♕CHAPTER 6♕

2395 Words
♛♕♛ Nakaupo ang dalawa sa harap ng lamesa kung saan nakahanda ang masasarap na pagkain, tahimik na ninanamnam bawat kagat at walang imikan dahil sa nangyaring insidente kanina. Hindi alam ni Zeren kung pano mag-uumpisa ng usapan sa pagitan nilang dalawa, hindi siya sanay sa ganitong klase ng babae at kahit gano pa siya kagaling umakto sa harap ng marami ay hindi niya mawari bakit tila nalunok niya ang kaniyang dila sa harap ng dalaga. Na wiwirduhan siya kay Adelle, pilit niyang ikinakalma ang dibdib niya na kanina pa malakas ang t***k dahil lamang sa mga kinikilos ng dalaga, nagiging maingat din siya sa bawat salita at galaw na ibibigay niya dahil hindi niya alam kung ano ang tunay na pakay ninto sa kaniya. "My lord, bakit ang tahimik mo? Sa pagkakaalam ko ay magaling ka mag-handle ng usapan ayon sa mga nakilala ko," sambit ni Adelle sabay baba ng kaniyang hawak na tinidor at kumpit saka pinunasan nang marahan ang kaniyang bibig na akala mo ay isang inosenteng binibini at kagalang-galang. Aakalain mong walang nangyari sa kanila kanina at hindi siya ang babaeng nasaksihan ni Zeren na umaakyat sa puno ng walang panyapak sa paa. "Ikaw raw ang laging nagsisimula ng mga usapan lalo na sa mga banquet at meetings, kahit sino raw ang makausap mo ay hindi sila na buburyo," saad ni Adelle at nais niyang ipaalam kay Zeren na iba ang nakikita niya ngayon sa harap ng binata na malayo sa mga naririnig niya patungkol dito. Agad naman nakuha ni Zeren ang nais iparating ni Adelle, mukhang sinusubok siya ninto at laking pagtataka niya rin kung pano nalaman ni Adelle ang mga bagay na iyon tungkol sa kaniya, na tila ba pinag-aaralan siyang maige ng dalaga. 'Stalker ba ang isang 'to? Bakit niya alam ang mga ganu'ng bagay tungkol sa 'kin? Bakit parang kinikilala niya ko maige?' Tanong ni Zeren sa sarili sabay punas din ng puting panyo sa kaniyang bibig at muling inilapag sa kaniyang binti. "Pagpasensyahan niyo na ako my lady, sadyang hindi ko lang makalimutan ang nangyari kanina," pakunwaring nahihiya si Zeren nang banggitin ang bagay na iyon, dahil nais niyang mahiya rin si Adelle sa mga pinaggagawa ninto kanina na siyang epektibo naman dahil agad niyang nakita ang pagkataranta sa dalaga at pamumula ng pisnge ninto. "Ah.. ano! Wa-wag na na 'tin balikan ang insedente na 'yun pwede ba my lord? Hahaha, nakakahiya eh," sambit naman ni Adelle at patagong napangisi si Zeren, nais niyang mapahiya pa ang dalaga para naman maisipan ninto na tigilan na siya. "Hindi ko akalain na may binibining aakyat sa puno ng nakabistida, medyo kakaiba ka nga my lady at iyon na lang ang masasabi ko sa aking na saksihan," sambit ni Zeren at umakto na kunwari ay natatawa siya nang maalala ang bagay na 'yun para lalong mahiya si Adelle sa harapan niya. 'Kung magaling ka magpanggap ay wala nang tatalo pa sa 'kin sa larangan na 'yan, kaya humanda ka sa 'kin lady Lebertia. Malalaman ko rin kung anong balak mo.' "Aaahh! Wag na na 'tin balikan 'yung nakita niyo my lord, sadyang gusto ko lang makita ang kabuoan ng buong hardin kasi na pansin ko kahapon na may kakaibang hugis ang bawat halaman pag tinignan mo mula sa taas, hindi ko kasi ganong nakita ang kabuoan ninto sa aking silid," sagot ni Adelle sabay turo sa kaniyang kwarto sa pangalawang palapag ng manor. Nasa bandang gilid nga ang pwesto ninto at hindi niya makikita ang kabuoan ng hardin kung hindi siya pupwesto sa silid ni Zeren na nasa gitnang bahagi ng manor. Napaisip si Zeren, pinag-aaralan pa rin kung totoo ba ang sinasabi ng dalaga at hindi naman siya agad kumagat sa paliwanag ninto. Mas na ngingibabaw sa kaniya ang ideya na ginawa iyon ni Adelle para makita ang kabuoan ng lugar at unti-unting pinag-aaralan ang kaniyang manor. Sumeryoso si Zeren ngunit tinago niya iyon sa mga ngiti niyang lalong nagpapahulog kay Adelle. Ngumiti siya nang malambing sa dalaga at tumayo sa kaniyang kinauupuan saka lumapit sa pwesto ninto, yumuko siya bahagya para mapantayan ang binibining nakaupo saka siya bumulong sa tenga ninto. "Makikita mo ang kabuoan ng buong hardin sa silid ko, nais mo bang dalawin ako mamayang gabi sa kwarto ko?" Bulong ni Zeren gamit ang malalim at kaakit-akit niyang boses na nagbigay nang matinding kaba sa dibdib ng dalaga. Pakiramdam ni Adelle ay sasabog ang puso niya sa bilis ng t***k ninto, tila ba nakarinig siya ng isang bulong galing sa anghel na maaaring magdala sa kaniya sa langit mamayang gabi. Ngunit agad na nasampal ni Adelle ang sarili na kinagulat naman ni Zeren, kinalma niya ang sarili niya ganun na rin ang mga kakaibang imahe na nabubuo sa kaniyang imahinasyon— katulad na lang ng paglalapit ng katawan nilang dalawa ng binata. "Ma-ma-my lord, ma-masyado naman atang ma-maaga pa-para sa bagay na 'yan, binibini pa rin ako a-at nais ko pa rin ikasal sa inyo bago ang hahaha alam niyo na," sambit ni Adelle na pinagtaka ni Zeren, napaisip siya sa kung ano ba ang tinukoy ng dalaga dahil ang tanging balak niya ay patayin na 'to mamayang gabi. Ngunit nang mapansin niya ang reaksyon na binibigay ni Adelle at ang pamumula ng mukha ninto hanggang leeg ay tila ba tinamaan din siya ng hiya dahil sa mga imahinasyon ng dalaga na pumapasok sa utak niya. "Ha! Hindi sa ganun! Ano bang iniisip mo?" Hiyaw ni Zeren at muli niya na namang naipakita ang totoong ugali niya sa sobrang pagkabigla na agad niya rin namang binawi. "Ah, ibig kong sabihin my lady... hindi sa ganu'n nais lang kitang imbitahin para masaksihan mo ang ganda ng hardin," paliwanag at depensa ng binata sabay bakik sa pagiging magalang at inosente nintong mukha. Ngunit hindi niya na maaalis ang pamumula sa mukha ni Adelle at ang mga tingin ninto na sobrang lagkit na siya namang nagbibigay kilabot sa katawan niya. "Hmmm... akala ko, pero kung nais mo naman mauna ang bagay na 'yun bago ang kasal natin ay ayos lang din naman, tutal doon naman din tayo tutungo," nahihiya at pabulong na sambit ni Adelle sa harap ni Zeren na lalong nagpamula sa mukha n binata at halos kilabutan na siyang maige sa mga pinagsasabi ng dalaga sa harapan niya. "Ha-ha-ha, nako my lady wala pa sa isip ko ang bagay na 'yan, isa pa masyado kang maganda at hindi ba't masasayang lang ang kagandahan mo sa isang Earl na katulad ko?" Palusot at pilit na iniiba ni Zeren ang usapan dahil baka masakal niya na ang dalaga sa mga pinagsasabi ninto sa kaniyang harapan. "Maganda ba ko sa paningin mo my lord? Hmm... hindi ko maiwasan mahiya tuloy," sambit ni Adelle sabay mahinang hampas sa braso ni Zeren na kinairita ninto. 