♕CHAPTER 4♕

2139 Words
♛♕♛ Kilala sa buong Verine Empire si Earl Zeren bilang isang tinitingalang binata at hinahangaan ng halos karamihan ng babae sa buong emperyo. Sa murang edad ninto ay agad niyang napatakbo ang buong Quintus Estate na pinamana sa kaniya ng kaniyang namayapang ama na si Earl Ramon, bukod doon isa siya sa mga pinaka batang Heneral na kinilala ng empire ng Verine dahil sa galing niya sa pakikipaglaban at katalinuhan niya sa loob ng digmaan. Marami ring humahanga sa kaniya dahil na pagsasabay niya ang pagtatrabaho, pag-aaral at pag-aasikaso ng mga naiwang proyekto, mga negosyo at trabaho ng namayapang Earl. Kalat din sa buong emperyo ang makabagbag damdamin na kwento tungkol sa kabataan ni Zeren. Kung pano sila nagkahiwalay ng kaniyang ama at kung pano ulit sila nagkita sa mahabang panahon ng pagkakawalay sa isa't isa. Kaya lahat ng mamamayan ng Verine ay humahanga sa tatag ni Zeren, naawa sa pinagdaanan niya noong bata pa lamang siya at tinitingala dahil sa narating niya ngayon. Isang mabait na binata na may mabigat na pinagdaan noong bata pa lamang siya, halos pangarap na ng lahat ng kababaihan dahil sa pagiging matulungin at hindi maitatanggi na kagwapuhan ng binata. Kilala siya sa buong emperyo at tinatawag na prinsepe ng mamamayan, halos kapantay niya sa kasikatan ang crown prince ng Verine Empire kaya sobrang dami ring mga kababaihan ang nagmamahal at humahanga sa kaniya. Ngunit dahil na rin sa dumadaming taga hanga ni Zeren, nagkaroon ng kasunduan ang karamihan sa mga kababaihan sa loob ng emperyo at iyon ay ang kasabihang— hindi maaaring mapunta ang Earl sa iisang babae lamang dahil ang Earl ay para sa kanilang lahat. Sino mang babae ang magtangkang suwayin ang kasunduan na 'yun ay paniguradong dudumugin ng paninira at magtatamo ng kasiraan sa buong high society. Kahit na saan ka pa galing na emperyo ay hindi ka maaaring lumapit sa iniidulo nila pwera na lang kung sasali ka sa hukbo nila. Isa si Zeren sa mga saksi sa pangyayari na 'yun, kitang-kita niya kung pano mapahiya ang sino mang babaeng magtatangkang lumapit sa kaniya at sino man ang binibini na madikit sa pangalan niya ay paniguradong masisira sa high society ng tinatawag nilang Zeren's fan club sa buong emperyo. Iyon ang dahilan bakit hindi siya nakakatanggap ng ano mang sulat tungkol sa pag-ibig, o ang pangalan niya na nadidikit sa ano mang usapin tungkol sa pagpapakasal dahil lahat ng kababaihan sa loob ng emperyo ay alam saan sila lulugar at iyon ang posisyon na hindi nila maaaring maabot si Zeren. Kaya laking gulat nilang lahat sa babaeng nasa harapan ni Zeren na lakas loob na nagpapayahag ng pag-ibig niya para sa binata. Halos magimbal din ang karamihan na nakarinig mula sa labas ng pintuan dahil hindi nila maisip na isang binibini pa na sing ganda ni Adelle ang siyang mismong hihingi sa kamay ni Zeren. "Babae na ba ang nag-aaya magpakasal ngayon?" Bulong ng isang katulong sa kaniyang katabi. Hindi nila maiwasang bumuo ng mga usap-usapan dahil sa lahat ng tao sa buong emperyo ay sila ang totoong nakakakilala sa amo nila o sa tinatago nitong baho. "Ha! Naririnig mo ba ang sinasabi mo?" Tanong ni Zeren at hindi na natago sa harap ng bisita ang totoong ugali niya na malayo sa imahe na kilala ng lahat ng tao sa emperyo ng Verine. "Yes my lord, iyon rin naman ang sinaad ko sa liham hindi ba?" Tanong ng dalaga sabay ngiti nang malambig sa harap ni Zeren. Napalunok ang binata dahil bago lang sa kaniya ang ganitong taktika ng kalaban niya, kumunot ang noo niya ngunit agad niya rin 'tong inalis sa kaniyang mukha sabay hinga nang malalim. Kung ang babaeng 'to ay isang manloloko at ito ang paraan niya para maloko si Zeren ay doon siya nagkakamali dahil isa ring magaling na aktor ang binata at bihasang-bihasa na siya sa pagpapakita ng pekeng galaw sa madla. "Ehem, pasensya na my lady ngunit isa akong ginoo na hindi tumatangkilik sa pagpapakasal ng walang pagmamahal," mabulaklak na palusot ni Zeren at agad na nagbago ang emosyon ninto sa harap ni Adelle na akala mo ay isang maamong prinsepe na hindi makabasag pinggan. "Pe-pero? Dinayo pa kita mula Goldton Empire hanggang dito, tumakas pa ko sa mga magulang ko para lang mahanap ka no!" Bulyaw naman ni Adelle na nagpalaki sa mata ng bawat tao sa paligid nila. Para silang nanonood ng isang nobela na hango sa isang libro na siyang binibigyan buhay ng dalawang magaling na artistang nasa harapan nila. "Ngunit hindi kita kilala? Pasensya na my lady pero mukhang nagkakamali ka ng lalaking pinuntahan," magalang at tila na lulungkot na sagot ni Zeren kay Adelle ngunit sa kinaloob-looban ng binata ay na wiwirduhan na siya sa dalaga at nais na 'tong patayin sa inis. "Hindi ako nagkakamali, ginugol ko ang halos limang taon ko para mahanap ka Earl," sambit ni Adelle at matapang na tumingin nang direkta kay Zeren sabay lapit dito nang nakapamewang na nagbigay ng kaba sa binata. Ngayon lang siya nakaramdam ng kaba na tila ba may halong excitement dahil sa paglapit ng babae, gustong-gusto niyang makita si Adelle na dumudgo ang leeg at nagmamakaawa sa kaniyang harapan, iniisip niya pa lang kung ano ang reaksyon na gagawin ng dalaga kung sakaling patayin niya ito ay hindi na siya mapakali. Pero kailangan niyang magpanggap, hindi maaaring malaman ng sino man ang totoong pagkatao niya bilang isang mamatay tao na nakukuha ang kasiyahan sa pagpatay ng tao. "Pasensya na my lady, nais ko man bigyan kunsidirasyon ang damdamin mo ngunit sa ngayon ay wala sa aking isipan ang pagpapakasal o pagmamahal," magalang na sagot ni Zeren at umakto pa na tila na aawa kay Adelle, habang ang kaniyang kanang kamay na si Richard ay patagong napapailing dahil kilalang kilala niya na ang galawan ng kaniyang alaga na si Zeren. Para itong magandang bulaklak sa hardin na aakitin ang sino mang lumapit sa kaniya at pag oras na para pitasin siya ay doon niya sasaktan ng mga tinatago niyang tinik at nakakalason na dagta ang sino mang mabiktama ng ganda niya. Hindi maiwasan ni Richard na maawa kay Adelle dahil natatakot siya na baka mapahamak ang babae kung magtatagal pa ito sa loob ng manor nila na maraming tinatagong mababahong sikreto na hindi nakikita ng sino mang naka tuon ang atensyon sa mapanlinlang nilang Earl na si Zeren. "Pero... hindi mo ba ko nakikilala?" Tanong ni Adelle at patagong napangisi si Zeren dahil ito ang parating naririnig niya sa mga kababaihang nais mapalapit sa kaniya tuwing tinutulak niya na ito palayo, sasabihin ng bawat babaeng iyon na may nangyari sa kanila noon o hindi kaya ay may namamagitang pag-uusap sa pagitan nila na mahigpit na pinaghahawakan sa kaniya. "Paumanhin ngunit hindi," sambit ni Zeren at napayuko na lang si Adelle. "Hindi ko alam kung nakarating na sa emperyo niyo ang usap-usapan tungkol sa akin at sa mga babaeng nagtatangkang lumapit sa 'kin, ngunit kung nais mong pangalagaan ang imahe mo sa high society ay mabuti pang umalis ka na sa manor ko ngayon din my lady," sagot ni Zeren at kahit nang hihinayang siya dahil hindi niya makikitang mamatay sa kamay niya ang magandang dalaga, ay inisip niya na lang na mas mabuting pakawalan ito at itaboy kesa madawit ang pangalan niya sa ano mang iskandalo kung sakaling hanapin ang binibini sa kaniyang manor. "Wala akong pakialam, hindi ko iisipin ang pangalan ko dahil handa naman akong itaya ang lahat para sa taong nagligtas sa akin," matapang na tugon ng dalaga na pinagtaka ni Zeren. "Bigyan mo ko kahit isang buwan sa manor mo, kung hindi kita mapaibig sa mga oras na iyon ay aalis na kong kusa sa buhay mo," sambit ni Adelle at buong lakas na tumingin kay Zeren at hindi nagpatinag sa ano mang sasabihin sa kaniya ng binata. Desisdo si Adelle sa desisyon na gagawin niay dahil ito talaga ang nais niyang mangyari at matagal nang pinaghandaan, ang mahanap ang lalaking itinuring niyang isang bayani at tiga pagligtas ng buhay niya simula ng gabing iyon. Ngunti hindi siya maalala ni Zeren, wala naman kasing pakialam si Zeren sa ano mang nangyayari lalo na kung hindi ito tungkol sa trabaho o sa hilig niya sa pagpatay. Pero natataka si Zeren sa kaniyang sarili bakit parang hindi niya agad mahindian ang dalaga, kitang-kita niya sa mga mata ninto na pursigido 'tong mapaibig siya at may pakiramdam siya na magiging masaya ang bagay na iyon na tila ba magbibigay sa kaniya ng panandaliang aliw sa nakaktaamad na buhay niya bilang Earl ng Quintus. "My lord, hindi maaari magtagal dito ang binibini dahil sa pagkakaalam ko ay anak siya ng isang kilalang pamilya sa Goldton Empire," bulong ni Richard nang makalapit sa alaga at tumingin naman si Zeren kay Adelle habang nakahalukipkip at hindi alam ang gagawin. "Hindi ka ba hinahanap ng iyong mga magulang my lady? Ang isang magandang rosas na katulad mo ay hindi dapat napapadpad sa hardin kung saan siya nararapat. Ang Quintus ay hindi babagay sa katulad mong binibini lady Adelle," panibagong mabubulaklak na salita na talaga namang magpapaibig sa sino mang dalaga na kaniyang kausap. Agad niyang na halata na namumula ang pisngi ng dalaga at alam niyang napapaikot niya na ito sa mga salita niya at hawak niya na ang leeg ninto sa mga palad niya, ngunit hindi niya talaga mawari bakit tila may kakaiba sa dalaga na hindi niya mahuli, tila ba may alam ito na hindi niya alam dahil halata sa mga mata ninto na hindi ito uurong sa ano mang desisyon na gagawin niya. "Anong hindi na babagay? Dito ako nababagay simula't sapul my lord," sagot ni Adelle at talagang hindi ito natitinag sa ano mang pamimilti ni Zeren kaya hindi niya mapigilan na lumabas ang mga ugat niya sa kamay dahil sa inis na sobrang pigil na pigil. "Pero lady Adelle—" "Wala nang pero-pero, tanggapin niyo na ang pakiusap ko na patirahin niyo ako sa manor na 'to ng isang buwan at kung hindi ko makuha ang oo na ninanais ko ay ako na mismo ang aalis sa puder ng Quintus." Buo ang loob ni Adelle at ramdam ni Zeren iyon kaya hindi niya alam ang gagawin at napabuntong hininga na lamang dahil hindi niya na napigilan ang binibini na sobrang bilis na pumasok sa buhay niya. "Isang buwan," saad ni Zeren at nahilot ang kaniyang noo habang si Adelle naman ay tila na bibingi at nanaginip sa kaniyang narinig. Alam niyang mahihirapan siya sa kaniyang binabalak at isang malaking kahibangan ang nais niyang mangyari ngunit ito ang nais niyang gawin at lahat itataya niya para lang mangyari ang bagay na gusto niya— iyon ay ang mapalapit sa taong mahal niya. "Talaga ba my lord!? Wala nang bawian 'yan ah! Ahhhh! Hindi niyo alam kung gano niyo ako napasaya my lord!" sambit ni Adelle at biglang niyakap ang binata sa sobrang saya na kinagulat ng lahat ng nakakita miske ni Zeren na hindi sanay sa ganitong bagay. Mabilis siyang nilayo ni Zeren sa kaniyang katawan at tila nandidiri na para bang minulesya siya ng dalaga, hindi alam ni Zeren bakit siya ang nakakaramdam ninto dahil siya ang lalaki at siya ang nakakaramdaman ng takot para sa kaniyang puri. "Ah.. hahaha pasensya na my lord," nahihiyang sambit ni Adelle at tahimik na sumigaw sa sobrang saya, habang ang lahat ng taong nakasaksi sa pangyayari ay hindi nakapaniwala sa bagong eksena na ngayon lamang nila nakita sa tahimik nilang buhay sa Quintus. "Ehem, Richard ikaw na ang bahala kay lady Adelle at magpapahinga na ko," sambit ni Zeren dahil gusto niya na agad makalayo kay Adelle sa madaling panahon dahil hindi niya alam kung ano ang maiaakto niya sa harap ng iba kung sakaling hindi niya mapigilan ang totoong ugali niya. "Masusunod my lord," sagot naman ninto sa kaniya at tumingin siya kay Adelle na nakayuko sa kaniyang harapan at nagbibigay galang sa kaniyang pag-alis. "Maraming salamat talaga my lord sa pagtanggap sa akin as Quintus," sagot ni Adelle sabay yuko sa harap ni Zeren habang hawak ang dalawnag dulo ng kaniyang magarbong bistida. Tumango lang si Zeren at naglakad na papalayo sa loob ng silid, nang makalayo sa gulo ay halos manlambot ang tuhod ni Zeren sa kakaibang pakiramdam na kaniyang nararamdaman. Halo-halo ang mga ito, nais niyang patayin si Adelle at paglaruan ito sa kaniyang kamay, ngunit nakakaramdam din siya ng takot sa dalaga at kakaibang hiya para sa kaniya. Pakiramdam niya ay napapaloob siya sa isang misteryosong mahika na nagpa-oo sa kaniya kanina para patirahin ang binibini sa manor niya. "Kailangan kong mag-ingat sa babaeng 'yun. Malaman ko lang kung sino ang nagpadala sa 'yo at kung ano ang totoong balak mo ay sisiguraduhin ko na papatagalin ko ang paglalaro ko sa buhay mo gamit ang mga patalim ko." TO BE CONTINUED
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD