♛♕♛ Sa kaniyang pagkalma, maharan siyang hinahaplos ni Adelle sa kaniyang likuran. Para siyang hinihele ng kaniyang ina na hindi niya naman naranasan, sobrang init ng pakiramdam niya sa yakap na iyon at tingin niya ay dadalawin siya ng antok. “Ayos ka na ba?” Tanong ni Adelle dahil lumipas na ang halos kinse minuto nila na magkayakap, napabuntong hininga siya at hindi niya akalain na gagaan ang pakiramdam niya. Humiwalay na siya sa yakap na iyon at tumingin kay Adelle. Hindi niya alam kung magiging aktor na naman ba siya sa harapan ninto o hahayaan ang sarili niyang maging totoo. “Hindi kita pipilitin kung ayaw mo sabihin sa ‘kin ang nangyari, pero kung kailan mo ng taong makikinig sa ‘yo, andito lang ako ah,” saad ni Adelle at tumango naman si Zeren. “Pasensya na sa inakto ko,” sago