Chapter 5

2760 Words
Jelly’s POV Gwapo. Salita na bihira ko lang i-describe para sa mga lalaki. Hindi kasi ako kagaya ng ibang babae sa school namin na kapag nakakakita o nakakasalamuha ng gwapo... lalo ng mga varsity players sa campus na mapadaan lang sa hallway ay nagtitilian na. Hindi ako mahilig makigulo sa classmates ko kahit minsan ay nakikita ko si Melanie na nakikitili rin sa mayayabang na campus crush. Hindi ko alam kung ilang segundo akong nakatanga sa mukha ng lalaking kaharap ko. Malayo ang distansya namin. Pigil pa rin ang paghinga kasabay ng malakas sa kalabog ng dibdib na hindi ko alam kung ano ang dahilan at pinanggagalingan ng kaba ko. “I assume you’re Xena’s new Yaya, right?” Mahinahon lang nitong tanong. Tila natauhan ako at bumalik sa realidad nang marinig ang boses nito. Bahagyang lumapit si Sir sa akin. Bigla kong binaba ang tingin ko sa may paanan ko dahil tila nahihipnotismo na ako sa tingin nito. Bigla kong naalala ang sinabi ni Melanie kanina habang kausap ko sa cellphone. Ang description niya tungkol sa amo nito na si Sir Rome na kapag tumingin ay parang hinihigop ang kaluluwa mo. Parang ganoon din ang nangyayari sa akin ngayon. “O-opo Sir.” Nanginginig pa ang boses ko sa pagsagot. Ikinalma ko ang sarili at huminga ng malalim para mabawasan ang nararamdaman na kaba. Itinaas ko nang dahan dahan ang tingin at muling nagtama ang mata namin ni Sir Luke. Mas nasisilayan ko ang gwapo nitong mukha ng malapitan. Matangkad ako pero bahagya pa akong tumingala sa lalaki. He has expressive eyes, prominent jaw, matangos ang ilong nito. Napadako ang tingin ko sa labi nito na mamula mula. Parang sa TV ko lang nakikita ang mga ganitong mukha. Mukha ng artista o modelo, bumagay ang buhok ng lalaki na clean cut sa mukha nito. Tumikhim si Sir Luke. Muli kong ibinaba ang tingin ko sa paanan ko. Nakakahiya. Mukhang napatagal na yata ang pagtitig ko sa lalaki. Isang nakalahad na kamay ang nakita ko. Sandali ko lang iyon na tiningnan at matapos ay sinalubong muli ang tingin ni Sir Luke. “I’m Luke Marco Del Fiero, Xena’s father.” pagpapakilala nito. Inabot ko ang kamay nito. Mas lalo akong na-tense ng magsaklop ang mga palad namin. Pinilit kong maging pormal at hindi ipahalata ang kaba ko. “Ako po si Jelly, Sir Luke.” sabi ko. Agad na binitawan ni Sir Luke ang kamay ko. Tumango ito. “Nice to meet you, Jelly.” Nakangiting wika nito. Totoo rin ang sinasabi ng ibang tao na makalaglag panty na ngiti. Hindi ko maiwasan na mapanganga sa simpleng ngiti na iyon na lalong nagpagwapo sa paningin ko. “Nice meeting you, sir.” Tipid akong ngumiti. Hanggang ngayon ay pinipilit na ikalma ang buong sistema ko. Pati kasi tuhod ko ay parang ayaw makisama sa akin. “Are you going somewhere?” saglit nitong hinagod ang kabuuan ko. Nakapajama na ako at nagtataka siguro kung bakit lalabas pa ako. “A-ahm papunta lang po ako sa kusina para uminom ng tubig.” Derechong tingin ko sa amo ko. Napalunok ako. Hindi pa ako makaget-over sa itsura nito na artistahin. Kaya pala ang kwento ni Ate Marife ay pangarap nung dalawang Yaya ang kwarto na tinutuluyan ko. “I see.” tipid na wika nito. Ilang segundo pa ako nitong tinitigan at sinalubong ko ang titig nito. Napaawang ang bibig ko at biglang dumako ang tingin ni Sir sa mga labi ko. Agad akong nagbaba ng tingin nang maramdaman ko ang pag-iinit ng pisngi ko. Pakiramdam ko ay namumula ako at ayoko na makita ni Sir ‘yun. Sandali kong kinagat ang ibabang labi ko at napalunok. “You can go now; I’ll just talk to you tomorrow when I got home.” Inangat ko ang tingin at sinalubong ang tingin ni Sir. Tumango ako. “S-sige po Sir.” Agad akong tumalikod at naglakad na sa hallway pababa ng hagdan. Alam kong nakasunod pa sa akin si Sir Luke. Kagat ko ang ibabang labi habang nagsisimula naman dumagundong ang kaba sa dibdib ko. Pakiramdam ko ay hinahagod ni Sir ang buong kabuuan ko sa likod. Mabuti na lang at puro pajama ang dinala kong pantulog. Ilang sandali pa ay narinig ko ang pagbukas at pagsara ng pinto. May pinasukan na kwarto si Sir. Huminto ako at lumingon sa likod. Hindi na nakasunod sa akin ang gwapo kong boss. Alam kong mini gym ang pinasukan nito dahil inilibot na ako ni Ate Marife dito sa mansyon. Bumuntong hininga ako. dahil sa wakas wala na ang kaba ko. Ganitong oras kaya ito nagwo-work-out? Masyado ng gabi. Kaya pala maganda ang katawan ni Sir Luke. Alaga sa work-out. Siguro meron itong abs. Naramdaman ko ang pag-iinit ng mukha ko dahil sa kung ano-ano ang pumapasok sa isip ko. Muli ako naglakad na pababa ng hagdan. Madilim na ang paligid kaya binuksan ko ang switch ng ilaw para makarating na ng kusina. Matapos uminom ay agad akong bumalik ng kwarto. May kaba sa dibdib habang naglalakad sa hallway pabalik sa room ko sa isipin na muling makasalubong si Sir Luke. Mabuti na lang at hindi ko na ito muling nakita pa. Nang makapasok ng kwarto ay tuluyan ng natahimik ang kalooban ko. Mabuti na lang at hindi na nito naalala ang pangyayari kaninang umaga. Humiga na ako sa kama para matulog na. Hindi ko na alam pa kung ilang minuto bago nakatulog kakaisip sa aking amo dahil tila tumatak agad sa isip ko ang napaka-gwapo nitong mukha. KINABUKASAN ay maaga pa rin akong nagising. Agad akong bumangon at nag-shower. Nagustuhan ko ang CR dito kasi pwede akong mamili kung warm or cold ang shower. Ganito kayaman ang isang Luke Marco Del Fiero. Kahit Yaya ng anak nito ay buhay Donya pa rin. Hindi ko lang alam kung ganito din ba ang maid’s quarter na tinutulugan ng ibang kasambahay. Matapos maligo ay napagpasyahan ko na bumaba lumabas na ng kwarto. Suot ang simple at lumang bestida na lampas tuhod ang haba. Binuksan ko ang pinto at bumungad sa akin ang pinto ni Sir Luke. Nakasarado ito. Hindi ko pa alam kung anong oras ang pasok nito sa opisina at kung anong oras ito nakaka-uwi. Magiging struggle ko yata everyday ang paglabas ng pintuan, bakit pa kasi kailangan na magkatapat kami ng kwarto. Naglakad na ako sa hallway at laking pasalamat ko na hindi nakita ang boss ko. Agad akong nagtungo nga sa kusina at nadatnan ko na nag-aagahan si Ate Lai. Kasama nito si Ate Marife at may isa pang babae na nasa early thirties ang edad. “Magandang umaga po sa lahat.” Nakangiting bati ko. “Oh gising ka na pala, Jelly,” bungad ni Ate Lailani. Napalingon sa akin ang dalawang babae na kasama nito sa table. “Halika at sumabay ka na sa amin mag-agahan. Kakatukin sana kita kanina eh... kaso iniisip ko na baka tulog ka pa.” Lumapit ako sa mesa at umupo, kukuha na sana ako ng pinggan at pagkain ko pero pinigilan ako ni Ate Lai. Ito na mismo ang nag-asikaso sa akin. “Totoo pala ang sabi n’yo, Ate Fe,” bumaling ang tingin ko sa babaeng kasambahay na hindi ko pa nakikilala. “Kahawig nga n’ya si Ma’am Belle.” “Oo Che, kaya wala ka ng pag-asa kay Sir Rome. Itigil mo na ang pagnanasa mo sa kanya.” tukso ni Ate Lai sa babae. Eto pala si Che, na taga linis at laba dito sa mansyon. Bahagya akong ngumiti sa asaran nila. Mukha naman na mabait itong si Che. “Itigil niyo na ang mga kaharutan niyong lahat!” sabat ni Ate Fe sa asaran ng dalawang katulong. “Lagi niyo na lang pinagnanasahan ang magkumpare.” dagdag pa nito. “Ang KJ mo talaga, Ate Fe.” nakangusong sabi ni Ate Che. “Pasensya ka na, Jelly, ha. Ganito talaga dito, crush ng bayan kasi yung dalawang hot daddy dito sa subdivision.” singit ni Ate Lai. “Ayan tuloy mukhang may kaagaw si Che sa pagpapansin kay Sir Rome.” “Ate, grabe ka naman,” singit ni Che. “Baka mailang sa akin si Jelly.” Ngumiti na lang ako kay Ate Che. Nagsimula na akong kumain. Nagtatanong sila ng kung ano ano tungkol sa akin. Madami silang pinag-uusapan. Nalaman ko rin na naka-alis na si Sir Luke papasok sa opisina at maya-maya ay pabalik na ang mga bata galing naman sa mansyon nila Madam Aubrey. Matapos kumain ay ako na ang nagpresinta na maghugas ng pinggan. LUMIPAS ang maghapon at wala akong ginawa kung ang hindi tumulong kay Ate Che. Mabait nga ito pero medyo tahimik lang. Hindi kagaya ni Ate Lailani na nagke-kwento sa bagong kakilala pa lang ng talambuhay ng aming amo. “Nandito na ang mga bata!” dinig kong sigaw ni Ate Marife. Nandito kami sa garden ni Ate Che at tinutulungan ko na magtanggal ng mga sirang dahon sa mga halaman. Agad akong napalingon sa pinanggalingan ni Ate Fe ate nakita ko na papunta ito sa may garahe ng mansyon at sinalubong ang magara na kotse na kapapasok lang ng gate. “Halika, Jell, ipapakilala ka sa aalagaan mo.” Pag-aya sa akin ni Ate Che. Lumakad na ito papunta sa garahe at agad naman akong sumunod dito. Nang makarating sa garahe ay saktong nakababa na ang mga bata at may kasamang dalawang babae. I assume they are Hazel and Malou na Yaya ng tatlong bata, naka miniskirt ang mga ito. Hindi naman kasi required sa amin ang uniform. Tiningnan ko ang dalawang Yaya at ngumiti, pero hindi naman sila gumanti ng ngiti sa akin kaya binaling ko na lang ang tingin sa mga bata. “Hello mga babies!” bungad na bati ni Ate Fe sa mga anak ni Sir Luke. Lahat iyon ay babae. Isa isa kong tinignan ang mga anak ni Sir Luke na nakatingin din sa akin. Hindi maipagkakaila na anak sila ng mayaman, sa kutis pa lang ay parang hindi nadapuan ng lamok sa buong buhay nila. Ang panganay ni Sir Luke ay masasabi kong pinakamagandang dalaga na nakita ko. Malaki na pala ang mga anak nito, yung panganay ay sa tingin ko ay ilang taon lang ang tanda ko. Nagtama ang tingin namin ng panganay nitong anak. Nakuha nito ang mata ni Sir Luke... expressive eyes. Ngumiti ako sa dalaga ngunit tinaasan lang ako nito ng kilay. Mukhang may pagkamaldita ang dalagang ito. Sa isip isip ko. Binawi ko ang tingin sa panganay at inilibot sa ibang bata, isa lang doon ang masasabi kong girl version ni Sir Luke. Sabagay, puro panganay nga pala ang mga anak ni Sir, yung iba siguro nitong nabuntis ay malalakas ang dugo ng babae kaya namana sa ina. “Mga, hija, this is Xena’s new Nanny!” Masayang sabi ni Ate Marife sa mga batang bababae na hindi ko makita ng katuwaan sa reaksyon. “Her name is Jelly, you can call her Yaya Jelly.” Malamang ay spokening dollar ang mga batang ito. Konti lang ang baon kong English. Sana maitawid ko sa pang araw-araw na pamamalagi ko dito. “Jelly,” baling sa akin ni Ate Marife. “This is Camilla, the eldest, she is sixteen years old.” Turo nito sa panganay na anak ni Sir Luke. Apat na taon lang pala ang tanda ko dito. Nakasimangot ito at mukhang naiinip na at gustong umalis na. Sayang ang ganda ng dalagang ito kung sisimangot lang. Pwede na itong ihanay sa mga sikat na sikat na artista dito sa Pilipinas sa ganda nito. Malamang ay marami rin ang nanliligaw dito sa tingin ko. Tipid akong ngumiti kay Camilla habang magkasalubong ang mata namin. Mas lalo itong sumimangot sa pagngiti ko. Mas ngumiti pa ako sa dalaga at inilabas ko ang ngipin ko... pero mas lalo pa yata itong nabwisit dahil umirap ito sa akin. “I need to go!” sabi ni Camilla kay Ate Marife sabay alis sa kinatatayuan nito at umalis papunta siguro sa loob ng mansyon. Sinundan ko ito ng tingin. Nagkatinginan nalang kami ni Ate Marife. May attitude si Camilla. Mukhang kailangan ko gamitin ang pagiging teacher ko sa dalaga, para maturuan ito ng leksyon. Mali ang ginawa nito... ang respeto ay hindi lang binibigay sa mataas ang katayuan, kahit kaming Yaya ay deserve ng respeto. Napailing si Ate Marife at tinuloy ang pakilala sa mga bata. “This is Nikita.” Turo naman nito sa isang bata. Sa kanilang apat na magkakapatid ay ito ang masasabi kong girl version ni Sir Luke. “Hi, Nikita!” bati ko dito. Ngumiti ako ng matamis at ginantihan din ako nito ng ngiti, sweet ang awra ng bata na ito. “Hello, Yaya Jelly. Nice meeting you.” magiliw na bati nito, pati accent nila ay parang bata na lumaki sa America. “How old are you, Niki?” tanong ko na nakangiti uli. Gusto kong kaibiganin ang mga bata. “Thirteen.” tipid na sagot nito. Tween na pala ito. Tumango ako at matamis na ngumiti, palagay ko naman ay magaan ang loob sa akin ng bata na ito, unlike kay Camilla. “This is is Leona. Eleven years old na s'ya.” Dinig kong sabi ni Ate Fe. Lumingon ako sa isang bata na seryoso naman ang mukha. Malayo ang itsura nito kay Sir Luke. Ito ang pinaka morena sa apat na magkakapatid. Siguro ay namana nito sa mommy nito. “Hi, Leona,” bati ko. Ngumiti ito saglit at matapos ay naging seryoso na muli ang bata. Binaling ko ang tingin sa bata na may hawak ng fidget. Nanatili lang doon at nilalaro ang hawak nitong fidget. “Hazel, Malou, ipasok n’yo na ang dalawang bata sa loob.” Dinig ko na utos ni Ate Fe sa dalawang Yaya. Hindi man lang nila ako binati. Tiningnan ko ang pag-alis ng mga ito sa kinatatayuan namin, habang naiwan pa rin si Che na nasa tabi ko. Nagtama ang tingin namin ni Ate Marife at tumango ito sa akin na pasenyas na lapitan ko si Xena. Nilapitan ko ang batang walang pakialam sa paligid nito. Bahagya akong umupo at ipinantay ang mukha ko kay Xena. Patuloy ito sa ginagawa sa hawak niton laruan. “Hi, Xena. I’m your new nanny.” Magiliw na sabi ko Patuloy lang sa paglalaro si Xena sa hawak nito. Hinaplos ko ang mukha nito at bigla nitong tinanggal ang kamay ko at nayamot, matapos ay pinagpatuloy ang paglalaro sa hawak nito na fidget. “Xena, look at me.” Mahina kong sabi. “Look at me, Xena. I’m your new Nanny Xena, please look at me.” Paulit ulit kong sabi. Kahit anong tawag ko ay hindi ako not binibigyan ng atensyon. “Jelly, mabuti pa at mamaya mo na kausapin si Xena,” singit ni Ate Fe. “Dadalhin ko muna siya sa kwarto para makapahinga.” Tumango na lang ako kay Ate Fe. Hinawakan ko sa ulo si Xena at bahagyang ginulo ang buhok. Umalma ito na parang nagalit. Napangiti ako. Tinalikuran ako ni Xena. Patuloy pa rin ang paglalaro sa hawak nito na laruan, pero paulit ulit na sinasabi ang salitang ‘Nanny’. Tumayo ako mula sa pagkakaupo. Hinawakan na ni Ate Fe si Xena sa kamay at nagpaalam na sa amin. Naiwan kami ni Che na nakatingin sa dalawang papalayo. Isang malalim na buntong hininga ang narinig ko. “Pagpasensyahan mo na si Camilla, Jelly.” Nilingon ko si Ate Che. “Sa kanilang magkakapatid siya kasi ang pinaka may attitude. Hindi mo rin masisisi... lumaki na bitter, eh.” “B-bakit naman, Ate Che?” takang tanong ko. “Malalaman mo rin ang buong kwento.” Buntong hininga na sabi ni Ate Che. “Lumaki kasi ang mga bata na kulang sa atensyon eh, lalo na si Camilla. Kulang na lang magrebelde. Tapos hindi pa natututukan ni Sir Luke. And worst... may nililigawan si Sir Luke kaya nahati na naman ang atensyon nito sa mga bata.” mahabang paliwanag nito sa akin Nagpaalam na si Che na mauna ng pumasok sa loob mansyon. Sumunod na rin ako sa paglalakad nito. Sandaling huminto para titigan ang malaking bahay. Akala ko pa naman puno ng tawanan ang bahay na ito. Mukhang may kailangan akong ayusin sa mga bata. At Si Sir Luke anong klaseng ama kaya siya? Sa isip isip ko. Napapailing ako matapos ay nagbuntong hininga. Isang sulyap pa sa kabuuan ng mansyon at nagpatuloy ako sa pagpasok sa loob ng bahay para simulan na ang pag-aalaga kay Xena…
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD