Chapter 4

2920 Words
Jelly’s POV “Sinong buntisero?” muling tanong ni Sir Luke sa may likuran ko. Mas lalo akong kinabahan at nanigas sa kinauupuan ko, dahilan para makagat ko ang ibabang labi ko. “Sir Luke akala ko w-wala pa kayo?” sabi ni Ate Lai na halata ang kaba sa boses. “Gusto niyo ba m-mag-breakfast—” “Later, Ate Lani,” putol ng lalaki sa sasabihin ni Ate Lai. “I just wanna know kung sino ang pinag-uusapan niyo na buntisero?” “Lord, help me please!” Nanginig lalo ang tuhod ko. Hindi ko naman bakas sa boses ng lalaking nasa likuran ko ang galit. Gusto ko itong lingunin para malaman ko na rin ang itsura nito. Hindi ko pa naman tiningnan ang mga picture frame na nakalagay sa sala ng pamilya Del Fiero dahil mabilisan lang akong inilibot ni Ate Marife. Nahihiya naman akong maki-usyoso sa mga gamit dito sa mansyon. Natatakot akong makabasag ng mga mamahaling gamit dito at baka kulang pa ang isang buwan na sasahurin ko sa mga picture frame pa lang. Hindi na makasagot si Ate Lai. Naisipan ko na lingunin si Sir Luke at magpalusot na lang nang makarinig ng ring ng cellphone. “Hello, George!” dinig kong sagot nito. Ilang sandali itong tumahimik. Si Ate Lai ay umalis na sa harapan ni Sir Luke at nakita kong lumapit sa may lababo at sinimulan maghugas ng mga kaldero. Ako ay nanatiling naka upo habang kabado pa rin, dahil sa tanong ni Sir Buntisero. OMG! May pinag-usapan si Sir Luke at ang kausap nito mula sa kabilang linya. Nanatili akong nakatahimik, hindi ko naman gets kung tungkol saan pa iyon dahil na rin sa kabang nararamdaman ko habang na-estatwa na sa kina-uupuan ko. “Okay, just wait for me sweetie, ok? Bye.” Sa tingin ko ay tapos nang mag-usap si Sir Luke at ang tinawag nitong sweetie. Pero narinig ko na George ang pangalan ng kausap nito... baka panglalaki lang ang pangalan. “Ate Lani.” tawag ni Sir Luke kay Ate Lai na nakaharap sa mga hugasin. Agad lumingon si Ate sa amo namin. “I need to go, nasiraan daw ng sasakyan si Georgina... kailangan ko siyang puntahan dahil makikipagkita siya sa potential client namin.” “Ah s-sige Sir Luke ingat kayo.” sabi ni Ate Lai na medyo namumutla pa. Dahil siguro sa nerbyos. Ilang sandali ay narinig ko ang yabag papalayo. Agad akong tumayo nang dahan-dahan at mabilis lumingon sa likuran ko. Isang maskuladong bulto ng lalaki ang nakita ko at mabilis din na nawala sa paningin ko. “Shocks ang ganda ng katawan ni Sir!” Napanganga na lang ako sa sa paghanga. “Jelly, nakaligtas tayo!” biglang sabi ni Ate Lai na nagpalingon sa akin sa gawi nito. Ang dalawang kamay nito ay nakahawak sa mga dibdib, tila ba nakahinga ng maluwag sa pag-alis ng aming amo. “Bakit kasi hindi natin narinig ang pagdating niya, Ate?” nag-aalalang tanong ko. “Paano kung masisante ako agad-agad.” “Huwag kang mag-alala... mabait ‘yang si Sir Luke,” sabi ni Ate Lai na itinuloy ang paghuhugas ng mga kaldero. “Sa halos sampung taon ko na pagtatrabaho rito, ay never nagalit iyang si Sir. Kahit nagkakaroon ng kasalanan mga tao dito, chill lang si Sir.” “T-talaga Ate Lai? P-paano kung pag-uwi niya dito sa bahay palayasin agad ako?” Lumingon sa akin si Ate Lailani. “Hindi ‘yun, ano ka ba.” Napailing na lang si Ate Lai habang natatawa. “Konting iwas muna ako kay Sir hanggang makalimutan niya ang pangyayari kanina. Ayaw na ayaw kasi no’n ang pinagtsismisan siya lalo na ang mga anak niya. At ikaw maghanap ka na lang ng ibang idadahilan, okay?” Napanganga na lang ako matapos ay napilitan na tumango na lang sa tinuran ng kusinera. Paano naman ako nito makakaiwas sa amo ko? Kwarto pa lang namin magkatapat na. Tinalikuran na ako ni Ate Lai, wala akong nagawa kun'di ang mapahawak sa noo ko. “Ang agang stress!” Bakit naman kasi nasobrahan ng kadaldalan itong si Ate Lailani... na kahit kakakilala lang namin ay naikwento na ang talambuhay ng amo namin. Pinilit ko na tapusin ang almusal kahit nawalan na ako ng gana, habang si Ate Lai ay tinuloy ang paghuhugas ng mga kaldero. Hindi na ito muling nagsalita at nag-concentrate sa ginagawa, hanggang matapos ito at nakangiti na humarap sa akin. “Iwanan mo na yan, Jell. Ako na ang bahalang maghugas. Hanapin mo na lang si Ate Fe, baka kasi may bilin siya,” wika ni Ate Lai nang makita rin siguro nito na ubos na ang sandwich na ginawa nito. “Mamaya paniguradong dadating na ang mga bata.” Matipid na ngumiti sa akin ang kusinera. Tumayo na rin ako habang napipilitan muli na ngumiti. “Ang tangkad mo, hija, noh? Anong height mo?” tanong nito sa akin habang sinusuri ang katawan ko. “A-ahm 5’6 po, Ate.” Tumango-tango ang kusinera. “Pang model pala ang katawan mo, Jelly, ha. May pagka-conservative ka nga lang manamit. Maraming damit 'yung bunsong kapatid ni Sir Luke... pinamimigay niya iyon sa mga kasambahay doon sa mansion nila Ma’am Aubrey. Pati rin kami naaambunan. Manghingi ka na lang kay Che kapag nandito siya ha, hija.” “Ah opo, Ate.” sabi ko na lang. Hindi na ma-digest ng utak ko ang mga pangalan na sinasabi ni Ate Lai dahil ito pa lang at ang mayordoma ang nakikilala ko. Hindi na ako nagtagal sa kusina at baka mapahaba pa ang usapan namin ni Ate Lai. Agad kong hinanap si Ate Marife para itanong ang mga gagawin ko ngayong araw. Nakita ko ito sa may garden na nagdidilig ng halaman. Tumikhim ako at agad kong naagaw ang atensiyon nito. “Jelly, gising ka na pala, kamusta ang tulog mo?” agad tanong nito na sandali lang akong nilingon at ibinalik ang atensyon sa dinidiligan. “Medyo namahay lang po, Ate.” Huminga ako ng malalim. Naiilang pa ako dito kay Ate Marife. Parang may pagka strikta kasi. “A-hm, Ate, makikilala ko po ba si Xena ngayon?” Tinapos ni Ate Marife ang pagdidilig. Inilagay sa lapag ang pang-dilig at humarap sa akin. “Tumawag sa akin si Ma’am Aubrey. Baka bukas na lang daw nila ipapahatid dito ang mga bata. Ang gawin mo na lang ngayon ay maglinis kung gusto mo... habang wala pa si Che.” seryosong sabi nito. “A-hm Ate Marife, pwede po bang hindi na lang doon sa tapat ni Sir Luke ang kwarto ko? Medyo nakakailang po kasi eh.” Sandaling tumaas ang kilay ni Ate Marife. “Aba, hija,” wika ni Ate na pinagkrus pa ang mga braso “Ang daming nangangarap sa kwarto na tinulugan mo. Kung gusto lang mag-alaga ni Malou at Hazel ng special child... sila ang nandoon mapalapit lang sa kwarto ni Sir Luke, tapos aayawan mo?” hindi ko malaman kung nagtataray ba ito o ano. At bakit naman pagkakaguluhan ng dalawang yaya ang kwarto na tutulugan ko. Sa isip-isip ko. “A-hm kasi po—” “Maswerte ka at may pagkakataon ka na madalas masulyapan si Sir Luke. Ang daming naglalaway do'n kahit apat na ang anak. Tsaka bago ka pa lang, bawal ka mag-demand.” Agad umalis si Ate Marife sa harap ko na hindi man lang ako nakasagot pa, nilingon ko ito at dumerecho na ito papasok sa loob ng malawak na mansyon. Malakas akong napabuga ng hangin at napailing. Na-badtrip na yata sa akin ang mayordoma. Eh kasi naman, hindi pa man kami nagkikita ng harapan ng boss ko ay mukhang badshot na ako. Inilibot ko ang paningin sa malawak na garden. Napakalaki talaga ng bahay na ito. Maraming bulaklak sa paligid, nakakatuwa na kahit walang asawa ang may-ari ay puno ng bulaklak ang paligid. Natanaw ko sa kalayuan ang swimming pool agad akong lumapit doon. Meron na dalawang swimming pool. Isang malaki at tingin ko ay malalim at isang pangbata na may nakalutang pang inflatable toys. Napangiti ako. Nakakatuwa. Sigurado akong masaya dito dahil maraming bata. Sayang at hindi ako marunong lumangoy, nagkaroon kasi akong trauma sa pag-swimming noong bata ako. Nalunod kasi sa ilog ang isa kong kaibigan habang lumalangoy, isinama pa ako ng mga kalaro ko at nakita ko kung paano nalunod ang kaibigan ko sa ilog. Simula noon ay hindi na ako nag-aral pa kung paano lumangoy. “Miss.” Agad akong lumingon sa pinanggalingan ng tawag. Isang lalaki na tingin ko ay kaedaran ni Ate Marife ang nakangiti sa akin. “A-ahm, hello po.” bati ko at ngumiti sa lalaki, mukha naman itong mabait. “Ikaw ba ang bagong yaya ni Xena?” “O-opo.” Bahagya akong lumapit. “Jelly, po ang pangalan ko.” inilahad ko ang aking kamay para makipag-kilala. Agad naman na tinanggap ng lalaki ang pakikipagkamay ko. “Romeo, hija” Tipid itong ngumiti sa akin matapos ay binitawan ang kamay ko. “Asawa nga pala ako ni Fe, at isa sa mga driver ng anak ni Sir Luke.” Tumango tango ako at ngumiti ng matamis. “Ahm sige po Kuya Romeo, babalik na po ako sa loob. Naglibot lang po ako sa paligid.” paalam ko sa lalaki. Agad akong pumasok sa loob at hinanap si Ate Marife. Hindi ko na ito nakita kaya bumalik ako sa kusina. Wala na roon si Ate Lailani. Sa laki ng mansyon ay hindi ko alam kung saan ko sila hahanapin. Napa buntong hininga ako. Napilitan akong bumalik sa kwarto ko... tutal ay wala naman akong maka-usap. Natatakot din akong galawin ang mga gamit. Pagkarating ng kwarto ay agad akong naupo sa gilid ng kama. Inilibot ko ang tingin sa paligid. Ang magiging tulugan ko halos apat na beses ang laki sa kwarto namin nila Rhian at Ate Marivic meron pang sariling TV, maaliwalas ang kulay cream na dingding. Bigla ko na-miss ang pamangkin ko dahil sa pag-iisa ko dito. Iniisip ko tuloy kung ano ang ginagawa nito ngayon. Kadalasan kasi ay ganitong oras ng weekends ay tinuturuan ko si Rhian na ma-develop ang speech at language niya. Sariling sikap sa pagtuturo dahil wala naman pambayad ang pamilya ko sa therapist. Bigla ko naalala si Melanie. Nauna siyang umalis para magtrabaho dalawang araw na ang nakakaraan at hindi man lang ito tumawag sa akin. Mabuti na lang at nagpa-load ako ng unli-call dahil maya’t maya akong tumatawag sa bahay namin. Tatawagan ko na lang ang kaibigan ko bago ma-expire ang pang-tawag ko. Agad kong kinuha ang cellphone at nag-dial. Agad naman may sumagot sa kabilang linya. “Hel—" “Friennnd!” agad putol sa akin ni Melanie pagkasagot nito halos mabingi ako sa lakas ng boses nito. “Aray, Melanie, bakit ba parang excited ka? Nanalo ka ba sa lotto?” inis na tanong ko. “Daig ko pa ang nanalo sa lotto, friend.” Kilig na sabi nito. Kung kaharap ko lang siguro ang babaeng ito ay kukurutin ko sa singit. “Naku, ikaw babae ka ha, kapag ganyan ang tono mo alam kong lalaki na naman ang dahilan ng kilig mo na yan.” tukso ko. “Grabe, alam mo ba, friend. Iyong amo ko sobrang hot... sobrang gwapo. Kung alam ko lang sana, hindi na ako tumuntong ng college at nag-apply na lang dito matagal na.” Kilig na kilig na wika ni Melanie. Natawa na lang ako sa sinabi nito. Maharot kasi ito kapag may natitipuhan siyang lalaki. Ewan ko ba kung bakit naging bestfriend ko ang babaeng ito. Magkaiba kami ng personality. Ako naman ay saksakan ng conservative pagdating sa lalaki. “Remind lang kita, friend, ha! Nagpunta ka d’yan para mag-alaga ng bata... hindi para maglandi.” mariing sabi ko para basagin ang kilig ng kaibigan ko “Grabe ka naman, landi agad?” Halata ang inis sa boses ni Melanie. “Baka kapag nakita mo ‘yung Boss ko ma-inlove ka rin, gwapo, ang ganda ng katawan, matangkad, moreno at higit sa lahat ang ganda ng mata, yung tipong kapag tumingin sa’yo parang hinihigop yung kaluluwa mo al—” “Friend,” putol ko kay Melanie na halatang nag-daydream na. “Ikaw talaga, itigil mo na ang pantasya mo d’yan sa amo mo.” Isang malalim na buntong hininga ang narinig ko. “Sus, KJ ka talaga! Maiba ako... ‘yung boss mo pala ay kumpare ng amo ko na si Sir Rome.” “Rome?” sagot ko kay Melanie “Oo, at ‘yung namatay na asawa ni Sir Rome ay—” “Kahawig ko?” putol ko sa sasabihin ni Melanie. “Paano mo nalaman?” takang tanong nito. Agad akong nagkwento tungkol sa pangyayari kanina nang kausap ko si Ate Lailani. Sinabi ko na dahil sa kadaldalan ng kusinera namin ay mapapahamak pa ako dahil nahuli kami ng aming boss na buntisero. “Grabe naman pala yung boss mo, friend,” Namamangha na sabi ni Melanie matapos kong magkwento. “Apat na panganay, baka pati ikaw mabuntis ni Sir buntisero ha.” Natawa na lang ako sa sinabi ni Melanie. “Loka loka ka talaga. Bakit naman ako papatol sa buntisero? Tsaka may edad na siguro si Sir, gusto ko naman yung ka-edad ko ang magiging boyfriend ko, kapag nagkataon.” paliwanag ko. “Ano ka ba wala naman sa edad ‘yun, eto ngang si Sir Rome thirty-five years old na pero pinagnanasahan ko pa. Ang hot kasi.” kinikilig na sabi na naman ni Melanie mula sa kabilang linya. “Baka mag-kaedaran lang ang mga amo natin. Panigurado sobrang hot din ng boss mo kaya maraming nagpabuntis.” Nanlaki ang mata ko sa pinagsasabi ng bestfriend ko. Ako na mismo ang nahihiya sa sinasabi nito. Though, sa tingin ko ay hot Daddy nga si Sir Luke... base sa pagkakita ko dito kaninang umaga habang papa-alis. Sabagay magkikita at magkikita pa rin naman kami dahil nasa iisang bahay lang kami nakatira. Matagal pa kaming nag-usap ni Melanie tungkol sa kung ano-anong bagay hanggang nagpasya na ako magpa-alam dito. Matapos ang pakikipag-usap ko ay muli akong bumaba at hinanap si Ate Marife. Nang makita ko ito ay muli ko nang itinanong kung ano ang pwede kong gawin, pero wala naman itong maipagawa sa akin. Pinapunta ako nito sa kusina at inutusan na tulungan ko na lang si Ate Lai sa pagluluto. “Ate Lai,” tawag ko sa kusinera. Agad itong lumingon sa akin. “Jell.” sagot nito. “Tutulong lang ako sa pagluluto.” “Marunong ka ba?” tanong ni Ate Lai. Tumango ako at lumapit. Naghihiwa pa lang naman si Ate Lailani ng mga sangkap. Kare-kare ang lulutuin nito. Ayoko sana magmarunong at sabihin na iyon ang specialty ko kaya minabuti ko na lang tumulong sa paghihiwa at si Ate Lailani ang nagluto. Paboritong ulam pala ni Sir Luke ang kare-kare. Dumating sa kusina si Ate Marife at sinabi na hindi pa rin bumabalik si sir Luke sa pinuntahan nito. Mabuti na lang din at makakahinga ako ng mabuti dahil hindi pa uuwi ang amo ko. Matapos magluto ay sabay sabay na kaming lahat kumain ng luto ni Ate Lailani. Masarap rin naman magluto si Lai. May kaunting kwentuhan habang kumakain. Panaka-naka akong tinatanong ni Ate Marife tungkol sa buhay ko. Matapos kumain ay ako na ang nag-offer na maghugas ng pinggan. “Jelly,” mahinahon na sabi sa akin ni Ate Marife. “Pagkatapos mo maghugas ay pwede ka naman magpahinga. May TV naman sa room mo para makapagpalipas ka ng oras. Panigurado nandito na si Xena bukas kaya hindi ka na mabuburyo.” Tumango lang ako dito at ngumiti. Nagsimula na akong maghugas ng pinggan habang si Ate Lailani ay binuksan ang refrigerator. “Jelly, babalik na ako sa kwarto ko.” sabi ni Ate Lailani matapos isara ang ref at may kunin na box ng chocolate. “Kung may gusto mo ng chocolates ay kumuha ka lang... para sa lahat ang mga iyon.” Umalis si Ate Lai at naiwan na akong mag-isa sa kusina. Matapos maghugas ng pinggan ay bumalik ako sa kwarto ko at nanood na lang ng TV at nagpalipas oras. Bumaba na lang ako ng merienda at hapunan para kumain at tumulong sa pagliligpit ng pinagkainan. Kinagabihan, gaya ng ugali bago matulog ay nag-warm bath muna ako. Nakakatulong kasi sa akin para makatulog ng mahimbing sa gabi. Nagsuot ako ng pajama humiga na sa kama. Kumuha ako ng libro para magpa-antok. Ilang oras na yata ako nagbasa at nakaramdam na ng pagod ang mata ko. Tiningnan ko ang orasan at malapit ng mag alas diyes ng gabi. Nakaramdam ako ng uhaw kaya napagpasyahan ko na uminom muna ng tubig bago matulog. Agad akong lumabas ng kwarto. Bukas naman ang ilaw sa hallway. Agad bumalandra ang pinto ng kwarto ng boss ko na katapat ng ng pinto ng kwarto ko. Nakasara 'yon. Nakauwi na kaya si Sir? Sa isip-isip ko. Sana hindi pa. Bumuntong hininga ako at dahan dahan ng isinara ang pinto ng kwarto ko. Ayokong gumawa ng ingay. Matapos isara ay dahan-dahan akong naglakad sa hallway. Bigla na lang may narinig akong pagbukas ng pinto nang nakatalikod na ako. “Excuse me.” Agad akong napalingon sa pinanggalin ng baritonong boses ng lalaking kalalabas lang sa kwarto. Napaawang ang labi ko at biglang kumabog ang dibdib ko. Pigil ang hininga nang magtama ang mata namin ng gwapong lalaki na tingin pa lang ay nakakabuntis na…
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD