♛♕♛ Ang likuran ni Adelle ang kaniyang nakikita, ang pagwasiwas ng maganda at kahel nintong buhok ang tumatawag ng atensyon niya. Kasabay ng paghalo ng mabango nintong aroma sa hangin na nalalanghap niya. Para siyang nasa isang panaginip, hindi niya akalain na ang simpleng daan sa bayan na halos araw-araw niyang nadadaanan ay magiging ganito ka espesyal dahil lang sa kasama niya ang binibini habang tumatakbo at magkahawak ang kamay. "Zeren dalian mo!" Tawag sa kaniya ni Adelle at para bang lalo siyang hinihipnotismo ng magandang boses ninto, at nung lingunin siya ng binibini ay nakita niya ang mga ngiti ninto sa mukha at ang pagtawa ninto sa ginagawa nilang pagtakbo sa daan. Hindi niya alam sa kaniyang sarili bakit hinahayaan nyang hilahin siya ni Adelle at isama sa pagtakbo nilang dal