♕CHAPTER 5♕

2353 Words
♛♕♛ Maagang bumangon si Zeren para mag-ensayo, hindi rin siya ganong nakatulog pagtapos ng gulong dinulot ni Adelle Lebertia sa loob ng Quintus kahapon. Masyado siyang atintibo at hindi mapakali sa buong gabi dahil hindi niya alam ang posibilidad na gawin ng dalaga kung ipiikit niya ang kaniyang mga mata. Iniisip niya rin buong gabi kung sino ang nagpadala ninto o ano ang pinaplano ninto sa kaniya, puno ng katanungan ang utak ni Zeren kaya nais niya sanag ilabas lahat ng frustration niya sa pag-eensayo. Kailangan ko malaman kung ano ang binabalak niya o ano ang plano niya sa loob ng Quintus, hindi ko pwede ibaba ang depensa ko sa harap ng babaeng iyon dahil baka malaman niya ang totoo kong pagkatao na siyang sisira sa imaheng iniingatan ko. Hindi maiwasan ni Zeren na mainis, dahil kahit anong gawin at pilit niyang hindi isipin ang binibini ay patuloy itong tumatakbo sa isipan niya at hindi siya makatiis na gumawa ng hakbang para mapaalis nang maaga ang babaeng iyon sa manor niya. Kaya naman pagtapos na pagtapos ng ensayo niya ay agad siyang nagtungo sa kaniyang silid at hinubad ang kaniyang polong puti na puno ng pawis mula sa pag-eensayo. Bumabakat ang maputing balat ni Zeren sa manipis na tela ng kaniyang polo at isa-isa niyang tinatanggal ang butones ng mga 'to saka sinunod ang kaniyang itim na pantalon at nagtungo sa loob ng kaniyang silid paliguan. Lumublob siya sa maligamgam na tubig at sinandal ang kaniyang likod sabay tingala at basa ng kaniyang buhok. Sanay siyang kumilos nang mag-isa, lumaki siya sa loob ng manor na hindi pinagsisilbihan ng sino mang katulong pagdating sa paliligo at pagbibihis niya dahil ayaw niyang may makakita ng mga pilat niya sa likot at katawan dulot ng masalimuot niyang kabataan. Iba ang imahe na binuo niya sa harap ng mga taong nasa paligid niya, isang mala prinsipeng binata na hinahangaan ng lahat ngunit ang hindi nila alam ay ang binatang iniidulo nila ay may maruming kamay, may bahid ng dugo na kahit anong gawin niyang hugas dito ay hinding-hindi na maalis pa ang dungis ninto. Ngunit hindi naman mapigilan ni Zeren ang kasabikan sa pagpatay ng tao, iyon na ang kinalakihan niya at ito na rin ang hinahanap-hanap ng laman niya. Iyon ang bagay na hindi alam ng karamihan at kung lalabas man ang katotohanan na iyon ay alam niyang muling babaliktad ang roleta ng buhay niya at babalik siya sa pagiging mahirap. "Hindi ko sasayangin ang binigay na oportunidad ng matanda sa akin, kaya kung sino man ang nagbabalak na hanapan ako ng baho sa loob mismo ng manor ko ay magbabayad," bulong niya at nayukom ang palad habang iniisip si Adelle at ang plano ninto. Pagtapos makapagpahinga ay agad na nagtungo si Zeren sa kaniyang opisina at nakita niya roon si Richard na maagang inaasikaso ang mga papeles na natapos niya na kahapon, tumango si Richard sa harap niya at binati siya ng magandang umaga kaya tumango siya rito at umupo sa pwesto niya. "Mukhang hindi maganda ang gising niyo my lord," saad ni Richard habang nakatayo sa harap ng binata at si Zeren naman ay nakasandal sa malaking upuan ninto sa loob ng kaniyang opisina. "Hindi ako nakatulong ng ayos kagabi," sagot naman ni Zeren na pinagtaka ni Richard, sa lahat ng taong nakapalibot sa Earl ay si Richard ang mas nakakakilala rito kahit kanino man at bago sa pandinig niya ang bagay na iyon. Alam niya ang libangan ng kaniyang alaga, alam niyang madalas itong umaalis ng hating gabi para lang maghanap ng mabibiktima ninto at agad na uuwi para matulog. Sa dami ng pinatay ng alaga niya ay iniisip niya pano ito nakakatulog nang mahimbing sa bawat gabi na lumilipas ngunit nagtataka siya na dahil lang sa bisita nilang si lady Adelle ay hindi na 'to nakatulog at tila ba buong gabi pinag-iisipan ang pagpapatalsik sa dalaga. "Dahil ba sa inyong bisita?" tanong ni Richard kahit na halata niya na naman ang sagot at tumango si Zeren sabay hilamos sa kaniyang mukha at buntong hininga. "Hindi ko alam ang binabalak niya kaya gusto ko mag-utos ka ng tauhan para alamain ang buong pagkatao ng babaeng iyon, gusto ko lahat ng tungkol sa kaniya ay malaman ko para mahanap natin ang totoong dahilan niya sa pagpunta rito," utos ni Zeren sa kaniyang kanang kamay at agad naman na tumango si Richard at sinunod ang utos ng kaniyang alaga. "May ipag-uutos ka pa ba my lord?" tanong ni Richard at nag-isip si Zeren ng bagay na kailangan niyang gawin ngayon. "May gagawin ba kong trabaho ngayon?" tanong niya at umiling naman si Richard bilang sagot dahil natapos na ng kaniyang alaga ang mga trabaho ninto kahapon. "Sa ngayon po ay unting papeles na lang ang kailangan niyang basahin at pirmahan, wala rin kayong pasok at ensayo ngayon umaga kaya maluwag po ang schedule niyo ngayon araw. May nais ba kayong puntahan?" tanong ni Richard at umiling si Zeren at napangisi. "Maghanda ka ng simple ngunit eleganteng lamesa sa hardin, nais ko kumain kasama ang bisita ngayon," sambit niya at napalunok si Richard dahil alam niyang maaaring manganib ang binibini sa kaniyang alaga. "My lord, hindi pa natin alam kung sino talaga ang binibini, wala ka naman sigurong binabalak na gawin sa kaniya sa ganito kaaga, hindi ba?" Kabadong tanong ni Richard at napangiti lang si Zeren sabay iling. "Wag ka mag-alala, kikilalanin ko lang ang bisita na 'tin at wala nang iba," sambit ni Zeren ngunit nakita ni Richard ang pagkuha ninto ng pabirto niyang balisong sa ilalim ng drawer ng kaniyang office table at alam niyang hindi maganda ang binabalak ng kaniyang alaga sa dalaga. Ngunit wala naman magagawa si Richard sa nais ng kaniyang amo kaya tumango na lang ito at lumabas na para gawin ang mga inuutos ninto sa kaniya. Samantalang si Zeren naman ay maayos na itinago ang patalim na iyon sa loob ng suot niyang coat. Tumayo siiya at humarap sa isang malaking salamin sa loob ng kaniyang opisina, inayos niya ang tindig niya sa harap ng salamin at inayos ang kaniyang itim na buhok at nag ensayo kung pano ngumiti sa harap ng bisita nila gamit ang maninis niyang labi na kakulay ng bagong sibol na rosas. Gamit ang gigintuan niyang mata na may halong kulay kahel ay tinitigan niyang maige ang maayos niyang pustura, "sino nga naman mag-iisip na sa likod ng maamo kong mukha ay may tinatago akong patalim sa loob ng aking damit?" tanong ni Zeren sa kaniyang repleksyon sa salamin at hindi maiwasan matuwa sa binabalak niyang gawin. "Siguro nga hindi na masamang magkaroon ng bagong laruan sa loob ng Quintus Estate, tutal masyado na kong naging abala na hindi na ko nakakakuha ng panibagong buhay sa bayan nitong mga nakaraang gabi," sambit ni Zeren sa sarili at muling inayos ang kaniyang buhok sabay talikod sa harap ng salamin at lakad palabas ng kaniyang opisina. Sa loob ng emperyo may kakaibang kumakalat na kwento sa bawat madilim na sulok ng back alley sa Verine Empire, may isang kwentong bayan na nagkakaroon ngayon ng ingay sa loob ng emperyo. Isang lalaki na patuloy na pumapatay ng kahit sino mang kriminal na kaniyang madadaanan sa madilim na sulok ng back alley, ngunit may usap-usapan din na hindi lang mga kriminal ang pinapatay ninto kung hindi pati na rin ang ibang taong inosente at may sakit na tila ba siya si kamatayan na sumusundo sa mga nais nang mamatay. Tinawag ang lalaking ito na Zen Levius, isang grim reaper na nakasuot ng isang itim na coat at isang malaki at bilog na sumblero. Walang nakakakita ng buong mukha ng lalaki bagkos tanging maputing balat lamang ninto na sing kulay ng nyebe at ang manipis na labi ninto na kakulay naman ng bagong sibol na bulaklak. Wala pang nakakapagpatunay ng usap-usapan na iyon at wala rin namang balak hulihin ng mga otoridad ang naturang lalaki dahil sa tingin nila ay katulong nila ito sa pagpuksa ng krimen sa lugar at dahil din sa usapan na iyon ay nalilimitahan na ang mga tao sa paglabas ng kanilang mga tahanan pagsapit ng gabi. Ang hindi alam ng mga tao sa loob ng emperyo na ang tinatawag nilang prinsepe ng mamamayan ay siya ring si Zen Livius. Sino nga naman mag-aakala sa bagay na iyon dahil halos perpekto na ang imaheng ipinapakita ni Zeren sa mga mata nila. "At hindi ko hahayaan na masira ng babaeng iyon ang pinaghirapan kong buoin sa lumipas na taon," sambit ni Zeren sa kaniyang sarili at nagtungo na sa hardin kung saan niya tatagpuin ang bisita nila sa Quintus. Marahan siyang lumapit sa lugar ng kanilang tagpuan, sa ilalim ng malaking puno kung saan nakapwesto ang isang simpleng bilog na lamesa at dalawang upuan na magkaharap sa isa't isa. Naglakad siya papalapit dito ngunit agad din napahinto ang mga paa ni Zeren nang makita si Adelle na papalapit din mula sa kabilang direksyon. Nagpasya siyang pagmasdam muna ang galaw ng dalaga bago siya magpakita rito, iniisip na baka may makita siyang kakaiba sa kinikilos ninto habang wala siya ngunit iba ang nasaksihan ni Zeren, malayo sa inaasahan niyang makita. Dahil halos bumagal ang paningin niya nang makita ang kagandahan ng dalaga, nakasuot ito ng simpleng puting bistida at may malaking sumblero na nagbibigay silong sa magandang mukha ninto. Ang mahaba at kahel nintong buhok ay nakalugay lamang na lalong kumikinang sa sikat ng araw sa hardin, nakita niya kung pano kuminang ang kulay abo nintong mga mata na tila ba pamilyar sa kaniya at hindi niya mawari bakit parang nais niya na lang titigan ang dalaga. Napalunok siya at na pagtanto na tulala na siya sa pagmamasid dito, na pansin niyang umupo na si Adelle sa harap ng lamesa kaya napailing siya at umakto na para bang walang nangyaring mahika sa harapan niya kanina at akmang maglalakad na papalapit ngunit muli siyang napaurong nang makita niya ang binibini na para bang balisa. Panay ang lingon ninto sa buong paligid kaya naman agad nagtago si Zeren upang matyagan si Adelle saka niya hinuli ang balak ninto gawin habang walang nakatingin. "Maglalagay ba siya ng lason sa pagkain ko?" tanong ni Zeren sa sarili dahil hindi na naman bago ang ganong taktika ng mga kalaban niya, iniisip niya na baka unti-unti siyang lasunin ni Adelle o baka may ilagay na droga sa kaniyang pagkain para mapaikot siya ninto. Napangisi si Zeren dahil akala niya maaga niyang mahuhuli ang totoong pakay ni Adelle at kung bakit ito naparito sa manor niya ngunit agad napalitan ng gulat ang mga ngiti niyang iyon nang makita niyang hinuhubad ni Adelle ang suot nitong sandals at sumblero sa ulo. Nakita niya kung pano laruin ni Adelle ang mga paa ninto sa malambot na d**o ng hardin ng Quintus, parang bata na ngayon lang nakaranas ng ganoong bagay at hindi lubos akalain ni Zeren na gagawin ito ng isang binibini na sing ganda at elegante ni Adelle. Kumunot ang noo ni Zeren sa kaniyang nakikita, muli niyang na pansin na panay ang lingat ni Adelle sa buong paligid at nang makumpirma ninto na wala ulit tao ay mabilis itong tumayo sa kaniyang kinauupuan at tumingala sa malaking puno na nasa harapan niya. Halos magimbal si Zeren sa sunod na ginawa ni Adelle, nakita niyang umakyat ito sa puno habang nakasuot ito ng bistida at hindi niya mapigilan na matawa dahil para itong tuko na umaakyat sa taas ng puno. Iniisip niya kung ano ang balak gawin ng dalaga sa taas ng punto ngunit nakita niya na umupo lang ito sa malaking sanga at pinagmasdan ang kabuoan ng hardin. "Tinitignan niya ba ang buong estate? Pinag-aaralan niya ba ang buong lugar para kung sakaling tatakas niya alam niya saan siya pupunta?" Iyon ang sunod na pumasok sa isip ni Zeren kaya agad niyang nilapitan si Adelle para hindi ninto matuloy ang binabalak niya. Nakapamewang siyang tumingala sa harap ng puno at tinignan si Adelle na walang kamalay-malay sa presnsya niya, "anong ginagawa mo d'yan lady Adelle?" Tanong ni Zeren na kinabigla ni Adelle kaya agad siyang nataranta dahil sa hiya at nakita siya ng binata sa ganoong sitwasyon. "Ah... eh ano my lord, tinitigan ko lang po ang kabuoan ng hardin!" Natatarantang paliwanag ni Adelle at namadaling bumaba sa puno ngunit dahil sa kaniyang mapapadali ay nadulas ang isa niyang paa sa sanga dahilan para mahulog siya. "Ahhh!" Agad na ipinikit ni Adelle ang kaniyang mata dahil alam niyang lalagapak na siya sa lupa ngunit imbes na matigas na lupa ang bagsakan niya ay agad niyang naramdaman ang bisig ng binata at ang malakas na kabog ng dibdib niya. Marahan na minulat ni Adelle ang kaniyang mga mata at nakita ang mapupungay na mata ng binata na nakatitig sa kaniya na gulat na gulat at may pag-aalala. Ngunit hindi makakaila ni Adelle na hindi siya makapag-focus lamang sa mga mata ninto dahil ang buong mukha ng binata ay parang isang magandang portrait na masarap titigan at pagmasdan. "Ayos ka lang ba?" tanong ni Zeren at hindi pa rin makapaniwala sa nangyari. "Ang gwapo mo talaga no?" Direktang tanong ni Adelle na kusang lumabas sa kaniyang bibig dahil sa paghanga sa binata. Agad naman na bigla si Zeren at ramdam niya ang pamumula ng kaniyang mga pisnge sa hiya kaya agad niyang binaba si Adelle sa pagkakabuhat ngunit na bigla siya nang yakapin siya ng dalaga at ipulupot ang dalawang braso ninto sa leeg niya. "Teka lang, wag mo muna ako ibaba..." sambit ni Adelle ngunit hindi na mapigilan ni Zeren ang hiya at ang pagtibok ng puso niya na tila nagwawala sa ginagawang kabulgaran ng binibini. "Hi-hindi nararapat ang bagay na 'to my lady," sambit ni Zeren at ibinaba si Adelle sa upuan ninto kahit na kanina niya pa nais ibato si Adelle malayo sa kaniya dahil alam niyang kung patuloy itong lalapit sa kaniya ay mas lalakas ang kabog ng dibdib niya. "Aw..." nakangusong sambit ni Adelle sa binata na lalong kinakunot ng noo ninto at halos ikabaliw ni Zeren. Baliw na ang isang 'to? Anong gusto niya sa akin! TO BE CONTINUED
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD