mukha ni kuya. Nakatingin din siya sa akin at nakahawak pa rin ang kamay niya sa likod ko.
“Bakit?” nagtatakang tanong ko sa kanya dahil sa mariin niyang paninitig sa akin.
“Hindi ako nakatulog, ang lakas mong humilik.” Reklamo niya na ikinangiti ko. Nagtakip ako ng kumot dahil paniguradong mukha na akong bruha at may panis na laway pa siguro ako.
“Bakit ka nagtatago?” narinig kong tanong niya sa akin.
“Basta…mauna ka na bumangon.” sagot ko. Hinila niya ang kumot kaya nakita niya ang mukha ko.
“Hindi mo na kailangan na magtago. Sanay na ako sa kapangitan mo.” Nang-aasar niyang sabi na ikinakunot ng noo ko.
“Anong sabi mo? Panget ako?!”
Natawa siya sa sinabi ko kaya bumangon ako at tinakluban ko siya ng kumot. Tinulak ko siya at tumatawang napahiga siya sa kama.
“Panget pala ha!”
Kiniliti ko siya sa leeg dahil alam kong malakas ang kiliti niya doon kaya nagpupumiglas siya. Sinakyan ko siya sa beywang para hindi siya makatakas sa akin.
“Tama na panget!” parang baliw niyang sabi sabay tawa pa. Talagang gusto niya akong asarin! Kaya mas kiliti ko siya. Pero mabilis niyang tinangal ang kumot at nahawakan niya ang dalawa kong kamay.
“Huli!”
Nagulat ako nang buong lakas niya akong ibaliktad sa kama. Napahiga ako at siya na ngayon ang nasa ibabaw ko.
Pareho kaming nakangisi at habol ang paghinga. Hangang sa unti-unting nabura ang ngiti sa labi naming dalawa at nakatingin na lamang kami sa isa’t-isa. Mula sa mata ko ay bumaba ang kanyang tingin sa aking naka-awang na labi.
Napakurap-kurap ako at bumilis ang t***k ng aking puso sa mga titig niya sa akin. Hawak pa niya ang pulsuhan ko kaya wala akong takas sa kanya.
Unti-unti niyang inilapit ang kanyang mukha sa akin. Hindi ko alam kung anong gagawin ko dahil parang lalabas ang puso ko sa rib cage ko sa bilis at lakas ng t***k nito.
Namalayan ko na lamang na unti-unti ko nang ipinipikit ang mga mata ko. At naghihintay sa kung ano man ang gagawin niya. Ngunit Segundo na ang lumipas ay wala pa rin akong naramdaman kaya dumilat ako at nakita ko ang nang-aasar niyang ngiti.
“May panis na laway ka, panget.”
Nag-init ang aking mukha at buong lakas ko siyang tinulak. Kaya nabitawan niya ako. Kaagad akong nagtatakbo sa banyo. Ngunit nang tignan ko ang mukha sa salamin wala naman akong panis na laway.
“Kuya!!!”
Narinig ko siyang tumawa sa labas. Kinuha ko ang tissue at pagkalabas ko ay binato ko sa kanya ngunit mabilis niya din itong nasalo.
“Bumalik ka na sa kuwarto mo panget!” patulog na pang-aasar niya sa akin. Nakasimangot akong lumabas ng kuwarto niya at nasalubong ko pa sila mama at papa.
“What happen?” tanong nila nang makita nila akong magkasalubong ang kilay.
“Si po kasi, inaasar niya akong panget daw!” sumbong ko sabay yakap sa kanyang beywang.
“Hindi ka pa nasanay sa kuya mo.” Natatawang sabi naman ni mama.
“Hoy! Panget! Yung tsinelas mo!”
Binato niya sa akin ang pink at mabuhok kong tsinelas at nakangisi pa niya akong tinitignan.
“Tama na yan, Esrael. Imbis na alagaan mo kapatid mo inaasar mo pa.” naiiling na saway ni papa sa kanya. Dinilaan ko siya kaya kamot ulo siyang pumasok sa kuwarto niya.
