♛♕♛
Halos mapanganga si Zeren sa laki ng lupain at mansyon ng matandang kasama niya ngayon, sakay ng isang kulay asul na karwahe ay binabaybay nila ang daan papunta sa Quintus Estate sa karatig emperyo ng Goldton Empire, ang Verine Empire
Hindi niya lubos akalain na itong matandang bulag na nakaupo sa kaniyang harapan ay ang nag mamay-ari ng buong kalupaan na tinatahak nila ngayon.
Dikit na dikit ang mukha ni Zeren sa salaming bintana ng karwahe habang nakasilip sa maliwanag na daan papunta sa manor ng Earl.
Nagpakilala ang matanda sa kaniya at tama ang kaniyang hinala na isa itong nobel at may titulong Earl sa emperyo, siya si Earl Ramon Quintus, ang unang heneral ng Verine Empire.
Matagal na nagritiro ang matanda dahil sa kalagayan ng kaniyang mata, bulag ang kaliwa nito habang ang kanan naman ay unti-unti na ring hindi nakakakita, ang kwento pa ng matanda ay dulot daw ito ng lason na kaniyang na inum.
Hindi naman lingid kay Zeren ang mga ganitong insidente lalo na kung parte ka ng monarkiya ng emperyo, sabi nila kung nasa taas ka ay hihilahin ka ng nasa baba at kung nasa baba ka naman ay tatapakan ka ng mga nasa taas.
Ganito ang turo sa kaniya ng kaniyang yumaong na ama, magulo ang buhay sa loob ng monarkiya kaya lagi siyang pinapaalalahanan ng kaniyang ama na wag magtatangkang humanap ng trabaho sa loob nito at manatili na lang sa tahimik na buhay bilang commoner.
"My lordship, narito na po tayo," sabi ng kutsero ng karwahe at pinagbukas naman sila ng pintuan ng iba pang mga katulong na nag-iintay na sa balwarte ng Quintus Estate.
Lalong na mangha si Zeren sa kaniyang nakikita at hindi makapaniwala na tatapak ang marumi niyang paa sa maganda at makinang na sahig ng manor.
Ngunit agad ding na sira ang kaniyang paghanga sa lugar nang marinig ang mga bulong-bulungan at mga titig ng mga tao sa paligid niya, alam niya ang mga tingin na iyon dahil sa tagal niyang nakatira sa kalye ay sanay na siyang tignan at matahin ng mga taong nakakakita sa itsura niya.
Marumi at puno ng bahid ng dugo ang kaniyang damit, ngunit hindi na ito halata pa dahil ang dating kulay pulang dugo ay natuyo na sa kaniyang damit at naging singkukay ng putik.
"Sino ang batang dala ng Earl? Bakit siya nag-uwi ng alipin sa Quintus?" Bulong ng isang katulong na kaniyang na daanan kaya agad siyang tumingin nang matalim dito na nagpatahimik sa bibib ng dalagang katulong.
Walang ni isa ang nakapagsalita pa sa pagpasok niya sa loob ng manor, ni hindi na sila makaimik pa at makapagreklamo sa dumi at putik na kinakalat ng kaniyang paa sa sahig.
"My lord, saan po kayo nagpunta kanina pa po kayo hinahanap ni Sir Shalom," tanong ng kanang kamay ni Earl Ramon sabay silip sa batang naglalakad sa likod ng matanda.
"My lord! Si-sino po a-ang ba-batang kasama niyo?" Nangangatog na tanong ng kanang kamay ng matanda dahil hindi talaga nila inaasahan ang pagdating ni Zeren sa loob ng manor ni Earl Ramon.
"Ah, hindi ko pa alam ang pangalan niya, siguro dahil hindi niya pa magawang magsalita dahil sa gutom," paliwanag ng matanda at inabot ang isang sobre sa kaniyang kanang kamay na mabilis naman nitong tinago sa kaniyang damit.
"Richard, maghanda ka ng damit at pagkain para sa kaniya, pati na rin ang kwarto na tutuluyan niya," utos ni Earl Ramon sa kaniyang na sasakupan at mabilis naman sumunod ang mga ito.
Nilingon niya si Zeren at nginitian ito, "magpalit ka ng damit dahil baka sipunin ka at pagtapos mo ay agad kang bumaba sa hapagkainan dahil sabay tayong maghahapunan," tugon ng matanda at wala na siyang na reklamo rito, sinunod niya lahat ng inutos sa kaniya ni Earl Ramon.
Pagtapos siya paliguan ay binihisan siya ng magarbong damit na ngayon niya lang na suot sa tanang buhay niya, kahit na medyo may kalakihan sa kaniyang at hindi sukat sa kaniyang katawan ay bumagay naman ito sa kaniyang porma.
"Aba! kahit sino talagang mahirap pagbinihisan mo nang mamahaling damit ay magmumukhang mayaman," rinig niyang bulungan ng mga babaeng katulong at napatingin na lang siya sa salamin.
Hindi niya alam bakit tila gusto niyang basagin ang salamin na nasa harap niya at gawing patalim ang mga bubog nito upang itarak sa puso ng mga tsimosa na nasa loob ng kwarto.
Ngunit pinigilan niya ang sarili at niyukom na lang ang kaniyang kamao, balak niyang umalis din agad doon pagtapos siyang pakainin at makapagnakaw ng ilang kagamitan sa loob ng manor.
Tama, mamayang gabi pagtulog na ang lahat ay magpupuslit ako ng mga mamahaling kagamitan sa loob ng manor at ibebenta ito sa dobleng halaga saka ako pupunta sa ibang emperyo para magtago. Ito ang tumatakbo sa utak ng batang si Zeren at napagpasyahan na gawin ang kaniyang plano pagsapit ng madaling araw.
"Dito po tayo," aya sa kaniya ng isang katulong at naglakad sila sa isang mahabang pasilyo na puno ng mga ginto at iba pang mamahaling pandesenyo sa bahay, hindi siya makapaniwala na may ganitong kayaman na tao sa ibang emperyo, iniisip na kung ang matanda ay isang Earl at ganito na agad siya kayaman ay ano pa ang tinatawag nilang emperor?
Sa loob ng monarkiya ay may tinatawag na Peerage System kung saan may rango ang mataas na tao sa ekonomiya ng emperyo, ang una at pinaka mataas na titulo ay ang Duke, sumunod sa Duke ay ang Marquess, pangatlo ang Earl, pang apat naman ay ang titulo ng Viscount at ang panghuli ay ang Baron. Ang lahat ng titulong iyon ay hawak ng Emperor ang pinaka mataas sa lahat ng mga nabanggit.
"My Lordship, narito na po ang bisita," sabi ng katulong at marahan na binuksan ang malaking pintuan na nasa harapan ni Zeren, pinapasok siya roon habang kasama ang apat na katulong at iba pa ang mga katulong na nasa gilid ng Earl.
"Nakakapanghinayang at tanging kulay lamang ng iyong kasuotan ang naaaninag ng aking mata," sabi ng matanda at lumingon nang bahagya sa kanang kamay nito. "Richard maaari mo bang idetalye ang itsura ng ating panauhin," utos niya at tumango naman ang kanang kamay niya habang nakayuko sa gilid ni Earl Ramon.
"Suot niya ngayon ang damit na dinisenyo pa ng kilalang mananahi sa emperyo, may kulay asul itong tela at gintong palamuti sa bawat detalye ng nakaburdang emblem ng House Quintus, bagay ang kulay nito sa kulay itim na buhok ng binata my lord, pati ang kulay ng kaniyang gintong mata ay saktong sakto sa imahe na nais niyong makita," pagde-detalye ni Richard kay Earl Ramon at hindi mawari ng ibang katulong at ni Zeren kung bakit tila nakangiti nang malambing ang matanda at halos mangiyak naman ang kanang kamay nito.
"Ngayon araw na ito ay tatawagin niyo na siyang young master," paghahalal ng matanda sa nasasakupan nito ay sabay-sabay na sumagot ang bawat nakarinig ng utos na iyon sa loob ng silid.
"Masusunod my lord!"
Hindi alam ni Zeren ang iisipin o ang reaksyon na kaniyang gagawin sa mga oras na iyon, buong akala niya ay tanga ang matanda dahil tinulungan siya nito ngunit hindi lang pala ito tanga kung hindi nahihibang na, dahil isang mamamatay tao ang kaniyang kinupkop at balak palakihin sa kaniyang manor.
"Bago ang lahat, maupo ka muna at sabayan ako maghapunan," utos ng matanda at pinaupo siya sa kabilang bahagi nang mahabang lamesa na puno ng mga pagkain at putahe na ngayon niya lang nakita sa tanang buhay niya.
"Wag ka mahiya at kumain ka hanggang sa mabusog ka, pinaluto ko iyan para sayo," sabi ng matanda at hindi na pinigilan pa ni Zeren ang kumakalam niyang sikmura at nilantakan bawat pagkain na nakahain sa kaniyang harapan.
Lahat ng mga katulong sa loob ng silid ay nagulat sa kinilos ng bata ngunit nakangiti lang ang matanda habang kumakain si Zeren ng mga pagkain sa hapagkainan. "Ano bang pangalan mo? Maaari bang matanong?" tanong ni Earl Ramon at nagsimula na rin kumain.
"Zwe-ten," maikli at bulol na sabi ng batang hindi maawat sa pagkain niya kaya halos umeko ang tawa ng matanda sa inakto nito, punong puno kasi ang bibig ni Zeren at hindi na magawa pang magsalita nang ayos dahil sa dami ng kaniyang kinakain.
"Hahahahaa, hinay-hinay lang Zeren, marami pang pagkain at hindi kita uubusan dahil mahina na ang panunaw ko kaya kumalma ka sa pagkain hahaha," masayang sabi ni Earl Ramon at nagtaka naman si Zeren dahil sa naintindihan ang kaniyang pangalan ng matanda kahit ganoon ang kaniyang sagot.
Hindi niya na lang pinansin ito at tinapos ang kaniyang pagkain, nang maubos niya ang inihanda sa kaniyang pagkain ay nakaramdam na siya ng antok at pagod, pati na rin ang mga pasa at bugbog sa kaniyang katawan ay unti-unti niya nang nararamdaman.
"Ihatid niyo na si Zeren sa kaniyang kwarto," Utos ng Earl sa mga katulong at tumayo na ito sa kaniyang upuan. "Zeren magpahinga ka na at bukas na lang tayo mag-usap," dagdag pa nito at tumango lang si Zeren at naglakad na ang matanda palabas ng silid, sumunod naman si Zeren sa mga katulong at muling na mangha sa mga nadadaanan niyang mga mamahaling dekorasyon, bawat isa rito ay kaniyang binibilang at iniisip kung kaya niya bang dalhin 'to sa kaniyang pagtakas mamayang gabi.
"Nakahanda na po ang inyong pantulog young master," sabi ng katulong sa kaniya at akmang huhubaran siya nito kaya tumalikod na lang siya sa dalaga katulad ng ginawa niya kanina bago sila kumain.
"Ako na! kaya ko na," banggit niya rito at tumango lang ito saka sila lumabas sa kwarto ni Zeren, nagbihis siya at nilibot ang mata sa buong kwarto.
"Nasaan kaya ang mga damit at gamit ko?" tanong niya sa sarili at tinignan ang banyo sa loob ng kaniyaang kwarto. Pumasok siya roon at kinuha ang patalim na kanina ay tingo niya sa ilalim ng mga muwebles, ito lang ang naitabi niya at ang damit niya pati na rin ang balabal na bigay ng batang babae kanina ay kinuha ng mga katulong.
"Tsk, baka tinapon na nila hayaan ko na nga," bulong nito at muling tinago ang patalim niya sa kaniyang likuran saka kumuha ng kumot at binuhol ito upang maging lalagyan ng kaniyang mga nanakawin.
Saglit siyang umidlip at pagsapit ng madaling araw ay bumangon na siya saka sinagawa ang kaniyang plano, maingat siyang sumilip sa labas ng kaniyang pinto at napansin na wala ni kahit isang bantay ang mayroon siya pati na rin ang pasilyo ay walang katao-tao kaya naman napangisi siya at hinubad ang kaniyang panyapak sa paa saka marahan na tumingkayad habang tinatahak ang mahabang pasilyo.
Ang liwanag ng buwan ay tumatagos sa malalaking bintana ng pasilyo, tahimik ang lugar at miske ang sarili niyang hakbang ay hindi niya marinig, kakaunting kalansing lamang ang nagagawa ingay ng mga gamit na kaniyang yakap-yakap at nakatago sa kumot na kaniyang binuhol.
Napadaan siya sa isang malaking pintuan na bahagyang nakabukas, napahinto siya sa pag-iyak na kaniyang narinig at umakyat ang takot sa kaniyang katawan, iniisip na multo o isang ligaw na kaluluwa ang kaniyang naririnig na humihikbi sa mahabang pasilyong ito, ngunit lalong kumunot ang noo niya nang malamang hindi multo ang kaninag naririnig kung hindi ang matandang bulag na kumupkop sa kaniya.
Bahagya siyang napaurong at muntikan na mabitawan ang mga hawak niyang kayamanan. "Sino 'yan? Zeren?" mahinang tanong ng matanda na lalong kinagulat ni Zeren, napailing siya at nagbuntong hininga saka pumasok sa loob ng kwarto ni Earl Ramon.
"Bakit ka umiiyak? hindi ba't heneral ka? dapat hindi ka umiiyak." rekta niyang tanong sa matanda na kinagulat nito, na isip ni Earl Ramon na kahit mukhang matapang at marami nang pinagdaanan si Zeren ay may parte pa rin dito ng kaniyang pagkabata, katulad na lang ng tanong na ibinibigay nito sa kaniya ngayon.
"hahaha hindi naman porque matanda ka na ay hindi ka na dapat umiiyak o hindi dahil sa isa kang heneral ay wala ka ng karapatan masaktan o malungkot, lahat tayo may emosyon," sabi sa kaniya ng matanda at tinapik nito ang kama upang tabihan siya nito sa pag-upo.
"Marami ka bang nakuha? mayroon pa ko sa dulong kwarto kung saan may mamahaling bato na kakulay ng mata mo," sabi ng matanda na kinagulat ni Zeren.
"Alam mo na nanakawan kita?" sabi niya at akmang bubunutin ang patalim sa kaniyang likuran.
"Mayroon din akong malaking espada sa kwarto na iyon, hindi mo na kailangan pa gamitin ang mapurol na patalim na iyan," sabi ng matanda at hinawakan ang ulo ng batang si Zeren sabay gulo sa buhok nito.
"Pero bakit? Bakit moko tinutulungan?" tanong niya sa matanda at tinabing ang kamay nito sa kaniyang ulo dahil pakiramdam niya pag naramdaman niya pa ang awa at pagmamalasakit nito sa kaniya ay tuluyan nang bubuhos ang kaniyang mga luha.
"Kahit malabo ang mata ko ay nakikita ko naman sayo ang sarili ko, ano sa tingin mo Zeren? gusto mo bang maging tiga pagmana ko?" tanong sa kaniya ni Earl Ramon na kinagulat niya.
Hindi niya alam na sa araw na iyon ay tuluyan nang magbabago ang buhay niya, parang sa isang iglap ay bumaliktad ang lahat at nahulog sa mga palad niya lahat ng swerte sa mundo, ngunit marami pa ring tanong ang tumatakbo sa isipan niya, katulad ng tanong na bakit umiiyak ang Earl ng gabing iyon.
TO BE CONTINUED