♛♕♛ Hindi makapaniwala si Adelle sa kaniyang nasasaksihan, hindi binibitawan ni Zeren ang kaniyang kamay habang sabay silang nag-iikot sa magagandang parte ng bayan. Panay din ang kwento ninto at hindi siya hinahayaan na maburyo sa paggagala nilang dalawa. Para bang pagtapos ng nangyaring insedente ay mas naging maingat ito sa kaniya at hindi siya hinihiwalayan. Pakiramdam tuloy ni Adelle ay totoo silang magnobyo at nobya habang masayang naglilibot nang magkasama sa bayan. 'Natatakot ba siya na may lumapit ulit sa aking mga lalaki? Hindi ko inaasahan na ganito ang ikikilos niya pagtapos ng insedente, hindi ko tuloy maiwasan kiligin lalo sa lalaking 'to.' Naiisip ni Adelle habang tinitignan ang binata na masayang nagkukwento tungkol sa mga kaganapan sa loob ng emperyo nila. "Tuwing ta