'Kinikilig ba siya? Ano bang klaseng babae ang isang 'to? May sapak ba siya sa utak o talagang kulang lang siya sa buwan?' Tanong ni Zeren sa sarili habang pilit na tinatago ang pagkairita sa dalaga. "Tunay na maganda ka my lady, at sigurado akong hindi hahayaan ng pamilya mo na mapunta ka lang sa katulad ko kaya mabuti nang bumalik ka na sa inyo," sagot ni Zeren at pilit na pinapauwi ang dalaga ngunit alam niyang mahihirapan siyang gawin ito lalo na't may ibang agenda pa ang binibini sa loob ng Quintus. "Teka nga my lord, tinataboy mo ba ko? Saka sinong nagsabi sa 'yo na hindi ka nababagay sa akin? Bakit mo ibinababa ang sarili mo?" Tanong ni Adelle, seryoso ang tono ng boses ninto na pinagtaka ni Zeren dahil kitang-kita niya sa mga mata ninto na galit ang dalaga dahil sa mga sinabi niya. Hindi niya tuloy maiwasan isipin na nagagalit ang binibini dahil sa pagsasalita niya ng masama sa sarili niya. Masyadong bago para sa kaniya ang mga bagay at salitang sinasabi ni Adelle, naninibago siya at sa parehong oras ay mas nagiging atentibo siya na baka palabas lang ang lahat ng ito kaya lalo niya pang ginalingan ang kaniyang pag-akto sa harap ng dalaga. "Ikaw lang ang nagsabi sa 'kin ng gan'yan my lady, tila ba nagagalit ka dahil ibinababa ko ang aking sarili at sobra akong natuwa dahil doon," sambit niya sabay kuha ng kamay ni Adelle, yumuko siya sa harap ng dalaga at marahan na hinalikan ang kamay ninto. "Wag mo siyadong maliitin ang sarili mo my lord, marami kang narating at hinahangaan kita dahil doon, isa pa may bagay kang ginawa na nagpabago sa buong buhay ko kaya kahit ano pa ang estado mo o narating mo ay ikaw pa rin ang pipiliin ko," sambit ni Adelle sabay ngiti sa harap ni Zeren. At sa mga sandaling iyon, muli na naman nakaramdam si Zeren ng kakaiba at panibagong pakiramdam sa puso niya. Ito ay ang sandaling pagtigil ninto na tila ba na bighani siya sa mga ngiting iyon na nagpatigil sa oras. "My lord?" Tanong ni Adelle sabay kaway sa harapan ni Zeren dahil na tulala na ito sa harapan niya at muli naman nanumbalik si Zeren sa wisyo sabay iwas ng tingin sa dalaga. Napapaisip siya sa kung ano ang tinutukoy ni Adelle at kung bakit din siya nakakaramdam ng mga ganitong bagay na bago para sa kaniya. "Ah, mauna na ko my lady," sambit ni Zeren dahil hindi niya kayang magtagal pa sa tabi ng binibini dahil iniisip niya na kung lilipas pa ang oras na magkasama sila ay bago lalo lang siyang makaramdam ng mga bagay na hindi niya nais maramdaman. Natatakot siya sa kaniyang sarili dahil sa mga bagong pakiramdam na 'to, hindi niya alam kung ano ang bagay na 'to kaya mas mabuti pang umiwas na siya sa dalaga na nagdudulot sa kaniya ng problema at pagbilis ng t***k ng puso niya. "Ah, masyado ko na ba naubos ang oras mo? Sige my lord, salamat sa pag-imbita sa 'kin ngayon," sagot naman ni Adelle at masayang ngumiti dahil binigyan siya ng oras ni Zeren at masaya na siyang nakusap ng ayos ang binita. "Ayos lang my lady, tawagin mo na lamang si Richard kung may kailangan ka, mauna na ko," sagot ninto at dali-dali naglakad palayo sa pwesto ni Adelle at hindi na lumingon pa, samantalang si Adelle naman ay sobrang saya na kumakaway sa binatang hinahangaan niya. "Grabe, napaka gwapo niya. Di na ko makapag-intay na pakasalan siya tapos ipagkakalat ko sa buong emperyo na akin lang ang lalaking 'yun! Hehehe!" Kung may makarinig man ng sinabi ni Adelle ay paniguradong mawiwirduhan din sila sa dalaga, tila ba na nasisiraan na 'to ng ulo at panay ang ngisi mag isa. Hindi niya maiwasan na pagmasdan ang paglalakad ni Zeren palayo sa kaniya at pagpantasyahan ang likod ng binata. Ang malapad na balikat ninto at ang matangkad na pangangatawan, idagdag pa ang matambok at malusog na— "ehem tama na bumababa na ang paningin ko, kawawa naman siya halatang kinikilabutan na sa mga titig ko," bulong ni Adelle sa sarili habang nakasalumbaba at pangiti-ngiting tinitignan ang pag-alis ni Zeren sa kaniyang harapan. Habang si Zeren naman ay hindi maiwasang mapayakap sa kaniyang sarili dahil pakiramdam niya ay may tumitingin sa kaniya at pinag-iisipan siya ng malaswa. Alam niyang si Adelle iyon at ayaw niya nang lumingon pa kaya binilisan niya na lang ang pahlalakad pabalik ng opisina niya at agad na sinara ang pinto pagkapasok na pagkapasok niya pa lamang dito. "Tsk! Aaaargh!" Malakas na nagdabog si Zeren sa loob ng silid dahil sa frustration at kakaibang pakiramdam na hindi niya na gugustuhan. Napipikon siya dahil natalo siya ni Adelle ngayon, hindi gumana ang mga taktika na ginamit niya at siya pa itong panaurong at napabalik sa loob ng opisina niya dahil sa kaba. "Tsk, masyadong malakas ang kalaban ko. Humanda ka sa 'kin Adelle Lebertia, malaman ko lang ano ang totoong pakay mo ay hindi ako magdadalawang isip na gilitan ang leeg mo," bulong niya sa sarili at kinuha ang balisong na tinatago niya sa loob ng kaniyang coat. Tinignan niya ang talim ninto at nakita ang repleksyon ng kaniyang mukha, napakunot ang kaniyang noo dahil kitang-kita niya pano mamula ang mga pisnge niya sa hiya. "Aaah!" Hiyaw niya sabay bato ng balisong at suklay sa kaniyang huhok gamit ang mga daliri. Napasalampak siya ng upo sa sofa at isinandal ang kaniyang likod sabay buntong hininga. Ngayon lang siya napikon ng ganito, ngayon lang siya natalo sa isang usapan na hindi niya inaasahan na magpapabalik sa kaniya sa loob ng kaniyang opisina. Hindi niya mapigilan mang gigil at nais niya na agad patalsikin si Adelle sa loob ng kaniyang manor ngunit hindi maaari ang bagay na iyon dahil isa 'tong kabastusan sa mga aristocrats. Napapikit na lang siya at kinalma ang sarili ngunit pagpikit na pagpikit pa lamang ng kaniyang mga mata ay lumabas na agad ang magandang mukha ni Adelle sa isipan niya. Napabalikwas siya ng upo nang mapagtanto kung ano ang nangyayari sa kaniya, agad siyang napahawak sa bibig niya sa pagkabigla dahil sa nakita niyang imahe sa isip niya. "May lahing mangkukulam ba siya?" Sambit ni Zeren dahil kinikilabutan na siya at tila ba napaloob siya sa isang mahika para isipin si Adelle at hindi mawala sa isip niya. Partida, isang araw pa lamang ang inilalagi ng dalaga sa loob ng manor niya ngunit ganito na kaagad ang epekto ninto sa kaniya. "Delikado," sambit niya at napatayo sa kinauupuan sabay silip sa malaking balkunahe sa harapan ng opsina niya kung saan makikita niya ang pwesto nila ni Adelle kanina. Tinignan niya ang bawat galaw ng dalaga at nakita niya ang pakikipag-usap ninto kay Richard habang nagtatawanan ang dalawa. "At sino ka naman Richard para makipagkwentuhan sa kaniya?" Tanong ni Zeren sa kaniyang sarili at agad na lumabas sa beranda para hiyawan si Richard at papasukin sa loob ng opisina niya. "Richard!" Hiyaw ninto at napatingin ang dalawa na nasa hardin sabay kaway ni Adelle sa kaniya. Automatiko namang kinawayan ni Zeren si Adelle na kinabigla niya rin sabay hila pababa sa sarili niyang kamay at talikod sa dalawa. "Hu? Galit ba siya?" Tanong ni Adelle kay Richard habang nakatingala silang dalawa sa bintana ng Earl. "Ah, hahaha hindi ko rin alam my lady," palusot ni Richard pero naninabago rin siya sa kaniyang na saksihan na pagkaway ng alaga ninto pabalik sa dalaga. Patago na lang siyang napatawa at nagpaalam sa binibini para puntahan ang tinotoyo niyang alaga. TO BE CONTINUED
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD