♕CHAPTER 3♕

2186 Words
♛♕♛ TAON 1652 VERINE EMPIRE Mabilis na tumakbo si Zeren papalapit sa kaniyang guro, tatlong hakbang paurong at mabilis na yumuko ang binata sabay tutok nang matalim na espada sa leeg ng kaniyang kalaban. "Kailan ba ako mananalo sa inyo my lord?" biro ng ginoo at ibinaba na ni Zeren ang hawak na espada saka tinulungan tumayo ang kaniyang guro na napaluhod dahil sa kaniyang mabilis na pag-atake. "Siguro pag may bago na kayong teknik na ituturo sa'kin," peke nitong ngiti sa ginoo at tinapik-tapik siya sa balikat nito. "Nakakatuwa at marami kang natutunan mula sa'kin, syempre hindi makakaila na isa kang prodigy child ng yumao mong ama na si Earl Ramon," sabi sa kaniya ng ginoo na kinakunot ng kaniyang noo ngunit hindi niya ito pinahalata sa guro at masayang ngumiti sa harap nito. "Ano pa bang aasahan niyo sa aking ama? Hindi ba't kahanga-hanga siya at isa pa siya ang unang heneral ng emperyo, lahat ng galaw at teknik ko sa pakikipaglaban ay nakuha ko sa kaniya, idagdag pa na'tin na magaling talaga ang aking guro," mapanlinlang na sagot ni Zeren habang malambing na nakangiti sa harap ng kaniyang guro. "Naku, kinararangal ko pong maging istudyante ko kayo," masayang tugon naman sa kaniya ng ginoo. Ang hindi alam ng ginoo ay karamihan ng galaw at natutunang pakikipaglaban ng binata ay nakuha niya sa kalye kung saan siya lumaki at ang iba doon ay turo sa kaniya ng yumao na si Earl Ramon, wala naman siyang natutunan na maayos na leksyon mula sa mga propesor niya sa loob ng Quintus Estate. Simula kasi nung pumanaw ang tinuturing niyang pangalawang ama na si Ramon ay siya na ang tinuring na bagong Earl sa Quintus Estate, lahat ng yaman ng matanda at iba pa nitong ari-ari ay pinamana sa kaniya, pinalabas ding siya ang nawawalang anak ng Earl kahit na alam niyang hindi ito totoo ay inako niya na lang ang responsibilidad na iniwan sa kaniya ni Earl Ramon. Sa mga lumipas na taon ay binuhos niya ang kaniyang buhay sa pag-aaral ng mga tamang pamamalakad sa estate, katulong si Richard na dating kanang kamay ni Earl Ramon ay ito na rin ang nagsilbing kanang kamay niya na siyang tumutulong sa lahat ng mga dapat niyang malaman sa pamamalakad ng Quintus. Wala siyang ibang pinakikinggan kung hindi si Richard lamang at ito lang ang taong pinagkakatiwalaan niya sa loob ng Quintus Estate, kaya kahit anong turo sa kaniya ng ibang propesor ay si Richard pa rin ang tinatakbuhan niya upang mag-aral. Dumagdag pa sa kaniyang dapat pag-aralan ang mga na iwang mga minahan at iba pang negosyo ng Earl, lalo na ang pinaka sikat na daungan sa emperyo o 'yung tinatawag na Earl's Pier, kung saan dumadaong ang malalaking sasakyang pandagat. "My lord!" napatingin siya kay Richard na hapong-hapo sa pagtakbo. "Ano 'yon?" tanong niya at may inabot na sobre ang matanda sa kaniyang kamay, tumango siya sa kanyang guro upang magpaalam dito saka naglakad papalayo para mabasa ang liham sa kaniyang opisina. "Galing po sa Lebertia ng Goldton ang sulat na iyan," sabi ni Richard at muling kumunot ang noo niya sa pagtataka, nakakatakot na tingin ang ibinigay ni Zeren sa sobreng hawak niya na kinatakot naman ni Richard, ngunit kahit papano sanay na ito dahil siya na rin ang nagpalaki sa binata, kilala niya ito katulad nang pagkakakilala ng yumaong amo niya na si Earl Ramon. "Anong ginagawa ng sulat na ito sa Verine Empire? kilala ba ako sa Goldton?" nagtatakang tanong ng binata sa kaniyang kanang kamay. "Iyon nga rin po ang aking ipinagtataka, nais niyo bang paimbistigahan ang Lebertia?" tanong nito sa binita at tumango lamang ito bilang sagot saka inabot kay Richard ang sulat upang basahin ito, binuksan ang selyo at binasa ang laman ng liham sa kaniyang harapan. "Mahal kong Earl Zeren," unang salita pa lamang ni Richard ay nagkatinginan na silang dalawa sa pagtataka. "Tuloy mo," utos niya rito. "Yes my lord, ehem ehem," pag-ubo nito at muling binuklat ang liham saka binasa ang mga sunod na nakasulat dito, "Mahal kong Zeren, kamusta ka na? nilalamig ka pa rin ba sa mga gabing wala ako sa tabi mo? Ehem!" napaubo si Richard sa mga nababasang laman ng liham, hindi niya akalain na may kapalitan ng sulat ang kaniyang alaga na matagal ng walang pag-ibig sa kaniyang buhay. "Ehem, paumanhin my lord," paghingi nito ng tawad at sumalumbaba lamang si Zeren sa kaniyang mesa saka muling binasa ni Richard ang natitirang mensahe rito. "Sana ay mapaunlakan mo ako sa iyong manor, nais ko sana bumisita d'yan at hingin ang iyong kamay para maging aking a-king a-a-aking," na uutal na basa ni Richard sa kaniyang hawak na papel at halos ilang beses na siyang kumurap at inayos ang posisyon ng kaniyang salamin ngunit malinaw na malinaw ang kaniyang nababasa. "May sakit ka ba Richard?" Sarkastikong tanong ni Zeren habang nakataas ang kaniyang isang kilay, na pansin niya na pinagpapawisan ang kaniyang kanang kamay at hirap na hirap sabihin ang laman ng liham kaya inagaw niya na ito sa kamay ni Richard at siya na mismo ang bumasa sa laman ng liham. "Nais ko sana bumisita d'yan at hingin ang iyong kamay para maging aking mapapangasawa?" tanong niya sa sarili at muling binasa ang laman ng liham, napatayo siya sa gulat nang mapagtanto ang nais sabihin ng liham na iyon. "Ano! sinong nag nanais na mapangasawa ako?!" malakas na sigaw nito na umalingawngaw sa buong pasilyo ng manor. "My lord! huminahon po kayo! baka po mali lang ang nagpadala ng liham," sabi ni Richard, tinignan naman ni Zeren ang tatak ng selyo at nakita ang emblem ng house Libertia rito pati na ang sulat sa dulo na nagsasabi na sa kaniya talaga ang liham na iyon. Malakas na hinampas ni Zeren ang kaniyang lamesa at na suklay na lang ang buhok niya sa sakit ng ulo. "Sunugin mo ang liham na 'yan, hindi ko alam kung sino ang may lakas ng loob para lokohin at paglaruan ang House Quintus," sabi ni Zeren at agad naman tumango si Richard saka tinapon ang liham sa fireplace ng opisina ni Zeren. *tok tok* "My lord may hindi po tayo inaasahang bisita galing sa Goldton Empire," tawag ng isang kawal sa labas ng pintuan ng kaniyang opisina, nagkatinginan na lang ulit sila ni Richard at natatarantang lumabas ng opisina ang matanda. "Ako na po ang bahalang sumalubong sa ating bisita my Lord," sabi ni Richard sa kaniyang amo at tumango na lang si Zeren sabay upo sa kaniyang upuan at napasalumbaba, iniisip kung sino kaya ang maaaring bumisita sa kaniya ng walang pasabi at bakit galing pa ito sa kabilang emperyo? Pumasok sa isip niya ang mga dating nakakakilala sa kaniya nung bata pa lamang siya noong nasa Goldton Empire pa siya nakatira, iniisip na baka may kailangan ito sa kaniya o hindi naman kaya ay may binabalak na ilabas ang tunay niyang katauhan sa emperyo ng Verine. Napailing na lamang siya at huminga nang malalim saka niluwagan ang kwelyo ng kaniyang polo, kakagaling niya lang sa ensayo at ngayon naman ay ganito agad ang kaniyang mababalitan. Hindi niya lubos maisip na may matinong tao pa palang magtatakang lokohin ang House Quintus, kilala ang Quintus sa pagiging malakas nito sa hukbong sandatahan ng emperyo, ang house Quintus ang humahawak sa bawat parte ng royal guard at iba pang kalakip na sandatahang militar. Malakas din ang kapit nila Zeren sa royal family dahil sa yumaong heneral, ang tumayo niyang pangalawang ama na si Earl Ramon. Kaya naman hindi niya maisip kung talagang ayos pa ba ang pag-iisip ng nagpadala sa kaniya ng sulat galing Goldton Empire. "My lord, hindi na po kinakaya ni Sir Richard ang kumusyon sa baba," tawag ng kaniyang personal butler kaya agad na siyang tumayo at nahilot na lang ang sintido ng kaniyang ulo dahil sa gulong mayroon sila ngayon. Dali-dali siyang bumaba para makilala ang bisita na nagbibigay sa kaniya ng sakit ng ulo ngayon umaga, agad siyang lumapit sa isang puting karwahe at nakita ang kaniyang kanang kamay na mukhang hindi na mapakali. "Anong kaguluhan ito Richard?" Tanong niya at agad na lumingon ang kaniyang kanang kamay ngunit na unang magpakilala ang isang binibini na siyang nagbibigay ng kumosyon sa gate ng kaniyang manor. "Magandang araw my lord," bati ng isang babae na may kulay kahel na buhok, nakasuot ito ng isang simpleng bistida na may ilang disento ng kulay asul na bulaklak. Simple lang ang ayos ng dalaga ngunit halata mo sa kaniyang pustura na mula siya sa mayamang pamilya, kahit simple lang ang ayos ng binibini ay natawag naman nito ang atensyon ng binatang si Zeren. "Ako po si Adelle ng Lebertia, mula sa Goldton Empire. Ikinagagalak ko po kayong makilala," bati ng binibini at doon lang pumasok sa isip ni Zeren na ang babaeng nasa harap niya ang siyang babae na nagpadala ng liham kanina. "Kinagagalak din kitang makilala, ngunit pwede bang ipaliwanag mo bakit ka bumisita ng walang pasabi? Sayo ba galing ang liham na dumating kani-kanina lang?" Tanong niya kay Adelle at humalukipkip sa harap nito habang seryosong iniintay ang paliwanag ng dalaga. "Ah eh hahaha, kanina lang ba dumating my lord? Nakakahiya naman pala haha nung isang linggo ko pa iyan hinulog ahaha," nahihiya nitong sagot at panay ang paglalaro sa mga daliri habang hindi makatingin ng diretsyo sa inabala niyang binata. Napabuntong hininga na lang si Zeren at inutusan si Richard na asikasuhin ang bisita. "Ikaw na ang bahala sa kaniya Richard, pagpaumanhin niyo sana ako lady Adelle ngunit dahil kanina lang dumating ang inyong sulat ay hindi ko kayo maaasikaso ngayon, abala akong tao," malamig na tugon ni Zeren kay Adelle na nagbigay ng lungkot dito, yumuko ito at tumango lang na parang tuta na hindi nilaro ng kaniyang amo. Kumunot ang noo ni Zeren sa pinakita ng dalaga ngunit hindi niya ito pinagtuunan ng pansin bagkos ay dumaretsyo siya ng lakad pabalik sa manor at iniwan na ang dalaga kay Richard. Hindi niya maaaring ibahin ang nakatakda niyang gawain ngayon araw para lang bigyan ng oras ang dalaga na hindi niya naman kilala kaya tinuon niya na lang ang kaniyang atensyo sa mga trabaho na kailangan niyang gampanan bilang Earl. Mabilis na lumipas ang oras at pagtingin ni Zeren sa kaniyang paligid ay madilim na, nakabukas na ang mga lampara at ibang ilaw sa pasilyo hudyat na tapos na ang trabaho niya kaya naman tumayo na siya at nag-unat ng kaniyang katawan. "Mukhang abala si Richard sa bisita, nakalimutan niya ko dalhan ng meryenda." Reklamo nito at napasagitsit na lang, iniisip niya na hindi gawain ni Richard ang makaligtaan ang trabaho nito kaya nagtaka siya bakit tila hindi pa bumabalik ang kaniyang kanang kamay. Lumabas siya sa kaniyang opisina at nagtanong sa unang guwardiya na kaniyang nakita. "Nasaan si Richard?" Tanong niya rito at napakamot na lang ng pisnge ang lalaki. "Nasa guest room my lord," sagot nito at tumaas na lang ang dalawang kilay niya sa pagtataka. "Kanina niya pa kasama ang babaeng 'yun?" Nagtatakang tanong ni Zeren sa guwardiya at mabilis lang itong tumango bilang sagot, kaya naman agad na nagtungo si Zeren sa quest room at nakita ang dalawa na masayang nagkukwentuhan habang kumakain at nagtsa-tsaa. "Richard! Anong kaguluhan 'to!" Bulyaw ng binata pagkabukas ng pintuan at halos mahulog ang hawak na baso ng matanda nang makita ang mukha ni Zeren na galit na galit. "Ay Sir Richard matatapon ang tsaa mo," inosenteng sabi ni Adelle at inalalayan ang matanda sa paghawak ng baso na halos hindi na makagalaw at nakatingin lang sa kaniyang amo na halos mag-usok na ang ilong sa galit. "My lord! Nand'yan ka pala, tara po at magtsaa tayo, ako po ang nagtimpla nito at galing pa po ang tsaa na ito sa aming emperyo," pagpapaunlak ni Adelle at hindi na hahalata ang namumulang mukha ni Zeren dahil sa galit, kanina pa ito nagtatrabaho at ni hindi man lang siya na hatiran ng meryenda ni Richard na kanina pa pala kumakain kasama ng binibini. "Sa tingin mo anong ginagawa mo?" Mahina nitong tanong kay Adelle kaya hindi siya na rinig ng dalaga at akmang lalapitan si Zeren ngunit mabilis na umiling si Richard dito upang bigyan ng babala. "Pasensya na my lord medyo mahina ang tainga ko, pwede po paki-ulit?" Sabi nito sabay lapit ng tainga sa harap ng Earl na lalong kinatakot ni Richard at ng iba pang katulong na nakakasaksi ng dilema. "Sino ka ba?" Mahinang tanong ni Zeren at ramdam na ramdam na ng mga tao sa paligid ang nakakatakot na pagbabago sa tono ng boses ng binata, kilala nila ang kaniyang amo at alam nilang pagpahina nang pahina ang boses nito ay galit na galit na ito. "Ako? Hindi niyo po ba nabasa ang liham ko? Ako po si Adelle Libertia at narito po ako upang hingin ang kamay niyo sa pag-aasawa, pwede ka bang ikasal sa'kin my lord?" Tanong ng dalaga na halos ikagimbal ng buong Quintus Estate. "Anong sabi mo?!" Nanginginig sa galit na tanong ni Zeren, tila ba nais niyang patayin ang babaeng nasa harap niya. TO BE CONTINUED 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD