bc

The Billionaire's Special Nanny (SPG)

book_age18+
156.6K
FOLLOW
1.5M
READ
billionaire
possessive
sex
escape while being pregnant
age gap
CEO
sweet
bxg
single daddy
nanny
like
intro-logo
Blurb

DEL FIERO EMPIRE SERIES #2

WARNING! RATED SPG

Sa edad na 20 ay namasukan si Jelly Aguilar bilang Nanny sa mansyon ng mga Del Fiero para makatulong sa mga magulang na pag aralin ang kapatid. Dahil malaki ang offer na sahod ay mas pinili niya munang magtrabaho kesa ipagpatuloy ang pag aaral bilang guro.

Paano kung hindi lang ang mga aalagaang bata ang matutunang mahalin ni Jelly, ngunit pati na rin ang napakagwapong Daddy ng mga alaga na si Luke Marco Del Fiero. Paano pipigilan ang pusong magmahal kung hindi lang agwat sa estado ang hadlang sa isip ni Jelly, kundi pati na rin ang 15 years na gap nila ng binatang si Luke Marco, at meron itong apat na puro panganay na anak?

LUKE MARCO DEL FIERO & JELLY AGUILAR

chap-preview
Free preview
Chapter 1
WARNING!! R18+ Maraming SPG scenes. Read at your own risk! Jelly’s POV “Friend, ang sama ng tingin sa iyo ng anak ni Mayor Luzano, oh!” Napalingon ako sa stage na kinaroonan ng tinuturo ng nguso ng bestfriend kong si Melanie. “Parang gusto ka nang kidnapin at dalhin sa motel tapos lapain ang katawan mo,” dagdag ni Melanie na may halong panunukso. Hindi naman nakatingin sa akin ang sinasabi ni Melanie na anak ng Mayor dito sa Bulacan. Saglit kong tinitigan ang lalaki na nakatingin sa ibang direksyon at hindi namamalayan ang pagtitig ko. Hindi maikakaila na may itsura ito at matikas ang pangangatawan. Ibinalik ko ang tingin kay Melanie. “Ikaw talaga masyado kang malisyoso hindi naman nakatingin eh,” wika ko sabay iling na lang ng ulo. Ganito kasi lagi si Melanie, mapatingin lang ang lalaki sa akin ay sasabihin na may gusto sa akin. “Pero in fairness, may itsura siya, friend,” wala sa sarili kong sabi sa kaibigan ko na ang atensiyon ay nasa speaker na sa stage dito sa malaking bulwagan ng University na pinapasukan ko. Ibinalik sa akin bigla ni Melanie ang tingin na may halong pagtataka. “Oh, bakit ganyan ang tingin mo sa akin?” may halo na pagtatakang tanong ko. “Wala naman,” saglit itong tumigil. “Ngayon ko lang kasi narinig na may pinuri kang lalaki.” “Ano ka ba, hindi ba tama lang naman na give credit where credit is due,” sabi ko kay Melanie na balak akong tuksuhin. “At kung balak mong manukso, huwag mo nang ituloy pa! Dahil hindi pa yata pinapanganak ang lalaking magpapabilis ng t***k ng puso ko.” “Naku, ikaw talaga, tatanda kang dalaga for sure! Sayang naman ang height mong 5”6 at vital statistics mong 35-24-35. Aamagin lang din pala ang katawan mo nang walang makakatikim, sayang lang at sana sa akin na lang napunta.” Agad nag-init ang mukha ko sa sinabi ni Melanie, napatingin ako sa paligid at parang wala namang nakakarinig sa amin. Mabuti na lang at busy ang mga kaklase ko sa pakikinig at hindi narinig ang tinuran ni Melanie. “Ano ka ba naman Melanie, marinig tayo ng classmates natin, sabihin ang lalandi natin at lalaki ang pinag-uusapan!” galit na sabi ko kay Melanie, gusto ko na talaga itong kurutin sa singit sa pagiging taklesa nito. Inirapan na lang ako ng bestfriend ko at tumutok