“TAKE me anywhere you want, Love. I’m all yours.” Parang sirang plakang nagpapaulit-ulit iyon sa isipan ni Jibelle. Hindi pa rin siya maka-get over. Hindi pa rin siya makapaniwala na ang kanyang destined one ay nasa kabilang kuwarto lang . . . probably taking his time under shower. Na-imagine niya kung anong hitsura nito under shower: his six pack abs, his mole on left chest and his—napailing si Jibelle para alisin ang agiw sa utak niya. Hindi niya dapat iniisip kung ano’ng hitsura nito ’pag hubad. ’Wag gano’n! Puro at dalisay ang iyong puso, isip, at kaluluwa, Belle. Huminahon ka. Pero kinontra siya ng sariling imagination. Ah, pero ang sexy niya talaga! Biceps pa lang, crunchy na. Mas yummy pa sa lechon! Paano na lang ’pag nakita ko na nang live