Chapter 8

3013 Words
“I WANT all the necessary reports for the expansion project ready by Monday,” utos ni Jibelle. Kasalukuyan siyang nasa kalagitnaan ng manager’s meeting.  Pinaplano na nilang magdagdag ng poultry at piggery facilities. May limang ektarya pa’ng bakante sa compound ng AMMC at doon nila balak itayo ang mga bagong kulungan ng baboy at manok.  Bumaling siya sa HR Manager. “Miss Recio, are you able to find a new resident veterinarian?”             “Yes, madam,” tugon ng HR Manager. “Anak po siya ng dating visiting veterinarian natin.”             “Oh, that’s even better.” Pinasadahan niya ang report na hawak mula sa HR department regarding sa pagdaragdag ng empleyado. “Ganito karaming empleyado talaga ang kailangan?” The report stated that the company needs to add more than fifty employees to be able to pursue the expansion.             “Yes, madam. There’s a plantilla analysis included in my report.”              Binuklat niya ang next page ng report nito and saw ang the data analysis pagkatapos ay binalingan niya ang Financial Manager ng kompanya. “Ah, Miss Fuenaventura, kindly coordinate with Miss Recio regarding this plantilla analysis and send me a projected cost analysis. I also need it by Monday.”             Tumango ang kinausap niya. “Noted, madam.”             “Any more questions or concerns?” tanong niya.             Nagtaas ng kamay si Ciara. “Ano’ng pinaglalaban ng carnation pink off shoulder corporate dress mo, madam?” nakangising tanong nito.             Tumawa siya sampu ng mga ka-meeting niya. Kanina pa kasing napapag-trip-an ang suot niya. It’s either niloloko siyang a-attend ng binyagan o kaya naman ay dadalo sa kasal.  Isinuot lang niya iyon dahil may ka-meeting siyang poging Chinese kanina na prospect client ng company.  Ang sabi ng kaibigan niyang expert sa Feng Shui, carnation pink ang suwerteng isuot ’pag nakipag-meeting siya sa Chinese client na iyon. Nagkatotoo naman dahil nakapag-close siya ng magandang deal sa Chinito client na ito na may sampung restaurant sa Chinatown.             “Iyong maganda kong collarbone ang pinaglalaban ko,” tumatawang tugon niya. “Ano ba? A-attend ako ng kasal mamaya. Ninang ako nina Sergio at Marimar.” Ang tinutukoy niya ay ang dalawang baka na nakatakdang isalang sa mating process sa araw na iyon. “Ano, sama kayo?”             Napuno ng tawanan ang buong conference.               “Okay, it seems that you don’t have any additional concerns. I’ll expect all your reports on my table and in my email by Monday. Our meeting is adjourned. Happy weekend,” anunsyo niya.             Ilang minuto ang lumipas ay naiwan na si Jibelle mag-isa sa conference room. She grabbed her cell phone and texted Carsing. Pinahanda niya ang kotse at ibinilin ang dapat ibilin bago siya umalis. Few seconds more, dumating si Carding para sunduin siya.             “Natanggap ko iyong report mo tungkol doon sa lalaki kamo na madalas tumatambay sa waiting shed sa labas,” bungad niya rito. They started to walk out of the building. As usual nasa labas na ng lobby ang kotse.             “Oo, madam. Mga two to three times a week, naroon siya. Eh, napansin ko kasi, madalas siyang nakatingin sa balkonahe ng bahay mo,” tugon ni Carding. Nasa tabi ng office building ang kanyang bahay sa loob din ng AMMC compound. Minsan na niyang napansin ang sinasabi nitong lalaki. Hindi naman niya maaninag ang mukha ng lalaki mula sa balkonahe ng bahay niya.             Sumakay na sila sa kotse. Agad na nagmaneho si Carling. Alam na nito kung saan sila pupunta. “Nakatambay lang doon?” tanong muli ni Jibelle kay Carding.             