ESRAEL
“Kanina ko pa napapansin na parang wala ka sa mood. May problema ba?” usisa ni Mark. Nandito kami ngayon sa Maynila dahil may kinausap kaming mahalagang client. May-ari siya ng mga restaurant dito sa Makati. At gusto kong ma-introduce sa kanila ang product namin. Kaya tatlong oras pa ang kinailangan naming i-byahe para makarating dito.
“Wala, may gumugulo lang sa isip ko.” Sagot ko sa kanya. Siya ang matalik kong kaibigan at siya din ang marketing manager ng business namin kaya mas madalas ko siyang nakakasama.
“Naku, kilala na kita Esrael. Alam kong hindi lang yan basta problema. Sabihin mo na baka makatulong ako.” pamimilit pa ni Mark. Sumimsim ako ng wine sa baso bago tumingin sa kanya.
“My sister, nagkaroon kami ng tampuhan.” wika ko na ikinakunot ng noo niya.
“Sister? Do you mean Isabella? At bakit naman?”
Napabuntong hininga ako at nagsalin ulit ng wine sa baso.
“Oo, I feel angry whenever she’s talking about her crush.”
Natawa siya sa sinabi ko kaya sinamaan ko siya ng tingin.
“Dahil lang doon nagalit ka na? Paano pa kung may manligaw sa kapatid mo? Hindi malayong mangyari yun, Esrael. Napakaganda naman kasi ng kapatid mo. Kung hindi nga lang tayo magkaibigan eh baka nili—”
Nagulat siya sa ginawa kong pagbasag sa baso ng wine. Sumugat pa ang bubog sa kamay ko ngunit hindi ko ito ininda. Hindi ko nagustuhan ang narinig ko mula sa kanya.
“Huwag mo nang subukan, kapag inulit mo ulit ang mga sinabi mo malalagot ka sa akin.” banta ko sa kanya na ikinatikom ng kanyang bibig.
Binayaran ko ang nasira kong baso at umalis na kami.
“Sorry na…nagbibiro lang ako kanina.” Pahabol niya nang makasakay na kami sa kotse.
“Hindi magandang biro yun.” seryosong sabi ko sa kanya.
Ayokong isipin na darating ang araw na yun. Bata pa siya at marami pang hindi alam sa mundo. Kapag nagpadalos-dalo siya ng desisyon masasaktan lang siya. I want to protect her. Because I’m her brother.
Habang nasa byahe ay tumawag si Arman. Kailangan daw namin mag-rewire at magpalit ng mga breaker para sa safety ng vineyard. Na-apektuhan kasi sa pagsabog ang cable ng kuryente at maari daw itong mag-cause ng sunog. Sinabi ko na lang sa kanya na bukas na bukas din ay ayusin ang problema.
Nang mahatid ko si Mark sa bahay nila ay umuwi na rin ako. Kakababa ko pa lamang sa kotse naabutan ko na silang nagkakagulo.
“Mom? What happen?” bungad ko sa kanila. Napatakbo si mommy sa akin at labis ang pag-alala.
“Anak— yung kapatid mo! Nasa villa, nasusunog ngayon ang villa—”
Hindi ko na siya pinatapos ng pagsasalita at kaagad na akong bumalik sa kotse. Mabilis kong pina-andar ang sasakyan. Patungo sa vineyard para akong nakikipag-karera sa bilis kong magpatakbo. Ilang kilometro ang layo nito sa bahay namin.
Mabilis din sa pagtibok ang puso ko. Malayo pa lamang tanaw ko na ang iang bombero na pinapatay ang malaking sunog. Mabilis akong bumaba at tumakbo.
“Isabella! Isabella!” sunod-sunod na tawag ko. Nagdatingan na rin ang mga trabahador sa farm at ang caretaker ng villa ay panay lang ang iyak.
“Nasa loob pa sir…ayaw naman kami papasukin—”
Hindi na ako nag-aksaya ng oras sa likod ako dumaan para makapasok.
“s**t! Nakalocked!”
Naghanap ako ng puwedeng panira ng pinto. Mabuti na lamang at may nakita akong malaking pala. Buong lakas kong hinampas ang doorknob hangang sa masira ito. Makapal na usok ang sumalubong sa akin. Wala na rin akong halos makita. Tinakpan ko ang ilong ko at sumuong ako sa usok hangang makarating ako sa hagdan na kinakain na rin ng apoy. Nakakapasong init ang sumalubong sa akin ngunit kailangan kong tiisin para makarating sa kuwarto ni Isabella.
“Isabella! Isabella!”
Malakas na sinipa ko ang pinto at bumukas ito. Nagtama pa ang mata namin ni Isabella na nahirapan na sa paghinga hangang sa mawalan ito ng malay.
“Ahhh!” Impit na ngiwi ko nang bagsakan ako sa likod ng umaapoy na kahoy. Pero kailangan namin makalabas! Tiniis ko ang sakit at nagmadali akong nilapitan siya. Kinuha ko ang kumot at binasa ko sa balde sa banyo bago ibinalot sa kanya at buong lakas ko siyang binuhat pababa. Para akong nakikipaghabulan kay kamatayan dahil sa mabilis na pagkalat ng apoy sa buong kuwarto. Nararamdaman ko na rin ang pagkasunog ng aking balat.
Hangang sa tumalon na ako sa hagdan at buong lakas na tumakbo palabas. Inilayo ko siya sa sunog at nang ibinaba ko siya sa damuhan ay wala pa rin siyang malay.
“Isabella? Isabella! Wake up!”
na-alarma ako dahil hindi na siya humihinga. I started pumping her chest pero hindi pa rin siya nagigising.
Hinawakan ko ang kanyang baba at ini-awang ang kanyang labi. Napalunok ako habang nakatingin sa kanyang labi. Pero hindi na ako puwedeng mag-aksaya ng oras. Kailangan ko na siyang ma-CPR.
Ilang beses kong ginawa yun hangang sa napaubo na siya.
“Thank god!” bulalas ko nang magkamalay siya.
“K-kuya?”
Kaagad ko siyang kinulong sa bisig ko. Nakarinig ako ng tunog ng ambulance at mga bombero pa na nagdatingan.
“You’re safe now…”
Binuhat ko siya upang dalhin sa harapan ng villa. Sinalubong kami ni mommy at si daddy na kakarating lang.
“Anak!” bulalas ni mommy nang lapitan niya ako. Dali-dali ang mga medical unit sa paglapit sa amin.
“Susunod kami ng mommy mo. Sumabay ka na sa ambulance.” utos ni dad. Ibinaba ko si Isabella sa stretcher dahil kailangan din niyang madala sa hospital. Naupo ako sa upuan.
“K-kuya…sala-mat…”
Kinuha ko ang kamay niya.
“Ssshhh…huwag ka nang magsalita. Ang mahalaga ligtas ka.”
Muli siyang pumikit pero alam kong okay na siya. Nang makarating kami sa hospital ay kaagad naman nila kaming inasikaso. Kinailangan ko din magpa-confine dahil nagkaroon ako ng second degree burn sa likod. Hindi ako makapag-pahinga ng maayos dahil hindi ko pa alam ang kundisyon ni Isabella.
“Miss? Yung kapatid ko? How is she?” usisa ko sa nurse na pumasok sa kuwarto ko.
“Nasa kabilang room po sir. Okay na po siya. Nandoon din si Governor at yung mommy niyo.” Imporma niya sa akin. Sinubukan kong bumangon ngunit napangiwi ako sa sakit at hapdi.
“S-sir! Huwag muna kayong tumayo!” pigil niya sa akin. Patagilid ulit akong humiga. Dahil hindi ko kayang bumangon ng tuluyan. Mas naramdaman ko ang sakit at hapdi ng sugat ko.
Bumukas ang pinto at bumungad si mom at dad.
“Mom? Si Isabella? Okay lang ba siya?” nag-alalang tanong ko.
“Sabi ng doctor nagkaroon siya ng suffocation dahil sa usok na nalanghap niya kaya hirap pa rin siyang huminga. But she’s okay na son. Kung hindi dahil sa’yo baka nawala na ako ng isa pang anak…” nangingilid ang luhang sabi ni mommy. I know how much she love my sister. Simula nang ampunin niya ito ni minsan hindi niya itinuring na iba ito sa pamilya. Kahit si dad nagawa niyang mahalin si Isabella sa maiksing panahon at hindi ituring na iba. Nawala ang pangungulila nila para kay Dreya simula nang dumating sa buhay namin si Isabella.
“Napakatapang mo anak. Kahit ang mga bombero wala silang nagawa dahil malakas ang apoy sa harapan ng villa. Pero hindi ka nagdalawang isip na iligtas ang kapatid mo.” puri ni daddy sa akin. Mahal ko din si Isabella. At kung hindi ko siya nagawang iligtas, hindi ko mapapatawad ang sarili ko.
“Can I see her?” paki-usap ko sa kanila.
“Kaya mo bang tumayo?” tanong ni dad na ikinatango ko. Nag-utos siyang kumuha ng wheelchair at pinilit kong bumangon para makaupo.
“Kailangan kong bumalik sa villa anak. Si mommy mo muna ang bahala sa inyo.” Paalam ni dad. Tumango ako sa kanya bilang pagsang-ayon.
Si mommy ang nagtulak sa wheelchair ko papasok sa kanyang kuwarto. May nakakabit sa kanyang oxygen at mahimbing na siyang natutulog.
“Baka mamaya gising na siya anak.” Wika ni mommy. Nakahinga na ako ng maluwag nang makita ko siya. Nagpasya akong bumalik sa kuwarto ko.
“Mom, umuwi ka na din para magpahinga. May bodyguards at nurses naman na mag-aasikaso sa amin. Bumalik ka na lang bukas.” Wika ko sa kanya. Ayaw pa nga sana niyang pumayag pero sinabihan ko na siyang tatawag ako kapag nagkaroon ng problema. Kaya umalis na rin siya. Inutusan ko din ang mga bodyguards na bantayang mabuti ang labas ng kuwarto ni Isabella. Hindi ko nagawang makatulog ng maayos sa kuwarto ko kaya bumalik ako sa kuwarto niya. Nadatnan ko siyang gising na.
“Kuya…” nangingilid ang luhang sambit niya. Lumapit ako sa kanya.
“Natatakot akong mag-isa dito. Huwag kang umalis.”
Dumaloy ang luha sa gilid ng kanyang mata. Pero napansin niya ang mga nakabalot sa braso at sa katawan ko na.
“N-Nasaktan ka dahil sa akin…”
Napahikbi na siya nang tuluyan. Lumapit ako sa kanya at hinaplos ang makintab at itim niyang buhok.
“It’s my fault…kung hindi kita inaway. Hindi ka sana matutulog sa villa. Hindi ka sana mapapahamak. I’m sorry…” nagsisisi na sabi ko sa kanya, Tumigil siya sa pag-iyak.
“Ibig sabihin hindi ka na galit sa akin? Bati na tayo?”
Tumango ako at tipid na ngumiti.
“Bati na tayo, basta huwag mo nang uulitin okay?”
Tumango siya sa akin.
“Sorry po kuya…”
Inabot ko ang noo niya upang halikan.
“Matulog ka na…dito lang ako sa tabi mo.”
Kinuha niya ang kamay ko at pinagcrossed pa ang mga daliri namin bago niya nilagay sa tiyan niya at pagkatapos ay pumikit na rin.
Habang tumatanda ako at magkasama kaming dalawa. Lalong lumilinaw ang pagtingin ko sa kanya. Itong t***k ng puso ko. Hindi ito normal para sa kapatid lang. I know dahil umibig na rin ako at higit pa sa pag-ibig na naramdaman ko noon kay Laura.