ISABELLA
Hindi na ako nagpahatid ng dinner kay kuya. Okay na naman ang pakiramdam ko kaya bumaba na ako para sumabay sa kaniya.
“Kuya, nakausap mo na ba sila mama at papa? Kailan daw sila uuwi?” tanong ko sa kanya nang malaman ko mula kay Inay Carmen na nasa factory daw sila ng wine. Dahil nagkaroon ata ng problema.
“Si mama, pauwi na yun. Pagkatapos kong kumain ay susunod ako sa factory para malaman din yung problema.”
Nilagyan niya ako ng kanin at ulam sa plato.
“Kainin mo yan, ubusin mo.”
Napatingin ako sa pagkain na nilagay niya dahil sobrang dami na naman nito.
“Kuya, plano mo ba akong ibenta kapag tumaba na ako? Paano ako magugustuhan ng Steve kapag baboy na ako?”
Salubong ang kilay na binalingan niya ako.
“Hangang ngayon ba crush mo pa din yung babalong americanong hilaw na yun?”
Muntik na akong masamid sa naging tanong niya.
“Grabe ka naman makababalo kay Steve. Ang guwapo niya kaya!” bulalas ko. Binagsak niya ang kutsara sa tabi ng plato niya.
“Ang bata-bata mo pa. Imbis na pag-aaral ang atupagin mo!” Singhal niya sa akin na ikinagulat ko. Ngayon lang kasi niya ako sinigawan ng ganito. Saka guwapo naman talaga si Steve at mabait pa. Class president siya namin at chairman ang kanyang ama dito sa Santo Ignacio.
“Crush lang naman eh. Hindi ko naman jojowain. Saka okay naman ang grades ko ah? Bakit ka nagagalit?”
Napasinghap siya at bumuntong hininga.
“Isabella, bata ka pa. Hindi mo pa alam ang mga sinasabi mo. Huwag kang tumulad sa mga kabataan ngayon na hindi iniisip ang bukas puro puso ang pinapa-iral kaya madalas napapariwara sa buhay. At isa pa. Wala akong tiwala sa Steve na yun. Kaya iwasan mo ang lalaking yun okay?” paghayag niya na ikinanguso ko. Napilitan akong tumango dahil magkadugtong na ang kilay niya. Hindi na ako muling nagsalita pero napapansin kong panay ang sulyap niya sa akin. Nauna din siyang matapos at pagtayo niya ay basta na lamang siya umalis.
“Galit po ba siya sa akin?” tanong ko kany Inay Carmen na nagliligpit ng pinagkainan namin.
“Senyorita, tama naman ang sinabi ni Senyorito Esrael. Unahin mo muna ang pag-aaral mo.” kampi pa niya kay Kuya.
Pagkatapos kong kumain ay pumanhik na ako sa aking kuwarto. Narinig ko ang pag-andar ng kotse kaya sumilip ako sa ibaba. Si kuya, umalis siya. Hindi man lang siya nagpaalam sa akin. Masama talaga ang loob niya. Wala naman akong balak mag-boyfriend. Saka masipag naman akong mag-aral. Kaya wala siyang dapat ipag-alala. Hindi masasayang ang pera na inilaan para pag-aralin ako. Pangako ko yan. Magtatapos ako ng kolehiyo.
“Inay Carmen? Nagkaroon na po ba ng girlfriend di Kuya?” Usisa ko nang hatiran niya ako ng gatas. Umiinom kasi ako bago matulog.
“Girlfriend? Ah! Oo! Si Laura, kaso matagal na yung umalis ng Santo Ignacio. Nag-migrate kasi ang magulang sa Hongkong.” Kuwento niya. Napabangon ako sa higaan at interesadong marinig pa ang kuwento niya sa akin.
“Talaga po?!” Bulalas ko na ikinagulat niya.
“Oo, ang alam ko childhood sweetheart sila ng kuya mo. Kaya nga ilang araw yung nagkulong sa kuwarto niya nang umalis si Laura.” Dagdag pa niya.
“Sige mauna na ako—”
“Kuwentuhan mo pa ako, Inay Carmen.” Pigil ko sa kanya nang tangka na itong lalabas.
“Maganda din ba siya? Alam niyo ba ang apilyido niya? Gusto ko makilala ang naging girlfriend ni kuya.”
Hindi na siya nakatiis at sinabi niya sa akin ang buong pangalan ni Laura. Kaagad akong nag-search sa social media. At nang makakita ako ng kaparihong pangalan ay ipinakita ko sa kanya. Kung yun nga yun.
“Siya nga! Kagandang bata.” Natutuwang sabi niya sa akin. Pagkatapos ay pinaalis ko na siya. Nag-scroll ako ng mga lumang picture niya sa album at nakita ko ang picture nila ni kuya. Iba pa ang ngiti niya sa mga larawan. Hindi kaya siya ang dahilan kaya nagbago si kuya? Saka nag-uusap pa kaya sila? Imposible…wala naman siyang kinukuwento sa akin.
Nang matapos kong tignan ang larawan ay inubos ko na ang gatas at sumandal ako sa headboard ng kama.
Anong oras kaya darating si kuya? Dahil hindi ako makatulog ay palihim akong nagpunta sa kuwarto niya. Akala ko naka-locked ang pinto pero nang pihitin ko ang doorknob ay open ito. Walang pagdadalawang isip akong pumasok sa loob.
Amoy na amoy ko si kuya sa buong kuwarto niya. Kasing bango niya rin ito. Malinis at maayos sa gamit si kuya. Kaya hindi ako puwedeng maki-alam.
Nagbukas ako ng cabinet ay nagtingin-tingin. Hangang makakita ako ng may kalakihan na box sa ibabaw ng kahoy na cabinet. Kumuha ako ng upuan at tumuntong ako para makuha ito.
Nang maabot ko ay ibinaba ko sa sahig at naupo din ako. Nang i-angat ko ang takip ay may nakita akong mga lumang notebook.
Love letter?
Kung hindi ako nagkakamali ay mula ito kay Laura. Ang ganda pala ng sulat kamay niya. Nagdadalawang isip akong basahin ang sulat. Pero may kung ano sa akin na nag-uudyok na basahin ito.
Hindi ko namalayan ang oras dahil sa pagbabasa ko. Napasarap ako ng basa. Sobrang makata kasi ni Laura sumulat ng love letter at pakiramdam ko mahal na mahal nila ang isa’t-isa noon.
Tunog ng kotseng paparating ang narinig ko. Mabilis kong inayos ang mga sulat at yung iba pang mga remembrance ay inilagay ko sa box.
Kapag nahuli ako ni Kuya malalagot ako! Nang mailagay ko na ang takip at mabilis akong tumayo ngunit narinig ko ang pagpihit ng seradura kaya napatago ako sa closet niya hawak ang box na kinuha ko sa ibabaw ng cabinet. Malakas ang silakbo ng aking puso nang sumara angpinto. Nasisilip ko siya sa siwang ng closet. Nanunuyo ang lalamunan ko at sobrang sikip dito sa pinagtataguan ko.
“Hello, Arman? Nakauwi na ako. May gas leak kaya sumabog yung stock room. Wala namang nasaktan. Pero check niyo pa rin ang linya ng mga kuryente kung hindi naapektuhan sa pagsabog.” Narinig kong sabi niya sa kausap sa phone. Nang matapos siya ay ibinaba niya ang phone at naghubad ng polo. Awang ang labi ko nang makita ko ang kanyang dibdib at ang maskulado niyang katawan. Pati ang tiyan niya ay may abs din. Napapikit ako nang huhubarin na niya din ang pantalon niya.
“What are you doing here?”
Napadilat ako dahil sa pagbukas niya ng pinto ng closet.
“Kuya—”
“Bakit mo hawak yan? Diba mahigpit na bilin ko na hindi kayo puwedeng pumasok sa kuwarto ko?” seryosong tanong niya. Kinuha niya ang box sa akin at hinila niya ako palabas ng closet.
“Magpapaliwanag ako—”
“Get out!” Singhal niya sa akin. Napatakbo ako palabas ng kuwarto niya. Pagpasok ko sa room ko ay kaagad kong sinara ang pinto.
Natakot ako sa naging tingin niya sa akin. Lalo pa siyang nagalit dahil pina-kialaman ko ang binigay sa kanya ni Laura.
Hindi ako gaanong nakatulog sa magdamag. Nang magising ako ay nasa hapag na si kuya. Hahalikan ko sana siya sa pisngi pero umiwas siya. Naupo ako sa tabi niya at kinagat ko ang ibabang labi bago ako tumingin sa kanya.
“Sorry na kuya…aaminin ko na mali ako. Pumasok ako sa kuwarto mo at pinakailaman ko ang gamit mo. Huwag ka nang magalit sa akin please?”
Hindi man lang niya ako binalingan ng tingin at nagpatuloy lang siya sa pagkain. Napabuntong hininga ako at kumain na lang din ako. Naunang matapos si kuya at hindi pa rin niya ako kinakausap. Malaki talaga ang galit niya sa akin.
Pumasok ako sa school na walang gana. Napansin din ito ng malapit kong kaibigan na si Maxine. Sinabi ko sa kanya ang ginawa ko.
“Lukaret ka pala eh! Magagalit talaga yun at pinakailaman mo ang bigay ng pinakamamahal niya! Mag-lie low ka muna. Palipasin mo ang galit ng kuya mo. Mapapatawad ka din noon.” Payo niya sa akin. Imbis na sa bahay ay sa vineyard ako umuwi. May villa naman kami ito at paminsan-minsan nandito kami kapag Sunday. Lalo na kapag harvesting season ng mga grapes. Kaya dito na lamang muna ako hanga’t galit pa sa akin si kuya.
“Sigurado ka na ba na hindi ka magpapasundo diyan?” tanong ni papa nang tawagan ko siya at ipaalam sa kanya na dito muna ako.
“Opo pa, saturday naman po bukas at gusto ko rin mag morning walk dito sa farm.” Paalam ko sa kanya.
“Bueno, kapag may kailangan ka katukin mo lang si Celia sa bahay nila. Ako na magsasabi sa mama at kuya—”
“Puwede pong huwag niyo nang sabihin kay kuya na andito ako nagtatampo po kasi yun sa akin kasi pumasok ako sa room niya nang walang paalam.” Pagtatapat ko.
“Oo sige, hindi ko na sasabihin. Kumain ka muna bago ka matulog okay?” Paalala niya.
“Opo papa, bye!”
Maliwanag pa nang matapos akong mag-dinner. Bumaba ako sa stockroom at tinignan ang mga naka-display na alak. Sarado sa kabila dahil sa pagsabog ng gas kahapon. Doon sila nagfe-ferment ng grapes upang gawing wine. Kumuha ako ng isang wine bottle at tinikman ko ito. Nagustuhan ko ang lasa kaya dinala ko sa kuwarto at inubos ko ang laman ng bote at nakatulog na rin ako.
Nagising ang diwa ko sa masamang amoy na nalalanghap ko. Mabigat ang mata na dumilat ako. Naaninag ko ang lumalagablab na apoy sa veranda.
“Isabella! Isabella!” narinig kong tawag sa pangalan ko. Ngunit napatayo at napasandal ako sa headboard ng kama nang makita ko ang nagngangalit na apoy na mabilis na kinakain ang dingding ng villa. Napatakip ako sa aking tenga ng makarinig ako ng ingay sa paligid. Bumalik sa ala-ala ko ang nangyaring sunog! Ang sunog na kumitil sa buhay ng buo kong pamilya! Napahagulgol na lamang ako dahil sa matinding takot at panginginig ng katawan. Sobrang init at nakakapaso sa balat. Kahit malayo pa ang apoy pakiramdam ko mabilis siyang lumalapit upang lamunin ako.
“Ku-ya…K-kuya!!!” sigaw ko. Kasabay ng pagbukas at pagbagsak ng pinto ay ang tuluyan kong pagkawalan ng malay.