sa speech ng aming Dean. “Hmmp, sige na nga Miss virgin Jelly, mananahimik na ako!” nakanguso na si Melanie habang nakikinig na sa speech ng Dean of College of Education. Palibhasa ay hindi na virgin si Melanie at masyado ng open sa mga bagay na ginagawa lang ng mag-asawa. Sa edad namin na twenty ni Melanie ay eighteen years old pa lang ay naisuko na ng bestfriend ko ang virginity nito. Dahil nga mag-bestfriend kami ay halos lahat ng pangyayari sa buhay nito ay kinukwento pati ang ginagawa nito ng dating boyfriend. Tinanong ko na nga minsan si Melanie kung nagsisisi ba ito na hindi naman sila nagkatuluyan ng lalaking inalayan ng p********e, ang sabi naman nito ay okay lang dahil mahal niya ang ex niya nang time na pinagkaloob nito ang virginity. Magkaiba kami ng kaibigan ko ng pananaw, ako kasi importante sa akin na ‘yung pag-aalalayan ko ng virginity ko ay ang lalaking mapapangasawa ko na. Ilang sandali ay natapos na rin sa wakas ang school program. Ngayon ang 105th foundation day ng University na pinapasukan ko. Kanina lang ay ako ang isinabak ng College of Education para maging representative ng aming Department para lumaban sa beauty contest para sa lahat ng Department sa University. Dahil sa premyo na twenty thousand ay kinalimutan ko ang kahihiyan ko at nilakasan ang loob para lang manalo. Kailangan ko kasi ang pera para makatulong kahit papaano sa gastusin sa bahay. Kahit labag sa loob ko ang pagsali dahil na rin merong swimsuit competition ay kinapalan ko ang mukha ko. Pakiramdam ko ay ito na nga lang ang nagdala sa performance ko dahil halos daw lahat ng lalaki ay tumulo ang laway nang rumampa ako sa stage. Sa huli ako ang nagkamit ng first prize na twenty thousand. “Miss Educ!” Malakas na tawag ng aming Dean na nagpalingon sa amin ni Melanie habang papaalis kami sa pinagdausan ng event. Sa tabi ng aming Dean ay nakatayo ang nakangiting si Mr. Luzano. Tiningnan ko ito sa mata at mas lumapad pa ang ngiti nito sa akin. Inalis ko ang tingin kay Mr. Luzano at binaling sa Dean namin na ginawaran ko ng matamis na ngiti. “Sir, may sasabihin po ba kayo?” Magalang na tanong ko sa may edad na Dean of College of Education. “Yes, Miss Aguilar, gusto ka lang makausap ni Mr. Luzano.” Agad kong binaling ang tingin sa anak ng aming Mayor, bahagya kong binuka ang labi ko dala ng pagtataka. Kanina ay isa ito sa nag-judge sa performance ko sa competition. Nakaramdam ako ng pagkailang, dahil na rin siguro nakita ako nito kanina habang naka one-piece swimsuit. Tumingin ako kay Melanie na may halong pagtataka rin ang tingin. “Friend, hintayin mo na lang ako sa main gate.” Agad na umalis sa tabi ko si Melanie at ang aming Dean at iniwan kami ni Mr. Alex Luzano. Tiningnan ko ang paligid at nagsimula nang kumonti ang tao sa lugar na kinatatayuan namin. Ang ibang estudyante ay pasimpleng lumilingon sa gawi ko at may halong pagtataka sa mga mata. Sino nga ba ako para pag-aksayahan ng panahon ng isang gwapong anak ng isa sa maimpluwensyang tao dito sa lugar namin sa Bulacan? Tumikhim si Mr. Luzano. Ibinaling ko muli ang atensyon ko sa lalaki at nagbigay ng tipid na ngiti. “Sir, ano po ang maipaglilingkod ko sa inyo?” naiilang na tanong ko. Sa mga titig ni Mr. Luzano sa akin ay para akong matutunaw dahil sa lagkit. At hindi ko iyon nagugustuhan. Mukhang tama si Melanie, na gusto ngang lapain ang katawan ko. Gosh! Nakakakilabot naman. “Call me Alex, Jelly.” Inilahad nito ang kamay. At talaga naman natatandaan pa talaga nito ang first name ko ha. Wala akong nagawa kung hindi abutin ang kamay nito. Naramdaman ko ang bahagyang pagpisil nito sa palad ko bago pakawalan. “Nakakahiya naman po, Sir, kung tatawagin ko lang kayo sa pangalan. Anak po kayo ni Mayor kaya dapat ko lang po kayong igalang,” mahinang sabi ko. Bumuntong hininga na lang si Alex at tumango-tango sa akin. “I’m sorry to bother you, Jelly,” malumanay ang pagkakasabi ni Sir Alex. “Well, as you see, I saw your performance a while ago and I wanna offer you to be a model for my friend’s resort,” seryosong sabi nito. Napaawang na lang ang bibig ko. Ilang sandali ay nakabawi ako sa pagkabigla. “A-hhm,” nahihiyang sabi ko sabay hawi ng buhok ko at iniipit sa likod ng aking tenga. “Nagkamali po yata kayo ng nilapitan, Sir, hindi ko po kasi linya ang pagmomodelo, ang totoo po ay first time ko lang po na sumabak sa competition kanina.” Marami na akong naririnig sa mga tao na bagay nga daw sa akin ang pagmomodelo dahil sa matangkad ako. Though may pagka-conservative akong manamit ay may mga nagsasabi pa rin na bagay sa akin na mag-modelo o mag artista dahil sa kakaiba kong ganda. Siguro ngayon lang talaga nalantad ang katawan ko at marami ang nakakita sa perpekto kong hubog ng katawan na sabayan pa ng makinis na balat. Hindi ako sobrang puti pero hindi din naman morena, matangos ang ilong ko at mahaba ang pilik mata, marami ang naiingit sa aking hugis pusong mukha na binagayan ng natural na bagsak na buhok na lagpas balikat. “But I think you did a great job. Paniguradong sisikat ka kung tatanggapin mo ang offer ko.” “Pasensya na po talaga, Sir, hindi ko po kasi gustong maging modelo.” Mariin kong tanggi ko. Bata pa lang ako ay pangarap ko ng maging isang Teacher at kahit kailan ay hindi sumagi sa isip ko ang pagmomodelo o pag-aartista. Isang buntong hininga ang pinakawalan ni Mr. Luzano. Matapos ay may kinuha ito sa wallet nito at iniabot sa akin. “Anyway, if ever na magbago ang isip mo ay tawagan mo lang ang number na ito.” Ngumiti sa akin si Mr. Luzano, bakas ang kaunting lungkot sa mukha nito. “Thank you po, Sir Alex,” ang sabi ko na lang. Agad nagpaalam sa akin ang lalaki, nanatili akong nakatayo at nang tuluyan ng nakalayo si Mr. Luzano ay tinignan ko ang hawak na card na ibinigay sa akin. “De Luna Paradise Hotel and Resort, CEO Lucio Del Fiero.” Malakas kong basa sa nakalagay sa calling card, napakibit balikat na lang ako, may nakalagay na number sa card, pero dahil wala akong interes sa offer sa akin ay itinapon ko na lang ang calling card sa nadaanan kong basurahan habang papalabas ng school para puntahan si Melanie at sabay umuwi ng bahay. PAGKAUWI ng bahay ay agad akong sinalubong ni Ate Marivic. Tahimik ang bahay at mukhang hindi pa nakakauwi ang aking Tatay. “Jell, nakauwi ka na pala,” bungad sa akin ng panganay kong kapatid. “Nasaan si Daniel, akala ko sabay kayo uuwi?” seryosong tanong pa ni Ate sa kapatid kong nag-aaral din sa University na pinapasukan ko. “Busy sa pa group activity sa school, Ate. Si Rhian nasaan?” “Nasa kwarto at pinatulog ko na, paulit-ulit na binabanggit ang pangalan mo, buti at napatulog ko pa rin.” “Mabuti naman at napatulog mo this time.” Ngumiti ako kay Ate na may halong pang-aasar. Madalas kasi ay mas napapasunod ko pa ang anak nito na si Rhian kesa sa kanya na sariling ina. Lumingon ako sa paligid. “Hindi pa ba nakauwi sila Nanay at Tatay, Ate?” tanong ko kasabay ng pag-upo sa lumang sofa namin. “H-hindi pa.” Bakas ang lungkot sa mukha ni Ate. “M-may problema ba?” Kinakabahan na tanong ko, dahil sa mukha ni Ate na halatang may dinadalang problema. “Si T-tatay Jell, na lay-off siya sa trabaho.” Agad na tumulo ang luha ni Ate, dahan-dahan at nanghihina itong napa-upo sa tabi ko. Hindi agad ako nakapag-react sa sinabi ni Ate, sandali akong natahimik habang si Ate ay pinunasan ang mga luhang naglandas sa mga pisngi nito. “P-pero bakit daw? Ang tagal na niya sa kumpanya, b-bakit ngayon pa Ate? Paano na ang pag-aaral namin ni Daniel?” Pinilit ko na pigilan ang luha, ang dami na agad na problema ang tumatakbo sa isip ko. “Kaya pala tatlong araw nang umuuwi na lasing si Tatay kahit wala naman itong bisyo. Si Nanay nasaan?” “Sinundo si Tatay sa may kanto dahil nag-text yung kumpare na sobrang lasing na raw.” malungkot na sabi ni Ate na tumahan na sa pag-iyak. “Jell, hindi ko alam kung paano matulungan sila Nanay at Tatay, ako itong Ate pero ako ang pabigat sa bahay na ito... kami ni Rhian, pabigat lang kami!” Hindi naiwasan ni Ate na mapahagulgol ng iyak. Hinimas ko ang likod nito. “Ate tama na, kahit kailan ay hindi namin inisip na pabigat kayo ni Rhian. Tsaka nakakatulong ka naman kay Nanay at nakapagbibigay ng panggastos.” Labis akong naawa sa dahilan ng pag-iyak ni Ate Marivic. Alam ko na maliit ang self confidence nito dahil hindi nito nagamit ang pinag-aralan dahil maaga itong nag-asawa. Tatlo kaming magkakapatid, si Ate Marivic ang panganay at si Daniel ang bunso. Kakasapit ko lang ng twenty, at si Ate ay magtwenty-seven na at may isang anak. Pagkagraduare ni Ate ng college ay agad itong sumama sa boyfriend niya na nakabuntis sa kanya. Hindi nito naranasan na magtrabaho para sa amin dahil naging plain housewife ito. Noong una ay disappointed ang mga magulang ko dahil akala namin ay maiahon kami ni Ate kahit paano sa hirap. Ang masaklap sa pangyayari sa buhay ni Ate ay nang hiniwalayan ito ng asawa dahil pinagpalit sa ibang babae. Bumalik si Ate dito sa amin at tinanggap namin siya muli sa bahay ng buong puso kasama ang anak nito sa si Rhian na ngayon ay limang taong gulang na. Halos mahigit na isang taon na rin naming kasama sa Ate at si Rhian dito sa bahay. Hindi na nakatrabaho si Ate dahil kinailangan nitong pagtuonan ng pansin ang pag-aalaga kay Rhian na kailangan ng espesyal na atensyon. Si Rhian kasi ay diagnosed na merong ASD or autism spectrum disorder. Alam kong mahirap para kay Ate ang sitwasyon nito, pero pinipilit nitong maging matatag. Nag-oonline selling ito at kahit naman paano ay kumikita at nakakatulong sa gastusin dito sa bahay. Hindi na kami nakakuha ng therapist para kay Rhian dahil na rin lagi kaming kinakapos sa panggastos sa bahay. Habang buhay na kondisyon na rin kasi ang pagiging special ni Rhian, pero makakatulong pa rin ang treatments to manage the condition. Dalawa kasi kami ni Daniel ang nag aaral pa at si Tatay lang naman may regular na trabaho sa isang maliit na kompanya na tatlong barangay ang layo dito sa bahay namin. Si Nanay ay nagtitinda ng gulay sa palengke at hindi naman malaki ang kinikita. Kaya kapag may mga emergency cases ay hindi maiiwasan sa nagkakaroon kami ng utang. “Jell, sige na pumasok ka na sa kwarto at magpahinga, malapit na ang finals niyo.” Agad akong sumunod sa sinabi ni Ate Marivic sinabihan ko ito na hindi na ako kakain dahil busog na ako. Sa ngayon ay ayoko munang isipin ang tungkol sa pagkakatanggal ni Tatay sa trabaho. Ngayon pa lang ay nararamdaman kong isa sa amin ni Daniel ang kailangan maghinto sa pag-aaral sa susunod na pasukan. Mabuti na lang at isang buwan na ay matatapos na ang school year. At mabuti na lang at may twenty thousand akong pinanghahawakan na hindi ko pa binabanggit kay Ate. Pagpasok sa kwarto ay bumungad agad sa akin ang pamangkin ko na si Rhian. Dinampian ko ng halik ang pisngi nito at hindi naman nagising sa himbing ng tulog. Umupo muna ako sa tabi ng kama at pinagmasdan ang maamong mukha ng pamangkin ko. Isa si Rhian sa nagpapasaya sa akin, kaming buong pamilya ay mahal na mahal si Rhian. Dahil hindi kami makapabayad sa therapist, ay sariling sikap kami para sa pagpapalaki kay Rhian. Mahirap! Mahirap talaga magpalaki ng especial child, may sariling mundo ang bata at hindi kami pinapakinggan madalas. Pero dahil sa kagustuhan kong matulungan si Ate sa pag-aalaga, lagi akong nagreresearch kung paano mapadali ang pagpapasunod kay Rhian, umeepekto naman kahit papaano. Minsan ay mas kinikilala pa nga yata akong ina ni Rhian kesa kay Ate. Siguro dahil na rin na malapit ako sa mga bata. Kaya nga pati pangarap ko ay maging Teacher dahil gusto ko marami akong bata na nakakasalamuha. Nagbihis na ako at nahiga sa higaan ko. Maya-maya ay narinig ko ang mahinang pag-aaway nila Nanay at Tatay, at ang pinag aawayan ay ang tungkol sa pera. Nilingon ko si Rhian at mabuti na lang ay mahimbing na ang tulog nito. Sinubukan kong ipikit ang mata ko at iwaksi sa isip ang mga kahaharapin na problema dahil sa pagkakatanggal ni Tatay sa trabaho. Bukas na lang ako magrereview dahil wala ako sa kondisyon ngayon. Hindi pa lumalalim ang tulog ko ng gisingin ako ng tunog ng cellphone ko na inilagay ko sa side table. Melanie calling… “Hello, friend, napatawag ka?” “Friend,” sagot ni Melanie na halata ang lungkot sa boses. “Anong problema, Melanie?” tanong ko, alam ko kung kailan meron na dinadalang problema ang kaibigan ko. “Jelly, mukhang hindi na kita makakasama sa next school year.” Naramdaman kong pumiyok ang boses ni Melanie, alam kong malapit na itong mapaiyak. “B-bakit naman?” kinakabahan na tanong ko, hindi pa man ito nagsasabi ay mukhang tungkol sa paghihinto sa pag-aaral ang problema nito. Ilang buntong hininga ang pinakawalan ni Melanie bago ito nagkwento. Kailanganin pala ng kaibigan ko na mag-aaply bilang Nanny sa pinagtatrabahuhan ng isa nitong Tita. Ulilang lubos na si Melanie at pinapa-aral lamang ng mga Tita nito. Ang isa nitong Tita na kasama ngayon sa bahay ay tinutulungan ni Melanie sa pagtitinda sa karinderya, habang ang isa naman na Tita ay nagtatrabaho bilang Nanny sa anak ng isang businessman. Mayroon daw sakit ang Tita ni Melanie at papauwiin na next month dito sa Bulacan, at si Melanie muna ang papalit bilang Nanny. “Pero p-paano ang pag-aaral mo? Isang taon na lang graduate na tayo, malapit na tayong maging guro.” malungkot na tanong ko kay Melanie matapos ang mahaba nitong kwento. “Wala akong choice, friend, kung hindi tumigil muna. Alam mo naman na malaki ang utang na loob ko kina Tita. Sila ang nagsusuporta sa pag-aaral ko. Ngayong may sakit si Tita Isabel, ako muna ang papalit sa kanya. Isang bata lang naman daw ang aalagaan. At malaki naman ang sahod dahil bilyonaryo daw ang magiging amo ko.” malungkot na paliwanag ni Melanie. Napahawak ako sa noo ko na parang biglang sumakit, yung tipong gusto kong maglabas ng problema sa kaibigan, pero hindi pwede dahil may pinagdadaanan din ito. “Mamimiss agad kita, friend,” patuloy ni Melanie. “Alam mo nga yung inaalok sa akin ni Tita Isabel ay Nanny nung kapitbahay ng Boss niya, kaso special child daw na aalagaan, at hindi naman ako marunong magpaamo ng special child kagaya mo. Ang laki daw na offer na sahod, fifty thousand daw per month. Apat ang anak ng lalaki at mas mayaman pa sa magiging Boss ko. Hanggang next month na lang daw kasi ang mag-aalaga kaya nagpapatulong na rin kay Tita Isabel na maghanap ng Nanny. Kung gusto mo ikaw na lang ang mag-apply?” biglang alok ni Melanie. Bigla akong natawa, hindi ko alam kung nagbibiro ba ito o seryoso sa tanong nito. “Ano ka ba Melanie, kahit anong mangyari gusto ko munang tapusin ang pag-aaral ko. Alam mo naman na pangarap iyon ng mga magulang ko. Pero infairness ha, ang laki ng magiging sahod.” “Friend, hindi basta basta ang magiging amo, sabi ni Tita Isabel. Del Fiero raw!” tila nawala naman ang lungkot ni Melanie at napalitan ng excitement ang boses. “Saan ko ba narinig ang Del Fiero na yan, friend, parang pamilyar.” “Ano ka ba, friend, paanong hindi magiging pamilyar, isa ang mga Del Fiero sa pinakamayaman na mga nilalang sa buong Pilipinas.” bulalas ni Melanie. Hindi naman ako aware sa mga businessman sa Pilipinas at hindi rin ako nagbabasa ng mga business articles kaya hindi ko masyadong kilala ang tinutukoy ni Melanie. Matapos naming mag-usap ni Melanie ay muli na akong humiga. Hindi ko na na rin nariring ang away sa labas ng kwarto. Malamang ay kumakain na sila at siguro ay nakauwi na rin si Daniel. Biglang pumasok sa isip ko ang sinabi ni Melanie. “Kung mag-apply na lang muna kaya ako bilang Nanny, kahit isang taon lang para makaipon ng malaki?”

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

His Obsession

read
90.1K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
138.9K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
80.0K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
181.4K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
27.9K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
11.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook