♕CHAPTER 7♕

2695 Words
♛♕♛ Pagkapasok pa lamang sa loob ng pagtitipon ng house Marque ay agad niya nang sinuot ang kaniyang mga pekeng ngiti, binati ang sino mang sumalubong sa kaniya papasok ng banquet at patuloy na pinapakita sa kanila ang impostor niyang pagkatao. “Earl Quintus, mabuti at dumalo ka sa aming pagtitipon, kamusta na my lord?” Tanong kaagad ni Duke Marque, isa sa mga kilalang noble sa loob ng emperyo. Matagal na itong kasosyo ni Earl Ramon na siyang mabuting tiga pagpayo naman ni Zeren ngayon sa kaniyang mga negosyo. “Mabuti naman po your grace, kinagagalak kong dumalo sa kaarawan ng inyong anak,” magalang na sagot ni Zeren at ngumiti naman sa kaniya ang Duke sabay tingin sa paligid na tila ba may hinahanap. “Kanina ka pa nais makilala ng aking anak, nais ko ring maging mabuting magkaibigan kayo,” sagot ng Duke pero alam ni Zeren na may iba pang pakay ang Duke sa mga ngiti niyang iyon. Matagal na siyang kinukulit ng anak ng Duke at miske ang Duke ay boto para sa kaniya na maging nobyo at kapares ng kaniyang anak. Kahit na mababa pa ang titulo niya sa estado ng Duke ngayon ay malaki naman ang maaaring makuha ng kaniyang bunsong anak kung sakaling si Zeren ang mapapakasalan ninto. Ngunit alam ni Zeren ang bagay na ‘yun, alam niyang iyon ang pakay ng Duke at syempre wala sa isip niyang mahulog sa bitag na ‘yun. Wala rin siyang balak na magpakasal sa kahit kanino at kung magkakaroon man siya ng babaeng ninanais ay siguro ito na ang pangatlong prinsesa ng emperyo nila. ‘Kung papapiliin lang din naman ako, bakit hindi ko na lang taasan ang pagpili ko at ang prinsesa na ang hangarin ko, tutal negosyo lang naman ang habol ko sa pagpapakasal na ‘yun,’ isip ni Zeren habang pekeng kinakausap at nakikipagbiruan sa Duke. “Magandang gabi lord Zeren,” sambit ng dalaga nang makarating ito sa kanila at pinakilala ng kaniyang ama. May gigintuan itong buhok, mga berdeng mata at mapupulang labi. Maganda ang binibini at hindi ito maitatanggi ni Zeren ngunit para sa kaniya ay wala pa sa kalingkingan ni Adelle ang ganda ninto. Napatingin siya sa mga ngiti ng dalaga na halatang nahihiya sa kaniyang harapan, wala siyang emosyon nang makita ang mga iyon na siyang pinagtataka niya dahil tuwing ngingiti sa kaniya si Adelle ay kinikilabutan siya. “Maligayang kaarawan lady Elionora,” bati ni Zeren sabay kuha sa kamay ng dalaga at halik dito. “Nagdala ako ng munting regalo para sa ‘yo, sana ay magustuhan mo my lady,” dagdag ni Zeren sabay yuko at bigay galang sa dalaga na siyang kinakilig ninto. Inggit na inggit ang mga kababaihan na nakasaksi ng pangyayari, tila ba nais nilang punitin ang mga ngiti sa mukha ni Elionora at pahiyain ang dalaga ngunit alam nilang mataas ang estado ninto at isa pa nasa loob sila ng kasiyahan kung saan kaarawan ng binibini. Walang nagawa ang mga tiga paghanga ni Zeren kung hindi tumingin at mainggit kay Elionora na binibigyan ng atensyon ng binata. “Maraming salamat my lord, hmmm...” sambit ng dalaga at bago pa sila iwan ng duke ay muli itong tumingin kay Zeren saka ito nginitian. Alam naman ni Zeren kung ano ang nais nitong gawin kaya nang marinig nila ang paunang kanta sa loob ng pagtitipon ay kinuha niya na ‘tong pagkakataon upang kunin ang unang sayaw ng dalaga. Alam niya rin naman na ito ang nais sabihin ni Elionora at halatang naghahanap ito ng tamang tyempo para ayain siya magsayaw ngunit dahil siya ang babae, isang kahihiyan kung siya ang mag-aaya ng sayaw sa binata. Nagtungo sila sa gitnang parte ng dance hall, halos lahat ng mga mata ay nakatingin sa debutante at sa mala prinsepeng binata na si Zeren. Puno ng inggit at paghanga ang natamo ng dalawa dahil sa maganda at paboloso nilang pagsasayaw. “Lahat ng binibining naisayaw ni lord Zeren ay tila gumaganda pag siya na ang kapareha ninto no?” Sambit ng isa sa mga nanonood at patuloy na humahanga sa ganda ng sayaw na pinapakita ng dalawa. “Pano hindi gaganda? Eh, dalang-dala ni Earl Zeren ang galaw ni lady Elionora, na para bang sinasayaw siya ng isang prinsepe na hinugot mo sa loob ng libro,” bulungan nila at bangayan habang inggit na inggit sa binibini. Patuloy naman pinakita ni Zeren ang talento niya sa pagsayaw at lalo pang ginalingan ang pag-akto sa harap ng binibini, lalo niyang pinagseselos ang mga babae sa loob ng banquet para sa ganon pagtapos na ang pagtitipon ay sila na ang bahalang magpatahimik at magbigay ng leksyon kay Elionora. Alam niyang haharasin ng mga tiga paghanga niya ang dalaga kaya naman lalo niyang ininggit ang mga kababaihan para mawala ang balakid sa daan niya. Hanggang madaling araw ang kasiyahan ngunit nais niya nang umalis sa lugar na ‘yun dahil sa nakakasakal na pag-akto niya sa harap ng karamihan. Kahit sanay na siyang maging impostor at magpakita ng pagiging peke niya sa lahat ay paminsan-minsan ay napapagod din siyang magpakitang tao sa lahat, isa pa may dapat pa siyang daanan ngayong gabi. Kaya naman nang makahanap ng pagkakataon si Zeren ay agad na siyang nagpaalam sa Duke at umalis sa Marque, sumakay siya sa loob ng kaniyang karwahe at nang makalagpas ng bayan ay pinababa niya ang bandera ng House Quitus na nakasabit sa itaas ng karwaheng kaniyang sinasakyan upang walang makaalam kung kanino ang karwaheng papalabas ng bayan. “Sa lumang parke,” utos niya sa kutsero at tumango naman ‘to sa kaniya saka siya yumuko sa upuan at inangat ang kutsyon ninto. Sa ilalim ng upuan ay may natatagong compartment, doon niya inilalagay ang kaniyang damit at mga gamit sa gagawin niyang trabaho. Ibinaba siya ng karwahe sa isang madilim na iskinita habang may suot na malaki’t bilog na sumblero na siyang magtatago sa kaniyang mukha at makapal na itim na coat na aabot hanggang sa kaniyang tuhod. Tumango siya sa kutsero at mabilis itong nagpatakbo papalayo sa kinaroroonan niya saka naman siya naglakad sa loob ng iskinita habang may hawak na suitcase na gawa sa leather at dare-daretsyong pumunta sa daan na tanging siya lamang ang nakakaalam. Nagtungo siya sa isang lumang parke, kung saan sa gitna ninto ay mag nakatayong rebulto ng namayapang Earl na si Ramon. Kilala ang Earl sa pagiging bayani ninto sa mga dumaang gera sa loob ng emperyo, isa lamang siyang normal na mamamayan na nagkaroon ng titulo dahil sa kagitingan na kaniyang ginawa para maipanalo ang malaking gera ilang dekada na ang nakakalipas. Tumingala siya sa malaking rebulto na ‘yun, nakita niya kung gano na kaluma ang bato at halos walang naglilinis dito para pamahayan ito ng lumot at iba pang alikabok. “Kamusta na my lord?” Tanong niya sa lalaking kumopkup at nagbihis sa kaniya para maging kung sino man siya ngayon. Napangiti siya ng mapait nang makita ang itsura ng rebulto, wala na kasing nagtutungo sa parke na ‘to at tila ba matagal nang nakalimutan ng mga tao ngunit parati na punta si Zeren sa lugar na ‘to para dalawin ang Earl, ganu’n na rin para kuhain ang mga liham ng mga taong humihingi ng tulong sa kaniya. Tuwing huwebes ng gabi ay nagtutungo siya rito para kunin ang mga sulat na iniiwan ng mga taong nais nang tapusin ang kanilang buhay— tama, mga taong sawa na sa hirap at sa pasakit ng mundo, mga taong hindi na kayang lumaban ngunit takot mamatay. Sila ang mga kustumer ni Zeren, ang mga taong nais mamatay sa mga kamay niya. Mayroon din namang mga taong nag-iiwan ng sulat para may ipapatay na iba, lalo na ang mga taong galit at walang laban sa mga mayayaman, mga taong niyurakan at hindi makapalag dahil wala silang pera o yaman para lumaban sa mga kilalang tao na ginagamit ang yaman nila para yurakan ang iba. Yumuko si Zeren sa paanan ng rebulto ng Earl at kinuha ang nakaipit na liham sa paanan ninto, binuklat niya ‘to at binasa ang laman ng liham. “Ginawa na talaga nila akong si kamatayan,” sambit niya nang mabasa ang liham saka niya binuksan ang hawak niyang suitcase at kinuha roon ang paborito niyang balisong, tinago niya ‘to sa kaniyang coat at naglakad pabalik ng bayan. Sa malalim na gabi na puno ng hamog at usok, sa tahimik na iskinita na wala ka nang madadatnan na tao— doon mo siya makikita na naglalakad at naghahanap ng kaniyang mabibiktima. Ang tinatawag nila sa pangalang Zen Livius, ang lalaking kukuha ng iyong buhay sa mabilis at walang kasakit-sakit na paraan. Ngunit kung inaakala ng lahat na walang pasakit sa pagpatay si Zeren ay doon sila nagkakamali, mas nais niyang pumatay ng mga kriminal, mga r****t at iba pang mga sakim na tao, dahil doon niya lang nararamdaman ang tunay na pagpatay habang pinaglalaruan ang buhay ng biktima niya. Tinawag siya sa pangalang Zen galing sa salitang Zeren o kahulugan ay mapayapa, ang Livius naman na may dalawang kahulugan at ito ay ang selos at ang kulay na asul. Madalas kasi siyang mag-iwan ng asul na panyo na may letrang Z na nakaburda rito habang nasa ibabaw ng mukha ng sino mang pinatay niya, naisip nila ang salitang Zen dahil bawat taong pinapatay ni Zeren ay makikitaan ng payapang pagkamatay sa mga mukha ninto. Pero marami rin siyang pinatay na may karumaldumal na katapusan, karamihan sa mga ‘to ay kilalang magnanakaw at mamamatay tao. Nalalaman na lamang ng mga saksi na masama ang taong iyon kung may iniwan na itim na panyo ang tinatawag nilang Zen Livius at doon nila huhusgahan ang bangkay batay sa mga nagawang kasalanan ninto. Ngayon ay mukhang asul na panyo ang ilalagay niya sa ibabaw ng mukha ng taong papatayin niya, dahil ang sumulat ng liham ay galing sa isang lalaking may malubhang sakit. Nagtungo siya sa lokasyon kung saan nakasulat ang address ng kliyente niya. Sa paglalakad niya ay pansin niyang nasa parte na siya ng bayan kung saan nagtitipon-tipon ang mga mahihirap. Tahimik ang lugar, maraming tao ang natutulog sa lansangan at ang iba rito ay halatang hindi na humihinga pa, kumunot ang noo niya dahil hindi niya maatim ang mga nakikita niya. Nais niyang putulin na ang misirableng buhay ng mga ‘to ngunit hindi niya magawa dahil alam niyang may karapatan pa ring lumaban ang mga ‘to sa hirap ng buhay na mayroon sila. Tinuon niya na lang ang kaniyang atensyon at nagtungo sa lugar kung saan niya muling gagawin ang trabaho niya. Tahimik siyang umakyat sa isang palapag ng bahay panuluyan, tahimik ang buong lugar at halatang tulog na ang lahat. Binuksan niya ang huling pinto sa dulo ng pasilyo kung saan nakasaad ang sulat na ito, marahan niyang pinihit ang seredula ng pinto at nakita ang isang batang lalaki na nakahiga sa kaniyang kama malapit sa isang binanta kung saan makikita ang bilog at maliwanag na buwan. Luma na ang kwarto, sira-sira ang mga dingding pati na rin ang higaan ng bata. Tanging isang kama at isang upuan lang ang nasa loob ng malamig na silid kung saan mamatay ang batang nasa kaniyang harapan. Sobrang payat na ninto, halos buto’t balat na lamang ang bata habang nakatingin ito sa labas ng bintana at tinatanaw ang liwanag ng buwan. Nakatayo lamang si Zeren sa gilid ng pinto habang pinagmamasdan ang huling gabi ng batang papatayin niya. “Ikaw na po ba ‘yan Mr. Zen Livius, tama po ba?” Tanong ng bata at na pansin ni Zeren na bulag ito at hindi siya nakikita. “Ako nga,” mahina niyang tugon saka naglakad papalapit sa bata at inalalayan ito sa pagkakahiga. “Ah, salamat naman po at makakapagpahinga na po ako,” sambit niya at tumango lamang si Zeren kahit hindi siya nakikita ng kaniyang kausap, tila sanay na sa ganitong eksena at sa trabaho niya. “Tingin niyo po pagnamatay ako ay magiging ayos na ang lahat para sa pamilya ko at para sa ‘kin?” Tanong ng bata ngunit alam ni Zeren na hindi niya masasagot ang bagay na iyon dahil wala naman kasiguraduhan na kung kukunin niya ang buhay ng batang ito ay magiging ayos na ang lahat. Ngunit pinili niyang magsinungaling, mas pinili niyang bigyan ng katahimikan ang kawawang nilalang na nasa kaniyang paningin. “Oo naman, makakapagpahinga ka na at hindi mo na mararanasan ang hirap ng mundo,” sambit niya at nakita niyang tumulo ang luha ng bata sa mga patay na mata ninto. Tila ba kahit bulag ang bata ay kumikislap ang mga mata ninto dahil sa luhang lumalabas dito. “Totoo po ba? Kung ganon masaya na kong mamatay kahit na gusto ko pang mabuhay at lumaban, kahit na sobrang dilim ng mundo ko o hindi makita ang buwan ngayon gabi, dahil kahit papano po naging masaya naman ako sa mga oras ko sa piling ng magulang ko,” sagot ninto sa kaniya at nakita niyang pumikit ang bata sa kaniyang harapan, humiga ito sa kaniyang higaan kahit na pilit tinatago ang takot dahil sa pagkitil sa sariling buhay. Ngunit bago gawin ni Zeren ang trabaho niya ay muli siyang nagtatanong sa mga kliyente niya ng isa pang pagkakataon na baka nais pa rin ninto mabuhay. Kahit na alam niyang sobrang dami na ng inipon na lakas ng loob ng mga ito para sulatan siya at pakiusapan siyang patayin na sila. “Sigurado ka na ba sa desisyon mo?” Tanong niya sa bata ngunit hindi na ito sumagot, napatingin siya sa mahimbing na pagkakatulog ninto, habang nakapikit ang mata at may kakaunting luha na tumutulo rito. Hinawakan niya ang bata sa noo, lumalamig na ito at nung pakiramdaman niya ang pulso ay nalaman niyang wala nang pulso ito. Malamin siyang napabuntong hininga, napailing at kumuha na lamang ng asul na panyo upang takpan ang mukha ng nahihimbing at wala nang buhay na bata sa kaniyang harapan. “Sinulatan mo lang ako para may kasama ka sa huling hininga mo?” Sambit niya at hindi maiwasan humanga sa batang nakausap niya. “Masyado ka pang bata para danasin ang hirap ng mundo,” sambit niya at nag iwan na lamang ng isang bulto ng pilak na nakalagay sa maliit na lalagyan sa tabi ng malamig na bangkay ng bata. Lumabas siya sa silid na iyon at bumalik kung saan nag-iintay ang karwahe niyang magdadala sa kaniya pauwi sa Quintus. Hindi maiwasan ni Zeren na isipin ang batang nakausap niya kanina, kahit sa saglit na pag-uusap na iyon ramdam niya kung gano katapang ang batang para humiling sa kaniya at akuin lahat ng paghihirap na maaari pang makuha ng mga magulang niya dahil sa sakit niya. Malamang ay hindi niya pinaalam sa mga magulang niya na ramdam niyang mamatay na siya, o hindi kaya talagang inintay niya na lamang si Zeren sa pagdating ninto upang kahit papano ay may makasama siya sa mga huling oras niya. Hindi tuloy maiwasan ni Zeren na makaramdam ng kirot sa kaniyang dibdib. Alam niyang dapat na siyang masanay sa mga ganoong bagay ngunit minsan nakakasagupa talaga siya ng mga taong nag iiwan ng tatak sa utak at puso niya. “Narito na po tayo my lord,” saad ng kutsero at bumaba siya sa labas ng manor nila sa likod na bahagi kung saan mayroon siyang sikretong daanan papasok, doon siya dumaan upang walang sino man ang makaalam na siya ang Earl saka siya naglakad nang tahimik sa madilim at mahabang pasilyo patungo sa kaniyang silid. “Zeren?” Napalingon siya at sandaling napahinto sa kaniyang paglalakad nang marinig ang pamilyar na boses ng isang babae. “Ikaw ba ‘yan?” muling tanong ninto at napakagat na lamang si Zeren sa kaniyang labi dahil hindi pa siya nakakapagpalit ng kaniyang damit, na sanay siya na dumaretsyo na lamang sa kaniyang silid dahil halos lahat naman ng tao sa loob ng manor ay alam ang sikreto niya. Nawala sa isip niya ang bisita nila na ngayon ay papalapit na sa kinatatayuan niya. TO BE CONTINUED
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD