“GOOD morning, abs! May pahubad talaga sa umaga. Bongga!” natutulang hirit ni Jibelle nang makita niyang naghubad ng sando si Jude habang naglalakad ito pabalik sa bahay nila. Galing ito sa morning jog. Hindi muna siya tumatakbo mula nang nagpa-insemination siya. Hindi naman iyon bawal pero nanigurado na lang din siya. Kaya mula nang araw na iyon, mag-isa na lang muna na nagdya-jogging si Jude. Two days niya itong hindi nakasama dahil lumuwas ito sa Manila. At kababalik lang nito nang nakaraang gabi. Mula sa kanyang puwesto sa balkonahe ng kuwarto niya ay tanaw niya ito . . . tanaw na tanaw niya ang magandang porma ng abs nito. May nunal nga kaya siya sa dibdib? Saka lang niya naalala ang ilan sa mga signs ng hula sa kanya na hindi pa niya nauungkat kay Jude. Hu