“Okay na ba ang pakiramdam mo anak?” usisa ni mama na ikinatango ko.
“Opo ma…sasabay po ako sa inyong mag-breakfast. Maliligo lang po ako.”
Kaagad kong dinampot ang tsinelas ko at nagtatakbo ako pabalik sa aking kuwarto. Naligo ako at nagbihis ng simpleng bistida. Inilugay ko lang ang mahaba kong buhok bago ako bumaba dahil baka hindi ko na sila makasabay.
Pagbaba ko ay nanduon na rin si kuya. Sinamaan ko siya ng tingin nang magtagpo ang mata naming dalawa. Naiiling na ngumiti lang siya sa akin.
“Esrael, ikaw ang pumunta sa vineyard para ma-asikaso mo ang construction ng villa. Abo na lang ang natira sa lumang villa natin kaya mas maganda kung gawin na natin itong concrete. Ipapasa ko sayo ang blue print galing sa architect na gumawa ng design ng villa.” Wika ni papa na sinang-ayunan naman ni kuya. Tahimik lang ako habang nag-uusap silang dalawa pero nakikinig naman ako sa kanila.
Sa Monday pa ang pasok ko kaya nagpaalam ako kay papa na sasama kay kuya dahil aalis na naman silang dalawa. Pumayag naman ito para makapamasyal din ako sa grapes farm namin.
“Magpalit ka ng damit kung gusto mong lumibot sa farm.” Utos ni kuya. Sinuyod ko ng tingin ang damit hangang paa ko.
“Bakit? Okay naman ang damit ko ah?” angal ko. Bumuntong-hininga siya at nakasimangot na tinignan ako.
“Gusto mo ba talagang lumibot sa farm? O sige maglakad ka hindi kita papasakayin ng kabayo ng ganyan ang itsura.” Litanya niya na ikinasinghap ko. Hindi ko na siya hinantay na mainis. Kaagad akong umakyat at nagpalit ako ng pantalon pati blouse na kulay itim na croptop dahil mainit ang panahon ngayon at hindi ko pa nasusuot ito na bigay ni mama.
Nang bumaba ako sa hagdan ay hinagod na naman niya ako ng tingin.
“Wala ka na bang matinong damit? Hindi kaya kabagin ka sa damit mo?” nakataas ang makapal niyang kilay na sabi.
“Tara na! Huwag ka nang maarte hindi naman ikaw ang kakabagin!”
Kaagad ko siyang hinila palabas ng bahay at sumakay na kami sa kotse. Pagsakay niya ay may ginalaw siya sa harapan ko at may kinuha siyang parang t-shirt.
“Yan ang suotin mo. Kapag hindi mo yan sinuot papababain kita.” banta niya sa akin. Tinignan ko ang t-shirt na bigay niya napanguso ako.
“Haist! Ang laki naman nito kuya!” reklamo ko.
“Faster, suotin mo na habang hindi pa tayo nakakaalis.”
Wala akong nagawa kundi ang maghubad at palitan ang suot ko. Umiwas naman siya ng tingin kaya hindi niya ako nakita habang nagpapalit ako.
“Ayan! Happy na? Mahigpit ka pa kay papa at mama eh. Naku! Paniguradong tatanda akong dalaga sa’yo.” bulalas ko. Sinimulan niyang pa-andarin ang sasakyan at bumaling ng tingin sa akin.
“Hindi ka tatandang dalaga dahil nandito ako.”
Awang ang labi kong napatingin sa kanya.
“I-I mean…hindi ka tatandang dalaga…ihahanap kita ng magiging asawa mo! Tama! Kapag trenta ka na ihahanap kita.” Pagtatama niya.
“Trenta? Grabe ka naman hindi mo pa ginawang kuwarenta.” Litanya ko na ikinatawa niya. Nauwi sa asaran ang naging byahe namin patungo sa farm.