Chapter 1
“KAILAN ka ba darating, Love? Ang tagal mo namang mag-emote! Jowang-jowa na ako, o! I’m so much ready!” Parang baliw na kinakausap ni Jibelle ang imahe ng isang lalaki na nasa frame na nakapatong sa file cabinet. It was a faceless caricature of a man in blue polo.
Sa gilid ng faceless image na nasa frame ay nakasulat ang physical attributes ng kanyang so-called destined one according sa hula sa kanya ng famous fortuneteller—si Madam Aurea Budhacelli. May mini-altar set up sa paligid ng frame. May isang scented candle na nakalagay sa glass holder sa kaliwa at may incense holder naman sa kanan. May maliit na flower vase din ito na katabi na pinapalitan niya ng bulaklak araw-araw. Yellow tulips ang palagi niyang inilalagay roon. Ang altar na iyon ay hindi para alalahanin ang isang taong pumanaw bagkus ay para mag-alay sa universe ng panalangin para matagpuan na niya ang kanyang destined one.
Tatlong taon na ang nakaraan nang una niyang ilagay ang mini-altar na iyon sa kanyang opisina sa Arella Meat Market Corporation, ang kompanyang pinamumunuan niya bilang CEO.
“Oh, my love, my darling! I’m hunger for your touch—wait! Parang kanta na iyon, ah.” Napatawa siya sa sariling hirit. Kinuha niya ang isang lighter sa drawer at sinindihan niya ang kandila. Kumuha siya ng tatlong incense stick at sinindihan din iyon kasabay ng naglalagablab na panalangin na sana’y dumating na ang lalaking nakatakda para sa kanya.
Ayon kay Madam Aurea, isang beses lang daw siya makatatagpo ng true love. Isang lalaki lang daw ang dadaan sa buhay niya at ito na ang nakatakdang maging katipan niya habambuhay. Okay lang naman iyon sa kanya. Willing to wait naman siya. Kaso, may twist pala ang hula. May deadline. Kapag ’di daw sila nagkatagpo ng destined one niya bago siya mag-bente-otso ay dead-end na rin ng love life niya. Tatanda na siyang dalaga, bagay na ayaw niyang mangyari. Natatakot siyang tumandang mag-isa. Kaya after niyang mahulaan ng famous manghuhula in town, binuo niya ang mini-altar para mag-alay ng panalangin araw-araw.
Kinuha niya ang frame at hinaplos ang blangkong mukha ng caricature. “Kailan ka kaya magkakaroon ng mukha, Love?” Niyakap niya ang frame at ngumiti. “Ano kayang ginagawa mo ngayon? Are you also thinking about me? Our future?”
Magsisimula na sana siyang mag-day dream nang biglang bumukas ang pinto at pumasok ang kanyang pinsan na si Ciara. She was the Chief Operating Officer of the company.
“Agang-aga, hina-harass mo na naman iyang non-existent jowa mo,” komento ni Ciara sabay upo sa visitor’s chair.
Binitiwan na niya ang frame at maingat na ibinalik iyon sa mini-altar. “Ciara, dalawang buwan na lang, deadline ko na. Paano kung ’di na siya dumating? Ayokong tumandang dalaga!” ungot niya sa pinsan nang makaupo siya sa swivel chair niya.
“Eh, kung bakit ba naman kasi nagpapaniwala ka sa hula ni Madam Aurea? Baka binubudol ka lang ng manghuhulang iyon para maka-discount,” komento nito.
Isa si Madam Aurea sa regular client ng Arella Meat Market Corporation. She owned Celli’s Lechon, isa sa pinakasikat na lechon supplier sa bansa.
“Ciara, you were there when Madam Aurea proved that she’s authentic. ’Di ba, nagkatotoo ang hula niya sa negosyong ito?”
Three years ago, the company was just a small business. Isa lamang itong maliit na slaughterhouse na may maliit na piggery and poultry. By that time, the business was in no good. Nagkaroon ng outbreak ng Foot and Mouth disease sa Region IV. Nakaapekto iyon nang malaki sa negosyo kahit na declared na Foot and Mouth Disease free ang piggery nila. Bumaba pa rin ang sales nila. Nasundan ang problema nang ma-diagnose ang kanyang ina na may malalang sakit sa kidney. Ilang buwan lang matapos noon ay na-stroke naman ang tatay niya. Kaya kahit ’di pa handang mag-takeover ng negosyo, napilitan si Jibelle na pamahalaan ito. The business was already experiencing huge amount of losses. Until, that day came. Personal na pumunta si Madam Aurea sa katayan para um-order ng labinlimang baboy at sampung baka. Nag-insist ang manghuhula na makita si Jibelle dahil tinatawag daw siya ng mga baraha nito. Nagkaroon ng instant fortunetelling session. Sinabi nitong in two years ay uunlad ang negosyo, bagay na imposible sa pananaw ni Jibelle noon dahil alam niyang nalulugi na sila. Pero ang kapalit daw ng pag-unlad ng negosyong ito ay ang kawalan niya ng amor sa pag-ibig. Mataman siyang nakinig sa manghuhula kahit hindi niya sineryoso noong una ang mga sinabi nito tungkol sa negosyo at sa matumal niyang love life.
Until, Madam Aurea said, “Pag-alis ko, darating ang big client na reresolba sa problema mo sa pera, Miss Jibelle.”
At ilang minuto lang nang makaalis ang manghuhula ay dumating ang Purchasing Manager ng Chembrant, isang first-class restaurant sa bansa na hanggang sa mga sandaling iyon ay kliyente pa rin nila. Doon nagsimulang makabangon ang negosyo hanggang sa naging malaking kompanya na ito sa kasalukuyan.
Dahil feeling niya ay naging lucky charm niya ang manghuhula, mula nang araw na iyon ay laging discounted price ang bigay ng company sa mga orders ng Celli’s Lechon.
“Nagkatotoo lahat ng sinabi ni Madam Aurea tungkol sa negosyong ito kaya malamang, totoo rin ang hula niya sa love life ko!” sabi ni Jibelle. “Paano kung ’di ko siya makita for the next few weeks bago ako mag-birthday? Ano’ng gagawin ko?”
“Alam mo, Belle, kontrahin mo na lang ang hula. Marami namang lalaki sa buhay mo. May tatlo na nga, eh,” hirit ni Ciara.
On cue, pumasok sa opisina niya ang tinutukoy nitong tatlo—ang kanyang bodyguard na si Carding, ang kanyang secretary na si Carsing, at ang kanyang driver na si Carling. Humilera ang tatlo sa harap niya. Pinagmasdan niya ang mga ito. They all had the bouncer type of body. Si Carding ang pinakamaskulado. Pati nga siya natatakot sa muscles nito. Si Carling naman, she defined him as macho-guwapito driver, at si Carsing . . . well, kahit ’di ito umamin, alam ni Jibelle ang secret nito. Nagsa-slide ito sa gilid kahit na lalaking-lalaki ang dating nito. Napangiwi siya nang sabay-sabay ngumiti ang tatlo sa kanya and said, “Good morning, Ma’am.”
Kagya’t niyang nilingon ang pinsan. “Never mind,” sabi niya kay Ciara. Binalingan niya ang tatlo. “Handa na ba ang kotse ko?”
“Ma’am, may sira po ang kotse n’yo. Iniwan ko na po sa talyer,” sabi ni Carling.
“So, company car ang gagamitin natin?” Okay lang naman sa kanya iyon.
Sabay na umiling ang tatlo. “Wala pong available na company car, madam,” tugon ni Carsing.
Binalingan niya ang pinsan. “Pahiram na lang ng kotse mo, Ciara.”
“Naku, coding. Hindi puwede.”
“Ah, so ano? Mag-magic carpet na lang ako?”
Kailangan niyang lumuwas ng Maynila para sa follow up checkup niya sa kanyang OB-GYNE. Noong nakaraang buwan ay inoperahan siya para alisin ang ovarian cyst sa kaliwa niyang ovary. She got diagnosed with Endometriosis, a disorder wherein a tissue grew outside the uterus. As of the moment, natanggal na ang tissues na iyon and she’s still under medication.
Ngumisi lang ang tatlo at tumawa si Ciara.
“Try mo nga, Belle, ’tapos ay kumanta ka na rin ng A Whole New World para mas bongga.”
“Kaloka!” Dinampot niya ang kanyang bag at tumayo. “No choice, magba-bus na lang ako. Ikaw na ang bahala rito, Ciara.”
“Samahan ka namin, madam,” sabi Carling.
“’Wag na. Dumito na lang kayo or pumunta kayo sa katayan at tumulong kayo.”
Lumabas na siya ng opisina at lumabas ng compound. Wala naman kaso kung mag-commute siya. Dati naman na niyang ginagawa iyon noong mga panahong wala pa siyang sariling sasakyan.
Agad siyang bumakay ng jeep, sumakay, at bumaba sa Grand Terminal ng Batangas. It was just a few minutes ride from San Jose where her main office was located. Pagkarating doon ay agad siyang pumunta sa hilera ng mga bus at nagtanong sa bus driver ng Celerio Bus, ang bus na palagi niyang sinasakyan mula pa noon kapag lumuluwas siya sa Maynila.
“Kuya, Kamias?” tanong ni Jibelle sa driver ng bus.
“Oo, Ma’am. Sakay na po. Maluwag pa po,” magalang na sambit ng bus driver.
Mala-donya siyang sumakay ng bus in her old-rose wrap-around dress and wedge shoes. Doon siya umupo sa seat na may nakalagay na reserve for PWD, pregnant, and Senior. Kung sakaling may dumating na need umupo sa puwesto niya, lilipat na lang siya.
Ilang minuto lang ay malapit nang mapuno ang bus. Wala namang kaso kay Jibelle ang maghintay. Ang nakatakdang lalaki nga para sa kanya, buong-puso niyang hinihintay, ang pag-alis ng bus pa kaya?
Speaking of her destined one, pinuno na lang niya ng day dreaming moments ang isipan niya kasama ito habang naghihintay sa pag-alis ng bus. Humalumbaba siya sa hamba ng bintana at nagsimulang mag-imagine ng mga sweet scenes kasama ang kanyang destined one na hanggang ngayon ay faceless pa rin. She imagined herself being cradled in his arms. She imagined his sweet smiles, his enchanting voice, his hugs, and his kisses. Pumikit siya at ngumiti habang ini-imagine niyang nasa harapan na niya ito. Wala naman siyang masyadong alam sa looks nito. Basta ang sabi ni Madam Aurea, sa araw ng kanilang pagtatagpo, ito ay nakasuot ng asul na polo at brown na sapatos. Pink ang kulang ng face towel nito. Aabutan siya nito ng isang pulang rosas. Ang lalaki ay guwapo, may nunal sa hinliliit ng kanang kamay, left-handed, at may distinctive nunal sa tatlong bahagi ng katawan: left chest, right angle ng batok, at sa . . .doon sa dako pababa na puwedeng makagawa ng bata. December ang birthday nito at Sagittarius ang Zodiac sign. Ang lalaki raw ay may kinda banal na pangalan at ang trabaho ay may kinalaman sa travel.
Travel? Baka ma-meet ko siya ngayon!
Naramdaman niyang may sumakay ng bus. Naakit siya ng pabangong panlalaki na naamoy niya kaya napamulat siya upang makita kung sino ang lalaking nanligo ng D&G Light Blue Intense perfume na iyon.
Bumungad kay Jibelle ang isang binatang babagong sampa ng bus. Her jaw dropped. Ito na ata ang pinakaguwapong lalaking nakita niya sa tanang buhay niya. The guy had an expressive pair of eyes. His well-toned arm muscles were pretty obvious in his perfectly fit light blue polo. Nakasuot din ito ng blue maong jeans at brown shoes. Her heart skipped. Naalala niya ang signs mula sa hula. Blue polo. Check! Brown shoes. Check! Guwapong lalaki. Amp! Check na check! Siya na ba? Siya na ba ang nakatadhanang maging jowa ko?
Naglakad papasok ng bus ang binata. Saglit na nagtama ang kanilang paningin. Ngumiti ang binata sa kanya bago ito lumagpas sa puwesto niya. Tila slow motion na hinabol niya ito ng tingin at napansin ang pink na face towel na nakasuksok sa back pocket ng pantalon nito. Pink towel! Check! Hindi niya naiwasang mapansin ang magandang hubog ng behind nito. May free sexy butt pa. Wow!
Muling lumingon sa kanya ang binata at ngumiti nang magtama ang kanilang paningin na tila nang-aakit. Kumabog ang puso ni Jibelle. For the first time in forever ay naakit siya nang walang kalaban-laban ng isang estranghero.
Pinagmasdan niya ang bawat kilos ng lalaki. Nagsimula itong magbilang ng laman ng bus. Inalalayan din nito ang bagong sakay na babae na may akay na mga bata bago ito muling bumalik sa pagbibilang. Ito pala ang konduktor ng bus. Aww. A guy with a good heart. But wait, konduktor siya? Trabahong may kinalaman sa travel. Check!
Jibelle felt more excited dahil so far, ilan sa mga signs ay nasa lalaking iyon. She only needed get closer to him to check the other signs.
“OMG! My destined one, I finally found you!” bulong niya sa sarili. Jibelle felt that this was the moment she’s been waiting for! After years, gumalaw na ang baso ng tadhana. Nakita na niya ang matagal na hinahanap.