♕CHAPTER 8♕

2523 Words
♛♕♛ Maputing balat, matangos at manipis na ilong, mapupulang labi ang naaninag ni Adelle sa lalaking nakatayo sa kaniyang harapan. Hindi niya makita ang kabuoan ng mukha ninto dahil sa natatakpan 'to ng malaking sumblero ngunit kahit malayo pa lang ay alam niya na kung sino ang binata na 'to. "Zeren," tawag niya sa binata ngunit parang natuod 'to. Napaisip tuloy si Adelle kung may dapat ba siyang hindi masaksihan dahil parang nagdadalawang isip ang binata na lapitan o kausapin siya, kaya naman siya na lang ang mismong lumapit dito at nakita ang gwapong mukha ng binata. Tumingala siya rito at agad naman siyang binigyan ng mga pekeng ngiti ni Zeren na alam niyang may tinatago, ramdam niya kung ang isang tao ay hindi nagpapakita ng totoong emosyon ninto o hindi naman kaya peke ang mga 'to. "Lady Adelle, bakit gising ka pa?" Tanong naman ni Zeren at pilit na kinakalma ang sarili habang tinatago ang kaba sa pamamagitan ng ngiti. Nakita ni Adelle ang kakatuwang suot ng Earl sa gitna ng gabi, nagtataka siya bakit nakasumblero itong itim na sumasakop sa kabuoan ng kagwapuhan ng binata at may suot pang mahabang coat habang may bitbit na suitcase. Iniisip niya tuloy ay aalis ang Earl ngayon gabi ngunit mukhang pabalik naman 'to sa kaniyang silid na lalong nagbigay ng katanungan kay Adelle ngunit ang mas napansin niya ay ang malungkot nintong mga mata na tila may nangyaring hindi maganda sa binata. "Ayos ka lang ba my lord?" Tanong ni Adelle na siya namang kinagulat ni Zeren. Sa dinami-dami ng pwedeng itanong sa kaniya ng dalaga ay bakit ito pa ang unang tinanong ninto, nagtataka tuloy si Zeren kung bakit hindi man lang tinanong ng dalaga ang tungkol sa suot niya o saan siya galing, bagkos inuna pa nintong tanungin kung ayos lang ba siya. "Ayos lang naman ako my lady, mukha ba kong hindi ayos?" Pakunwari at inosenteng sagot niya sabay ngiti ng malambing sa dalaga. Nagtataka siya dahil kahit nakangiti na siya at masaya sa harap ninto ay kinakamusta pa rin siya ng dalaga na akala mo ay nag-aalala ng todo sa kaniya. "Parang ang lungkot kasi ng mga mata mo kahit nakangiti ka," sagot ni Adelle at lalo pang lumapit kay Zeren sabay tingin nang diretsyo sa mga mata ninto na kinakaba naman ng binata. "Kung may problema ka pwede mo sa 'kin sabihin, makikinig ako o kung nais mo lang ng kadamay ngayon ay sasamahan kita," sambit ni Adelle at napakunot naman ang noo ni Zeren dahil doon. Hindi niya alam kung masyado lang magaling umakto si Adelle at parte ito ng mga planong pagpapanggap niya para mapasok ang Quintus, o talagang nag aalala sa kaniya ang dalaga. Ano man ang totoo sa dalawa ay kinapipikonan niya kaya naman pilit niyang tinago ang pagnanais niyang pumatay at ngumiti na lang sa dalaga. "Hahaha hindi ko alam kung anong tinutukoy mo my lady, wala naman akong problema. Oh siya, mauna na ko. Magandang gabi binibini," saad ni Zeren at yumuko na sa harap ni Adelle saka naglakad papasok sa kaniyang silid. Kumaway naman si Adelle habang pinagmamasdan ang mailap na Earl, hindi niya alam pero nakakaramdam siya ng kakaiba sa mga galaw ninto at iyon ang nais ungkatin ni Adelle. Samantalang si Zeren naman ay pumasok na sa loob ng kaniyang silid at dumaretsyo ng higa sa kama pagtapos niyang hubarin ang kaniyang mga damit at ihagis na lang ito sa sahig. Pinatong niya ang kaniyang braso sa kaniyang noo at tumingin nang malalim sa kisame habang nag-iisip ng mga bagay na kanina pa tumayakbo sa kaniyang isip. Sobrang okupado ng utak niya dahil sa mga inakto at sinabi ni Adelle, hindi niya tuloy natanong ang dalaga bakit gising pa 'to at naglalakad sa pasilyo ng manor. Lalo siyang napabuntong hininga, imbes na mahuhuli niya na si Adelle at maaari na itong interogahin ay nawala pa ang pagkakataon niya dahil sa pagnanais niyang makalayo kaagad sa dalaga. Gusto niyang idaan sa dahas ang pagtatanong at paghahanap ng sagot sa kung bakit naparito si Adelle. Nais niyang alamin ang totoong pakay ninto hindi iyong kung ano-ano ang pinagsasabi ng dalaga sa kaniyang harapan para makuha ang kaniyang loob. Naiinis din naman siya sa kaniyang sarili dahil alam niyang pwedeng-pwede niya naman patayin si Adelle ng walang nakakaalam dahil paniguradong tikom ang bibig ng bawat tao sa loob ng manor, ngunit hindi niya alam bakit kinakain siya ng kuryosidad sa totoong pagkatao ng binibini. Nais niya pang makilala ito, kahit na hindi niya naman ugali mamakialam sa ibang tao o sa buhay ng mga 'to pero hindi niya malaan bakit tinatawag ni Adelle ang kuryosidad niya. Napabuntong hininga na lamang si Zeren at pinikit ang kaniyang mga mata, hindi makapag-intay malaman ang iba pang bagay sa kaniyang bisita bulas ng umaga. ♛♕♛ Maagang bumangon si Zeren para muling gawin ang kaniyang daily routine na pag-eensayo, wala siyang pasok ngayon sa trabaho o ano mang ibang aasikasuhin kaya nais niyang gawing pagkakataon ang araw na 'to para mas makilala si Adelle. Winasiwas niya nang paulit-ulit ang hawak niyang espada sa harap ng makapal kahoy, wala rin ang kaniyang guro kaya siya lamang mag-isa ang nag eensayo. "Magandang araw my lord!" Napapitlag si Zeren nang marinig ang boses ni Adelle sa kaniyang likuran. Marahan siyang lumingon dito at nagtataka bakit hindi niya na ramdaman ang dalaga. "Ah, magandang araw lady Adelle," sagot naman ninto sabay punas ng pawis niya sa kaniyang leeg at na pansin niyang napatitig sa kaniya si Adelle. Nakita niya ang paglunok ninto na tila ba naaakit sa katawan niya at doon niya lang na pansin na halos bumakat na ang kaniyang balat sa puti at manipis niyang polo na basang-basa ng tubig at pawis. Napangisi si Zeren, nais niyang gawing pagkakataon 'to para akitin si Adelle at malaman ang tunay na pakay ninto kaya naman lumapit siya sa dalaga at binati ito ng matatamis niyang ngiti. "Naparito ka?" Tanong niya sa dalaga at pakunwari na naiinitan kaya hinawi niya ang kaniyang itim at basang buhok habang pinapakita ang kaniyang malaman na braso sa dalaga. "Ah, ano hahaha napadaan lang," sambit naman ni Adelle pero sa katotohanan niyan ay hinahanap niya talaga ang binata kaso hindi niya naman akalain na sa paghahanap niya ay makakakita siya ng ganito kagandang tanawin ngayong umaga. "Hmm.. bakit naka trouser ka at polo rin? Mag eensayo ka ba? Marunong ka rin ba humawak ng espada?" Tanong ni Zeren sa malambing ngunit malalim nintong boses na lalong nagpakaba kay Adelle. "Eh ano... ha? Hahaha ano?" Nauutal si Adelle dahil hindi niya alam saan dadapo ang mga mata niya sa magandang tanawin na nasa harapan niya. Iba rin ang tumatakbo sa isip niya tungkol sa espada na tila ba gusto niyang hawakan ng dalawang kamay niya. Nagiging madumi na ang isip niya at pilit na kinakalma ang puso niya sa kaba ngunit hindi niya naman mapigilan ito dahil halos masilip niya na ang makisig na dibdib ng binata. "Ayos ka lang ba my lady? Parang namumula ang mukha mo," tanong ni Zeren sabay lapit pa kay Adelle at hinipo ang noo ninto, hindi pa nakuntento si Zeren sa pang-aasar kay Adelle at nilapat pa ang noo niya sa noo ng dalaga na halos pagpahinto sa paghinga ni Adelle. Sobrang lapit nila sa isa't isa, dahilan para maamoy ni Adelle ang mabangong sabon na gamit ninto sa kaniyang buhok. Amoy na humahalo sa pawis ni Zeren at ang mabangong hininga ng binata na tila ba kakatapos lang uminum ng tsaa. Nabibingi si Adelle sa malakas na pintig ng puso niya, kabado rin sa paghinga sa harapan ng lalaking nagpapakilig sa kaniya. Para siyang natulala sa mga gigintuang mata ninto at sa nakakahumaling na labi ng binata. Natatakot siya na baka marinig ni Zeren ang malakas na pagtibok ng puso niyang nagwawala dahil sa sobrang lapit nilang dalawa, natatakot siya na baka malaman ng binata na nauuhaw siya at nais halikan ang mapupang labi ninto. Ngunit hindi lang pala siya ang nakakaramdaman ng ganitong sensasyon ngayon dahil pati si Zeren ay naaakit sa magagandang mata ni Adelle na tila ba hinihipnotismo siya sa ganda. Ang mabangong amoy rosas sa katawan ng dalaga at ang makinis na balat ninto na nais niyang habkan. Kinakabahan si Zeren at tila ba lumipas na ang ilang minuto sa pagtititigan nilang dalawa ngunit ayaw niya pang putulin ang koneksyon na iyon sa kanila ng dalaga. Nahuhumaling sa kagandahan ninto na sa unang pagkakataon ay naramdaman niya. Hindi siya madaling maakit ng sino man, wala sa isip niya ang salitang maganda para sa ibang bagay. Dahil ang tanging maganda sa kaniyang paningin ay ang kulay ng dugo sa kaniyang palad at hindi ang kulay pulang labi na gusto niyang halikan. "Ma-my lord?" Tawag sa kaniya ni Adelle na siya naman nagpagising sa kanilang dalawa sa pagkahulog sa isa't isa. Agad nilang nilayo ang kanilang mga mukha sa bawat isa at sabay na nakaramdam ng hiya pagtapos ng mahabang titigan na iyon. "Ehem, pasensya na my lady," sambit ni Zeren at nais saksakin ang kaniyang sarili sa sobrang hiya na kaniyang nararamdaman. "Ahaha hindi mo kasalanan," sambit naman ni Adelle at napaisip din kung ano ba ang tinutukoy niyang kasalanan. "Ah, ibig kong sabihin ayos lang! Hahaha, ano bang pinagsasabi ko hahah," parang baliw na sagot ni Adelle dahil hanggang ngayon ay hindi niya pa rin maaalis ang kaba sa kaniyang dibdib. "Maiba ako, nag umagahan ka na ba?" Tanong naman ni Zeren para maiba ang usapan nila ganun na rin para makahanap siya ng paraan para makilala pa si Adelle ng lubusan. Hindi na siya makapagtiis na malaman ang totoong pakay ng dalaga dahil naiinis na siya sa mga bagong bagay na nararamdaman niya sa puso niya. "Tapos na my lord, nais ko rin sana mag ensayo ngayon eh," sambit naman ni Adelle at pilit ding iniiba ang usapan para mawala ang hiyaan sa kanilang dalawa. "Mag ensayo?" Nagtataka namang tanong ni Zeren at pinakita ni Adelle ang kaniyang kamay sa binata. Tinignan naman 'to ni Zeren at nakita ang makakapal na kalyo sa kamay ninto, mga marka ng totoo at mabusising pag eensayo. "Humahawak ka ng espada? Bakit? Isa ka bang knight o squire?" Tanong naman ni Zeren at lalong lumaki ang kuryosidad niya kay Adelle. Ngayon lang siya nakakita ng isang maganda at eleganteng babae na handang ipakita ang makapal at magaspang niyang kamay sa harap ng isang lalaki. Hindi niya akalain na ang babaeng na sa kaniyang harapan na mukhang hindi kayang ipagtanggol ang kaniyang sarili ay marunong humawak ng espada. "Hmm... hindi ako knight or squire,” sagot ni Adelle sabay ngiti kay Zeren na lalong nagbigay ng kuryosidad dito. “Kung ganoon hilig mo lang mag ensayo?” Tanong naman ninto dahil hindi niya talaga mahanap ang dahilan bakit ang isang noble lady na katulad ni Adelle ay mahihilig sa mga ganitong bagay. Marami na siyang nakilalang mga noble lady na nagkakagusto sa kaniya at tuwing pag-uusapan nila ang tungkol sa mga bagay na ganito ay halatang tinatamad ang bawat babaeng makausap niya. Ni isa sa mga ito ay walang hilig sa bagay na panglalaki o mga gawain na ginagawa ng lalaki. Kaya bago sa kaniyang pandinig ang nalalaman niya tungkol kay Adelle. “Hmm... parang ganun na nga pero may malalim pang kahulugan kung bakit ako nag eensayo,” sagot naman ni Adelle na lalong nagpalaki ng kuryosidad ni Zeren. “Bakit? Isa ka bang secret agent o hindi kaya ay under cover?” Tanong ni Zeren dahil kating-kati na siya malaman kung ano ang pakay ni Adelle sa pagpasok ninto sa Quintus at sa mga pinapakita nitong kakaiba sa kaniya. Ngunit isang malakas na tawa lang ang binigay sa kaniya ni Adelle at hindi mapigilan na maluha dahil sa nakikita niyang kuryosidad sa mga mata ni Zeren. “Hahaha! Seryoso ka ba my lord? Hindi mo pa ba ako pinapasuri sa mga tiga pagsunod mo? Alam ko naman na magiging mailap at maingat ka sa bawat taong papasukin mo sa manor mo pero wala ka pa rin ba talagang alam kung sino ako?” Tanong ni Adelle sa kaniya at medyo natamaan si Zeren doon dahil nahuli siya ni Adelle sa mga plano niya at tana ito sa lahat ng mga sinasabi niya. Bukas pa kasi ang dating ng mga report na pinakuha niya patungkol kay Adelle, medyo matagal kumilos ang mga nautusan niya dahil marami silang inaasikaso ngayon at higit sa lahat medyo malayo ang pinang galingan ng dalaga. Kahit na magkalapit emperyo lamang ang Verine Empire at Goldton ay nasa magkabilang dulo naman ang mga Estate ng bawat pamilya kaya hindi pa rin dumadating ang report na inaasahan niya. “Tsk,” napasagitsit na lang si Zeren at hindi na naman naitago ang totoo niyang ugali sa harap ng dalaga na lalong kinatawa ninto. “Hahaha! Nahuli ba kita? Bakit nawala ‘yung inosente mong mga ngiti my lord?” Mapang-asar na tanong ni Adelle kay Zeren na lalong kinapikon ninto kaya hindi niya naiwasan na ipakita at hamunin ang dalaga. Agad niyang hinawakan ang braso ninto at hinila papalapit sa kaniya, agad naman na bigla si Adelle at hindi nakapalag habang gulat na gulat sa inakto ni Zeren. “Hindi ko akalain na malakas ka pa lang mang-asar my lady, lalaki rin ako at napipikon kaya ngayon ay hinahamon kita sa isang simpleng dwelo,” sambit ninto habang papalapit nang papalapit ang kaniyang mukha kay Adelle. Napalunok naman si Adelle ag hindi na nakailag pa ng tingin kay Zeren habang kabadong-kabado sa kung ano ang sasabihin at sunod na gagawin ninto. Mas nilalapit pa ni Zeren ang mukha niya kay Adelle kaya naman walang nagawa si Adelle kung hindi pumikit na lang at intayin ang matagal niya nang ninanais na halik mula kay Zeren. ‘Hahalikan niya na ba ko? Ito na ba ‘yun? Hindi ba parang sobrang bilis saka wala sa lugar? Parang nag uusap lang kami tapo ito na!? Ahhhh! Anong gagawin ko! Gusto ko rin matikman ang labi niya!’ Pumikit siya nang mariin at inabangan ang paglapat ng labi ni Zeren sa kaniya ngunit malakas na pitik sa kaniyang noo ang nakuha niya mula sa binata at nang buksan niya ang kaniyang mga mata ay nakita niya ang pilyong mga ngiti sa labi ninto. “Anong inaasahan mo my lady? Hinahamon lang naman kita sa isang dwelo,” mapang-asar na tanong ninto na nagbigay ng sobrang pamumula sa mukha ni Adelle. “Na-natakot lang ako ka-kaya pumikit ako,” palusot niya at lalong natawa si Zeren dahil nagpaliwang pa ito at hindi intanggi ang iniisip niya. “Hindi ko akalain na mapang-asar ka rin pala my lord, pero sige tinatanggap ko ang hamon mo!” Pikon na sagot ni Adelle at ngumiti naman si Zeren. “Kung sino matalo ay magbibigay ng isang pabor sa mananalo,” saad ninto at tumango naman si Adelle. “At tandaan mo my lady, hindi porque babae ka ay maghihinay-hinay na ko sa ‘yo,” dagdag ni Zeren at ngumiti rin sa kaniyang harapan si Adelle. “Tignan na ‘tin.” TO BE CONTINUED
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD