“JIBELLE, ano’ng mga pagkain ang gusto mong kainin while watching a movie?” tanong ni Jude. Agad-agad ay nagplano siya ng date nang sabihin nitong gusto nitong manood ng movie. Good thing, he had a lot of dating ideas. Do’n naman siya expert: magpasaya ng babae in different ways. Kasalukuyan silang lulan ng kanyang kotse at tinatahak nila ang STAR Tollway. Papunta silang Tagaytay. “Mga usual street foods like kikiam, kwek-kwek, fish balls, squid balls, at saka fries, nuggets and anything related to those. Parang bata lang ano? Dinadahilan ko lang talaga ang panonood ng movies para makakain ng very unhealthy food. Na-deprive kasi akong kumain ng mga iyon no’ng bata pa ako.” “Bakit? Mura lang naman ang fish balls.” “Oo nga. Pero practi