ISABELLA “Ano ‘to?” nagtatakang tanong ni Kikay nang iabot ko sa kanya ang maliit na paper bag na bigay sa akin ni Charry. “Sayo na, ayoko niyan.” sagot ko sa kanya. Binuksan niya ito at lumaki ang mata niya. “Hoy! Penge!” bulalas naman ni Ruffa sabay agaw sa kanya ng isang bar ng chocolates. Ayokong kainin ang bigay ni Charry dahil alam kong suhol niya yun sa akin para magustuhan ko siya para kay kuya. Kahit mabait pa siya sa akin hindi ko pa rin feel na makipagkaibigan sa kanya. Hindi ko rin alam kung bakit basta! “Sarap ah? Sino nagbigay nito? Si Steve ba?” usisa ni Kikay na may chocolate pa sa ngipin habang nagsasalita. Nandito kami nakatambay sa tabi ng puno dahil absent ang teacher namin sa isang subject. “Huwag mo nang itanong. Kainin mo na lang.” inis na sabi ko sa kanya.