ISA-ISANG binasa ni Jude ang nasa checklist na ginawa niya. “Flowers, proposal lines, engagement ring. Wala pa nga palang engagement ring.” Natigilan siya at napakunot ang noo. “The hell! Why am I taking this wedding proposal seriously?” Binitiwan na na niya ang papel kung saan nakasulat ang checklist niya. It would be a fake proposal and soon a fake wedding. Hindi niya iyon dapat seryosohin. Lumabas siya ng kuwarto niya. Araw ng Sabado at dahil may online meeting siya, nagpaalam siya kay Jibelle na sa kuwarto muna siya. Still, same palusot ang gamit niya: may online class siya. Pagbaba niya sa sala ay wala ito roon. Pumunta siya sa kusina at narinig niya ang tawanan ang kuwentuhan ng ilang tao mula sa likod-bahay. Mula sa kitchen door ay lumabas