ISABELLA Nakahinga ako ng maluwag nang lumabas siya sa kuwarto ko. Muntik na ako doon…muntik ko nang tugunin ang halik niya kanina. Mabuti na lamang naalala ko si Charry! Kung hindi baka naging marupok na ako na tugunin ang halik niya. Napahawak ako sa aking labi at napasandal sa pader. Dalawang taon na rin ang lumipas. Ayoko mang aminin pero namiss ko siya ng sobra. Ngunit sa tuwing naalala ko yung mga pictures na pinost ni Charry at noong last post pa nito na nasa Spain ito nagcelebrate ng Christmas last year with him nadagdagan na naman ang galit ko. Lalo pa nang malaman ko kay Kikat ang usapan nilang dalawa. Nakita ko sa phone niya nang hiramin ko ito para tawagan si papa na gagabihin ako sa study session namin. At hindi siya tumangi na isang taon na palang humihingi ng update si ku