NAKAPASKIL ang matamis na ngiti sa labi ni Jude habang pinagmamasdan niya ang portrait ni Jibelle na nakasabit sa wall na nasa harapan niya. Naiwan siyang mag-isa sa opisina ni Jibelle nang dumating na ang Chinese na ka-meeting nito. Humalukipkip siya habang prenteng nakaupo sa sofa. He just couldn’t take his eyes away from the portrait. At ang weird pa nito, may kung anong ’di niya maipaliwanag na damdaming lumulukob sa puso niya. Masaya siya at hindi niya maipaliwanag kung bakit. It felt so weird to be happy just seeing Jibelle. And it felt weirder to feel excited knowing that they would be together for the next six months. Why am I feeling this way? Nangingiting napailing siya. Pakiramdam niya, hindi tugma ang kanyang excitement sa dapat niyang maramdaman