♛♕♛ Maagang nag-ayos si Zeren dahil pinapatawag siya ng Emperor sa royal palace upang makausap ito tungkol sa pinadalang liham sa kaniya. Nakatayo siya sa harap ng beranda ng kaniyang opisina at iniintay na lang na sunduin siya ng karwaheng maghahatid sa kaniya papuntang palasyo. Sandali siyang napatingin sa isa pang sobre na galing sa kaniyang tauhan, ito na ang report tungkol sa pagkatao ni Adelle ngunit sa dami ng kaniyang iniisip at kailangan gawin kagabi ay pinagpabukas niya na lamang ito at mamaya na lang ito titignan. Napatingin siya sa baba kung saan tanaw niya ang kabuoan ng hardin, nakita niya si Adelle na naglalakad mag-isa at mukhang tamad na tamad ngayon umaga. Pansin niyang wala man lang itong lady in waiting o sino mang katulong na sumusunod sa kaniya sa kaniya paglal