♕CHAPTER 10♕

2139 Words
♛♕♛ Hindi makaimik si Zeren habang kasama niya sa loob ng karwahe si Adelle at ngayon ay papunta na sa bayan para gawin ang na pag-usapan nila sa dwelo kanina. Hindi niya magawang tignan si Adelle sa mga mata dahil hanggang ngayon ay iniisip niya pa rin ang inakto niya sa harap ng dalaga kanina. Alam ni Zeren na may kakaiba sa kaniya lalo na tuwing nasa tabi niya ang dalaga, nagtataka siya sa kinikilos niya dahil dapat sanay na siya sa mga bagay na magbibigay ng kilig o saya sa mga noble lady. Sinanay niya ang sarili niya upang maging isang hinahangaang nobleman. Kaaya-aya at kaakit-akit sa mata ng mga binibining nais niyang makuha ang loob, pinag-aral niya ang mga mabubulaklak na salita, mga kilos at galaw na magpapahulog sa isang binibini at kung pano kunin ang loob ng mga 'to. Pero nagtataka siya bakit tila nababaliktad ang nangyayari, siya ang nakakaramdam ng kaba at pagbilis ng t***k ng puso sa bawat galaw na binibigay sa kaniya ni Adelle. Unting ngiti o hindi kaya mga inosenteng galaw ninto sa kaniyang harapan ay nagbibigay sa kaniya ng kakaibang pakiramdam at kaba sa sarili, nagtataka bakit ngayon niya lang naramdaman ang ganoon sa tagal ng panahon na pinapaligiran siya ng iba't ibang magaganda at mayayamang binibini sa loob ng emperyo. "Earl, ayos ka lang ba my lord?" tanong ni Adelle habang nakaupo ito sa katapat niya bangko sa loob ng simpleng karwahe na gamit nila papunta sa bayan. Sandali siyang sumulyap sa dalaga habang nakasalumbaba sa bintana ng karwahe at muling tumingin sa labas. "Ayos lang naman bakit mo natanong my lady?" Tanong ni Zeren nang hindi tumitingin sa direksyon ng dalaga. "Kanina ka pa kasi tahimik, na abala ba kita?" Tanong ninto at ramdam ni Zeren ang lungkot sa tono ng boses ng dalaga kaya hindi niya maiwasan makonsensya sa ginagawa niyang katahimikan sa pagitan nilang dalawa. "May iniisip lang ako my lady, pasensya na." Iyon na lamang ang nasagot ninto at muling binalik ang tingin sa labas ng binata at tinignan ang daan papuntang bayan. Hindi niya magawang tignan si Adelle dahil muling bumabalik ang hiya sa kaniyang katawan sa nangyaring insedente kanina, hindi mawala sa isip niya ang maputing batok ninto at ang mabango amoy na nakadikit sa katawan ninto. At kung titingin siya kay Adelle ngayon ay paniguradong hindi niya mapipigilan ang sarili na titigan pa ito dahil aminado siya na ang simpleng kasuotan ng binibini ay sapat na para mapukaw ang kaniyang atensyon. Nakasuot si Adelle ng isang simpleng blouse na puti na siyang nagpapakita sa maputi niyang balikat at leeg, may haba itong sapat na para takpan ang kaniyang braso na kaniyang tinernuhan ng corset na kulay brown, may suot na mahabang palda na kulay berde at nakapusod ang mahabang kulay hakel niyang buhok. "Sana hindi kita na abala my lord," mahinang sagot ninto at agad naman siyang tumingin kay Adelle at pinakita ang mga peke niyang ngiti. "Bakit naman? Isa pa may isang salita ako at dahil natalo mo ko sa dwelo na 'tin kanina ay gagawin ako ang kondisyon na gusto mo," sagot ni Zeren habang malambing na ginamit ang malalim niyang boses. Agad naman bumalik ang ngiti sa mukha ni Adelle at gamit na gamit naman ni Zeren ang pag-akto niya sa harap ng binibining napapaikot niya sa kaniyang kamay. Sa buong byahe na magkasama sila ay pilit binago ni Zeren ang takbo ng kaniyang isipan at tinuon ang atensyon sa plano niya ngayon. Gagamitin niya itong pagkakataon upang lalo pang makilala ang dalaga at mahanap ang kahinaan ninto, ganu'n na rin kung ano talaga ang tunay na pakay ninto sa pagpunta sa Quintus. "Matanong lang kita my lady, bakit ba gusto mong kunin ang kamay ko sa pag-aasawa? Hindi naman ako gaanong kataas na tao kung ikukumpara sa estado ng pamilya mo," Tanong ninto dahil hanggang ngayon ay hindi niya pa rin makalimutan ang ginawang pag amin sa kaniya ng dalaga nung mga nakaraang araw lamang. "Hmmm.. hindi mo ba talaga ako nakikilala?" Tanong ni Adelle at umiling naman si Zeren dahil hindi niya natatandaan ang binibini at kung nakilala niya man ito ay paniguradong wala siyang pakialam sa mga oras na iyon dahil sa dami ng mga binibining nakausap niya ay hindi niya na lahat tinatanadaan ang mga itsura at pangalan ninto. "Pasensya na pero hindi talaga," sagot ni Zeren at pakunwaring nalulungkot dahil hindi niya maalala si Adelle na agad naman nagbigay ng kunsensya sa dalaga. "Ah, ayos lang hahah masyado pa rin naman din kasi tayong bata noon," sambit ni Adelle at ngumiti na lang sa harap ng Earl. Napaisip si Zeren sa sinabi ni Adelle, kung nakilala niya na si Zeren noong bata pa lamang sila ay kailan? Noong nasa emperyo pa ba siya ng Goldton o nung nasa puder na siya ni Earl Ramon? Maraming tumatakbo sa isipan niya ngunit hindi niya muna ito ganong pinag-ukulan ng pansin dahil nais niya rin muna makilala ng lubusan ang dalaga ayon sa report na makukuha niya sa kaniyang mga tauhan. Saka niya na lang huhusgahan kung totoo ang mga sinasabi ni Adelle pag nagkaroon na siya ng matibay na batayan. "Kung ganu'n gusto ko naman malaman kung bakit mo ginagawa ng lahat ng 'to?" Tanong ni Zeren at ngumiti naman nang malambing si Adelle sabay yuko dahil nahihiya siyang sabihin kay Zeren kung bakit siya nahulog sa binata. "Isang gabi, nakilala kita at niligtas mo ko. Hindi na kita nakalimutan ng araw na 'yun hanggang sa nagdalaga na ko at hindi ka pa rin mawala sa isipan ko kaya nagpasya akong hanapin ka at sabihin lahat ng nararamdaman ko sa 'yo," sambit ni Adelle at pinunto ng walang sabit lahat ng nais niyang iparating kay Zeren. Daredaretsyo, walang preno. Hindi na siya nagdalawang isip na itago ang nararamdaman niya sa lalaking nakaupo sa kaniyang harapan na tila gulat na gulat at hindi makapaniwala sa mga naririnig niya ngayon. Maraming pag-amin na ang natanggap ni Zeren mula sa iba't ibang kilalang noble lady sa loob ng kanilang emperyo ngunit ngayon lang siya nakarinig ng pag-amin na halos ibato na sa kaniya ng walang daplis, talagang sinabi ni Adelle ang buong pagmamahal niya sa binata na kinagulat ninto. "Ha-ha?" Hindi niya maiwasan na magtaka kung totoo ba ang mga narinig niya, nakatingin pa sa kaniya ng diretsyo si Adelle at damang dama niya kung gano ito kaseryoso sa mga sinasabi niya. "Sabi ko nagustuhan na kita simula pa lang nung una kaya naman hindi na ko nagsasayang ng panahon na sabihin sa 'yo ang nararamdaman ko at gusto ko mangyari sa ating dalawa," paliwanag naman ni Adelle na lalong nagpahilo kay Zeren sa dami ng impormasyon na nakuha niya mula sa nararadaman ni Adelle. "Wag ka na mabigla my lord, alam kong marami na rin ang nagkagusto sa 'yo pero tandaan mo gagawin kong iba ang paglapit ko sa 'yo para naman maramdaman mo na iba ako sa kanila at araw-araw kong sasabihin sa 'yo na gusto kita," paliwanag ni Adelle sabay ngiti sa harap ng Earl na ngayon ay namumula na hanggang sa kaniyang tainga dahil sa hiya. Agad niyang iniwas ang kaniyang mukha sa harap ni Adelle at tinakpan ang kaniyang pisnge dahil alam niyang pulado na ang mga ito. "Hahahaha! Nahihiya ka ba my lord?" tanong ni Adelle at halatang nang aasar pa kaya lalong iniwas ni Zeren ang kaniyang mukha sa dalaga. "Hi-hindi ah! Ba-bakit naman ako mahihiya! Ikaw na nga ang nagsabi na maraming babae ang umaamin sa 'kin, normal na lang ang bagay na 'to no! Ahem," palusot ni Zeren at nagyabang pa sa harap ni Adelle na lalong kinatawa ninto. "Oh talaga? Sabi ko nga sa 'yo my lord, ipaparamdam ko na naiiba ako sa kanila kaya humanda ka na ah," hamon ng dalaga sa nahihiyang binata na tinatago ang kaniyang mukha dahil sa pagmumula. Hindi na nakasagot pa si Zeren sa direktang galaw na ginawa ni Adelle, bagkos para niyang nalunok ang kaniyang dila dahil hindi na siya makapagsalita at napipi na lang sa lumipas na minuto bago sila ibaba ng karwahe sa harap ng bayan. Nang tumigil ang karwahe ay unang bumaba si Zeren sa loob ninto at inalalayan naman sa pagbaba si Adelle. Hinawakan niya ang kamay ng dalaga at muling bumalik sa kawalan ng ekspresyon ninto sa mukha ngunit nang makababa si Adelle ay agad niyang naramdaman ang pagpasok ng bawat daliri ng dalaga sa bawat daliri ng kamay niya. "Lock na, tapon susi hehe," bungisngis na sagot ni Adelle sabay taas ng kamay nilang magkahawak sa isa't isa. 'Yung seryosong ekpresyon ni Zeren kanina ay napalitan na naman ng hiya dahil sa ginawa ni Adelle. Para sa kaniya ay sobrang bulgar ng binibini at ginagawa lang ninto ang nais niya kahit na wala ito sa kurtisiya ng pagiging isang noble lady. "A-anong ginagawa mo lady Adelle? Pano kung may makakilala sa atin dito at makita na magkahawak ang mga kamay na 'tin?" tanong ni Zeren at ibinaba naman ni Adelle ang suot na sumblero ni Zeren. Tumingkayad siya upang maabot ang matangkad na pangangatawan ni Zeren saka niya inabot ang sumblero ng binata dahilan para maglapit sila sa isa't isa. Nagkatinginan sila habang patuloy na nakatingkayad si Adelle sa harap ng binata at agad siyang nawalan ng balanse dahilan para hawakan ni Zeren ang kaniyang bewang upang maalalayan siya sa kaniyang pagtayo. "Mag-iingat ka," nag-aalalang sabi ni Zeren at doon lang napagtanto na halos yakapin niya na si Adelle dahil sa kaniyang ginawang pagsalo. "Hmmm, kung sa bisig mo din naman ako mahuhulog ay ayos lang din may lord," sagot ni Adelle at agad siyang binitawan ni Zeren sabay baba ng sumblero niya para matakoan ang kaniyang mukha. "Tsk, tara na nga. Saan mo ba gustong pumunta?" Pag-iiba ng usapan ni Zeren dahil gusto niya na lang matapos ang araw na ito ng makauwi na siya at makalayo sa babaeng kaniyang kasama. "Hindi ko alam eh, wala naman akong alam sa lugar na 'to kaya ikaw na ang bahala sa paglilibot na 'tin Earl Zeren," nakangiting sagot ni Adelle sabay habol sa paglalakad ng binata at hawak sa kamay ninto. "Aba't—" na putol ang sasabihin ni Zeren dahil nginitian lang siya ni Adelle at hindi na nakaangal pa sa ginagawang paghawak ng dalaga sa mga kamay niya. Kabado siya, kinakabahan na baka masyadong magaspang ang kaniyang mga kamay sa pakiramdam ng dalaga ngunit kakatuwang ramdam niyang magaspang din ang mga ito ngunit hindi siya na dismaya rito dahil alam niya naman kung bakit magaspang ang kamay ng dalaga at dahil iyon sa pag-eensayo ninto. Ganun pa man, ramdam niya pa rin ang maliit na kamay ninto at ang magagandang daliri ninto na nakapwesto sa bawat pagitan ng daliri niya. Hindi niya alam bakit hindi siya maka-angal at hindi rin naman ganong kasama ang ideya na paghawak nila sa kamay ng bawat isa. "Gusto ko munang tikamn ang masasarap na pagkain sa Verine Empire, ano ang paborito mong pagkain? Iyon na lang ang kainin na 'tin at gusto ko tikman lahat ng pagkain na gusto mo," dagdag ni Adelle at napabuntong hininga na lamang si Zeren. Hindi niya talaga maitago ang totoong ugali niya sa harap ng dalaga dahil sa ugali rin na pinapakita ninto, wala rin naman siyang pakialam kung ano ang sabihin ni Adelle at iyon ang pinagtataka niya. Ramdam niya kasi na kahit ano naman ang ipakita niya sa harap ng dalaga ay matatanggap siya ninto at iyon ang pinagtataka niya. Nagiging komportable na siya sa tabi ni Adelle. "Kahit anong pagkain basta gusto ko? Hindi ka magsisisi kung pakainin kita ng kakaibang pagkain ah," sagot naman ni Zeren at agad na tumango si Adelle. "Oo naman, basta walang lason ay kakainin ko," sagot ninto sa kaniya at napangiti na lang si Zeren sabay hila sa kamay ng dalaga at aya rito sa isang lugar na madalas nilang kainan ng namayapang Earl. Sa paglalakad nila patungo sa tindahan ay may isang babae silang na daanan. Sa pagsalubong nila sa daan ay agad na napalingon ang babae sa dalawa na panay ang pagtatalo. Kumunot ang noo ng binibini dahil para ba siyang namamalik mata sa nakita niya. "Ang Earl ba ng Quintus iyon?" tanong niya sa sarili habang may hawak na parasol at lingon na lingon sa kaniyang likuran habang pinagmamasdan ang paglalakad ng tilang dalawang magkasintahan sa kaniyang likuran. "Earl Zeren?!" Tanong ng babae at agad napahinto ang dalawa sa paglalakad. Nagkatinginan sila at hindi alam ang gagawin dahil mukhang may nakakilala sa kanilang dalawa. "Ikaw nga ba 'yan lord Zeren?" tanong ulit ng babae at doon mabilis na hinila ni Adelleang kamay ni Zeren na kinagulat ninto. "Takbo!" Hiyaw ni Adelle at na bigla na lamang si Zeren sa mabilis na paghila sa kaniya ng dalaga papalayo sa gulo. TO BE CONTINUED
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD