♛♕♛ Napanganga si Adelle habang pinagmamasdan ang seryoso ng mukha ni Zeren at hindi inaasahan na makikita niya pa ang balabal na ibinigay niya sa binata noong mga bata pa lamang sila. Naramdam siya ng kaba at sa parehong pagkakataon ay saya, dahil hindi niya inaakala na talagang tinago pa ni Zeren ang balabal na iyon at maaalala siya. Inaasahan niya na kasi na makakalimutan siya ng binata, alam niya na bago pa siya magtungo sa Verine Empire ay may posibilidad na hindi siya maalala ni Zeren o tanggapin man lang ang pag-ibig niya. Kaya nag-isip siya ng ibang paraan para makuha ang atensyon at kuryosidad ni Zeren at iyon ang pag po-propose sa binata ng uraurada. Ngunit hindi niya akalain na may parte pa pala siyang maiiwan sa memorya ni Zeren at laking pasasalamat niya na hindi lang si