“GOOD morning, Jibelle!” Napalingon siya sa pintuan ng kusina. “Good morning, Tita Sena! Ang aga n’yo po, ah. Pasok po kayo,” pagbati niya sa nanay ni Carling. Araw ng Linggo at naka-schedule itong maglaba. “Inagahan ko na at may pupuntahan pa ako mamaya. Aangkat ako ng mga tinahi ni Mareng Coring: iyong mga damit pambahay na terno at daster. Ilalako ko.” “Aba, bongga po iyan.” Hinango niya ang sinangag mula sa kawali at inihain iyon sa mesa. “Daan po kayo rito ’pag nakuha n’yo na ang mga damit. Titingin po ako at baka may magustuhan ko. Baka may kabog katulad nitong suot ko. Sa inyo ko rin ito binili.” Nakasuot siya ng white floral spaghetti-strapped cotton dress na pambahay. Hindi siya maarte sa damit. Madalas na local-made ang mga suot niya. Though, sa