Chapter 3

2935 Words
Luke's POV “That was great, sweetie!” I said huskily to Georgina’s ears. “And you’re really monster in bed, Luke,” walang ganang sagot ni Georgina na agad bumangon sa pagkakahiga. Agad kong hinuli ang kamay nito at hinila hanggang mapahiga ito sa malapad kong dibdib. “Luke!” Yamot na sabi nito. “We’re not yet done, sweetie,” sabi ko. Then I kiss Georgina’s lips torridly. Ilang sandali ang nakalipas ay si Georgina ang kusang bumitaw sa halik ko. “Why?” “Mala-late na tayo sa flight natin.” Tuluyan nang humiwalay si Georgina sa katawan ko at agad tumayo. Tinungo nito ang mini drawer at agad na binuksan at kinuha ang bag nito. Tahimik kong pinagmamasdan ang galaw ni George habang may hinahanap mula sa bag. Alam ko na kung ano ang bagay na iyon... anti pregnancy pills. “George, sweetie,” tawag ko matapos, lumingon ito sa akin at bahagyang kong pinasadahan ang hubo’t hubad nitong katawan. She is not that sexy kagaya ng naunang mga naging karelasyon ko. But she is wild and oozing with s*x appeal, and I like how she always manage to make me c*m multiple times whenever we are having s*x. “Why?” Mahinang tanong ni Georgina. “Can we make this relationship real?” Seryosong tanong ko kay Georgina. Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ni Georgina. “I can’t love you, Luke.” “Because I am a single daddy?” Malungkot na tanong ko. “You know the answer. I’m in love with someone else.” Seryoso nitong sagot sa akin, bakas sa mata nito ang lungkot. “We are just s*xmate. Ayaw mo no'n? No commitment, pwede kang manligaw ng ibang babae if you want, right?” Matapos ay nagkibit balikat lang ito. Halos kalahating taon na akong nanliligaw kay Georgina pero hindi ako nito sinasagot. Simula pa lang nang panliligaw ko ay sinabihan na ako ng babae na may iba itong mahal. Pero nagulat na lang ako two months ago nagkaroon kami ng business trip at nag-attend ng party. Dala ng kalasingan ay may nangyari sa amin. And that’s it... may ilang beses naulit ang pagtatalik namin dahil madalas ang business travel namin due to business expansion ng Del Fiero Food Corporation. I’m the CEO and Georgina is my Product Manager; she is working with me for almost two years... and she is my neighbor too. That’s why I know her for a long time. “Wala ka man lang ba na nararamdaman tuwing may nangyayari sa atin?” Tanong ko habang matiim na nakatingin sa mukha ng dalaga. “Nothing. Just pure lust... may s*xual needs rin naman kaming mga babae,” sabi nito matapos ay ininom ang pills at kinuha ang bottled water na nakapatong sa katabing table. Matapos uminom ng tubig ay agad itong pumasok ng shower room. Napailing na lang ako. Hindi bale... I will continue to court her hanggang maging official ang relationship namin. Gusto ko naman na magkaroon kami ng label. Hindi ‘yung ganitong may nangyayari sa amin, kahit wala kaming relasyon. Besides, I really like her, she is a wife and mother material. She is an average looking woman unlike sa mga naging karelasyon ko, but I’m really attacted to her. Sa tagal kasi namin na nagkakausap, lalo na kapag tungkol sa binabanggit nito na lalaking mahal niya, ramdam ko na magiging mabuting asawa si Georgina. Maswerte sana ang lalaking mahal nito, pero as per Georgina hindi raw siya kayang mahalin ng lalaking mahal niya. Sad reality in life... hindi mo mapipilit ang taong mahalin ka pabalik, kahit anong effort pa ang gawin mo. “DO YOU HAVE a driver?” Tanong ko kay Georgina pauwi na kami at nakababa na ng eroplano mula sa three-day business trip namin sa Hong Kong. “Yeah.” tipid na sagot nito. “Okay.” sagot ko. Balik pormal na naman kami sa isa’t isa. Ilang sandali lang ay sinalubong na kami ng kanya kanya naming na driver at umalis matapos magpaalam sa isa’t isa. Naisipan kong dumaan muna sa mansyon nila Daddy and Mommy bago tuluyan na umuwi sa bahay ko. Pagpasok ng mansion ay nadatnan ko sa sala si Lucio, my younger brother. Kausap nito ang kaibigan nito na si Alex na katabi nito Hindi napansin ng mga ito ang pagdating ko kaya narinig ko pa ang pinag-uusapan nila, as usual babae na naman yata. “She is really d*mn hot, bro!” sabi ni Lucio. “Yeah, kung ikaw siguro ang judge ng competition, bro, panigurado na-corner mo na ‘yun!” dinig kong sagot ni Alex habang nakangisi. “Lucio!” Tawag ko, agad na lumingon ang magkaibigan sa gawi ko, matapos ay iniabot ni Lucio kay Alex ang hawak na cellphone, mukhang picture ng babae ang pinagkakaguluhan ng dalawa. “Kuya, kailan ka pa dumating? I thought you’re still in Hong Kong.” Gulat na tanong ni Lucio na napatayo mula sa kinauupuan nito. “Ngayon lang, bro. Where is mom?” tanong ko kay Lucio. “Nasa library, kuya.” sagot ni Lucio. “Kuya Luke, how are you?” singit na tanong ni Alex. “Doing good,” sagot ko. “Mukhang babae ang pinag-uusapan niyo ha?” Biglang ngumisi ang magkaibigan sa akin. “Eto kasing si Alex. Nagpunta rito para ipakita yung picture nung kolehiyalang contestant sa pageant.” sabi ni Lucio sabay tingin kay Alex na nakangisi pa rin. “Kuya, look at this.” sabi ni Alex na tumayo rin, sabay angat sa kamay nitong may hawak na cellphone at gustong ipakita sa akin ang picture na tinitingnan nila. “No need, Alex.” agad kong banggit bago pa nito ipakita sa akin ang picture mula sa cellphone nito. “I’m not interested sa kolehiyahang pinagnanasahan niyo.” sabi ko sabay iling at natawa na lang ako. “You’ll miss half of your life, kuya Luke if hindi mo makita. This girl is f*cking hot!” saad ni Alex. “Hayaan mo na si Kuya, baka agawin pa sa atin kapag nakita niya,” singit naman ni Lucio. “Kaso hanggang ngayon, Alex, hindi pa siya tumatawag sa akin, I’m worried baka nawala niya ang calling card na binigay mo.” “I don’t know, bro. Sana magbago ang isip niya kahit tinanggihan niya ang offer ko.” sagot ni Alex. “Guys,” singit ko sa dalawang lalaki. “Don’t worry, you two are safe with me, hindi ako pumapatol sa bata.” Ngisi ko sa dalawa. “Kuya, do you remember na na-kwento ni Daddy, sabi niya hindi daw siya pumapatol sa bata, until he met Mommy.” tukso ni Lucio. “Well... for me age matters,” sabi ko na lang para matahimik ang dalawa. Iniwan ko sila sa sala, pinag-uusapan pa rin nila ang sinasabi nilang maganda at sexy na kolehiyala. Napailing na lang lang ako. Basta ako hindi pa ako nakipag relasyon sa mas bata sa akin ng more than five years, ayoko sa mga babaeng isip-bata. What I look in a woman is someone na mother figure at mature mag-isip... like Georgina. Nang makarating sa library ay agad akong kumatok. Narinig ko agad ang malambing na boses ni Mommy na pinapapasok ako. “Hello, my beautiful Mommy Love!” masayang bati ko. I miss her, I’ve been busy lately at more than one-month ko na itong hindi nakikita. “Luke!” agad tumayo si Mommy sa swivel chair nito at halos patakbong lumapit sa akin at yumakap. “I miss you! How ‘s your trip?” “Good, Mom! Successful ang mga business deals ko sa Hong Kong, that’s why I’m also here, gusto ko ibalita kay Daddy, where is he, Mom?” tanong ko na bumitiw sa pagkakayakap ni Mommy. “My meeting lang na pinuntahan. Sana nagpasabi ka na dadating ka, at nagpaluto ako ng paborito mong kare-kare.” “I want to surprise you, Mom.” sabi ko kay Mommy at hinalikan ko ito sa pisngi, matapos ay bumalik ito sa swivel chair nito. Ako naman ay umupo sa swivel chair na nasa tapat nito. Agad kong napansin ang nakapatong na keychain sa table ni Mommy. “What is this, Mom?” Tanong ko sabay kuha sa rabbit foot keychain. “Ow, I think that belongs to your new Nanny.” “Really, Mom, may nahanap ka na?” “Yes.” Nakangiting sagot ni Mommy. “After kasi ng interview ay nakigamit siya ng restroom, nakita ko na lang yan nang mag CR ako, nalaglag niya siguro. Kunin mo na iyan at ikaw na ang magsauli sa kanya.” “How is she, Mom? Napa-background check na ba siya?” “Yes, and she knows how to handle child like Xena, her niece also has ASD... so I think she is competent to be Xena’s nanny. And she is beautiful too, para ngang may kahawig siya eh, hindi ko lang maalala kung sino.” Bahagya akong natawa na pinahabol pa nito na maganda ang magiging nanny ni Xena, my youngest daughter. “Mom, I don’t care about the looks,” sabi ko. “Ang importante magaling siya mag-handle ng bata.” “Yeah, mukha naman siyang matinong bata,” seryosong sabi ni Mommy. “I’m just worried na bigla siyang mag-resign, nag stop kasi siya sa pag-aaral, upcoming graduating student siya. Ayoko nga sanang tanggapin dahil I’m looking for a long-time nanny for Xena, pero magaan kasi agad ang loob ko sa kanya. Siguro after one year, pakawalan mo na siya bilang nanny at pag-aaralin ko siya.” Tumango tango lang ako. Madadagdagan na naman ang scholar ni mommy. Ganito talaga kabait ang ina ko sa mga estudyante na nahihirapan makapagtapos ng pag-aaral. Kaya nga nagtayo ito ng foundation na tumutulong sa mga kapos-palad na estudyante. “Okay, mom. Basta okay sa’yo, hindi na ako kokontra... though ayoko sana sa sobrang bata na Yaya for Xena, baka naman konting problema lang at ma-resign agad, and ayoko ng immature.” Matapos naming mag-usap ni Mommy ay nagpasya na akong umuwi derecho sa mansion ko. Isang oras lang naman ang byahe mula rito hanggang sa bahay ko, kaya madalas kapag weekends ay nagpupunta kami rito ng mga anak ko. Nang makapasok ng sasakyan ay naalala ko ang keychain na naiwan ng magiging nanny ni Xena. Nilagay ko nga pala sa bulsa ko. Agad kong dinukot sa mula sa bulsa ko at isinabit sa may rearview mirror… Jelly's POV “Good m-morning po?” Alanganing tanong ko sa babaeng nakatalikod. Nasa harapan ito ng kalan at abala sa pagluluto. Agad itong lumingon sa akin sabay ngiti. “Ikaw ba ang bagong dating kagabi?” tanong nito titig na titig ito sa mukha ko. Sa tingin ko ay nasa early forties na ito. “Opo, Jelly po ang pangalan ko.” Bahagya akong ngumiti, at ginantihan ako nito ng ngiti, “Kayo po?” “Lailani, hija, tawagin mo na lang akong Ate Lai. Kusinera ako dito. Day-off ko kahapon kaya hindi tayo nagkita.” nakita kong pinatay nito ang kalan at lumapit sa mesa na may nakapatong na mga plastic. Pinagtatanggal nito ang mga nasa loob ng plastic, mga gulay at prutas pala ang laman. “Tulungan na kita, Ate Lai. Wala pa kasi akong gagawin. Sabi kasi ni Ate Marife, wala raw ngayon ang aalagaan ko, nando'n pa raw kay Ma’am Aubrey.” Kahapon ako nakarating dito sa mansyon, laking pasalamat ko at tinawagan ako ni Ma’am Aubrey ilang araw matapos ako nitong ma-interview, at sinabing ako ang napili nito na maging Yaya ng apo nito. Si Ate Marife ang sumalubong sa akin, ang mayordoma rito sa mansion. Inilibot ako nito dito sa napakalawak na mansyon. Halos lumuwa na ang mata ko sa ganda at lawak ng buong mansyon... at hindi lang basta maganda dahil halata na hindi biro ang halaga ng mga kagamitan sa mansyon na ito. “Salamat,” sabi sa akin ni Ate Lai, “Tulungan mo na lang akong ilagay ang iba dito sa ref. Kamusta ka naman?” “Ahm, medyo namahay lang ako kagabi, Ate. At nahirapang matulog. Sobrang laki kasi ng kwarto ko, parang kasing laki na ng buong bahay namin.” Halos hating-gabi na ako nakatulog kagabi... unang gabi ko kasi na hindi kasama ang pamilya ko. Grabe na agad ang lungkot ko. Halos maiyak na talaga ako nang magpaalam sa pamilya ko, hindi na rin ako nagpakita kay Rhian na aalis dahil baka umiyak ito, at masasaktan lang ang damdamin ko. “Wala po palang maid’s quarter dito? Kasi doon ako pinatulog ni Ate Marife sa tapat ng room daw ni Sir Luke.” tanong ko kay Ate Lai. “Doon talaga ang room ng naging Yaya ni Xena... gusto kasi ni Sir Luke katabi lang room ni Xena ang Yaya para hands on daw. Minsan kasi yung mga bata ay gigising sa gabi at iiyak, siguro kapag nananaginip. Kaya nga hindi soundproof ang mga room sa second floor, para raw madaling marinig ni Sir Luke minsan.” Tumango tango lang ako. Sinabi naman sa akin ni Ate Marife ang mga kwarto ng iba ko pang kasamahan na puro nasa first floor. Ang mag-aama naman at ako ay nasa second floor. “Ganoon po ba, ngayon po ba uuwi si Xena? Ilang taon na po pala ang batang iyon?” tanong ko. Matagal muna akong tinitigan ni Ate Lai, bago ako sinagot. “Ah, six years years old na, hindi ko lang alam kung makakauwi ang magkakapatid ngayon. Alam mo na bakasyon ang mga bata kaya kahit matagal hiramin ng Lola nila okay lang.” Nakagaanan ko agad ng loob si Ate Lai. Ma-kwento itong tao. Matapos namin ilagay ang mga gulay at karne sa ref ay nagtimpla si Ate Lai ng kape para sa aming dalawa at gumawa rin ito ng sandwich at naupo kami pareho sa counter table. Nalaman ko na may tatlo pang kasambahay dito sa mansion, bukod kay Ate Marife at Ate Lai, sina Hazel at Malou na salitan sa pag-aalaga ng tatlo pang anak ni Sir Luke ang isa naman ay si Che na taga-linis at laba. Ako ay si Xena lang ang aalagaan na may espesyal na kondisyon. “Maiba tayo Jelly, kahawig mo pala yung bestfriend ni Ma’am Sheena?” sabi ni Ate Lai. “Sino si Ma’am Sheena, Ate Lai?” “Yung Mommy ni Xena.” “Oww? Talaga Ate?” Kaya pala kanina pa sinisipat ni Ate Lai ang mukha ko pagkakita pa lang sa akin. “Sana makita ko yung sinasabi mo Ate. Saan na ba siya ngayon? At ang Mommy ni Xena, naghiwalay ba sila ni Sir Luke? Ang banggit kasi sa akin ni Ate Marife ay walang asawa si Sir.” Saglit na natahimik si Ate Lai bago sumagot. “Patay na sila pareho.” napasinghap ko sa tinuran ni Ate Lai. “Magkasama sila nang maaksidente, ayon sa imbestigasyon, nawalan daw ng preno ang sinasakyan nila, ang bestfriend ni Ma’am Sheena na ang nagda-drive ng sasakyan. Grabe, tandang tanda ko pa kung gaano nasaktan si Sir Luke, ikakasal na sana sila, three months old pa lang si Xena that time.” Umiling si Ate Lai at nagbuntong hininga ng malalim. “First time ko nakitang umiyak si Sir Luke... mahal na mahal niya si Ma’am Sheena.” Malungkot na kwento ni Ate Lai “Grabe pala ang nangyari kay Sir.” “Oo, nakaka-awa din si Sir Rome, yung asawa ng bestfriend ni Ma’am Sheena, kapit bahay lang natin yun. Kaya baka magkita kayo sa mga susunod na araw, kasi yung anak no;n, inaanak naman ni Sir Luke, minsan nagpupunta dito at nakikipaglaro kay Nikita at Leona. Naku, paano pala kapag nakita ka ni Sir Rome, baka ma-inlove sa iyo yun. Ang bata mo pa naman, ilang taon ka na nga pala?” “T-twenty Ate,” sagot ko. “Ang bata mo pa, paano kapag niligawan ka ni Sir Rome?” Tumawa si Ate Lai nang malakas. “Sabagay, hot Daddy si Sir Rome, parang si Sir Luke, sobrang hot, ang sarap siguro papakin nang mga pandesal nila!” Pakiramdam ko ay namumula ako sa sinabi ni Ate Lai, dahil ramdam ko nag-iinit ang mukha ko. Siguro nga gwapo ang amo ko dahil kilig na kilig pati si Ate Lai. “Ate Lai, ikaw ha may crush ka kay Sir Luke.” Tukso ko. “Maiba ako, bakit late yata magpapakasal si Sir Luke dati, eh apat na ang anak nila ni Ma’am Sheena?” Takang tanong ko. “Naku, college pa lang si Sir Luke, nakabuntis na yan ng babae. Ayun, hindi naman sila nagkatuluyan ng nabuntis niya, tapos nakabuntis uli siya ng ibang mga babae, bale pang-apat si Ma’am Sheena sa nabuntis niya. So, puro panganay ang anak niya.” “Buntisero si Sir?” gulat na sabi ko. “Sinong buntisero!!?” Napanganga ako ng marinig ang baritong boses sa mula sa may likuran namin ni Ate Lai. “Sir Luke!” Ramdam ko ang takot sa boses ni Ate Lai nang lumingon ito sa likuran ko, ako naman ay biglang nanginig ang kalamnan at hindi ko alam kung lilingon ba ako o hindi. Dumagundong ang kaba sa dibdib ko, para akong pinagpawisan na hindi ko maintindihan. “Sinong buntisero?” muling tanong ni Sir Luke sa may likuran ko. Mas lalo akong kinabahan at nanigas sa kinauupuan ko, dahilan para makagat ko ang ibabang labi ko. “Sh*t!! First and last day ko na yata dito sa mansyon!” sigaw ng isip ko…
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD