PARANG huminto ang mundo ni Jibelle sa loob ng ilang segundo. Napatitig na lang siya kay Joseph. Hindi niya in-expect na makikita pa niya ang binata. Hindi siya makapaniwala na nasa harap niya ang lalaking sinasabi ng hula na nakalaan sa kanya. Sa sobrang pagkagulat niya, hindi na niya namalayan na dumulas sa kamay niya ang hawak na cell phone at bumagsak sa carpeted na sahig. Those eyes and ears and mouth and nose . . . head, shoulders, knees, and toes! “Madam, ipapupulis namin ito. Biro mo, madam, hinahanap ka. ’Tapos ang pakilala niya, boyfriend mo raw siya.” Ang sinabi ni Carsing ang nagpabalik huwisyo ni Jibelle. Tiningnan niya ito nang masama. “Bakit parang ’di ka makapaniwala? Mukha ba akong imposibleng magka-jowa?” Sakalin ko ’tong closetang baklang ’to! “Eh, ’di ba, mada