ISABELLA “Hindi mo ba ito kakainin?” tanong ni Inang Carmen. Andito kasi ako sa kuwarto ko at buong araw akong nagmumukmok dahil wala akong magawa. Mamayang gabi na ang alis ni Kuya para sa governor’s night. Balita ko marami daw sikat na artista ang inimbitahan para mag-perform. Tapos ako? Heto nakakulong sa kuwarto. “Hindi po ako nagugutom.” Nakanguso na sagot ko kahit hindi niya ako nakikita dahil nakadapa ako at nasa kabilang side ng kama. Umikot siya sa gawi ko. “Sayang masarap pa naman itong binili kong chocolate cake.” Namilog ang mata ko nang makitang mukha ngang masarap. Kaya napabangon ako. “Akin na po, sayang naman yan kung hindi ko kakainin.” Inabot niya sa akin ang platito at mabilis akong sumubo. “Dahan-dahan lang marami pa sa ref.” natatawang pigil niya sa akin. Ka