♛♕♛
Pinagpapawisan ng malamig si Richard habang nakatayo sa gilid ng training ground at kabadong-kabado pinagmamasdan ang dalawa sa kaniyang harapan.
Tinawag siya ni Zeren para maging saksi sa dwelong magaganap, siya rin ang may hawak ng isang maliit na hour glass para orasan ang paglalaban ng dalawa.
"Ganito ang rules," sambit ni Zeren habang nakangiti sa harap ni Adelle. May hawak silang kahoy na espada upang maiwasan na magkasakitan sa dwelong gagawin nila.
Tumango naman si Adelle at hinayaan na si Zeren na ang gumawa ng rules sa dwelo nila. "Sige sabihin mo my lord," sagot naman ni Adelle na lalong kinapikon kay Zeren ngunit dahil hindi niya pwedeng ipakita ang totoo niyang ugali ay ngumiti na lang siya nang malambing sa harap ninto.
"Tandaan mo my lady, hindi porque babae ka ay maghihinay-hinay na ko sa 'yo o pagbibigyan kita, gagawin lang na 'ting pantay ang laban at angkop sa 'yo," dagdag ni Zeren at tumango naman si Adelle sabay halukipkip sa harap ng binata.
"Ngayon kasama na 'tin si Richard, siya ang mag o-oras sa 'ting dalawa at kailangan mo lang makuha sa 'kin ang espada ko o hindi naman kaya ay maalis 'to sa kamay ko," paliwanag ni Zeren at tumango naman si Adelle.
"Pwede mong gawin ang kahit anong atake o paraan para lang maalis ang espada sa aking kamay, basta tandaan mo na seryoso akong makikipaglaban at titignan ang kakayahan mo sa paghawak ng esapada," dagdag ni Zeren at tumango naman si Adelle sa lahat ng mga sinabi ninto.
"Kung sino manalo ay susundin ng natalo hindi ba?" Pagkokompirma ni Adelle at tila ba malaki ang kompyansa sa sarili na matatalo niya si Zeren.
Kanina ay pinag-usapan na nila ang mangyayari sa kung sino man ang matalo sa dwelo. Kung ikaw ang manalo ay maaari mong utusan sa loob ng buong araw ang natalo sa dwelo, kahit anong utos o bagay ang pwede mong hingin at ipagawa rito.
Pareho silang sumang-ayon sa bagay na iyon dahil kampante naman si Zeren na matatalo niya si Adelle at nais niyang utusan ito ng mga kakatuwang bagay na maaari niyang magamit sa kalaban at sa pag-amin ninto sa tunay na agenda sa pagpasok sa loob ng Quintus.
Tumingin si Zeren kay Richard para senyasan ang kanang-kamay na magsisimula na ang dwelo sa pagitan nilang dalawa ni Adelle, tumango naman si Richard at tinignan ang hour glass na hawak niya.
"Magsisimula na ang dwelo pagkabilang ko ng tatlo!" Hiyaw ninto habang nasa gilid lamang ng training ground na siyang nakatawag ng ibang atensyon sa mga knight at squire na mag eensayo rin mamayang tanghalian.
"Isa!" Hiyaw ni Richard at humanda naman sa kaniyang posisyon si Adelle.
"Dalawa!" Namangha si Zeren sa posisyon at tindig na pinakita ni Adelle sa kaniya ngunit common na ang stand na 'yun sa mga baguhan kaya naman hindi na siya nagbigay ng gaanong atensyon dito dahil alam niyang hindi siya matatalo ng dalaga.
"Tatlo!" Huling sigaw ni Richard sabay baliktad ng hawak na hour glass at bigla na lang napasinghap si Zeren nang makita niya si Adelle na sobrang lapit na agad sa kaniyang harapan habang seryoso ang mukha ninto na hindi niya pa nakikita ginawa ng dalaga.
Sandali siyang napatigil ngunit agad niya rin naman naihakbang ang kaniyang mga paa paurong para maiwasan ang mabilis na atakeng pinakawalan ni Adelle.
"Woooah! Nakita niyo ba 'yun?" Tanong ng ilang squire at knight na nanonood sa dwelo nilang dalawa.
"Aba, hindi ko alam na may ibubuga ka pala lady Adelle?" Tanong ni Zeren habang patuloy na iniiwasan ang sunod-sunod na atakeng ibinibigay sa kaniya ni Adelle, samantalang si Adelle naman ay pursigidong makuha ang espada sa kamay ni Zeren upang manalo sa dwelo na 'to.
"Sabi ko naman sa 'yo 'di ba? Para saan pa ang pagte-training ko araw-araw at mga kalyo ko sa kamay kung hindi man lang ako gagaling ang pakikipaglaban?" Tanong ni Adelle sabay wasiwas ng esapadang kahoy sa banda ulunan ni Zeren na agad rin naman naiwasan ng binata.
"Sige na inaamin ko ng magaling ka pero hindi mo pa rin ako matatalo sa mga galaw mo lady Adelle," sagot naman ni Zeren at hindi na maitago ang pagkapikon niya sa dalaga ngunit hindi rin niya maitatanggi na pinapahanga siya ninto dahil nakakasabay ito at nakakailag sa bawat atake na ginagawa niya.
Kilala si Zeren sa buong empire dahil sa galing ninto sa pakikipaglaban at unang beses niyang makasagupa ng isang noble lady na ganito ang galawan at nakakasunod sa mga atake na kaniyang binibitawan.
"Grabe, nakakasabay siya sa Earl?" Tanong ng mga nanood at hindi rin makapaniwala sa kanilang mga na sasaksihan.
"Saan ba galing ang binibini? Tiga Verine Empire din ba siya? Bakit hindi ko naririnig ang tungkol sa isang babae na ganito kagali humawak ng espada?" Samo't saring mga usapan ang umiikot sa loob ng training ground dahil sa dwelong nagaganap sa kanilang harapan.
Ngunit hindi na ganong nagtagal pa ang masayang panonood nila nang biglang matamaan si Adelle ng espadang hawak ni Zeren sa kaniyang balikat. Nagtamo ng malakas na hampas ang balikat ni Adelle na agad niya ring ininda dahil sa sakit.
"Argh!" Impit ninto sabay luhod sa lupa na kinagulat ng lahat.
Agad naman lumapit si Zeren kay Adelle dahil hindi niya sinadayang malakasan ang atake rito saka ayaw niya ring mag mukhang masama sa harapan ng iba kaya pakunwari siyang nag aalala rito.
"Ayos ka lang ba? Hindi ko sinasadya my lady," sambit ni Zeren habang nakayuko si Adelle at nakaluhod ang isang tuhod sa lupa habang ang isa naman ay tinutungkuran ng kaniyang braso.
"Huli ka ngayon," bulong ni Adelle na hindi marinig ni Zeren kaya lalo pa siyang lumapit dito para alalayan ito ngunit agad siyang inatake ni Adelle sa kaniyang kamay dahilan para tumilapon sa lupa ang hawak niyang espada.
"Pano ba 'yan, panalo na ko hehe," sambit ni Adelle sa mukha ni Zeren sabay kindat dito.
Nagulat ang lahat, miske si Zeren ay gulat na gulat sa pandarayang ginawa sa kaniya ni Adelle. Gusto niyang magwala sa sobrang pagkapikon at agad na tumingin kay Richard para maghanap ng kakampi.
"Talo ka na my lord," muling pang-aasar ni Adelle habang tuwang-tuwa sa strategy na kaniyang naisip, alam niya naman na mahihirapan siyang talunin si Zeren ngunit alam niya ring may paraan para magawa ito kaya naman kinuha niya na itong pagkakataon para umaktong nasasaktan at mahulog sa kaniyang patibong ang binata.
"Richard! Hindi ba pandaraya 'yun? Anong nangyari?! Hindi pupwede 'yun ah!" Bulaw ni Zeren na kinagulat ng mga knight at squire na kaniyang sakop.
Unang beses nilang nakita na magalit at magmaktol na parang bata ang heneral nila dahil lang sa simpleng dwelo sa isang binibini.
"Anong pandaraya! Sabi mo kahit anong gawin ko basta hindi pa nauubos ang oras 'di ba?" Depensa naman ni Adelle at humarap kay Richard sabay pakita ng nangungusap nitong mga mata. Agad namang nahabag si Richard dahil wala siyang laban sa pagmamakaawa ng mga mata ng dalaga na akala mo ay isang inabandunang tuta.
"Hmm... may punto ang binibini my lord, iyon naman talaga ang rules at nanalo siya sa inyo," nagdadalawang isip man si Richard ay iyon na lang ang na isagot niya dahil pasok naman talaga sa usapan ang ginawa ni Adelle kahit na medyo pinaglaruan ninto ang damdamin ni Zeren.
"Tsssk," iritableng sagitsit ni Zeren at na pansin na natatawa ang mga knight sa paligid niya kaya agad niyang kinalma ang sarili at pinilit ang sarili na wag na lamang patulan pa si Adelle.
"Sige na nga, ano bang gusto mong gawin ngayong nanalo ka na lady Adelle?" Tanong ni Zeren gamit ang sarkastiko nitong tono at napangisi naman si Adelle sabay lapit kay Zeren.
"Gusto ko lumabas sa bayan kasama ka my lord," bulong ninto na kinakunot ng noo ni Zeren sabay kindat naman sa kaniya ni Adelle na nagbigay kilabot sa buong sistema niya.
"Si-sigurado kang iyon lang?" Tanong ni Zeren kahit medyo kabado ay pinipilit niyang maging kalmado sa harap ng dalaga at ng iba pang nanonood sa kanila.
"Hmm... syempre habang namamasyal tayo sa bayan, gusto ko sanang magkahawak ang kamay na 'tin sa buong oras na magkasama tayong dalawa," dagdag ni Adelle na lalong kinatakot ni Zeren.
"Bakit mo naman gusto gawin ang bagay na 'yun, hindi pa tayo kasal at lalong hindi rin tayo magkasintahan kaya maaaring masira ang pangalan na 'ting dalawa kung sakaling may makakita sa atin sa bayan," paliwanag naman ni Zeren at napanguso si Adelle.
"Sa 'kin walang kaso ang bagay na 'yun kasi ikakasal din namna tayo, pero kung ayaw mo naman pwede naman tayo magpanggap na ibang tao, mga commoner para makagalaw tayo nang maluwag bukas sa pamamasyal na 'tin!" Masayang tugon ni Adelle at nagulat na lang si Zeren dahil may petsa na agad ang plano na 'yun kahit hindi niya pa sinasabi na papayag siya ng lubusan sa plano ni Adelle.
Idagdag pa ang ideya na talagang nasa isip na ni Adelle na ikakasal silang dalawa kahit na hindi pa sila nagiging magkasintahan o ano pa man, natatakot na lang siya sa iniisip ng dalaga dahil masyado itong mabilis mag isip at hindi man lang siya tinatanong kung gusto niya bang magpakasal.
"Bukas? Bukas kaagad?" Tanong ni Zeren at tumango naman si Adelle ngunit agad nagbuntong hininga si Zeren sabay kamot sa kaniyang batok.
"Hindi ka ba pwede bukas? Kung may gagawin ka ay ayos lang naman kahit sa ibang araw na lang," sagot naman sa kaniya ni Adelle ngunit nang tignan ni Zeren ang mukha ng dalaga ay nakita niya kung pano 'to nagbago ng reaksyon. Iyong masayang reaksyon ng dalaga ay unti-unting nawalan ng sigla at agad na nadismaya.
"Medyo abala ako bukas eh, kung nais mo ngayon na lang tutal wala naman akong ibang gagawin sa buong maghapon," sagot ni Zeren at agad namang bumalik ang sigla sa mukha ng dalaga.
"Talaga? Sige ngayon na! Magbibihis ako at ikaw rin ah, magbihis tayo ng normal at simpleng kasuotan lang," sagot ni Adelle at tumango na lang si Zeren dahil wala na siyang nagawa pa.
"Kung ganun mauna na ko! Magbibihis na ko sandali lang ah!" Masiglang sagot ninto sa kaniya sabay takbo palabas ng training ground at hindi na lang maiwasan ni Zeren na mapangiti habang pinagmamasdan niya ang pagtakbo ni Adelle at ang pagsasayaw ng mahaba at kulay kahel nintong buhok sa hangin.
"Ehem my lord," nabalik sa ulirat si Zeren nang marinig si Richard na ngayon ay nasa tabi niya na, agad siyang tumingin dito ng may pagtatanong at nakataas ang isang kilay kaya naman tumingin din sa kaniya si Richard sabay bulong sa kaniya ninto.
"Akala ko po ba ay magpapahinga kayo buong araw at walang makakasira ng day off niyo ngayon?" tanong ni Richard at napakamot na lamang sa pisnge si Zeren sabay iwas sa mapang-asar na tingin sa kaniya ni Richard.
"Anong magagawa ko? Kung hindi ka sana pumayag sa pandaraya na ginawa niya edi sana nagpapahinga ako ngayong araw," pagbabaliktad ni Zeren sa ginawang pagkampi ni Richard kay Adelle kanina.
"Hindi mo ko masisisi my lord, masyadong halata sa binibini na nais ka niyang matalo para makasama sa paggagala sa bayan mamayang hapon," sambit ni Richard habang may mapang-asar na tingin sa alaga niya.
"Tsk, wag mo nga ko tignan ng ganiyan. Humanda ka bukas, sisiguraduhin kong mawawalan ka ng tulog dahil sa mga gawin na ipapagawa ko sa 'yo, matuto kang pumilit ng papanigan mo sa susunod," inis na tugon ni Zeren sa kaniyang kanang-kamay at napanganga na lamang si Richard habang hindi makasagot sa sinabi ng kaniyang amo.
Iniwan ni Zeren si Richard doon na nakatanga dahil nagsisisi sa mga ginawa niya, napangisi na lang si Zeren ng patago habang iniisip kung pano paghihirap ang gagawin niya kay Richard bukas.
"Magandang umaga Earl Zeren," bati sa kaniya ng mga knight at squire na kaniyang nadadaanan at agad nagbago ang reaksyon sa mukha ni Zeren mula sa masamang ngiti ninto papunta sa malalambing at inosenteng pagbati niya sa kaniyang mga nasasakupan.
"Magandang umaga rin sa inyo, wag kayo masyado magpapakapagod." Napaka peke ng binibigay na imahe ni Zeren sa kaniyang mga nasasakupan sa militar dahil hindi alam ng mga ito ang tunay niyang ugali at magiging mapanganib kung malalaman ng mga royal knight na kaniyang inaalagaan ang tunay niyang pagkatao kaya naman ingat na ingat siya sa mga mata ninto.
Agad na siyang naglakad papasok sa manor patungo sa kaniyang silid at nang makapasok sa kaniyang silid ay halos masabunutan na ang kaniyang sarili sa sobrang inis. Hindi niy akalain na may ganoong tinatagong pagkapilya si Adelle ngunit hindi niya rin naman mawari bakit lalo siyang tinatawag ng kuryosidad niya rito.
Nagtataka dahil sa dami ng mga nakilala niyang babae ay si Adelle lang ang katangi-tanging noble lady ang gumagawa ng mga kakaibang bagay na ngayon niya lamang nakita. Hindi niya tuloy maiwasan na lalong ma curious dito at alaman pa ang iba pang ugali at katangian ng dalaga.
Agad siyang pumasok sa loob ng silid paliguan at nagbihis ng pinaka simpleng damit na mayroon siya, isang puting polo na pinatungan niya ng brown vest, itim na pants at sben hogan na sumblero.
Lumabas siya sa loob ng kaniyang silid at agad na nagtungo sa kwarto ni Adelle, kumatok siya ng dalawang beses sa pinto ninto at agad din naman bumukas ito. Niluwa ninto si Adelle na bihis na ngunit tila hindi pa tapos ayusin ang tali ng corset sa kaniyang likuran.
"Ah, pasensya na my lord. Wala kasi akong lady in waiting hahaha kaya hindi ko maabot 'yung likuran ko. Pwede bang tulungan mo kong itali 'yung laso sa likod?" inosenteng tanong ni Adelle habang si Zeren naman ay takang-taka at tila mamumula sa hiya.
Hindi niya alam kung wala bang alam si Adelle sa mga kurtisiya sa loob ng Verine Empire o talagang inosente lang ito sa mga ganitong bagay. Sa loob kasi ng Verine Empire ay may kasabihan at pinagbabawal ang mga kalalakihan na hawakan ang corset ng sino mang kababaihan depende na lamang kung asawa o kasintahan niya ito na handang ipahubad at ibigay ang kaniyang kabuoan sa lalaki.
"Se-seryoso ka ba?" tanong ni Zeren habang nakatitig sa mga lasong nakaladlad sa likuran ng dalaga, kitang-kita niya rin ang maputing batok ninto dahil hinahawi ni Adelle ang mahaba niyang buhok sa kaniyang balikat para maayos na matali ni Zeren ang kaniyang corset sa likod.
"Hmmm... oo?" nagtataka namang tanong ni Adelle at lumapit si Zeren sa kaniyang likuran at napalunok nang isang dangkal na lang ang pagitan ng mga katawan nila.
"Itali mo lang ng mahigpit my lord," sambit pa ni Adelle at napalunok naman si Zeren habang hawak ang mga laso sa kaniyang dalawang kamay. Kabado at hindi niy alam kung maitatali niya ba ng ayos ang mga ito dahil sa panginginig ng kaniyang mga kamay.
Daig pa ng mga lasong hawak niya ang kutsilyo at dugong nakakalat parati sa mga kamay niya tuwing pumapatay siya, dahil hindi niya naranasan ang pangingin ng kamay niya tuwing gagawin niya ang pagpatay ngunit ngayon? Dahil sa isang simpleng p*******i ng corset ay halos kumabog na nang matindi ang kaniyang puso sa kaba.
Hindi pa siya makapag-concenrate dahil amoy na amoy niya ang mabangong aroma sa balat ng dalaga na humahalo sa sabon na gamit ninto sa kaniyang buhok. Hindi niya rin maiwasan na mapasilip at tingin sa maputi at makinis nitong batok.
"Tapos na ba my lord?" tanong sa kaniya ni Adelle at doon lang siya natauhan na hanggang ngayon ay hindi niya pa rin mabuhol ang mga laso sa kaniyang mga kamay.
"Ah, bahala ka d'yan!" hiyaw ni Zeren at dali-daling lumabas sa loob ng silid na tila ba naging kulungan niya sa kahibangan na dinadanas niya sa piling ng dalaga.
TO BE CONTINUED