Tumango si Carding. “May sumusundo sa kanya na van kaya naisip ko rin na baka ginawa lang pick-up point ang waiting shed at nagkataon lang trip tingnan ng lalaki iyong balkonahe n’yo.”             “Baka nga gano’n lang. Ano’ng itsura ng van? May tatak ba ng kompanya?”             “Wala, eh. Puting van lang.”             “Okay, sige, manmanan mo pa rin. Mahirap na at baka tinitiktikan tayo ng mga magnanakaw.”             He nodded. “Yes, madam.”             “Carling, ibaba mo na ako riyan sa kanto,” utos niya sa driver.             “Sigurado po kayo, Ma’am? Puwede naman pong sa tapat na lang ng building kung saan kayo pupunta. Mainit, madam. Wala kang payong,” litanya ni Carling ang kotse sa gilid ng kalsada.             “Yes, I’m sure. ’Wag mo na rin akong samahan, Carding.” Dumukot si Jibelle ng Five Hundred Pesos at ibinigay iyon dito. “May Kofi Cups and Sweets doon sa kanto. Doon muna kayo.”             “Pero—”             Hindi na naituloy ni Carding ang pag-apila nito nang mabilis siyang umibis ng sasakyan at dire-diretsong naglakad papunta sa opisina ng Strings of Fate Dating Agency.             Sumuko na siyang umasa kay Joseph. Matapos nitong magpadala ng bulaklak, akala niya ay magkaka-connection na sila sa wakas. Ngunit nagkamali siya. She sent him a message sa Pinder. Nagpasalamat siya sa bulaklak na ipinadala nito pero lumipas ang walong oras ay wala siyang natanggap na reply mula rito. She gave up.              Earlier that day, nakipag-usap siya sa kanyang doctor at sinabi na niyang desidido na siyang magpapa-artificial insemination siya. Ang sunod niyang naging hakbang ay humanap ng lalaking papayag na maging instant asawa niya at tatanggap sa magiging anak niya once na maging successful ang artificial insemination. Hindi kasi maganda sa image niya kung malalaman ng mga empleyado niya at ng clients na nabuntis siya nang walang karelasyon. Ayaw niya ng ganoong tsismis. At the same time, ayaw na rin niyang mag-alala pa ang kanyang ama’t ina. She wanted to assure her parents that she’s okay and happy with the man she chose to be the father of her future baby.             Alam niyang walang sekreto na ’di nabubunyag pero wala nang nakapigil sa kanyang desisyon. Sinubukan niyang maghanap ng lalaki sa Pinder, an hour before her meeting a while ago. Pero habang naghahanap siya ng lalaki sa dating app na iyon, na-realize niyang walang lalaking papatol sa gusto niya. Sapilitan at mabilisang relasyon kasi iyon. Sakto namang nag-appear ang online ads ng Strings of Fate Dating Agency sa app. Nagkaroon siya ng bagong idea at iyon ang pakay niya sa pagbisita niya sa Batangas branch ng dating agency.             “Hi, good afternoon,” bungad niya nang makapasok siya sa loob ng opisina ng Strings of Fate Dating Agency.             Naabutan niya roon ang isang lalaking biniyayaan ng mapang-akit na mukha. Kulang ang salitang guwapo para i-describe ang makinis nitong mukha, ang perfectly pointed nose nito, ang expressive eyes nito, at ang red lips nito. Matipuno ang pangangatawan nito. He looked a bit older than her age though. Sa palagay ni Jibelle ay nasa forties na ang binata. Tuluyan na sana siyang hahanga sa pagka-yummy nito nang bigla itong naglabas ng fuchsia pink na feather pen at winasiwas pa nito iyon sa ere na parang magic wand bago ito nakangiting bumaling sa kanya.             “Yes, madam! Ano’ng maipaglilingkod ng mala-dyosa kong beauty sa ’yo?” Napangiwi si Jibelle na ikinatawa naman nito. “Natanso ka ba ng beauty ko? Pasensiya ka na, madam. Ang beauty ko kasi, flexible. Minsan guwapo, madalas maganda.” Itinuro nito ang bakanteng visitor’s chair sa tapat ng mesa nito gamit ang kamay na may hawak na pink feather pen. “Have a seat.”             “Thank you.” Bumuntonghininga siya.             “I am Facundo Yu. You can also call me, Fac,” pagpapakilala nito.             “Fac Yu?” Napangiwi siya. Ang bastos pakinggan, bakla!             Tumawa ito. “Give a little pause in between at baka akalain ng mga makaririnig, minumura mo lang ako. So, what can I do for you?”              Ibinigay niya rito ang kanyang business card. “I am Jibelle Arella. Hindi na ako magpapaligoy-ligoy. Kailangan ko ng lalaking magpapanggap na asawa ko at ama ng magiging anak ko,” magiliw na sambit niya.              Binasa nito ang card na ibinigay niya bago ito muling bumaling sa kanya. “Straight forward.” Humalukipkip ito. One of his hands was still holding the pink feather ballpen. “I have something to ask. Bakit mo kailangang mag-hire ng lalaki?”             Mula sa bag ay inilabas ni Jibelle ang copy ng kanyang medical certificate at ikinuwento kay Fac ang dahil kung bakit niya kinailangang magpa-artificial insemination. Mataman namang nakinig sa kuwento niya ang huli. May mga tinanong pa ito tungkol sa health condition niya at kung ano-ano pa na sinagot naman niya lahat.              “Ayaw mo bang mag-jowa na lang? At least makabubuo ka ng tunay na pamilya with that.”             “Believe me I tried to find a guy. Ginawa ko na iyan.” Bahagya siyang nalungkot dahil sumagi rin naman iyon sa isip niya. “Pero limited ang oras ko. I need to get pregnant as soon as possible. Ilang buwan lang ang grace period sabi ng doctor ko at ilang buwan na lang din ang natitira sa akin. Sino’ng siraulong lalaki ang papayag agad-agad sa ganitong responsibilidad? Wala, ’di ba? That’s why I ended here. I was hoping that this dating agency can solve my problem.” She intently looked at him. “Now, do you offer such kind of service here?  Can you provide a guy who can pretend to be my husband?”              “Well, Strings of Fate Dating Agency doesn’t offer that kind of service.”             Ang dami mong tanong. Ang dami mong inusisa sa buhay ko tapos wala pala akong mapapala?!  Sa halip na sabihin iyon ay ngumiti na lang siya. “Gano’n ba?” Nasaan ba ang balisong ko? Saksak ko lang sa baklang ’to!  “Okay, thank you for your time,” dismayadong hirit niya.             She was about to stand up nang magsalita itong muli.             “Strings of Fate doesn’t but RnJ Services does,” makahulugang sambit nito.             “RnJ Services?” tanong niya. “I can hire a guy there?”             He nodded. “You can hire a husband indeed, just as perfect as what you need.”             Mataman niyang tinitigan ito. “Talaga? Makakukuha ako ng lalaking kayang magpanggap na asawa ko?” tanong niya.              “Check!”  Agent Fac even gestured an invisible check symbol in the air using his fuchsia pink feather pen. “Just let me know what you want. You can have it.”             “Lalaking puwedeng magpanggap na mahal ako sa harap ng maraming tao?”             “Naman! Check na check. It’s actually the main service.”             Nagsisimula na siyang maging interesado sa RnJ Services na iyon.             “Lalaking kaya ring mag-alaga ng buntis?”             “Check!”             “Lalaking puwedeng magparanas sa akin ng kilig at ng wedding proposal kahit fake lang?”             “Check!”             “Guwapo, sexy, may abs?”             “Amp na amp! Pak na pak! Check na check! Even more than that!” hirit ni Fac na may kasama pang kagat-labi.             “Weh? Makukuha ko talaga lahat ng iyan sa iisang lalaki from RnJ Services?”              Fac nodded. “Yes. But the question is, are you willing to pay? May kamahalan ang presyo. But rest assured, you’ll get what you paid for.”              “Money is not a problem here,” mayabang na sagot niya then she grinned. “Now tell me, how can I avail that service?”             “Perfect! Doon tayo sa RnJ Services office mag-usap. Follow my beauty!” Ngumisi ang bakla bago ito tumayo at pakembot-kembot na naglakad papasok sa isang pinto. Sumunod lang siya rito. *** EXCITED na sumakay sa kanyang kotse si Jude.  He was about to be deployed on his third and probably his last contract as RnJ’s husband for hire.  Pagkatapos niyang makuha ang unang client sa nakalipas na Adonis Gala, agad din iyong nasundan ng pangalawang kontrata na tumagal ng limang araw. Dalawang araw lang ang lumipas at tinawagan na siya ni Agent Fac Yu para sa kanyang sunod na contract. Ngunit dahil naging abala naman siya na negosyo nitong mga nakaraang araw, hindi na siya nakapunta sa RnJ para sa endorsement. Pinakiusapan na lang niya si Agent Fac Yu na mag-endorse na lamang sa unang araw ng deployment niya. Sinabi lang nito ahead of time na six months ang term ng huli niyang contract at sa Batangas ang deployment niya.             Pagkasakay niya ng kotse niyang nasa reserved parking space sa labas ng opisina niya ay biglang may sumakay sa backseat ng kotse. It was Agent Fac Yu. Ang hindi lang niya inasahan ay may isa pang sumakay naman sa passenger seat— si La Diva.             “Hi, my darlin’ Jude!”  Agad lumingkis sa braso niya si La Diva. “Na-miss kita!”             Napangiwi siya. “We were at the same party last night,” sambit niya. He got invited by Ricardo last night. It was a birthday party of Johnny and La Diva was also there.  Binalingan  niya si Fac Yu. “Bakit isinama mo pa ito?”             Tinawanan siya ng baklang agent. “May ibabalik lang daw siya sa ’yo.”             “Yes, darlin’ Jude.” May inilabas itong men’s underwear mula sa bag na dala.  “I think you left this Speedo in my room—”             “Hindi sa akin iyan! I don’t wear Speedo!” he said in high tone.             “Ay, hindi pala sa ’yo. Eh, kanino ito?” dismayadong tanong ni La Diva nang biglang mag-ring ang cell phone nito na agad nitong sinagot. “Yes, Council JC. Brief mo iyong nasa kuwarto ko? Speedo?” Napatingin ito sa hawak na underwear. “Eeew!”                        Naiiling na binalingan na lang ni Jude si Fac habang naging abala na si La Diva sa pakikipag-away sa kausap. “Endorsements, please?”              Iniabot ni Fac ang isang folder. “The client’s copy of contract.” Nag-abot uli ito ng isa pang folder.  “Client’s profile and list of tasks needed for this contract. Nasa folder na rin ang papel na pinagsulatan ko ng exact address na pupuntahan mo sa Batangas.” And finally, isang flash drive ang ibinigay nito. “Nariyan ang audio endorsement.”              “Thank you! Pakikinggan ko na lang ito habang nasa byahe.”              “We’ll go ahead. Happy deployment, fafa!” Nag-flying kiss pa ito sa kanya bago nito hinila ang buhok ni La Diva. “Bruha, sa opisina mo na lang awayin si Council JC. Kaloka ka! Tara na!” Pagkasabi noon ay lumabas na ng kotse si Agent Fac.             Nasa tainga pa rin ni La Diva ang cell phone nito at inaaway pa rin si Council JC dahil sa brief ng huli nang kurutin nito ang pisngi niya sabay pout ng lips bago lumabas ng kotse.              He started the engine and drove the car going south. Habang nasa byahe ay pinakikinggan niya ang endorsement ng tasks para sa bago niyang client. Dahil anim na buwan ang contract, expected na niya na mas maraming task ang kaakibat ng kontrata. Napatapak lang siya sa preno nang marinig niya ang pangalan ng kliyente— Jibelle Arella.  Agad niyang itinabi ang kotse sa gilid ng kalsada at binuklat ang client profile folder.              Confirmed. Destiny connected him and this woman again.  How lucky you are today, Jude? Very lucky indeed.              Makalipas ang isa’t kalahating oras ay nakarating na siya sa labas ng Arella Meat Market Corporation. This is it! Bago lumabas ng kotse ay nagpaligo muna siya ng pabango. He only carried his cell phone and car keys. Agad niyang nilapitan ang guard.             “Sir, I’m here for Miss Jibelle Arella,” sabi niya.             Kunot-noong tiningnan siya ng guwardya. “May appointment, sir?”             Umiling siya. According to Agent Fac, nagpadala naman ito ng mensahe sa client na ngayon ang dating niya pero hindi raw nag-reply si Jibelle.             “Ano’ng kailangan mo, sir kay Ma’am Jibelle? Hindi kasi kita puwedeng papasukin kung wala kang appointment.”             Napangisi niya. “I’m her boyfriend. I’m here to surprise her.”             Nagdududang hinagip ng guwardiya ang radio at may tinawag na dalawang tao. “Sumunod ka sa akin, sir,” sambit ng guard.             Just a snap, he found himself na ine-escort-an ng dalawang tao habang nakasunod sa guard na kausap niya kanina hanggang sa makarating sila sa tapat ng isang double door na may signage na Office of the CEO.             Pumasok sila roon at bumungad ang isang lalaking nakaupo sa isang working table na may mga file drawer sa likod. Perhaps, he was Jibelle’s secretary. May ibinulong ang guwardiya rito at saka siya binalingan.             “Boyfriend ka kamo ni Madam Jibelle?” tanong ng secretary.             “Yes, I am,” sagot niya.             Bumaling ito sa dalawang guwardiyang nasa tabi niya. “Sige, i-hold n’yo sa security office iyan at tatawag lang ako ng pulis.”             “Pulis?” kunot-noong tanong niya. The heck! Are you all crazy?             “Pasensiya ka na, sir. Namumukhaan kita, eh.  Ikaw iyong palaging nakadungaw sa balkonahe ni Madam nitong mga nakaraang linggo. May balak kang masama sa amo namin,” sabi ng isa sa guwardiya.              “What?! Wala akong balak na masama sa kanya!” apila niya nang hawakan na siya ng dalawang katabing guwardiya sa magkabilang braso at ready nang kaladkarin siya palabas.              “At pinaglololoko mo kami, brad. Boyfriend ka ni Madam? Manliligaw nga, wala iyon, eh! Boyfriend pa kaya? Sige. Dalhin n’yo na iyan!” dagdag pa ng secretary.             “Wait!—”             Natigilan silang lahat nang pabalandrang bumukas ang nag-iisang pinto roon. Lumabas mula roon si Jibelle wearing a black pencil-cut skirt and a cream-colored chiffon long sleeved blouse, matched with a pair of stiletto heels. She was holding a cell phone on her right hand and stood few steps away from the door.               “Ano ba’ng ingay n’yo riyan? Hindi ako makapagtrabaho! Para kayong nasa palengke!” bulyaw nito. Natigilan ito nang magtama ang kanilang mga mata. “You . . .” tanging nasambit nito habang tila namatandang nakatitig sa kanya.             Ginawaran niya ito ng matamis na ngiti. Tutal naman, alam niyang una niyang na-capture ang atensyon nito sa mapang-akit niyang ngiti. “Hi, Love. Surprise!”             “OMG!” Literal na napanganga si Jibelle kasabay ng pagbagsak ng hawak nitong cell phone sa carpeted na sahig.             Ah, you look so cute that way, Jibelle.   
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD