bc

Countess Adelle [The Killer's Possession]

book_age16+
2.2K
FOLLOW
7.0K
READ
billionaire
murder
killer
possessive
dominant
drama
twisted
bxg
victorian
first love
like
intro-logo
Blurb

❧EMPIRE SERIES 2❧ [The Killer's Possession]

HISTORICAL ROMANCE | R-18 | MYSTERY | SLICE OF LIFE

Maagang natutong humawak ng patalim at pumatay si Zeren noong bata pa lamang ito dahil sa mga trahedyang humubog sa kaniya at maging mamamatay tao, unang kinitil ng binata ang sarili niyang ina matapos niya itong mahuli na may katalik na ibang lalaki sa mismong gabi nang libing ng kaniyang yumaong na ama.

Nang maulila sa kaniyang pamilya ay natutong siyang tumayo sa sarili niyang mga paa. Nagtrabaho sa murang edad, natutong magnakaw at naging utusan sa pagbebenta ng mga pinagbabawal na gamot.

Nang gabing maghahanap siya ng panibagong mabibiktima ay doon niya nakilala si Earl Ramon, isang matandang lalaki na magpapabago sa buong buhay niya bilang isang mahirap.

Parang isang iglap ay bumaliktad ang takbo ng buhay niya mula sa pagiging mahirap papunta sa isang tinitingalang tao sa buong emperyo, ngunit hindi na magawang burahin ni Zeren ang dugo sa kaniyang mga palad na dulot ng hindi mabilang na pagpatay.

Kahit maabot niya ang kaniyang mga pangarap ay hindi naman mawala sa katawan niya ang pagnanais na pumatay, ang uhaw sa dugo at ang kasiyahan niya sa pagkuha ng buhay ng iba.

Ngunit sino ang mag-aakala na ang binatang si Zeren ay makakahanap ng pagmamahal na matagal niya nang inaasam sa babaeng kaniyang makikilala?

Si Adelle Lebertia, isang kilalang binibini sa emperyo ng Ambrosetti. Mabait at hinahangaan ng marami.

Ngunit ano na lang ang gagawin ni Zeren kung unti-unti na siyang nahuhulog kay Adelle lalo na't alam niyang hindi siya nararapat sumaya dahil sa mga kasalanan niya?

"Hindi mo alam kung ano ang mga kasalanan ko, Adelle."

"Hindi mo rin alam kung gaano kita kamahal, Zeren."

Isang kwento na magtuturo sa'tin pano magmahal ng buo at pano tayo mababago ng pag-ibig.

A lady for the Killer Earl.

This is a work of fiction.

Names, places, characters, and events are fictitious unless otherwise stated.

Any resemblance to a real person or actual event is purely coincidental.

AN: I don't own any of the images that I used in my books, copyright to the rightful owner.

©All rights reserved 2021

No part of this story may be reproduced or transmitted in any form or any means without written permission from the author.

chap-preview
Free preview
♕PROLOGUE♕
♛♕♛ Nakatingin ako sa mga kamay ko na naginginig dahil sa takot at sa lamig nang malalim na gabi, kulay pula ang paligid at puno ng mainit at malapot na dugo ang aking mukha at damit. Napatingin ako sa kaniya habang wala siyang buhay na nakatitig sa'kin, napalunok ako dahil sa imaheng nakikita ko sa mura kong edad saka ako lumapit sa aking ina at pinikit ang kaniyang mga mata, tumingin rin ako sa katabi niyang lalaki na halos wala ng damit, lumapit ako rito at muli kong tinaas ang hawak kong patalim saka ilang beses na inundayan ng saksak sa iba't ibang parte ng kaniyang katawan. Hindi ko mapigilan mapangiti at tumawa matapos kong patayin ang sarili kong ina at ang kaniyang katalik na lalaki sa mismong gabi nang libing ng aking yumaong na ama. Tumayo ako at hindi na lumingon pa sa mga bangkay nila, iniwan ko ang kwarto na puno ng dugo na noon ay siyang kwarto ng aking mahal na ama.  Hawak ang patalim sa aking kamay ay naglakad ako papunta sa simenteryo saka lumuhod sa harap ng puntod ng aking ama na halos bagong tabon lamang ng lupa, walang kahit anong mga d**o sa paligid ng puntod niya at nanatiling presko pa ang mga bulaklak na inalay sa kaniya kanina. Ang hindi ko lang alam ay bakit tila ang bilis ng mga pang-yayari? Kahapon lang ay kasama ko pa ang buo kong pamilya at masayang tumatawa, bakit ngayon nasa ilalim na ng lupa ang aking ama at puno nang dugo ng aking ina ang mga palad ko?  Bakit sa isang idlap na wala ang lahat nang masasayang memorya sa isip at puso ko? Paano na ako? Saan ako pupunta? Napalingon ako sa maliwanag na ilaw sa hindi kalayuan, kahit nanlalabo ang aking mata dulot ng luha ay tanaw ko ang liwanag mula sa bayan. Tumayo ako at pinunasan ang mga luha ko saka pinulot ang patalim na tanging bagay na mayroon ako. Saka naglakad patungo sa panibangong buhay na tatahkin ko. CHAPTER 1

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

THE ELUSIVE BADBOY

read
37.6K
bc

UNDERWEAR/MAFIA LORD SERIES 5/Completed

read
316.5K
bc

THE BEAUTIFUL BASHER_MAFIA LORD_SERIES 2(R-18-SPG)

read
169.2K
bc

My Master and I

read
134.2K
bc

Every Inch Of You (S.I.O#1)

read
284.0K
bc

Guillier Academy ( Tagalog )

read
189.1K
bc

Enchantasia: The Academy of Magic ✔

read
125.8K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook