“JUDE Sebastian, nasaang planeta ka bang bata ka?! May kalokohan ka na namang ginagawa, ano?” Napangiwi si Jude sa ibinungad ng kanyang ina nang sagutin niya ang tawag nito. Ilang araw pa lang siyang hindi umuuwi sa bahay nila, nagwawala na ang nanay niya. “’Ma, ’di ba sinabi ko, I’m out of town for something,” tugon niya habang nasa nire-review na financial statements ang kanyang paningin. Nakabalik na sila ni Jibelle sa Batangas. Nasa opisina ang huli at siya naman ay sinamantala ang pagiging mag-isa sa bahay para makapagtrabaho. “Something? Ano’ng something naman iyan? Nitong mga nakaraang linggo, palagi kang nawawala. Ni hindi masabi ni Nova ang whereabouts mo. Anak, ano ba iyang pinaggagawa mo lately?” He sighed. “