♕CHAPTER 1♕

2006 Words
♛♕♛ TAON 1641 GOLDTON EMPIRE Halos mangatog sa lamig ang buong katawan ni Zeren habang naglalakad sa madilim na iskinita ng Central City, malakas ang buhos ng ulan kasabay nang kumakalam na sikmura dahil sa gutom at pagod mula sa maghapong pagtatrabaho, napatingin siya sa nag-iisang pilak na hawak niya. Ito lamang ang natanggap niya mula sa pag-aabot ng droga mula kay Ginoong James, trabaho niya ang magbigay o mag-abot ng pinagbabawal na gamot sa mga costumer ng matanda, ibinabalot niya ito sa lalagyan ng sigarilyo saka ibinibenta sa mga suki nito sa bayan. Tago ang bentahan at kalimitan ang mga batang palaboy ang kanilang utusan sa pagbebenta dahil sa hindi ito halata at sino nga bang mag-iisip na sa murang edad nila ay masasangkot sila sa ganitong bentahan. "Mas malaki pa ang kikitain ko kung nagnakaw ako," bulong niya sa sarili habang naglalakad papunta sa bar at bahay-aliwan ng ginoo, kailangan niyang ibigay ang mga kinita niya upang muli siyang hatian ng pursyento nito bukas at balak niya rin sana na makituloy sa ginoo ngayong gabi dahil basa ang kalsada na kaniyang higaan. Dumaan siya sa likod ng bahay-aliwan at kumatok doon upang matawag ang pansin ni Ginoong James, saglit lang ay agad naman siyang pinagbuksan nito ng pintuan at agad na inabot ang kamay niya sa mukha ng batang si Zeren. "Na saan na? Aba, mukhang mas marami kang na ibenta ngayon ah? kumain ka na ba?" tanong niya kay Zeren habang binibilang ang mga kinita nito maghapon at umiling lang ang bata bilang sagot sa ginoo. "Oh! iyan ang sahod mo," binato ng Ginoo ang isang pilak bilang kabayaran sa pagtatrbaho niya ngayong araw at halos kumunot ang noo niya dahil sa isang piraso lang ang ibinigay nito sa kaniya, ngunit hindi niya magawang magreklamo dahil hihinge sana siya ng pabor dito. "Ginoong James," tawag niya at agad naman itong lumingon sabay bato sa kaniya ng isang lumang tinapay. "Osiya umalis ka na dito, nakakasira ka ng negosyo, ang baho-baho mo! maligo ka na lang sa ulan!" sigaw sa kaniya ng ginoo kaya pilit na pinipigilan ni Zeren na kunin ang nakatagong patalim sa likuran niya kahit na kanina niya pa nais saksakin ang ginoo sa dibdib, ngunit na isip niya na mawawalan siya ng kikitain kung gagawin niya iyon kaya lumabas na lang siya sa bahay-aliwan at kinain ang matigas na tinapay na unti-unting lumalambot dahil sa tubig ulan. "Tsk, makapagnakaw na lang ulit," sabi niya habang ngumunguya at naglakad kung saan siya maaaring makahanap ng matutulugan ngayong gabi. Ngunit habang naglalakad siya sa madilim na iskinita ay na pansin niya ng isang batang babae na patuloy na ginugulo ng dalawang kalalakihan, napatingin siya sa direksyon nila ngunit agad niya rin nilihis ang atensyon sa iba dahil hindi niya nais masangkot sa gulo. Isa pa ay na pansin niya ang mamahaling kasuotan ng batang babae, mukhang galing ito sa mayamang pamilya at na ligaw sa parteng ito ng bayan. Ayaw niyang makisali sa gulo at hindi naman bago sa kaniya ang ganitong eksena kaya nilagpasan niya lang ito habang kinakain ang kaniyang basang tinapay. "Hahaha, mukhang malaki ang makukuha na'ting pera sa batang ito kung tutubusin siya ng kaniyang mga magulang, o hindi kaya ay ibenta na'tin siya sa black market," rinig niyang sabi ng isa sa mga lalaki habang umiiyak ang batang babae sa gilid nila. "Tama! paniguradong maraming matandang lalaki ang mag-aagawan sa kaniya, tibatiba tayo rito!" sagot naman ng lalaki at muli siyang na patingin sa direksyon nung batang babae, nagulat siya nang magtama ang mga mata nilang dalawa at para bang nangungusap ang mga ito sa kaniya at humihingi ng tulong. Nakita niya ang kulay abo na mga mata ng bata na para ba itong kumikinang sa dilim, hindi niya na mamalayan na kusa na palang gumalaw ang katawan niya at tinurok ang patalim sa likod ng isang lalaki. Mabilis na bumagsak ang katawan nung lalaki sa simento at humalo ang dugo nito sa tubig ulan na halos ikagulantang ng isa pang lalaki na kasama nito, tumingin ang lalaking may kalakihan ang pangangatawan kay Zeren at mabilis na binigyan nang malakas na suntok sa sikmura ang bata. "Ahhhhh!" sigaw nung batang babae habang nakatingin kay Zeren na namimilipit sa sakit, hindi naman makagalaw si Zeren dahil sa lakas ng suntok na ibinigay sa kaniya ng lalaki, idagdag pa ang gutom at pagod niya kaya hindi niya na nagawang makatayo pa. "Kilala mo ba ang pinatay mo ha, bubwit! ang lakas ng loob mo magbabayad ka!" sigaw ng lalaki at paulit-ulit na pinagsisipa ang maliit at walang kalaban-laban na katawan ni Zeren. Hindi naman makagalaw sa takot ang batang babae at walang nagawa kung hindi ang sumigaw at magmakaawa na tigilan na ang p*******t sa batang naglakas loob na tulungan siya, ngunit tila walang naririnig ang lalaki at hindi na aawa sa ginagawa niyang pangbubugbog kay Zeren. Hindi na nakatiis ang batang babae at buong lakas na tinulak ang lalaki sa harap niya na dahilan para mapaupo ito sa simento at mawalan ng balanse. Kinuhang pagkakataon iyon ni Zeren upang makatakas at makaganti sa lalaki. "Kung hindi ikaw ang mamatay ngayon, ay lalong hindi ako!" sigaw niya saka mabilis na dinamba ang lalaki sa dibdib nito at walang sawang pinagsasaksak ang mukha at leeg ng lalaki, pakiramdam niya ay muli niyang sinasaksak ang kabit ng kaniyang ina at kakaibang saya ang nararamdaman niya sa mga sandali na iyon. "Hahahaha! nararapat lang sayo iyan! dapat ang mga katulad niyo ay hindi na pinapatagal pa ang buhay sa mundo!" sabi niya sa pagitan ng mga tawa niya habang patuloy na inuundayan ng saksak ang lalaki sa dibdib na ngayon ay hindi na humihinga at patuloy na binabalot ng sarili niyang dugo. "Bata," na rinig niyang tawag sa kaniya ng batang babae at napahinto ang kaniyang kamay nang hawakan siya nito at nag-aalalang tumingin sa kaniya. "Tama na, ayos na ang lahat," bulong nito sabay ngiti sa harap niya kahit halata naman ang takot sa boses nito at sa panginginig ng mga kamay ng batang babae na nakapatong sa mga kamay niya. Napayuko siya at umalis sa ibabaw ng lalaking na patay niya sabay tabig sa kamay ng batang iniligtas niya. "Ano ba kasing gingawa mo rito?" galit niyang tanong sa batang nasa harapan niya at inabot lang ng bata ang kamay nito kay Zeren na pinagtaka naman nito. Tumingin lang siya sa kamay nung batang babae na may hawak na makapal na tela. "Aanhin ko naman iyan?" tanong niya sa batang babae at tumingala ito sabay turo sa langit na kanina pa tumigil sa pag-ulan. "Nakita kasi kitang naglalakad habang umuulan kanina, kaya nais ko sanang ibigay sa iyo ito," sagot ng batang babae na kinagulat ni Zeren, kumunot ang noo niya sa pagtataka at napakamot lang sa ulo ang batang babae. "Mukha ka kasing nilalamig," inosenteng dagdag nito at kinuha ang kamay ni Zeren na puno ng dugo saka inabot sa kaniya ang makapal na telang bahagyang na basa ng ulan. "Hindi ko kailangan ng tulong mo o nitong telang dala mo," mailap na tugon ni Zeren sa batang babae at napatango na lang 'yung bata saka yumuko sa harap ni Zeren upang magbigay galang dito na lalong pinagtaka ng batag lalaki. Hindi niya inakala na may isang noble ang yuyuko sa harap niya at magpapasalamat sa ginawa niya, bukod doon hindi man lang ito sumigaw o natakot sa ginawa niyang pagpatay sa dalawang lalaki bagkos ay nagpasalamat pa ito at pinigila ang takot sa kaniyang sarili. "Maraming salamat sa pagliligtaas sa'kin, pasensya na kung nais kitang tulungan, maaari mong ibenta ang tela na iyan kapalit ng pilak,'' iyon lang ang sagot sa kaniya ng batang babae at muling ngumiti sa kaniyang harapan. Sumama ang tingin niya rito, ngunit hindi na lang pinansin ito sabay lakad papalyo habang bitbit ang telang bigay sa kaniya ng babeng niligtas niya, iniisip na maari niya nga ito ibenta sa malaking halaga. "Bata! anong pangalan mo?" rinig niyang sigaw ng batang babae mula sa kinatatayuan nito, bahagya niyang nilingon ang batang babae at sinabi ang pangalaan niya. "Zeren," maikli niyang sagot at muling ngumiti ang batang babae sa harap niya sabay kaway sa kaniya nito, na pailing na lang siya at muling naglakad papalayo. "My Lady! Ah, Panginoon ko! Kanina pa po kayo pinaghahanap ng inyong papa!" Sigaw ng isang katulong at mabilis na tumakbo papunta sa kaniyang alaga, napalingon na lang si Zeren at hindi na nagbigay pa ng pansin sa batang babae na kaniyang niligtas, ni hindi niya man lang tinanong ang pangalan nito at walang pakialam na naghanap ng pwedeng matutulugan ngayong gabi. Para sa kaniya normal na lang ang eksenang nangyari kanina, ang pagpatay niya at ang pangbubugbog sa kaniya. Lahat nang iyon ay naranasan niya na sa mga lumipas na taon niyang pagtira dito sa Central City at back alley ng bayan. Sa edad niyang siyam na taon ay normal na ito dahil marami ring mga bata ang katulad niya na ulila at umaasa sa pagnanakaw, linggo-linggo ay may natatagpuang bangkay sa bawat iskinita sa bayan nila, hindi na ito bago at halos sanay na ang mga tao rito lalo na nitong napalitan ang bagong emperor ng Goldton empire. Alam ni Zeren na walang tutulong sa kaniya at kailangan niyang matutong lumaban mag-isa, mahirap oo, ngunit wala siyang magagawa dahil ito ang landas na tinahak niya simula pa lang ng dungisan niya ang kaniyang mga kamay. Napatingala siya sa langit na ngayon ay maaliwalas na, puno ng bituin at kitang-kita ang bilog na buwan. Umihip ang malakas na hangin na may dalang malamig na pakiramdam kaya naman agad niyang niyakap ang sarili at na pansin ang dala-dala niya pa rin ang telang bigay sa kaniya ng batang babae. Pinagpag niya ito at na pag-alaman na isa pala itong balabal panlamig, napatitig siya sa puting tela na may bahid na ng dugo at putik mula sa insidente kanina, ngunit hindi niya ito pinansin at sinuot ang balabal. "Ang init," bulong niya sa sarili habang hinihipan ang kaniyang kamay dahil sa lamig ngunit hindi niya na iyon gaanong ramdam dahil sa makapal na balabal na yumayakap sa kaniya. "Hijo, ayos ka lang ba?" Halos tumalon ang puso ni Zeren dahil sa gulat at pagsulpot ng isang matandang lalaki sa likuran niya. Umakyat ang kaba at takot sa katawan niya nang makita ang unipormeng suot ng matanda, isa itong heneral at may palatandaan din sa damit niya nang pagiging Earl sa emperyo. Alam niyang hindi siya makakatakas dito at ito na ang kataposan niya kung magkataon lalo na ngayon na halata sa suot niya ang bahid ng dugo. Agad niyang pinuwesto ang kaniyang kamay upang mabilis na makuha ang palatim niya sa kaniyang likuran ngunit ngumiti lang ang matanda at pawang hindi alam saan titingin. "Gabi na ah, tila naliligaw ka?" Muling tanong ng matanda at agad niyang na pansin na may deperensya ito sa paningin. Bulag ang heneral at gamit lang ang tungkod niya upang makapaglakad nang maayos. Naisip ni Zeren na malaking isda ang na huli niya kung sakaling makapalag siya sa matandang bulag, iniisip na marami itong dalang pilak sa likod nang magarbong kasuotan nito. "May uuwian ka ba?" Muling tanong ng matanda at marahan itong lumapit sa kaniya habang kinakapa ang hangin, nang mahawakan niya si Zeren ay kinapa niya ang ulo nito sabay gulo sa buhok ng bata. "Naku, basang basa ka hijo kung nais mo ay maaari kitang bigyan ng tahanan," sabi ng matanda na kinagulat ni Zeren, hindi niya alam ang isasagot niya sa matandang lalaki na nakangiti sa harap niya. Ramdam niya ang pag-aalala sa mukha nito at ang sinseredad sa tono ng boses nito kaya hindi na siya tumanggi at sumang-ayon sa matandang bulag. Kahit na takot siyang magtiwala muli ay iniisip niya na kailangan niyang makaraos sa gabing ito, dahil wala na siyang matutuluyan at kanina pa kumakalam ang kaniyang sikmura. Napangisi si Zeren at iniisip na saka niya na lang papatayin ang matanda kung napakain na siya nito. TO BE CONTINUED
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD